Chapter 6

After March
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi ba jowa ni Irene yung babaeng palagi niyang kasama?"

 

"So, she's gay pala?"

 

"I'm not sure. Pero ang sweet kasi nilang tignan nung palagi niyang kasa–"

 

 

"Wala ba talaga kayong magawang maganda sa buhay niyo kung hindi pag-usapan ang buhay ng ibang tao?" sabi ko sa mga babae na narinig kong pinag-usapan na naman si Irene. Naglalakad ako kasama ni Wendy papunta sa classroom namin para sa aming first class sa morning nang marinig ko ang mga hinayupak na mga babaeng 'to.

 

"Seul, wag mo nang patulan." pag pigil ni Wendy sa akin, pulling me slightly. Tinaasan ako ng kilay nung isang babae na mas lalong kinagagalit ko.

 

"Sino ka ba?" tanong nung isang babae na may blonde na buhok. Akala niya ba bagay sa kanya yung kulay ng buhok niya? Para siyang peke na rapunzel bwisit. Siniko siya nung kasama niya at may binulong sa kanya. Tinignan ako ulit nung babae na may blonde hair.

 

"Ah, ikaw pala yung jowa ni Irene." she looked at me from head to toe tapos nag smirk. I scoffed.

 

"Pinagsasabi mong babae ka? Hindi kami jo–" hindi na natapos yung sasabihin ko nang may pumagitna sa amin nung mga babae.

 

Si Irene.

 

Lumunok yung dalawang babae at nag tinginan.

 

"I don't know what you guys are trying to point out here. But wag niyo siyang idrag sa mga issue na ginagawa niyo about sa akin." sabi ni Irene na obvious na naiirita sa mga pinagsasabi ng mga babae. Her chest was going up and down as she was trying to calm herself down.

 

"Hindi ko alam bakit nagustohan ni Seungho ang isang lesbiana na katulad mo." I gritted my teeth. Because of that guy sinisiraan nila si Irene. Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Joy.

 

"Mga inggitera, maganda kasi kaibigan namin compared sa inyo. Manalamin nga kayo. Mukha kayong mga butiki." huhuhu palengkera talaga minsan bunganga ni Joy. Pero totoo naman kasi. Mga inggitera talaga sila. Bakit nila ginagawan ng issue si Irene eh wala naman siyang ginagawang masama? Edi mag pasikat sila doon kay Seungho kung gusto nila na sila yung magustohan nito. Kairita.

 

"H-hindi kami na i-inggit sa ka–" hindi na natapos yung sinabi nung babae kasi lumalakad na kami papalayo sa kanila. Hila-hila ako ni Irene habang si Joy hinihila ni Wendy.

 

"H-hoy! Saan kayo pupunta!?" rinig naming sigaw nung inggiterang walang buhay. Hindi na namin siya pinansin. Sana bumagsak siya sa majors niya. Kairita talaga.

 

 

 

 

 

"Ano pumasok sa isip niyong dalawa?" mahinahong tanong ni Wendy sa aming dalawa ni Joy. Pero I know her, she's just controlling her anger. Naka-pamewang siya ngayon. Para kaming mga bata na pinapaggalitan.

 

"Wannie, sorry. Hindi ko na talaga na control. Sinasabihan nila ng masama si Irene eh." rason naman ni Joy, nakayuko.

 

"Kung may nakakita sa inyong staffs ng school or sa department natin, sa tingin niyo ano mangyayari?"

 

"Wends, wag mo nang pagalitan si Joy. Ako na una alam mo yan." pag depensa ko naman. Lumingo siya at nag sigh. Sinulyapan ko si Irene na tahimik lang na nakikinig ng kanta sa phone niya, suot-suot ang kanyang airpods. Ano kaya iniisip niya? Is she also disappointed with me? Pinagtanggol ko lang naman siya.

 

"Wanniiiie~ sorry naaa. Wag ka na magalit." panunuyo naman ni Joy at kiniss si Wendy sa cheeks niya. Agad naman napangiti yung isa. Jusko ang rupok ni Wendy! Hindi bagay sa cool vibes niya eme.

 

"'yang bunganga mo talaga, Joy..." sabi ni Wendy defeatedly.

 

"Gustong-gusto mo naman bunganga ko eh lalo na pag napunta sa–" agad naman tinakpan ni Wendy yung bunganga ng jowa niya. Jusko po! Ang kalat. Wala talagang preno.

 

"Pota ka, Joy! Doon ka sa far away!" saway ko sa kanya at tumawa lang siya ng napaka lakas. Namumula na mukha ni Wendy, obviously nahihiya.

 

 

 

 

Nag papractice kami ng sayaw para sa PE day next week. Ewan ko bakit sasayaw pa eh basketball naman kami sa PE. Ang weird kasi para kaming nasa High School Musical yung nag papractice sila Troy Bolton ng basketball tapos bigla nalang silang sumasayaw at kumakanta habang nag didribble. Jusko.

 

"Okay, break muna tayo ng 15 minutes guys!" sigaw nung choreographer-slash-leader namin. Hay salamat! Pagod na ako kaka-sayaw. Two weeks na din kami nag papractice tuwing end ng class namin.

 

"Bili tayo sa canteen. Nauuhaw ako." yaya ni Joy sa amin. Hindi pa kami nakasagot, hinila na niya si Wendy. Nilingon ko si Irene na inaayos bag niya. "Okay, le

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swoulrene
Hala hoy happy 102 subscribers sa story na 'to! a big win for a smol author like me 🥹 thank you sa mga patuloy na nagbabasa sa story na 'to hehe 🫶🏻 so, i hope you enjoy this chapter. don't forget to leave comments! i love every comments left here ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
#1
Chapter 9: Hala Irene pls lang i-mine mo na si Seulgi 😔😔
_rtempest
1060 streak #2
Chapter 9: Uyyy may update pala🥹 salamat po!
eunxiaoxlove #3
Chapter 9: Nicee
_rtempest
1060 streak #4
Chapter 8: Hahaha lagot umamin ka na seulgi 😂
carlaforniagirl #5
Chapter 8: Hooooooooy 😭 excited for the next update
ireadsrfics #6
Chapter 8: “Ako na lang magdedecide para sayo” pag yan yung sinabi ni seulgi nako talaga hahahaha
eunxiaoxlove #7
Chapter 8: Lol hahaha
RVSone0105
927 streak #8
Chapter 7: "Overthinker na nga. Delulu pa" I feel called out 😭😭 Haist bakit kasi hindi ka pa umamin Seulgi na you "swing that way" 🙄🤭
_rtempest
1060 streak #9
Chapter 7: mukhang may gusto din naman si irene haha🫢
BeMOO1 #10
Chapter 6: Sa retirement home pa kaya magkakakaminan Si Seulgi and Irene?