“Sophia, Batang Mahilig Makinig ng Musika”

Description

 

May Isang bata nagngangalang Sophia. Mahilig sa musika ngunit nagkaroon ng malubhang sakit sa tainga. Nawalan siya ng pag-asa ng una niyang malaman ito. At parang ang lahat sa kanya'y wala na.

 

Basahin Lahat -->

 

Do not plagiarize!

Foreword

 

“Sophia, Batang Mahilig Makinig ng Musika”

 

          Si Sophia, batang labindalawang taong gulang, ay mahilig making ng musika. Siya ay mahilig kumanta. Napakaganda ng kanyang boses. Si Sophia ay mahirap lamang kaya ng siya ay walong taong gulang, sumasali na siya sa mga paligsahan sa pagkanta, magaling rin siyang tumugtog ng gitara at piano dahil tinuturuan sila sa kanyang paaralan. Habang sa kanyang paglaki, lagi niya itong ginagawa.

 

          Makalipas ng ilang taon, nakatapos ng pag-aaral si Sophia. Nagsikap siya makahanap ng trabaho dahil sa kahirapan ng kanilang buhay. Sumasali-Sali rin siya sa mga banda sa bar at mga patimpalak sa pagkanta. Hanggang isang araw, sumakit ang kanyang leeg pero nawala rin naman agad.

 

          Kinabukasan, pagkauwi niya galing sa pagtrabaho, sumakit na naman ang kanyang leeg. At nagpunta na siya sa health center para magpacheck-up.  Pagkatapos ng pagsusuri, sinabi ng doktor na nagkaroon siya ng tinnitus . Ang tinnitus ay isang sakit sa tenga na bunga ng maiingay na naririnig. At kailangan pa ng iba pang pagsusuri, dahil kung hindi ito maagapan ay maaring lumala ito at maging bingi siya.

 

          Pagkatapos malaman umuwi si Sophia ng malungkot. Kailangan niya pa ng iba pang pagsusuri kaya lang dahil nga sila’y mahirap, hindi nakapagpagamot si Sophia. At tuluyan siyang nabingi. Para sa kanya ay nawalan ng saysay ang kanyang buhay dahil hindi na siya nakaririnig. Ngunit minsan ay lagi niyang pinapatugtog ang kanyang gitara, na regalo ng kanyang kaklase bago pa siya mabingi at iniisip niya na sana ay nakakarinig na lang siya para napakikinggan niya ang magagandang musika. Simula noon, nawalan na ng saysay ang kanyang buhay bagamat isang araw, siya ay nasa parke, may tumatawag sa kanya dahil narinig siyang kumakanta at itong taong ito ang tumulong sa kanya para sa mga kailangan niya para siya ay makarinig. At dito nagsimula ulit ang kanyang makulay na buhay!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH