Meet-cute?
Menage"Matagal ka pa ba?" Bored na bored na sabi ni Beomgyu sa kambal niyang si Minjeong. Nakaupo sila ngayon sa may waiting shed katabi ng open court ng school nila. Inaantay niya matapos ang kambal sa ginagawang project nito para sabay silang mag meryenda at umuwi. Matagal pa talaga ang deadline ng project na ginagawa ni Minjeong pero gusto na niya matapos ito para wala na siyang iisipin pa sa mga susunod na araw.
Hindi pinansin ni Minjeong ang kambal at nagpatuloy lang sa pag type na kung ano anong nakakahilo na code sa laptop nito.
Alam ni Beomgyu na wala na siyang pag asa na makausap si Minjeong ng maayos kasi naka in the zone na ito. Pinabayaan nalang niya ang kambal at tumigin nalang sa mga naglalarong players sa court.
Mga volleyball players ang mga ito at parang nag pra-practice ata para sa nararating na school competition. Sout nila ang mga jerseys na may tatak na apelyido at number sa likod nito. Nakita niya pa ang star player at wing spiker ng school's volleyball team na nakatingin sa gawi nila. Agad naman itong nag iwas ng tingin matapos magtama ang mga mata nila.
'Weird' Isip ni Beomgyu. Hindi pa din inaalis ang tingin sa nasabing babae. Parang kinabahan naman ata ang player at biglang tumalikod para pumunta sa bag niya at uminom ng tubig. Kitang kita ang kulay itim na bold letters nitong apelyido at number sa likod ng kulang pink niyang jersey.
'YU'
'11'
Nagkibit balikat nalang si Beomgyu at kinuha ang kanyang selpon. Aayain nalang niya ulit ang kambal after 1 hour.
"Yes!!" biglang sigaw ni Minjeong after 40 minutes. May pag fist pump pa siyang nalalaman. Nagulat naman ang kambal nito at muntik na maihulog ang hawak na selpon. Akala niya kasi sasapakin siya ng kambal.
Pinitik muna ni Beomgyu ang noo ni Minjeong bago nagsalita "Bakit ba bigla kang nagsisigaw diyan. Parang kanina lang wala kang pake sa paligid mo."
Sinamaan naman ng tingin ni Minjeong ang kambal habang hawak nito ang noo "Ganyan mo na ba tratuhin ang ate mo?"
Umikot ang mata ni Beomgyu "Kambal tayo ano ka"
"Nauna ako sayo"
"For 1 minute" deadpan na sagot ni Beomgyu. Kung umasta ang kambal, parang 1 year ang agwat nila.
Napaka layo din kasi ng personality ng dalawa. Si Minjeong yung tipong tahimik lang at palaging naka rbf. Pero observant ito at sobrang responsible sa mga bagay lalo na pagdating sa school.
Habang si Beomgyu naman yung tipo na happy go lucky. Maingay ito at palaging kinukulit ang kambal. Hindi nauubusan ng kwento at palaging nakangiti. One time sa sobrang irita ni Minjeong sa kanya, nilagyan nito ng tissue paper ang bunganga niya para manahimik lang siya. Nag try pa din siyang magsalita habang may tissue sa loob ng baba niya kaya hinampas hampas nalang siya ng kambal.
Gayun paman, sobrang close pa din nila. Kahit malayo ang kanilang mga ugali, alam naman nila na nandyan lang palagi ang kambal para suportahan sila. Tulad na lamang nung nakita ni Minjeong na umiiyak ang kambal sa playground ng school nila nung elementary. Recess kasi yon at kakain na sana sila ni Beomgyu sa may bench sa gilid ng playground, pero nakalimutan ng kambal niya ang tumbler sa loob ng classroom kaya bumalik muna si Minjeong sa loob para kunin ito. Paglabas niya, nakita nalang niyang umiiyak na ang kambal. Dali dali naman niyang nilapitan ito at tinanong kung ano ang nangyari.
"Kinuha ni Jasper yung.. yung sandwich.. na ginawa.. ni mama..!" Pa utal utal na sagot ni Beomgyu sa kambal. Grabe na kasi ang iyak nito at nahihirapan na magsalita.
Inikot naman agad ni Minjeong ang mga mata sa playground at nakita ang bully malapit sa may monkey bars. Walang pag aalinlangan na pinuntahan agad ni Minjeong ito. Nakita niya pa na ngumunguya ang unggoy habang umaakyat pataas.
"Hoy Jasper! Wala ka bang makain sa bahay niyo at naisipan mong nakawin ang baon ng kapatid ko!?" Pataray na tanong ni Minjeong sa unggoy habang sinasamaan ito ng tingin.
Ngumisi lang naman ang bully at benelatan siya bago ito nag try na mag swing sa monkey bars.
Nainis lalo si Minjeong sa inasta ng unggoy. Bumaba ang tingin niya sa nakasabit nitong katawan at walang pag aalinlangan na malakas na sinuntok ang choco balls nito. Napabitaw naman agad si Jasper sa monkey bars at nahulog. Unfortunately fortunately, mababa lang ang monkey bars at hindi nabalian ito (pwera nalang siguro sa ari ari-an niya). Nakahandusay ito at hawak hawak ang lower part ng katawan niya habang pigil ang pag iyak. Tinignan lang siya ni Minjeong at nung nagtama ang mga mata nila, benelatan siya ng babae.
Dali dali naman tumakbo si Minjeong pabalik sa kung saan nakaupo ang kambal niya. Humihikbi nalang ito at nirurub ang mata. Mabilis naman niyakap ni Minjeong ang kambal at hinaplos haplos ang likod at ulo nito.
"'It's okay Gyu, hati nalang tayo sa sandwich ko okay? Don't cry na. Gusto mo din ba sayo nalang yung chocolate ko?" Inalis ni Minjeong ang kamay ng kambal at pinunasan ang mga luha nito.
Nung mag tama ang mga mata nila, nginitian ito ni Minjeong at dali daling kinuha ang lunchbox niya. Hinati niya ang sandwich at binigay ang mas malaki na part kay Beomgyu. Binigay din niya ang dalawang chocolate na tinatago niya pa para sana mamaya.
Humihikbi man, nag simula na kumain si Beomgyu. Tumabi na din ang kambal sa kanya at nagsimula na din kumain. After ng ilang minuto, nakita niya na binuksan na ng kambal ang chocolate at kinain ito. Natawa nalang si Minjeong ng makita kung paano mag swing ang paa ng kambal dahil sa tuwa. Nagulat pa siya ng ilagay ni Beomgyu ang natitirang chocolate malapit sa side ng table niya.
"Thank you, Min. Love you." Naka ngiting saad ni Beomgyu. Kitang kita pa ni Minjeong ang chocolate sa mga ngipin nito.
"Ganun na din yon." Mataray na sabi ni Minjeong habang inaayos ang mga gamit niya. Hindi nalang nagsalita si Beomgyu at hinayaan nalang ang kambal sa ginagawa.
After ilang minuto, natapos na magligp
Comments