Chapter 23: Outing Part 2

Akin Ka Na Lang
Please Subscribe to read the full chapter

“G na tayo?” Tanong ko kay Ryujin after namin magligpit at magpatunaw ng kinain. Nakatambay kami dito sa entertainment area ngayon, at si Chaehyun ‘yung kumakanta. Singer rin pala ‘to. Ang ganda ng boses niya. Ang soothing lang pakinggan. Nag-bibilyar naman sila Chaeryeong at Yujin kasama ‘yung boys na nagtuturo sa kanila.

 

“Sama daw si Yeji. Nagbihis lang muna siya sa taas. Okay lang ba?”

 

“Okay lang. Sasama rin sila Somi at Karina eh.” Parang na-surprise si RJ sa sinabi ko dahil biglang tumaas ang kilay niya. “Bakit?”

 

“Wala lang… Tawagin ko na si Yeji sa taas.”

 

“Okay. Diretso na kayo sa sasakyan. Dun na namin kayo hintayin.” Tinanguan ako ni Ryujin bago siya pumasok sa main house. Sinenyasan ko naman na ‘yung dalawa pa naming kasama na aalis na, at tumayo sila agad.

 

Ang tense ng atmosphere habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Hindi ko na ma-take kaya nagsalita na lang ako.

 

“Wait lang daw natin sila RJ kasi sasama na rin si Yeji.” Tumango lang si Karina at nag-hum naman si Somi.

 

Binuksan ko na ‘yung sasakyan para makapagpainit na rin ng makina habang hinihintay namin ‘yung mag-jowa.

 

Magsasalita dapat ako para sabihan si Karina na siya ‘yung umupo sa harap ngayon pero dahil nga nakagawian na kapag kasama ko si Somi, siya na ‘yung dumiretso sa upuan sa tabi ko. Hindi ko na tuloy nasabi dahil nakapwesto na si Somi. Masyado naman akong mahahalata kung pababain ko pa si Somi at palipatin sa likod diba? 

 

Hay sayang naman ang chance. Dapat pala chinika ko na kay Somi na crush ko si Karina, at baka tinulungan pa ko nito.

 

Nakatingin naman si Karina kay Somi nung binuksan niya ‘yung pinto sa likod, at hindi ko alam kung paano idedescribe ‘yung expression ni Karina dahil wala. Ang expressionless niya.

 

May nangyari ba na hindi ko alam? Dati nag-uusap naman sila kahit small talks lang. Bakit parang may iba ngayon?

 

Buti na lang mabilis bumaba sila RJ at Yeji, at nasalba ako sa awkward situation na ‘to. Bilang introvert din kasi, hindi ko alam paano mag-mediate sa mga ganitong sitwasyon. Wala akong idea kung paano i-open ‘yung topic sa kanila. Since close naman ako sa kanila pareho, maghihintay na lang ako na may magsabi sakin kung ano ‘yung problema. Kung meron man.

 

Habang nagda-drive ako, napansin ko sa rear view mirror na gumagalaw-galaw ‘yung ulo ni Yeji tapos kinukunutan naman siya ng noo ni Karina. At si RJ, confused lang na nanonood sa kanila. Naguguluhan na rin ako sa happenings.

 

Hindi ko na ma-take ‘yung katahimikan kaya sinabayan ko na lang ‘yung music na nagplaplay. Medyo ma-traffic pa naman papunta sa Mernels dahil doon kami sa branch sa labas ng UPLB pupunta. Ayun kasi ‘yung pinakamalapit samin. 

 

“Winter, I just remembered,” finally may nagsalita na.

 

“Ano ‘yun?” Tanong ko kay Karina.

 

“‘Yung store ba na pupuntahan natin ‘yung may chocolate cake that you were talking about before?” Ang talas naman ng memory ni Karina. Naaalala niya pala mga random na bagay na pinagsasabi ko sa kanya kapag nagrereview kami? “The one your family likes? I just got reminded because you said you can only buy it in Laguna.”

 

“Naalala mo pala ‘yun.” Tamang tago lang ng kilig. Sino bang hindi kikiligin kung naaalala ng crush mo ‘yung mga ganito kaliit na bagay. “Pero yep. Dun nga. Sa Mernels.” Napansin ko naman pagtingin ko sa salamin na ang laki ng smile ni Yeji. Ang weird talaga ng mga tao sa paligid ko ngayon ah. Ano kayang nginingiti-ngiti niya?

 

“Ay, naaalala ko nga ‘yung cake na ‘yun,” malakas na sabi ni Somi at napa-straight siya ng upo sa upuan niya. “Nag-birthday cake ka nun dati, diba? ‘Yung galing sa LB sila tito and tita tapos aside sa cake, may inuwi rin silang chocolate milk.”

 

Naka-Memo Plus Gold ba lahat ngayon? Grabe ‘yung memory nila ah. Pero oo natatandaan ko rin ‘yung birthday ko na ‘yun. Paano ba namang hindi eh nagtae ako kinabukasan dahil nasobrahan ako sa chocolate.

 

“Oo same nga ‘yung cake na ‘yun. Nung birthday ko nung grade 5 tayo.”

 

“Masarap nga ‘yung chocolate cake na ‘yun.”

 

Narinig ko naman ‘yung mahinang tawa ni RJ sa likod, at pagtingin ko sa salamin, nakita kong hinampas ni Yeji sa braso ‘yung pinsan ko. Nakatulala naman si Karina sa bintana.

 

“Anong meron?” Tanong ko sa magjowa.

 

“Wala. Si Yeji kasi,” sagot ni RJ. Grabe. Ilang buwan na honeymoon phase pa rin yata sila.



 

“Baba na lang kayo. Ikot na lang muna ako sa UPLB. Tawag ka na lang pag pwede ko na kayo sunduin ulit dito,” sabi ko sa mga kasama ko.

 

Nakarating na kasi kami dito ngayon sa Mernels pero wala naman akong mapapagparadahan kaya ayan na lang sinuggest ko na gawin namin.

 

“Sige. Tawagan na lang kita,” sagot sakin ni RJ, at tumango lang ako.

 

“Hindi na lang ako bababa. Samahan ko na lang si Winter,” sabi ng katabi ko.

 

“Sure ka? Okay lang naman ako.”

 

“Yeah. Para makapag-ikot-ikot rin ako dito. First time ko dito.” Tumango na lang ako, at tumingin na sa likod para sabihan sila na pwede na silang bumaba. Napansin ko naman na marahang siniko ni Yeji si Karina.

 

“Uhm, ano. I’ll come with you na lang, Winter,” nauutal na sambit ni Karina. “So that Yeji can call me instead, and you can focus on the road. Yeah.”

 

“Okay, sige.” Sino ba naman ako para tumanggi sa isang Karina?

 

Nagpaalam na samin at bumaba na ‘yung magjowa. Napaisip ako bigla kung good call ba na tatlo kaming magkakasama ngayon dahil nga napapansin kong parang hindi okay ‘tong dalawa. Pero mukhang okay naman? Tahimik lang naman kami.

 

“You seem to know this place really well,” Karina broke the silence.

 

“Dito kasi nag-1st year si tita bago siya nag-transfer sa Diliman, at tumira si tita dito for a while noong bata siya. Diba, Win?” Parang naging spokesperson ko pa si Somi, pero tama siya. Hindi ko matandaan na nakwento ko ‘yun sa kanya.

 

“Oo. Paano mo nalaman ‘yun? Nabanggit ko ba dati?” Onti lang naman kasi nakakaalam ng mga ganitong details ng buhay ko.

 

“Nope. Pero nakwento lang sakin ni tita one time dun sa inyo.” Ah makes sense. May pagka-madaldal minsan si mama sa mga kaibigan ko. Pati mga nakakahiyang childhood stories ko nga eh chinichika niya sa kanila.

