Chapter 10

Crush mo, crush ko Rene
Please Subscribe to read the full chapter

[CMCKR 10] 

WENDY AND SEULGI

 

Kalmado na ba ang lahat? Syempre hindi pa.

 

Lalo na si ate mo Wendy na naiinis pero at the same time na gi-guilty dahil hindi niya akalain na pagsusungitan niya si Joy. 

 

May part siya na gusto niyang i-text si Joy para magsorry at kausapin ito, pero mas lamang pa rin ang disappointment niya. 

 

Buti na lang talaga malapit lang ang bahay nila at mabilis naman ang naging byahe nila. Big thanks na rin siguro sa best friend niyang si Seulgi sa paghatid. 

 

Nakauwi na silang tatlo at kasama niya pa rin si Seulgi dahil pinilit ni Taeyeon na magstay muna ang kaibigan niya at hintayin na magdinner. 

 

Bayad utang nga daw dahil hinatid ni Seulgi ang babies niya at libre pa diba. Sa mahal ng gas ngayon, aba mahirap na manlibre ng sakay.

 

Pagkarating nila sa bahay ay tumulong muna sa pagprepare si Seulgi para sa dinner daw nila habang si Wendy ay tinutulungan si Winter maglabar (half-bath). 

 

Natural na kay Seulgi ang ganitong set-up dahil madalas siyang ganito bago pa man lumipat si Wendy. Dating magkapitbahay sila, pero dahil nga napagpasyahan ni Taeyeon na lumipat para mas malapit sa university, nalungkot ang bebi bear nang malaman na lilipat sila. 

 

Walang kapatid si Seulgi kaya ang madalas na tinuturing niyang kapatid tong si Wendy. Weh, kapatid ba talaga? 

 

Natapos naman si Wendy paliguan si Winter at halatang-halata pagod na ang dalaga kaya inaya niya na umakyat ito sa kwarto at magpahinga. 

 

Tutulong pa sana siya nang tinapik ni Yeri ang balikat niya.

 

"Go na Ate Seul, samahan mo muna yang si Ate Wendy, mukhang badtrip kasi." Sabi ni Yeri 

 

Tumango siya at sinundan si Wendy sa kwarto. Curious din naman siya kung bakit mukha siyang badtrip at parang may alitan sila ni Joy. 

 

Wala nang katok-katok, pumasok na lang siya bigla dahil wala naman ito para kay Wendy. Pagkapasok niya ay nakita niya agad ang nakabulagta na Wendy sa kama. 

 

Lumapit siya sa kanyang kaibigan para tignan kung buhay pa ba ang bestfriend niyang hamster. 

 

"Teh, kinakaya mo pa ba ang buhay?" 

 

"Ay, beh, hindi na ata, yung pagod ko kasi tagos kaluluwa na." Biro ni Wendy. 

 

Wala dapat halong biro 'yan beh, ikaw ba naman may pasok at may work din kahit weekends, sinong 'di mapapagod aba? 

 

Umupo si Seulgi sa tabi ni Wendy at dahan-dahan hinaplos ang ulo nito. 

 

Alam din ni Seulgi ang kahinaan ni Wendy 'no? Nasosoft siya sa tuwing ginaganyan siya ni Seulgi dahil nakakakalma siya. 

 

"Seeuuul!" Tawag ni Wendy. 

 

"Hmmm?" 

 

"Higa ka rin para tabi tayo." 

 

Ngumiti si Seulgi at sinabayan na nga ang kaibigan sa paghiga. 

 

Hindi na hinintay ang ilang segundo ay biglang inilapat ni Wendy ang ulo niya sa tiyan ni Seulgi. 

 

Aniya nga ay mas okay pa tyan ni Seulgi kaysa sa unan niya, parang daw nakahiga sa malaking bear talaga. Squish squish.

 

Natural lang naman sa kanila ang ganitong bonding lalo na matagal na silang magkaibigan. Seulgi being the bottom friend na laging sinusuportahan si Wendy. 

 

At si Wendy naman ay ang legendary manhid na friend. 

 

Bakit sinabing manhid? All this time, lahat ng actions ni Seulgi sa kanya ay binibigyan niya lang ng meaning. Ang meaning ayy…

 

‘Natural lang naman ‘to ginagawa ni Seulgi kasi kilala ko siya as clingy at maalaga.’ 

 

 

“So, ano ba nangyari sa inyo ni Joy?" Tanong ni Seulgi. 

 

Hindi niya matiis na nagkakaganito ang kaibigan niya lalo na parang hindi maipinta ang mukha. Halata naman na halo-halo an mga nararamdaman ni Wendy ngayon. 

 

Sa tagal na nilang magkaibigan, madali na lang kay Seulgi na matukoy kung okay ba kaibigan niya. Marami siyang napapansin pero tikom ang bibig niya dahil ayaw niya pangunahan si Wendy sa mga napapansin niya. 

 

Lalo na about sa closeness nila ni Joy.

 

Matagal naman niya napapansin na malaki ang pinagbago ni Wendy simula ng nagiging close sila ni Joy. 

 

Hindi na nga niya nakakasama si Wendy tulad ng dati dahil sa mga groupings sa iba’t ibang subjects. Madalas maaga natatapos ang grupo ni Wendy sa mga meetings at activities kaya ‘di nagtatagpo ang break time nila. 

 

Nalalaman na lang ni Seulgi na magkasama sila ni Joy tuwing break. Wala naman kaso sa kanya ‘yon noon, halata naman na magiging magclose ang dalawa. 

 

Tsaka maganda rin naman may kasama si Wendy at hindi ‘to ma bored kapag mag-isa siya. 

 

Parang kabute si Joy na lumilitaw at linta kung makadikit sa grupo nila. Wala naman kaso ‘yon kay Seulgi. 

 

Wala talaga…. 

 

Pero bakit sa tuwing malaman niya o makita niya na magkasama silang dalawa, parang may pagpigil sa bawat hinga niya? 

 

Hindi naman niya ito naramdaman kina Jisoo at Lisa dahil aminin man niya, pare-parehas lang naman ang trato ni Wendy sa kanila. 

 

Bukod kay Joy. 

 

Kilala niya si Wendy, mabait siya sa lahat pero limitado ang pinapakita. Hindi siya basta-basta mage-effort sa mga tao na ‘di niya gaano kilala. 

 

Kailangan makasama niya muna ng isang taon bago niya talaga i-consider na magkaibigan sila.

 

Para sa kanya, hindi pa naman ganoon kalalim ang pagka-kaibigan nina Joy at Wendy. Pero dahil sa mga napansin niya, nag-iiba agad si Wendy kapag na involve na si Joy sa usapan.

 

Kung pagbabasehan ang mga actions ni Wendy kay Joy doon pa lang sa hospital, pwede naman i-contact ang family nito or ipaalam sa mga nurse si Joy at magpahinga. 

 

Pwede niyang sabihan si Irene about sa nangyari kay Joy pero kinaumagahan lang din nalaman ng mga kaibigan ni Joy ang nangyari sa kanya. 

 

Mas pinili niya magpuyat at bantayan si Joy kahit na kagagaling niya lang sa trabaho. 

 

Napansin niya rin na kahit sinusungitan na siya ni Joy, masaya pa rin siya kahit ‘di naman ganoon ka light ang aura ng dalaga. 

 

Ang weird lang dahil madalas pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga gusto nilang bagay, acads, family, yung kaklase nilang bida-bida sa classroom, yung kapitbahay ni Seulgi na parati may reunion para lang mag-agawan ng lupa, at iba pa.

 

Ngayon, bukambibig na ni Wendy si Joy kung paano siya naiinis sa presensya ni Joy pero natutuwa naman kapag magkausap sila. 

 

Nabanggit niya na gusto niya makipagkaibigan kay Joy dahil parang pakonti-konti, ay parang lumalambot na daw 'to sa kanya. 

 

Ano… 

 

‘Ano ba ginagawa mo Wendy?’

 

'Ano ba gusto mo mangyari?'

 

Naputol naman ang thoughts niya nang biglang kinurot ni Wendy ang tagiliran nito. 

 

“Aray! Takte alimasag ka ba? Ang sakit ng kurot mo!” Sigaw ni Seulgi 

 

Sabay himas sa parte na kinuro ni Wendy. Hindi niya mapagtanto kung cutie hamster ba tong kaibigan niya o pinaglihi sa nail cutter sa sobrang solid ng kurot. 

 

“Kanina pa kita tinatawag dyan pero nakatulala ka lang.” Sagot ni Wendy. 

 

Tumayo si Wendy at inayos ang parte na hinigaan niya at lumipat sa upuan na malapit kay Seulgi.

 

Napaupo naman si Seulgi galing sa pagkakahiga nito sa kama ng dalaga para naman makita niya ang kagandahan– ehem yung mukha nito. 

 

“Kanina ka pa rin tahimik kaya ‘di na muna ako nagsalita baka naman malalim na ng iniisip mo dyan, makagulo pa ako.” 

 

"Hindi mo nga sinagot yung tanong ko about kay Joy." Dagdag ni Seulgi

 

Totoo naman na malalim ang iniisip ni Wendy pero ‘di naman ganoon kalalim para hindi pansinin ang kaibigan. 

