siete

Balisong
Please Subscribe to read the full chapter

“Seulgi! Anak! Bumangon ka na diyan para kumain.” Tawag ng nanay ni Seulgi mula sa labas ng kanilang kwarto.

 

Imbes na tumayo ay tinalukbungan ni Seulgi ng kumot ang sarili pero maya maya lang ay naramdaman niya ang paghila sa kumot niya.

 

“Ateeee! Bangon ka na diyan.” Sabi ni Lala habang hinihila ang kumot na nakatalukbong sa kanyang Ate. “Lulu kilitiin natin si Ate para magisi— Ahhhhck!”

 

Bago pa maisakatuparan ng kambal ang kanilang plano, naunahan na sila ng kanilang ate na gawin ito. Niyakap ni Seulgi si Lala at inipit niya ang dalawang kamay ng kapatid para hindi ito makapiglas at tsaka ito kiniliti.

 

“Ateee hahahahaha ate hahahahaha! Lulu! Tulungan mo ako.” Tawag ni Lala sa kakamabal. To the rescue naman ang isa.

 

Sumampa  si Lulu sa likod ng kanyang ate dahilan para mawala sa balance si Seulgi kaya nakawala si Lala mula sa pagkakaipit niya at sabay na pinagtulungan ng kambal na kilitiin ang kanilang ate.

 

“Lulu! Lala! Hahahahaha.” Hiyaw ni Seulgi habang patuloy parin siyang pinagtutulungan kilitiin ng dalawa.

 

Ilang minuto pa silang nagharutan at ng mapagod silang tatlo ay sabay sabay silang nahiga. Nakaunan ang kambal sa magkabilang braso ni Seulgi habang naka yakap ito sakanya.

 

“Atee bangon na diyaan.” Umupo si Lala mula sa pagkakahiga at inalog alog ang ate. Nakapikit nanaman kasi ito.

 

“5 minutes pa.” Tinalikuran ni Seulgi ang kapatid na babae. Niyakap niya si Lulu at pinaghahalikan ang pisngi nito.

 

“Ateee! Kadiri ka naman! Hindi ka pa nagt-toothbrush.” Reklamo naman ng kapatid habang pinupunasan ang pisngi niya.

 

“Hehehehe.” Natawa na lang si Seulgi.

 

“Mga anaak! Halika na kayo at ang pagkain ay lumalamig na.” Narinig nilang sigaw ng kanilang Nanay kaya bumangon na silang tatlo.

 

“Sige na mauna na kayong dalawa. Ililigpit lang ni ate itong pinaghigaan ko.”” Utos ni Seulgi sa dalawang nakababatang kapatid.

 

“Sumunod ka agad ate ah? Huwag ka na ulit matutulog.” Bilin ni Lala sa ate.

 

“Opo.”

 

“Lulu tara na.” Yaya ni Lala sa kakambal at sabay silang lumabas ng kwarto.

 

Niligpit na ni Seulgi ang pinaghigaan tsaka dumiresto ng banyo para maghilamos at magtoothbrush. Nang matapos siya ay sinaluhan na niya ang nanay niya at ang mga kapatid sa mesa.

 

“Good morning, Nay.” Bati ni Seulgi sa ina habang hinahalo ang kape na tinimpla niya.

 

“Good morning, Nak.” Balik na bati nito at pinagsandukan ng pagkain ang anak.

 

“Ate kainin mo yang gulay mo.” Pagalit na sabi ni Lala kay Seulgi na siyang tinawanan lang nito. Nahuli kasi niya ng kapatid na pinipili ang gulay mula sa plato niya.

 

“Ikaw rin Lulu akala mo hindi ko nakikita na nililipat mo yung gulay mo sa plato ko.” Puna naman ni Lala sa kakambal. “Hays pareho talaga kayong magkapatid.”

 

“A-anong nililipat? Kinakain ko yung gulay ko oh, tignan mo.” Isinubo ni Lulu ang gulay na dapat ay ilalagay niya sa plato ng kakambal.

 

“Ayan nagalit na si aling maliit.” Natatawang sabi ng nanay nila.

 

Habang kumakain ay naramdaman ni Seulgi na nag vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya ito para tignan kung sino ang nag text.

 

2 new messages

 

From: Buds

Hey…

 

From: Buds

Mommy is looking for you

 

Naramdaman nanaman ni Seulgi ang kirot sa kanyang dibdib ng mabasa ang text ng kaibigan. Hindi pa ulit sila nagkausap ni Wendy simula ng umalis siya kahapon sa school dahil hindi niya pa ito kayang harapin.

 

Seulgi feels betrayed. Ang daming pagkakataon para sabihin sakanya ng Buds niya ang tungkol sa pagalis nito pero mas pinili nitong itago at sabihin sakanya kung kailan ilang araw na lang aalis na sila. Kung sinabi lang sana ni Wendy ng mas maaga edi sana napaghandaan niya ito at hindi siya nasasaktan ngayon.

 

Bigla namang nag vibrate ang cellphone ni Seulgi kaya tinignan niya ulit ito.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lylelow
Hello! I'm backk will try to update regularly :D

Comments

You must be logged in to comment
_m3owrene
#1
Chapter 10: Thank you po sa update 🫶
AnneTokki #2
Chapter 10: Pssst, 👍💓💛
AnneTokki #3
Chapter 9: Huhuhu, when ulit 🥹, salamat sa update 🥺
justsomeanimelover
#4
Wow i think i will read this! Looks interesting!
gomseu #5
Chapter 8: ang ganda waiting for the update 😊
Ushay023 #6
Chapter 8: Sungit ni seul dto, ndi ko maimagine haha 😂
AnneTokki #7
Chapter 8: Waiting for more chapters ☺️
AnneTokki #8
Chapter 7: Thanks 🫶💎
AnneTokki #9
Chapter 6: Nice, update please🫶💗