 

Nanahimik na si Karina at hindi na siya sumagot kaya sinilip ko siya sa may salamin, at nakatingin lang siya sa labas habang naka-cross arms. Focus sa kalye, Winter. Bawal ka pang mamatay. Mas mahabang buhay, mas maraming oras para titigan si Karina.

 

“First time mo ba dito sa UPLB, Karina?” Pag-try kong mag-initiate ng conversation. Baka kasi naiilang si Karina dahil mag-isa lang siya sa likod ngayon.

 

“Yeah,” sagot niya without taking her eyes off the window.

 

“Gusto niyo bang bumaba kahit saglit? Take lang ng pictures for remembrance.” Medyo ayoko lang talaga na ma-stuck kami sa cramped space na ‘to at baka bumalik na naman ‘yung tension. Wala akong pambayad kapag nabasag 'yung mga salamin ng sasakyan ni ate Taeyeon.

 

“Gusto ko!” Excited na sagot ni Somi.

 

“Sure. Okay lang naman with me,” less energetic ‘yung sagot ni Karina.

 

After namin makapaghanap ng mapagpaparkan, bumaba na kami para mag-mini tour. Dito lang rin kami sa may medyo bungad para mabilis naming mabalikan sila RJ and Yeji. Mahaba siguro ‘yung pila kasi parang ang tagal nila.

 

Sabay kaming naglalakad ni Somi, at napansin kong parang masyadong nahuhuli si Karina.

 

“Wait,” sabi ko sa kasabay ko at tumalikod ako. Nakita kong may tinatype sa phone si Karina.

 

“Karina? Sila Yeji na ba ‘yan?” Naisip ko lang na baka nag-text na sa kanya ‘yung isa at magpapasundo na. Nag-hesitate si Karina bago sumagot.

 

“Uhm, no. It’s Gigi,” naka-catch up na samin ni Somi si Karina. Tumango na lang ako.

 

“Wala tayo masyadong time. Diyan na lang kayo sa UP Los Baños sign mag-picture,” ngumuso ako dun sa sign na nasa may entrance.

 

“Ako na lang mag-take ng pictures niyo. Ilang beses na rin ako nakapagpa-pic dito eh.” Taon-taon ba naman kaming pamilya pumupunta dito pero ‘yung nanay kong adik sa picture, lagi kaming pinipicturan dito. Labag na nga sa loob palagi ni ate Seulgi.

 

“Win, picture nga rin tayo dito. Dagdag ko lang sa pambati ko sayo sa birthday mo,” natatawa akong lumapit kay Somi. “Karina, do you mind?” Favor ni Somi sa isa pa naming kasama. May awkward silence bago sumagot si Karina at kinuha ‘yung phone ni Somi.

 

“Sure.” Lumayo nang onti samin si Karina para kuhanan na kami ng litrato. “1, 2, 3, smile.” Ngumiti ako pero biglang pinisil ni Somi ‘yung pisngi ko tapos tinawanan pa ako.

 

“Baliw ka.” Hinampas ko siya sa braso.

 

“Here,” iba ‘yung tono ng boses ni Karina pagkabalik niya ng phone ni Somi.

 

“Thank you.”

 

Gusto ko rin magpa-picture kay Karina pero nahihiya ako. Ngayon ko lang kasi na-realize na kahit lagi kaming magkasama, wala pa kaming pictures together. May allergy kasi ako sa camera. Okay lang naman siguro kung yayain ko siya mag-picture diba? Hindi naman siguro masyadong obvious ‘yun.

 

“Somi, okay lang picturan mo kami ni Karina?” Bulong ko sa kaibigan ko habang inaabot ko phone ko sa kanya. Tinignan muna ako ni Somi nang ilang segundo bago niya kinuha ‘yung phone ko. Ikwekwento ko na siguro sa kanya kapag nag-usap kaming dalawa. Masyadong risky kung sabihin ko agad dito habang kasama namin si Karina.

 

“Karina, picture din tayo. Okay lang ba sayo?” Napahawak pa ako sa leeg ko dahil sa hiya. “Wala pa kasi tayong picture na magkasama. Ganun. Pambati lang rin sa birthday ba.” Mabilis kong pagpapaliwanag.

 

“Yeah. Okay,” dumikit naman kaagad sakin si Karina, at ang masasabi ko lang naman eh na-miss ko maging ganito ka-close sa kanya. Ramdam na ramdam ko ‘yung one-sided sparks.

 

“Okay, 1, 2, 3.” Hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Minsan lang naman ‘to. Kapag naka-move on na ako at binalikan ko ‘tong picture na ‘to, matatawa na lang siguro ako.

 

Inakbayan ko siya, at lalo yatang lumawak ‘yung ngiti ko para sa picture dahil nilagay niya naman ‘yung kamay niya sa bewang ko.

 

Kinikilig pa rin ako dahil kahit saglit lang ‘yun eh parang nag-linger ‘yung paghawak ni Karina sakin. Dugyot man pakinggan pero ayoko na po labhan ‘yung suot ko today. Charot lang.

 

Nag-ring naman na ‘yung phone ni Karina, at si Yeji na ‘yung tumawag sa kanya. Tapos na raw silang bumili ng cake.

 

Habang pabalik kami sa sasakyan, parang lumulutang pa rin ‘yung feeling ko. Hay nako. Paano kung ayaw ko na mag-move on? Ikaw na lang mag-adjust, crush. I-crush back mo naman ako.

 

“Dalawang cake na binili namin,” sabi ni RJ pagpasok nila sa sasakyan. “Pero parehong chocolate lang ‘to.”

 

“”Yan naman talaga pinakamasarap na flavor eh.”

 

Kating-kati na ako makabalik sa resort dahil gusto kong ipakita kay Ning ‘yung picture. Kahit pagalitan pa ako ni Ning, okay lang. Gusto ko lang talaga maglabas ng kilig, at siya lang naman mapagkwekwentuhan ko dahil siya lang ‘yung nakakaalam ng feelings ko.

 

Nagsesenyasan na naman sila Yeji at Karina sa likod. Noong napansin ni Yeji na nakatingin ako sa kanila, bigla niyang tinapik si Karina at naglabas siya ng phone. Ano ba ‘yung kanina pa nila pinag-uusapan, or pinag-sesenyasan rather, at hindi na lang nila sabihin out loud?

 

Late afternoon na noong makabalik kami sa resort. Ibang klase talaga ang traffic sa LB. Kahit anong araw ka yata pumunta eh hindi mo matatakasan at maiipit ka talaga.

 

“Ang tagal niyo ah,” bungad samin ni Chenle na tumutulong ngayon sa pag-dedecorate. Nagdala kasi kami ng Happy Birthday na banner at mga balloons. Para mafeel naman nung celebrants ‘yung birthday vibe.

 

“Ma-traffic,” reklamo ko.

 

“Kaya pala bagot na bagot na itsura ni Somi,” sabi ni Yujin. At oo nga, parang ang sama ng mood ni Somi.

 

“Pinagsisisihan mo bang sumama ka?” Umiling naman sakin si Somi.

 

“Hindi naman.”

 

Dumiretso naman na kami ni RJ sa kusina para ilagay ‘yung mga binili naming cake sa ref. Sakto naman at nandun si Ning kasama sila Lia at Chaehyun na nag-preprepare na ng pang-dinner namin.

 

Nilapitan ko ‘yung best friend ko na naghihiwa ng mga ingredients pang-carbonara.

 

“Ning, may papakita ako sayo,” mahina kong sabi. Nilabas ko agad ‘yung phone ko, at binuksan ko agad ‘yung gallery ko. Pinasilip ko lang sa kanya nang mabilis bago ko pinatay agad ‘yung screen.