 

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba nagpadala ako sa inis kanina? May part kasi sa akin Seulgi na nafi-feel bad ako na iniwan ko lang si Joy doon sa hospital” Panimula ni Wendy.

 

‘Joy na naman’ 

 

‘Ako tong kasama mong kaibigan.’

 

'Charot nagtanong nga pala ako about kay Joy hehehe'

 

Napalitan naman ng konting pait ang mood ni Seulgi. 

 

Ay, hindi ka magseselos ngayon vebz. 

 

“Ano ba kasi nangyari sa inyo at bakit pagdating ko sa hospital daig niyo pa mag-jowang nagkatampuhan kasi ‘di ka lang nabigyan ng kiss?” Biro ni Seulgi. 

 

Sa totoo lang, bawat biro niya kay Wendy lalo na sa pag-ship sa iba ay parang katumbas ng isang saksak sa dibdib niya. 

 

“Tigilan mo nga ako Seul!” Sabay pout si Wendy.

 

‘Cute naman yang bibe na ‘yan’

 

“Joke lang, ano ba kasi nangyari?” Tanong niya ulit. 

 

“Nagalit lang ako nung pagdating ko, mag-isa kasi si Winter sa ER at parang takot na takot lalo na hindi siya pamilyar sa lugar…nung nakita kami ni Yeri, sobrang lakas ng hagulgol ng bata kaya parang yung inis ko abot langit.” 

 

Napayuko si Wendy at kinuha ang isang unan para gawin stress ball. 

 

“Handa na ako manabunot talaga, Seul…sinabihan pa kami ni Winter na nakakatakot yung babae kasi sobrang sungit pa kaya parang ang dating sa akin, siya na nga naka perwisyo, siya pa yung may ganang magsungit.” Dagdag nito. 

 

“Pero hindi mo inakala si Joy ‘yon?” Putol ni Seulgi 

 

Tumango si Wendy at binaon ang mukha sa unan. 

 

“Nadala ako sa galit kaya may nasabi ako hindi ata maganda at yung actions ko….Seul huhuh” 

 

Napabuntong hininga si Seulgi at napilitan tumayo para yakapin ang best friend. 

 

“I just don’t like her mindset pagdating sa paghandle ng sitwasyon, gulong-gulo si Winter sa mga nangyari at syempre na trauma ang bata, ang gusto ko lang naman mangyari ay makita ni Winter na Joy’s sorry for her actions by apologizing and giving her comfort nung mga oras na wala kami sa tabi niya.” Rant ni Wendy 

 

Dahan-dahan hinaplos ni Seulgi ang likod ng kaibigan dahil ramdam niya malapit-lapit na maiyak ang dalaga. Alam niya rin kasi kung gaano kasoft at protective tong si Wendy pagdating sa family lalo na kay Winter. 

 

“Sobrang bata pa ni Winter kaya may mga bagay pa siyang hindi kayang maintindihan…lalo na ngayon, ayoko na madagdagan ang trauma niya, may trauma na nga sa tatay dahil broken family, madadagdagan pa ba?” Dagdag ni Wendy. 

 

“Pero parang ‘di naman maganda na nagpadala din ako sa galit kung gusto ko lang magsabi ng disappointment ko kay Joy. Maling-mali talaga na iniwan ko siya doon at sinabihan na ‘wag akong kausapin.” 

 

‘Grabe na yung pagtakbo ni Joy sa isip mo ‘no?’ 

 

Pinakawalan ni Seulgi si Wendy sa pagkakayakap nito at ini-angat ang ulo nito. Titignan lang naman niya kung umiiyak na si Wendy, at tama siya sa part na ‘yon. 

 

Maluha-luha na nga ang dalaga pero halatang nagpipigil. 

 

'Kaltukan kaya kita dyan Wendy nagpapanggap pang strong'

 

Isa na naman pong kaibigan ang nasaktan dahil sa selos–makita ang best friend niya umiiyak.

 

Hindi mapagtanto ni Seulgi kung iniiyakan niya ba nangyari kay Winter or hindi sila okay ni Joy.

 

“Alam mo, tulad ng sinabi mo, I think you need to apologize din kay Joy at pag-usapan niyo ‘yan kasi tignan mo, ikaw din nahihirapan sa mga pinagsasabi mo sa kanya.” Payo nito. 

 

“Feeling ko, you just need to give yourself a time and syempre kapag okay ka na, kausapin mo siya at humingi ka rin ng tawad, ‘wag ka magiging impulsive ulit… tignan mo kung anong nangyari sa inyo.”  Dagdag pa niya.

 

Napatingin lang si Wendy sa kanya na parang pinagmamasdan buong pagkatao niya. 

 

“O-oh bakit ka ganyan makatingin?” Tanong ni Seulgi. 

 

Ay bakit naman nag stutter si accla. Tinitigan lang naman siya ng kaibigan niya.

 

“Ang galing mo talaga Seul! Kaya sa’yo ako eh!” 

 

‘Ha, never ka naging akin remember?’

 

Hindi naman kailangan ni Wendy sabihin yung mga salita na ‘yan dahil ikakapahamak lang ni Seulgi ‘yan.

 

Napabuntong hininga si Seulgi at tumayo na tuluyan sa kama. Iniayos niya ang damit niya at sabay kuha ng bag. 

 

Hindi siya pwedeng magtagal pa sa bahay nila Wendy lalo na ganito nararamdaman niya. May bumabalik na feelings na matagal na niyang pinatay.

 

“Oh, aalis ka na agad?” Tanong ni Wendy. 

 

“Kailangan ko na umuwi teh, ano ‘di ko isasauli yung kotse ng nanay ko? May pamilya rin ako teh baka kasi hinahanap na ako.” Palusot nito. 

 

Wala naman magawa si Wendy kundi hayaan na lagn ang kaibigan.

 

Tumayo na rin siya at kinuha ang pares ng tsinelas para ihatid ito sa labas. Hindi niya pwedeng hayaan si Seulgi umuwi lang mag-isa samantala siya nagmumukmok lang sa kwarto.

 

Aminin man ni Seulgi, kahit puro si Joy ang pinag-usapan nila, medyo natutuwa na rin siya dahil parang ngayon na lang ulit sila nagkasama ni Wendy.

 

 

“Thank you nga pala sa lahat, Seul.” Sabay ngiti with matching eyesmile. 

 

Buti na lang talaga medyo madiliim na ang paligid kaya hindi na nakita ni Wendy kung paano mamula ang dalawang pisngi ni Seulgi. 

 

Delikado na talaga kaibigan. Bumabalik talaga ang feelings ni baccla.

 

“Basta libre mo ko ng lunch ha!” 

 

Tumawa lang si Wendy at sabay nagpaalam kay Seulgi. Pumasok na si Seulgi at sinimulan na i-start ang makina nang maalala niya bigla ang gustong-gusto niyang itanong kay Wendy. 

 

“Wendy!” Sigaw nito. 

 

Hindi pa naman nakakapasok si Wendy kaya narinig niya ang sigaw ng kaibigan. 

 

“Oh?” Sagot nito. 

 

Napakagat ng labi si Seulgi dahil ‘di siya sigurado kung tama ba na itanong niya ito ng deretsuhan. 

 

“Do you like Joy?” Seryosong tanong. 

 

Nagulat naman si Wendy sa tinanong ng tropa. Sigurado na naman siyang mang-aasar na naman tong si Seulgi. 

 

Mas okay na siguro pauwiin na niya ang kaibigan niya bago pa may makarinig aba. 

 

“Heh! Umuwi ka na nga!” Sigaw nito. 

 

Ngumiti lang si Seulgi at ‘di na nag-abala na sumagot pa ulit kay Wendy. Itinaas niya na ang salamin ng bintana niya sa kotse at umalis na.

 

“Hindi ganun kahirap sabihin ang salitang oo at hindi Wendy, pero bakit ganun ang sagot mo?” Bulong nito. 

 

‘Akala ko nawala na feelings ko’ 

 

‘Akala ko kaibigan na lang talaga tingin ko sayo’ 

 

‘Akala ko tanggap ko na gusto mo si Irene’ 

 

‘Pero bakit biglang may Joy’

 

Dahil sa tagal na rin nila magkaibigan, katulad ni Joy, si Seulgi ay nagkagusto din sa kaibigan niya. It is a trend ba na magkagusto sa kaibigan? 

 

Hindi naman maitatanggi na marami talagang good qualities si Wendy na pasok na pasok sa standard ni Seulgi lalo na pagiging caring at family-oriented nitong tao. 

 

Kaya lang marami na nangyari sa kanila tulad ng pagpasok ni Irene sa picture. Nung una akala niya magiging maayos sila lalo na kapag pinakilala niya si Irene kay Wendy. Gusto lang naman niya na maging magclose ang dalawang kaibigan niya, at syempre gusto niya magkaroon ng progress si Wendy sa pakikipagsalamuha sa tao. 

 

Hindi naman siya nagkakamali doon, nung una ay nagiging maganda naman takbo nila kahit mahiyain pa rin si Wendy nung high school sila. Natutuwa siya kapag kinausap na siya ni Irene, ay natuto na itong sumagot. 

 

Proud mom kumbaga, pero hindi niya inaasahan ang lahat ng nangyari sa kanilang tatlo. After nung high school, mas pinili niyang ibahin ang tingin niya kay Wendy at magtanim ng galit kay Irene. For the sake of their friendship, mas pinili niyang magkaibigan na lang sila ni Wendy kahit masakit sa part niya 'to. 

 

Akala niya happy crush lang ito kaya baka lumipas na agad after senior high nila. Akala nyia kapag tinanggap niyang mas gusto ni Wendy si Irene, mawawala na feelings niya. 

 

Pero bakit biglang bumalik nang pumasok na si Joy? 

 

Bakit nakakaramdam siya ng selos kay Joy kung hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkakaibigan nila? 

 

At isa pang tanong, 

 

Naka move on na ba talaga siya or she’s just suppressing her feelings all this time? 

 

You're my best friend yeongwonhi never end nga naman talaga  (yung kanta: https://open.spotify.com/track/0F9Xy6OTbkqOv94pklkwKu?si=4cf7c1d335a54a91 ) 

 

“Bakit ba ako naiinis, hindi ba dapat kinakaya ko? Sanay na ako may gustong iba best friend ko oh!”  

 

Buti na lang talaga na mag-isa siya sa kotse ngayon kung hindi, hindi niya malalabas ang saloobin niya. 

 

Ayun yung masakit din sa part kapag nagkagusto sa bestfriend. Subok na subok na ni Seulgi ang mga halong nararamdaman ilang taon na rin. 

 

Parehas lang sila ni Joy, nafa-fall sa best friend. Hays, delikado. 

 

“Tsaka bakit ba ako magseselos dun kay Joy eh diba nga gustong-gusto niya si Irene?” 

 

Buti na lang ulit na traffic sa daan. Delikado magdrive kapag bitter ang mood tsaka baka mailabas mo lang sa pagdrive. 

 

“I need answers…” Bulong nito. 

 

Napapikit si Seulgi dahil sa frustrations na nararamdaman niya. 

 

“Can someone explain this .” 

 

Walang makakapag-explain talaga sa nararamdaman ni Seulgi kung hindi niya idi-disclose kung anong nangyari nung nakaraan. 

 

Ano ba talaga nangyari sa kanilang tatlo at bakit naman biglang naging uso yung taguan ng feelings pagdating sa taong gusto natin. Tsaka, ano ba nangyari sa kanila ni Irene?

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

 

JOY

 

Kung sa pagalingan ng paglinis ng sahig, panalo na dyan si Park Sooyoung aka Ligaya o Joy. 

 

Kanina pa siya napapansin ng mga janitor sa giangawa niya, kulang na lang bigyan nila ng bunot tong studyante na 'to.

 

Paano ba naman, pabalik-balik siya ng lakad mula sa hagdanan patungo sa faculty. Kailangan niya makausap si Ms. Kim, si Taeyeon ang nanay ni Winter, ang tyahin ni Wendy, ang tanging magbibigay sa kanya ng basbas para makausap ulit si Wendy. 

 

 

‘Bakit ba ako nage-effort dito? Oh my god, Park Soyoung, hindi ikaw ‘to,’

 

Patapos na ang lunch time ng faculty ng CBE pero bakit parang wala pa rin si Ms. Kim? Ang sabi ng secretary ay maaga naman ito bumabalik galing break, pero anong nangyari? Bakit ang tagal? 

 

Sinusubukan talaga ng tadhana pasensya niya. Gusto lang naman niya makausap yung nanay para naman may pagkakataon siya na makausap si Winter.

 

‘Kumalma ka self, please lang baka maging tanga ka niyan.’  

 

Sa sobrang kabado niya, hindi niya namamalayan na ang taong hinihintay niya ay nasa likuran niya lang. 

 

“Ms. Park? Tama ba?” 

 

Tumayo naman ang mga balahibo ni Joy na akala mo nahuling nagnanakaw ng chichirya sa 7eleven. 

 

“M-M-Ms. K-Kim!” Bati ni Joy 

 

Kung makita man nila Irene ang tropa nilang si Joy na kasing tigas ng bato kapag kakausapin ng ibang tao, pagdating sa pamilya ni Wendy, ayun tiklop ang sisiw. 

 

“Sino sinusulyapan mo dyan sa faculty namin? Sa pagkakaalam ko wala naman gwapo sa department namin.” Pagtataka ni Taeyeon. 

 

Mukhang na misinterpret ni Ms. Kim ang actions niya. Hindi rin naman masisisi ni Taeyeon dahil mukha kasing stalker tong si Joy kung makatingin sa faculty nila. 

 

“Naku! Wala po akong sinusulyapan… ang totoo nga po ay hinihintay ko kayo.” 

 

Napataas naman ang kilay ni Taeyeon. Sa pagkakaalam niya ay hindi niya studyante si Joy, kilala lang niya dahil kay Wendy. 

 

Pero tekaa...

 

"Bata, may dalawa na akong anak, tsaka dun ka na kay Wendy." Biro ni Taeyeon. 

 

'Ha? Pinagsasabi mo ma'am?'

 

“Ay! Hindi po ayun yung ibig kong saibihin, gusto ko lang po kasi humingi ng tawad dahil sa nangyari kahapon, yung kay Winter po.” Sabi ni Joy. 

 

Ahh, sa totoo lang, nagulat siya sa nangyari at syempre nainis din dahil wala siya noong nangyari yun kay Winter. May sideline din kasi siya tuwing linggo kaya wala siya sa bahay nila kahit na weekend na weekend.

 

Nakakalma lang siya nang malaman niya inasikaso naman ni Joy lahat at nagpresenta agad sina Yeri na sila muna ang mag-aalaga kay Winter. 

 

Napabuntong hininga si Taeyeon. Hindi naman ganoon kalala ang nangyari at okay naman ang bunso niya dahil parang naging daplis lang nangyari. 

 

Pero kailangan pa rin gawin ni Joy ang responsibilidad as a fur mom. 

 

“Okay na ‘yon sa akin, ang mahalaga sa akin ngayon ay medyo umokay na si Winter at nabayaran mo naman yung mga kailangan niya…paalala ko lang yung bawat session niya ng vaccines ha.” Biro ni Taeyeon. 

 

Sinusubukan niya na mapagaan ang loob ni Joy dahil nakikita niya na pinipilit ng dalaga kumalma. 

 

“Alam ko naman na ‘di mo ginusto ang nangyari pero kailangan mo rin gawin responsibiliad mo okay? Tsaka, I think you should talk to Wendy, feeling ko kasi LQ kayo.” Dagdag nito. 

 

“Ms. Kim naman… hindi ko po girlfriend si Wendy kaya anong LQ sinasabi niyo?” Depensa ni Joy.

 

“Hindi PA girl friend… Ms Park, kung kailangan ko makipagpustahan sa ibang tao, gagawin ko kasi sure naman ako magiging jowa mo pamangkin ko.” Sabay ngiti na akala mo tapos na ang laban. 

 

 

“Ms. Kim!” 

 

“Hehe, biro lang naman Ms Park…pero seryoso ako, you should talk to her kasi hindi ko siya makausap after nung nangyari kahapon. Also, gusto ko lang din idagdag, I wanna see her bright face again hindi yung mukhang nagi-guilty na ewan.”  

 

'Guilty? Bakit?' 

 

Sabay tapik sa balikat ni Joy. 

 

"Kung iniisip mo bkait mukhang guilty, siguro nag-aalala na rin sa'yo 'yon, nabalitaan ko kasi sa panganay ko na sinungitan ka raw ng pamangkin ko, hindi pa naman ganoon ugali nun." 

 

"Mahal ka ni Wendy, 'wag mo isipin 'di ka nun babalikan kasi nagtatampo." Dagdag ni Taeyeon. 

 

Mukhang nabawasan naman ang tensyon na nararamdaman ni Joy sa kanya pero napalitan naman ng pag-alala.

 

Nag-aalala pero namumula. Assumera naman si Joy na siya lang magpapasaya kay Wendy.  


 

‘Ha, tignan mo tong babaeng ‘to napakadaling basahin’ 

 

‘Matuto kaya ‘to itago nararamdaman? Mukhang konting asar lang, bibigay na 'to jusko’

 

Napangiti naman si Taeyeon sa nakikita niya lalo na kitang kita niya kung gaano ka-concern si Joy sa nangyayari. 

 

‘Siguro kung iba ang pinsan ni Winter, walang nag-aabang sa labas ng faculty ngayon.’ 

 

“Can I visit your house po mamaya para makausap si Winter? Gusto ko lang po mag-apologize.” Paalam ni Joy. 


 

Mas humaba ang ngiti ni Taeyeon nang marinig ‘yon, sure naman siya na kakausapin niya rin naman si Wendy. Sus, damay pa bunso niya sa panunuyo nito.

 

“Sige, basta dala ka gitara pangharana okay? Gusto ko yung makalumang panliligaw.” Biro ulit ni Taeyeon. 

 

“Ms Kim namaaaaan!” 

 

Gusto na ata magmura ni Joy kaso mahirap na dahil isa siyang officer at mawala ang pwesto niya. Nakakagalit si Ms. Kim ahh pero bat ba siya namumula.

 

Hihirit na sana siya ulit nang biglang nagring ang phone ni Taeyeon. Inexcuse niya naman agad anag sarili niya dahil teacher ni Winter ang tumatawag. 

