This Guy's In Love with You, Pare

Description

Sa lahat ng nakaaway ni Juyoung, pinaka-matindi ang bading na nakatira sa tapat ng bahay nila. Paano ba namang hindi, sobrang lagkit makatingin ng echoserang bading sa million-dollar boyfriend niya.

Foreword

Pagkaalis ng boyfriend ko sakay ng black Ferrari niya, pumasok na ako sa gate namin, pero nakita ko na naman ang pesteng bading na patagong nakadungaw sa gate ng tapat ng bahay na mukhang haunted house. Ew. Poor.
 
"Ano? Titingin ka pa?" Sigaw ko sa kanya, nakatitig ng masama. "Humanap ka ng ibang gagapangin mo. Bading."
"Leche." Banat niya pagkataas ng ulo mula sa kinatataguan sa gate. "Kala mo naman pagka-gwapo gwapo ng boyfriend mo."
"Kala mo to," itinuro ko ang pointer finger ko sa kanya. "E kanina kung makatingin ka parang hinuhubaran mo na."
"Feelingerang echosera," sabay irap ng ate-girl mong naka-clip ng power-puff. "Ano ha, punta na lang tayo Face-to-Face no, ha?"
 
"Juyoung, natapon mo na ba yung basura diyan sa tabi?" Narinig ko ang boses ng mother dear ko.
"Oo nga," epal ng bading mula sa gate nilang kalawangin. "tapon mo muna basura niyo."
 
Hinubad ko ang isang high heel ko. Mabato nga. Pero tumakbo paloob ng bahay ang duwagis na pobre.
 
Nako, bading ka. May araw ka rin sa kin.
 
 
 
AUTHOR's NOTE: This has nothing against gay people. I love all types of people.
Matapos pumili ng pangalan ng girl, ayun, naging Juyoung. Para weird. At hindi, wala dun sa apat yung bias ko. At hindi rin ako graduate ng engineering. Hehe. So malamang, hindi ako yung bida. :)
And wag i-expect na maraming mura dito dahil...wala lang. Siguro slight... :)

Comments

You must be logged in to comment
avisdawn #1
Chapter 3: Hahahaha! Laughtrip ako kay luhan! What the.....nganga :[] ...... Landi ng mga vaklush na mga ito, ang tataray pa.... Hahaha nice chapter po ^_^
hey_izzie
#2
Hahahaha naalala ko yung pilikula ni Vice Ganda.
cloudofloveliness
#3
Chapter 2: Grabe! Ayos tong story moXDD matanong lang, HunHan ba to? At may galit ka bas sa mga bading! LOL.