Section VII

Pay me
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong’s POV

“Te, alam mo na ba ang chismis?” sabi ni Ningning na bestfriend ko since diaper era. Siya lang naman ang anak ng numero unong chismosa sa barangay namin kaya ayan nainherit niya ata.

Ako si Kim Minjeong or Winter, koreana na sa Pilipinas lumaki. Isa akong civil engineer na napagkakamalang mekaniko ng mga kapitbahay namin. Isipin mo last time pinapunta ko sa birthday ng anak niya akala ko meryenda lang, sinegwey ba naman yung sirang aircon nila? Sementohan ko yan?

“Ningning, alam mo di naman ako chismosa kaya wala akong pake jan.” Nakain kami nitong bestfriend ko sa fishball-an ng Mama niya.

“Wala kang pake kahit na sabihin kong nasa Pinas ngayon si She-Who-Must-Not-Be-Named?” muntik kong maibuga kay Ning ang iniinom kong gulaman.

“Oh akala ko ba walang pake? Bakit ganyan ang reaction ni te?” sabay tawa niyang tatalunin ata si Georgia Brown.

“Nagulat lang, affected agad? Akala ko ba sa USA na yan nagtratrabaho as nurse bakit nandito?” kunot noo kong tanong

“Sabi ni Aeri dito raw magpapatuloy ng Med school” natulala nalang ako at pilit prinoseso ang chismis na nasagap ni Ning. Alam ko namang 99% totoo ang sinabi niya kasi sa bestfriend na mismo ni Jimin nanggaling. Ito naman kasing bestfriend ko, haharot nalang, sa bestfriend pa ng ex ko!

“Nakamove on ka na diba? Wala na namang kaso sa’yo to? Tsaka te ang laki laki ng Pinas di mo sure kung magtatagpo landas niyo”

Pinag-ooverthink lang ako ni Ningning e! Miss ko na talaga siya sa totoo lang.

It’s been two years, oo na mga te bilang ko hanggang ngayon ika- 785 days na naming break ni Jimin or Karina sa iba. Kung tatanungin mo ako sa umaga mga 9 A.M. sasabihin ko sa’yo na naka-move on na ako kahit iharap mo sa akin ang ex ko. Pero pag hating gabi na ewan ko ba nawawala ang facade ko as strong and single independent woman.


Siya yung tipo ng partner na sobrang low maintenance, very understanding, kahit nga magkaaway kami na ako ang nagtoyo siya pa yung magsosorry. She tolerated my princess attitude pero hindi niya rin hinayaan na maging toxic ako because of that. Jimin has a great influence, kaya di rin bago sa akin noon pag appointed na siya agad sa highest position sa isang organization or council.

She can do anything well as long as interested siya. Jack of all trades master of everything na ata yan. Hindi magtataka ang kahit sino na maraming nagkakagusto sakanya. Mabait, maganda, humble, matalino, talented, athletic, etc. Complete package kumbaga.

We broke up nung nasa third year college na kami, she was taking BS Nursing that time, alam mo yung sabi sabi na pagnursing student, automatic redflag? Jimin is different then. Kahit na very time demanding yung program niya never niyang napafeel sa akin na nabobother ko siya or wala siyang time for me. In my part naiintindihan ko talaga siya kasi nakikita ko yung pagod niya from their clinical duty tapos from hospital naging routine niya na babalik siyang school to walk me home. Kahit anong pilit ko na kaya ko umuwi nang mag-isa mas gusto niya raw na nakikita akong pumasok sa gate namin para ma-assure siyang safe ako.

After namin magbreak nabalitaan ko nalang na 2nd semester nagtransfer siya, akala ko noon sa ibang un

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2179 streak #1
Chapter 4: torrr buhay pa po ba lola ni Winter?
dork_seulgi_k
890 streak #2
Chapter 3: gags gsjshskshskhs
longgadog #3
Chapter 3: huuu ayan na
yukimin
#4
Chapter 1: interesting
dork_seulgi_k
890 streak #5
Chapter 2: hehe 😍
CincoYoo
#6
ayan gusto ko ex-lover trope🥰

seated!
bbiiWinkim #7
Chapter 2: wee winter d nga?? 😅😅 friends lang talaga ha..
dork_seulgi_k
890 streak #8
👀🤸
jmjslrn #9
Chapter 1: invested na ako, aabangan😌
listless_radish
#10
Ooohhh, seems interesting. I'm seated.