 

Lalayo na sana si Joy para naman mabigyan ng privacy ang propesor ngunit nagulat siya nang bigla napalakas ang tono nito. 

 

Hindi siya pinalaking chismosa pero na cu-curious siya dahil narinig niya ang pangalan ni Winter.

 

“Ha? Hala, sorry po hindi ko po alam na absent si Karina…akala ko po kasi pumasok si Karina at nakauwi na si Winter kanina pa.” 

 

“Opo, sorry po, I’ll ask her cousin na lang po na si Wendy ang susundo sa kanya, sorry po ulit sa abala.” 

 

Pagkababa ni Taeyeon ng phone ay walang alinlangan na tinawagan si Wendy. Again, wala naman masama kay Joy kung makinig siya diba? 

 

“Wendy? Busy ka ba? Ahh.. may quiz ka ngayon? Sige mamaya na lang.” 

 

Binaba ni Taeyeon ang phone at mukhang problemado siya ng malala. Hindi siya pwede mag-out ngayon lalo na may susunod na klase pa siya. Makakatanggap na naman siya ng memo mula sa itaas, shuta yung sweldo niya mga anteh, nanginginig na naman. 

 

Pero sino magsusundo sa bunso niya? Si Yeri naman ay senior high pa at hindi pinapayagan ng guard umalis sa school grounds kaya mahihirapan siya sunduin si Winter.

 

“Ms Kim? Sorry, ‘di ko sinasadya na makinig sa usapan niyo pero I can help naman po. Susunduin po ba si Winter? Ako na po magsundo sa kanya.”

 

W A O 

 

Any bare minimum enjoyer can’t relate kay Joy lalo na kung ganito ka-effort sumuyo. 

 

“Are you sure? Wala ka bang klase Ms. Park?” Tanong ni Taeyeon. 

 

Sa totoo lang, may mga classes pa si Joy, pero kaya naman niya habulin yung iba doon. Ang iniisip niya lang ngayon ang bunot na sinabihan ang cutie niyang aso na panget. 

 

May tampo pa si Joy sa bata pero naawa siya kung walang susundo sa bata. 

 

“Wala naman po” 

 

Pwede na maging con artist si bading.

 

“Thank you, I’ll give you a letter and my ID na rin para pumayag ang teacher na sunduin mo si Winter, tatawagan ko na rin para mas mapadali.” 

 

 Agad naman nagmadali si Taeyeon pumasok sa faculty para kuhanin ang mga gamit na kailangan ni Joy. 

 

‘Swerte ko naman sa futurte daughter-in-law ko, ate, yung anak mo nasa tamang tao na.’


 

Lumabas siya agad at laking gulat niya nakasuot na agad ng leather jacket si Joy at nakahanda na ang susi ng motor. 

 

‘Ay wow’ 

 

“Tanong ko lang po kung bakit hindi po nasundo si Winter?” 

 

“Ahh, usually kasi magkasabay sila ni Karina umuwi, alam mo na naka rent kasi sila ng tricycle at nakikisabay lang doon si Winter, kaso itong si Karina… nagkasakit daw kaya parang ‘di na rin nasundo si Wintot.” 

 

Tumango lang si Joy at kinuha ang mga gamit na kailangan niya. 

 

“Andyan ID ko ha, kapag nalaman ko ginamit mo ‘yan sa kalokohan, ipapatanggal kita dito sa university sinasabi ko sa’yo..hindi mo na rin makikita si Wendy” 

 

Luh krazy prankster si Ma’am 

 

Syempre seseryosohin ni Joy ‘yan nabanggit na mawawala siya sa university. Career niya nakasalalay dito. Ano vebz, hindi pwede si Wendy lang tumatakbo sa utak niya. 

 

Kaya dapat iniisip ang pag-aaral, at si Wendy ay isinasapuso. Yiiieet tangina. 

 

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Nakarating naman siya aga sa school ni Winter. 30 minutes nga lang ang byahe mula sa university nila kaya buti na lang nakamotor kundi ipit siya sa matinding traffic. 

 

Mabilis din ang pagbili niya ng helmet at ibang protective gears para kay Winter. Hindi niya aakalain na bata ang unang makakasakay sa motor niya. 

 

“Bakit ko ba ‘to ginagawa” 

 

Napakamot ulo na lang siya sa mga nangyayari sa buhay niya tutal pakiramdam niya may ibang kumokontrol sa katawan niya. Mabanggit lang ang pangalan ni Wendy, bigla na lang may giangawa siyang katangahan.

 

Sa mga oras na ‘to, dapat nasa klase siya at nakikinig dahil naghahabol pa rin siya ng mga kailangan activities. 

 

Bakit kapag sa college, ang hirap umabsent kahit dalawang araw lang parang bultuhan ng gawain agad ibabagsak kapag wala ka at mahirap maka-keep up.

 

Iniisip niya pa lang mga hahabulin niya sa majors niya, sobrang hirap na kaya magagawa niya lang ngayon ay magbuntong hininga 

 

‘Mabilis naman na siguro ‘to kaya habol na lang ako sa ibang subject ko.’

 

“Ma’am? Ano po kailangan niyo?” Tanong ng guard

 

“Ahh,  susunduin ko lang sana si Kim Minjeong po.” 

 

Napataas naman ang kilay ni manong guard dahil ngayon niya lang nakita tong babae. Usually kasi kakilala niya ang sumusundo sa studyante dahil nakakausap niya ‘to kapag hinihintay matapos ang klase nina Karina at Winter. 

 

Kung wala man si kuyang tricycle driver, nanay ni Karina ang sumusundo sa dalawa kaya laking pagtataka niya lang kung sino tong babae na ‘to. 

 

“Miss may ID ka po ba? Itatanong ko lang po sa adviser niya kung may permission po kayo na sunduin yung studyante.” 

 

Hindi naman masisi ni Joy kung ganito kahigpit ang security ng school pero sana ‘wag siyang pagdudahan. 

 

Sa ganda kong ‘to, magmumukha pa akong kawatan? 

 

Umalis muna si manong pasamantala at may pumalit naman agad sa kanya. Pinaupo siya sa labas ng guard house kung saan ang waiting area ng mga taga-sundo. 

 

Tanaw naman niya ang playground ng school at nakita niya na may iba pang bata naglalaro doon. 

 

‘May ibang bata pa pala ‘di pa nakakauwi.’ 

 

Pinagmamasdan niya lang ang mga batang naglalaro sa slides at ‘di maiwasang mainggit. Hindi naman niya gaano naranasan yung mga ganyan dahil ‘di naman siya lumalabas ng bahay nila. 

 

No wonder konti lang kilala niyang kapitbahay noong bata pa siya. 

 

“Bunot!” 

 

Napatingin naman siya sa sumigaw na bata. Nakita niya na may nagkukumpulang batang lalaki na mukhang nagkakatuwaan. 

 

‘Nakakaramdam ako nang hindi maganda ito ahh’ 

 

Hindi naman siya mahilig sumapaw sa mga asaran ng bata dahil ano naman makukuha niya doon? 

 

Pinagmasdan niya lang ang mga maasim na bata na tawa nang tawa at halata naman na may pinagtatawanan. Hindi niya gaano makita ang mukha ng isang bata na nakayuko lang at nagpipigil ng iyak. 

 

“Uso na agad ang bullying ng ganitong edad?” 

 

Napatayo siya para sitahin lang ang mga bata. Kawawa naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ayalumi
Will drop the update on Friday or Saturday (September 23, 2023)

Comments

You must be logged in to comment
_flcty #1
Chapter 14: Ano Joy? Hahalikan mo o hahalikan mo? Mamili ka na bhie 😠 Sobrang kilig naman ng update na toooo huhu. More WenJoy landian moments pleek 🥹🫶
germsrocket #2
Chapter 14: AYY ANG TAPANG NA NG MANOK NATIN
*proud mother 🥹
partida wala pa nga ung pers date nila hahaha
may pahalik na mangyayari charizz (sige tuloy nyu lang yan)
ayaw patalo sa oso huhuhu
peri bhie I feel sorry kay Seulgi :(
hirap ng ganyan nagtataka lang ako bakit supportive siya sa crush ni Wendy for Irene pero kay Joy competitive hmm 🧐
redsummer0801
#3
Chapter 14: GRABEEEEEEEE. JOY SAKALAM
jenlisaxx #4
Chapter 14: Joy kaya mo yan, malaki ka na pero halikan mo suggestion lang🫶🏻🫶🏻
Joanajade
#5
Chapter 14: finally, salamuch authornim 😍🥰
_wendyshon_ #6
Chapter 14: Kilig sa madaling araw jfyhvcjknnjffhjn ang cute oyyyyy🥰 thank you po sa update and congrats sa graduation 🔥
germsrocket #7
otor paramdam ka na po
salamat 🫶🫶
Joanajade
#8
Chapter 13: Wow genius ka authornim dami ko tawa sa story mo mukha akong ewan natawa magisa habang nakatingin sa cp. undate po plis🙏🥺
wynslet #9
Chapter 13: new reader🤗 this is so cute po🥰
germsrocket #10
Chapter 13: ayyy nang gagate keep hala 😂
nakow panindigan mo yan Ligaya
date sa Sabado hahahaha