 

Nilapag naman ni Ning ‘yung hawak niyang kutsilyo at hinampas niya ako sa braso. “Teh, pa-showbiz ka na naman. May papakita eh hindi ko pa nga nakita, pinatay mo na.”

 

“Sige. Pakita ko na.” Binuksan ko lang ulit nang mabilisan bago ko nilayo phone ko sa kanya. “Okay na?” Natutuwa akong asarin si Ning. Chismosa talaga kahit kailan.

 

“Wintot, may kutsilyo ako. Tandaan mo,” pagbabanta niya sakin. “Tingin na kasi nang maayos.”

 

“Sige. Ito na. Seryoso na.” Inabot ko sa kanya ‘yung phone ko pagkabukas ko nito ulit, at pinagpapalo ako ni Ning sa braso. “Aray naman.”

 

“Ang landi mo. Akala ko ba hindi na rurupok ha? May pag-akbay ka pa diyan.” Parang hindi naman manenermon ‘yung tono ni Ning kaya zinoom ko pa sa part ng bewang ko.

 

“Tignan mo.” Proud na proud kong sabi.

 

“Buti hindi ka natanga at hindi mo pinahiya sarili mo sa crush mo.” Ako naman pumalo kay Ning.

 

“Hindi naman pero kinikilig pa rin ako.” Binawi ko na ‘yung phone ko sa kanya, at napangiti na naman ako habang tinitignan ‘yung picture namin ni Karina.

 

“Malala ka na.”

 

“Alam ko.” Self-awareness queen things lang. “Himala. Alam mo ba ineexpect kong papagalitan mo ko? Kasi sabi mo sampal ng realidad role mo sa buhay ko eh.”

 

“Support muna kita for today’s video.” Wow. Bakit nagbago ang ihip ng hangin? Napaka-out of character naman nito para sa best friend kong prangka.

 

“Anong nakain mo?”

 

“Bawal na ba ako maging supportive best friend? Today lang naman kaya sulitin mo na.”

 

Pinanliitan ko na lang ng mata si Ning dahil ang suspicious niya talaga today ah. Parang kaninang umaga lang, pinapagalitan niya ako pero ngayon supportive bigla? Pero eenjoyin ko na lang. Huling araw ng kalandian ko hopefully. Ayoko na maging asado. Tama na.

 

Nagtulong-tulong na kaming lahat sa preparations. Ako kasi ‘yung naka-toka sa pagluluto ng toppings ng nachos at cheese dip. Mabilis lang naman ‘yun. After ng dinner, balak ko na mag-swimming. Tapos may inuman pa kami mamaya. Wow, kasya pa kaya ‘yung natitira kong energy today? Bagsak siguro ako nito mamaya. Pero ngayon hindi ko pa naman nararamdaman ‘yung pagod. Na-recharge yata ako ng onting harot ko kay Karina kanina.

 

Nagtulong-tulong ‘yung iba sa decorations dahil gumawa pa sila ng balloon arch na ididikit nila sa wall. Kami nila Ning, Yujin, Chaehyun, at Lia ‘yung nandito sa kusina ngayon.

 

Biglang may nagsalita sa tabi ko habang hinahalo ko ‘yung cheese dip na niluluto ko.

 

“Winter.” Kilalang kilala ko na talaga boses ni Karina. Nilingon ko siya at nakita kong may hawak siya na Baconette Strips. “You want?” Alok niya sakin.

 

“Mamaya na lang. After ko dito.” Kumuha naman siya ng isang piraso sa bag na hawak niya at tinapat niya sa bibig ko.

 

“Ah.” Binuksan ni Karina ang bibig niya para sabihin sakin na isubo ko ‘yung hawak niya. Pigil kilig naman akong sumunod.

 

Ang lakas naman magpakilig ni Karina today. Ang domestic lang ng vibe. Ayoko na. Karina, panagutan mo ko. Paano kung lalo akong ma-fall sayo ngayon?

 

“I bought this because naalala lang kita when I saw it sa grocery… It’s one of your favorites, diba?” She said nonchalantly. Parang hindi niya pinapa-tumbling ‘yung puso ko ngayon. “Gusto mo pa ba?” Oo naman kung susubuan mo pa ako ulit. Charot.

 

“Baka gusto rin nung iba.”

 

“Don’t worry. May isa pa dun. This one’s for you talaga.” Teka lang. Hindi na ako makahinga sa kilig. Kapag nasunog talaga ‘tong cheese dip, si Karina may kasalanan.

 

Hindi na ako nakasagot pero hindi na rin umalis si Karina sa tabi ko. “I missed this,” mahina niyang sabi.

 

“Alin?”

 

“Just the two of us hanging out.” Ako rin na-miss ko. Sorry nagkagusto kasi ako sayo eh.

 

“Oo nga. Matagal-tagal na rin pala.” Ngayon nandito na rin kami sa topic na ‘to, narealize kong hindi ko pa rin pala nakakausap si Yeonjun since nireveal sakin ni Karina na nabasted na siya. Musta na kaya ‘yun? Wala ring paramdam sa org GC eh. Hindi ko rin siya nakasalubong sa campus nitong linggo.

 

“Can we hang out more ngayong bakasyon?” Pinatay ko na ‘yung stove, at tinignan ko ‘yung kausap ko na nakayuko. “Like labas lang tayo from time to time.”

 

Paano na lang ako makakausad nito? Pero hindi ko talaga kayang tanggihan si Karina.

 

“Oo naman. Why not?” Ning, I’m sorry. Ganito ba ‘yung mga pakiramdam ng mga nag-didiet pero araw-araw cheat day? Dapat naka-Karina diet ako pero ang hirap eh.

 

“Okay,” sinalubong niya ang mata ko, and her eyes curved into a smile.

 

Oh no. I’m entering dangerous waters, pero go lang siguro? Bahala na kung saan ako tangayin nito.



 

Bago mag-alas syete natapos na lahat ng preparations. Nag-decide kami mag-early dinner na para masulit namin ‘yung gabi. Syempre, picture taking muna bago kami kumain. Group picture nila Yeji and friends. Group picture namin with Chaeryeong. Tapos mandatory picture ng mag-jowa, at isang picture kasama kami lahat-lahat.

 

“Happy birthday so much! Happy birthday so much! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday so much!” Kinantahan namin ng version namin ng birthday song ‘yung dalawang celebrants bago sila mag-blow ng candles. Pumikit na sila para mag-wish at nagpalakpakan at hiyawan kami after nilang hipan ‘yung kandila. 

 

Nagpasalamat naman sila Yeji at Chaeryeong samin bago kami nagsimula kumain. Hindi kami lahat kasya ngayon sa dining table kaya may iba na nandito sa may sala. Katabi ko ngayon si Ning. Kasama rin namin si Somi pero kumuha pa ulit siya ng pagkain.

 

“Ikaw ha. Nakita ko ‘yung moment niyo kanina,” pang-iintriga ng best friend ko.

 

Parang alam ko na ‘yung tinutukoy ni Ning pero gusto ko muna manigurado. “Anong moment?”

 

“Maang-maangan pa si bakla… Yung baconette kasi.” So tama nga ‘yung iniisip ko.

 

“Akala ko ba supportive ka? Papagalitan mo yata ako eh.”

 

“Hindi kita papagalitan ‘no. Related kasi ‘to sa sabi kong ichichika ko sayo kaninang lunch.” Oo nga pala. Sabi ni Ning kanina may napapansin daw siya.

 

“Ano ba ‘yun? Kailangan ba talaga mamaya pa i-chika?”

 

“Kanina kasi mga 50% sure pa lang ako. Ngayon nadagdagan ng mga 10%.” Pabitin pa ‘to si Ning. Ano ba sasabihin nito?

 

“Saan ka sure?”

 

“Hindi ako sure na sure. Ano lang,” nag-aalangan niyang simula. “Baka may pag-asa ka, Tot. Kay mare.” Parang last week lang, winawarningan ako nito.

 

“Pano mo naman nasabi ‘yan? Narinig naman natin pareho nung overnight na straight siya,” hininaan ko na ‘yung boses ko dahil baka may iba pang makarinig samin.

 

“Hindi ba pwedeng magbago? Pero sabi ko nga sayo assumption ko lang. Kaya wag kang umasa diyan. Tignan na lang muna natin.”

 

“Paano titignan?”

 

“Te, kakasabi ko lang na wag ka munang asado diyan pero parang excited na excited ka na. Di pa tayo sigurado. Baka mamaya mali ako, at sisihin mo pa ako.”

 

Sinenyasan ako ni Ning na manahimik na dahil pabalik na si Somi sa pwesto namin. 

 

“Sarap naman ng carbonara mo, Ning,” puri ni Somi sa luto ng best friend ko.

 

“Ako pa ba?” Sagot ni Ning with matching hair flip.

 

Aakuin ko na sana ‘yung pagliligpit ng pinagkainan pero nag-volunteer na sila Yujin at Yuna. Parang sumama lang daw kasi ako para asikasuhin sila, kaya wag na daw ako masyadong mag-alala, at mag-enjoy na ako.

 

Habang nagswiswimming kami nila Ning, tinambayan muna nila Lia at Chaehyun ‘yung videoke. Sila Beomgyu, Chenle, at Soobin naman hindi tinantanan ‘yung billiards.

 

“Hindi mo pa nasasagot tanong ko kanina,” bulong ko kay Ning. Nandito kasi kami sa may isang sulok ng pool. “Paano mo nasabi ‘yun?”

 

“Hay nako, Tot. Wag mo masyadong isipin. Lalo pang dadagdag sa sakit pag mali ako ng hula.” Napabuntong hininga si Ning.

 

“Curious lang naman ako.”

 

“Ano lang kasi… Parang extra attentive sayo si mare today. Hindi mo ba napapansin?” Umiling ako. I mean nandun na tayo sa attentive nga siguro si Karina sakin ngayon, pero ganun naman siya palagi? Ayoko na lang din lagyan ng kahulugan ‘yung actions niya. “Bonak ka talaga forever.”

 

“Mana lang sayo,” hinampas naman ako ni Ning sa braso. “Aray.”

 

“Tot, walang tatalo sayo. Baka nga hindi mo nahahalata ‘yung isa pa.”

 

“Anong isa pa?” Napataas ‘yung isang kilay ko.

 

“Kita mo na. Wala ka talagang idea?” Anong sinasabi nito ni Ning? Hindi ko gets. “Ewan ko sayo, Winter. Good luck na lang. Mafifigure out mo rin pag nahigpitan na mga tornilyo mo.”

 

“Huy. Ano kasi ‘yun? Sabihin mo na lang.” Nabobother ako sa sinabi ni Ning. Dapat ko ba malaman kung ano man ‘yun? Wala talaga akong maisip.

 

“Secret. Bahala ka mag-isip.”

 

“Huy!” Lumangoy palayo sakin ‘yung best friend ko. Ano ba ‘to si Ning. Ang hilig mambitin. Alam niya namang may pagka-slow ako minsan, hindi pa sabihin sakin diretso kung ano man ‘yung tinutukoy niya.

 

Susundan ko dapat siya pero nilapitan na ako ni Somi after niya mag-swimming ng ilang laps.

 

“Bakit nandito ka lang sa gilid?” Tanong niya sakin.

 

“Nag-chismisan lang kami ni Ning.”

 

“About saan?” Sasabihin ko na ba kay Somi? Siguro anonymous na lang muna.

 

“Crush ko.”

 

“May crush ka?” Parang gulat na gulat naman siya.

 

“Hindi ba ako believable?” Panggagaya ko sa line niya noong nagkwento siya sakin nung nag-jogging kami. Hinampas niya naman ako sa balikat, at natawa na lang ako.

 

“Crush reveal naman.”

