HELLO Noona!

Description

I wont; put any description since I'm poor at this.

 

Nyeta ang arte maka-english lang. May pa poor poor pa eh ang yaman yaman ko kaya. Hello laptop kaya gamit ko. CHOS!

 

Sa lahat gustong mag subscribe ay day! Salamat sayo!

 

Abangan nyo ah mga people. 

 

Mahal ko kayo! *with matching sandara park greeting during SC days nya*

 

Foreword

Ang ganda mo daw pero feeling mo lang yun, kasi sa totoo lang mukha ka ng basahan kakagulong mo sa sahig dahil super fangirling ka sa SHINee, Super Junior, at EXO. Dahil dyan wala ka na ring time maligo kaya syempre ang baho mo na.

 

Umaga nun, hindi pa ka pa nag aalmusal busy ka na agad sa pag-iistalk mo sa SHINee na nag guest sa Music Bank.

 

“Rila! Bumaba ka na kakain na!” sabi ng Mommy mo. Pero syempre in Korean kayo nagsasalita dahil kayo ay nakatira sa korea, tagalog lang dahil tagalog fanfic to.

 

Ikaw nga pala si Rila, hindi mo alam kung paano naderive ang pangalan mo pero ang alam mo lang galit na galit ka sa magulang mo kung bakit yun ang pinangalan sayo. Actually, unique at parang ok naman sya kung hindi lang Go ang apilido nyo.

 

“Andyan na po umma!” sigaw mo pabalik.

 

“Pag hindi ka pa bumaba papakain ko sayo yang tv dyan sa kwarto mo!” paglalambing ng tatay mo.

 

Syempre sa takot mo tumayo ka na sa kama mo para patayin ang t.v, ngunit bago mo pa mapindot ang OFF biglang nag commercial at nanigas ka sa kinatatayuan mo.

 

“Magandang balita sa mga fans ng SHINee magkakaroon ng bagong show ang XXTV na ipangtatapat sa namamayagpag at walang kamatayang Hello Baby! Eto ay pinamagatang Hello Noona! Sa lahat ng interesadong sumali bistahin ang detalye sa website at sundin ang mga palatuntunan. Kung kayo ang mapipili magkakroon kayo ng chance makasama ang SHINee sa loob ng dalawang buwan! Kaya ano pang hinihintay nyo sali na!” Sabi ng announcer.

 

Dahil sa pagkabigla mo naihagis mo yung remote sa bintana palabas ng bahay nyo at may matandang natamaan.

 

“Eh tangina kaninong remote ire?!” sigaw ng matanda.

 

At dahil sa sobrang excited ka di mo na pinansin ang matandang nabukulan sa labas. Diretso ka internet at nag flood ng entry. Nauubos na ata ang bandwidth sa internet ng buong barangay nyo sa sobrang dami ng tab mo sa google chrome maisubmit lang ang sangkatutak mong entries.

 

“OH MAY GAD! MADERPAKER! Pasok na pasok ako sa category.” Sigaw mo sa walang kamalay malay na computer. “Noona lang pwede so dun sa mga younger fangirls sorry nalang kayo! BWAHAHAHAHA” ang tawa at saya mo.

 

“Lintik tong batang ito!” sigaw ng tatay mo sabay pingot sa tenga mo. “Di ba sabi ko bumaba ka nang impakta ka. Hala sige kain!” sabi ng tatay mo padin habang hila hila tenga mo papuntang dining table.

 

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
XiuXiu26
#2
UPDATE !! Oneshot ba ito ?? XDD
XiuXiu26
#3
Update ! Mukang eggciting eh . EXO <3