 

“Tsaka na. Baka malasin na naman ako eh.” Sino pang niloko ko? Mga 80% chance naman talagang malas ako dito. Pinangkakapitan ko lang ‘yung sinabi ni Ning sakin tonight as 20% chance na baka mutual na this time.

 

“Kapag nireject ka nun, siya ‘yung malas,” binalik rin sakin ni Somi ‘yung line ko noon. “Kaya sino ba ‘yan?” Tinusok-tusok niya pa tagiliran ko para kilitiin ako. Hindi ko naman mapigilan tawa ko habang umiiwas.

 

“Papakiramdaman ko muna kung mutual ba talaga tapos ishashare ko sayo.”

 

“Okay.”

 

“Ikaw ba? Musta naman pagpapapansin mo sa crush mo?”

 

“I don’t know? Sinusubukan ko naman na best ko para ipahalata eh.”

 

“Alam mo anong best way ipahalata ‘yun?” Umiling si Somi sakin.

 

“Ano?”

 

“Use words. Sabihin mo na diretso.” Wow. Coming from me? Well, kay Karina lang naman yata ako na-torpe dahil straight siya. Pointless na umamin.

 

“Wow. Di ko naisip ‘yan,” sagot ni Somi sarcastically. “But yeah. Maybe I will. Soon.”

 

“And I wish you luck,” nag-salute ako sa kanya, at nginitian niya na lang ako.

 

Hinanap ko si Karina sa pool, at nahuli ko siyang nakatingin rin sakin. Nginitian niya naman ako nang matipid. Lumilipad na naman ‘yung isip ko sa napag-usapan namin ni Ning kanina. Parang hindi ko na lang pala dapat chinika si Ning. Nagiging hyperaware tuloy ako kahit sa ganito kasimpleng interaction namin ni Karina. Sa karupukan kong ‘to, nahihirapan akong hindi maging asado.

 

Nagkayayaan kaming mga nasa pool na maglaro ng memang volleyball. Well, para sa karamihan samin mema lang na game, pero masyado yata kaming sineseryoso ni Giselle. Sinabi ni Yeji na volleyball player pala ‘tong si Giselle nung high school. Kaya naman pala palong palo ‘yung mga spike.

 

“Gigi, we’re just playing for fun. Wag mo masyadong galingan,” nag-pout pa si Karina. Cute.

 

“I’m sorry. I was born competitive.”

 

“Wala namang nagbibilang ng score dito,” sagot ni Chaeryeong.

 

“Well, I am counting it in my head. It’s 10-3, and we’re leading by the way.” Parang ngayon ko lang nakita ‘yung ganitong side ni Giselle.

 

Sila kasi nila Karina, Yeji, Yuna, at Giselle ‘yung magkakakampi. Tapos kami nila RJ, Somi, Chaeryeong. Hindi sumali sila Ning at Yujin dahil gusto raw nilang mag-relax.

 

“Easyhan mo lang, boss Gi. Walang marunong samin maglaro.” Pabiro kong pagmamakaawa. Pinag-rub ko pa ‘yung dalawang kamay ko para mag-please.

 

At hindi pa rin niya kami pinagbigyan. Wala pong palig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Happy 100 upvotes! I appreciate you all!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 29: 😕
bigboy123
157 streak #2
Chapter 29: Re-reading this chapter cause… 👀👀🤭🤭
taexx_ss
#3
Chapter 29: re-reading, happy new year siguro 🤧
fanficethusiast #4
Chapter 29: hello author still waiting for next ud 🥺
xoxosonekpop
#5
Chapter 29: Hello author-sshi great storyline 👏👏👏
kwinterrr_
#6
Chapter 29: 💖
Kannakobayashi09 #7
Hi? Author?
bigboy123
157 streak #8
Chapter 29: hello? tao po? 🥹🥹
heartwaves
#9
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story
heartwaves
#10
Chapter 29: hehe hi author broken hearted po ako pero thank you for this story