Birthday ni Mr.Lee

Fake Girlfriend for 1 month'

Hay, Panibagong araw ng katamaran. Nakakainis, Wala kasing pasok. Walang magawa sa bahay, Laging nakatunganga,tutok sa tv, kain ng kain at tsaka computer ng computer. Nakakasawa kaya. Nakakataba talaga ang Weekends. Bago pa ko mamatay sa pagkabagot, Umupo nalang ako sa sofa at nanuod ng tv.

"Heenim, Nasan ka?" Narinig ko boses ni appa. 

"Andito po ako sa sofa appa~" Ang sagot ko na nakatunganga parin sa tv.

"Sasama ka ba sakin? Pupunta akong event.." tumingin ako kay appa at WOW~ Nakamerikanong malupit si appa. Formal na formal ha.

"Appa, Kailan ka pa nagkadamit ng ganyan?" ang pabiro kong sabi kay appa. Medyo natatawa pa nga ako e.

"Ikaw talaga, Ayaw mo bang sumama?" Tumingin muli ako kay appa at nagtanong. "Ano ba yung event na pupuntahan niyo?"

"Birthday ni Mr.Lee. Boss namin.." ang sagot ni appa habang inaayos ayos pa ang neck tie niya. "Birthday lang pala, Bakit nakaamerikano pa kau?" ang usisa ko kay appa.

"Tange, Mayaman to. Boss nga.." Hala, Binasag ako ni appa. First time to.. "Ahh.." Nabasag talaga ako kay appa sa sinabi niya, Hahaha. Sakto namang lumabas si mama na may dalang bestida.

"Umma.. Para saan yan?" Tanong ko at tinuro ko yung damit. " Para sayo anak.." Ang gulat ko naman dun, Sakin? Saan ba ko pupunta? Aber?

"Ha? Sakin? Wala naman akong pupuntahan ha.." Nakakalitong kausap tong si umma. Wala naman ako pupuntahan no. Saka nakakatamad umalis o maglakwatsa.

"Anong wala? Sasama ka sa appa mo." ang sagot ni umma habang ibinababa yung bistida sa sofa.

"Ha? Ayoko nakakatamad. Di ko naman kilala yang Mr. Lee na yan eh.." Totoo naman, Di ko kilala yang Mr.Lee nayan. Bakit ako pupunta.

"Ah basta, Pupunta ka ha? Wala kang pagkain ng isang linggo kung di ka sasama" Grabe naman ata yun. Salvage? Salvage?

"Ge na po, Sasama na po. Wait lang umma at appa ha~" hinablot ko agad yung bestida tapos umakyat ako sa taas.

Pagkatapos kong magbihis, Kinuha ko yung snickers ko at sinuot iyon. Ang ikli ng bestidang to. Kahit below the knee ayoko parin. Ayoko ng bestida. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Bumaba na ko. Pagkababa ko, Halos lumuwa na mata ni umma at appa sa kakatingin sakin. Tumingin ako sa sarili ko pero wala namang problema. "Oh bakit?" 

"Ano ba yang suot mo heenim?" ang tanong ni umma habang nakatingin sa sapatos ko.

"Snickers po umma.. Bakit?" tumingin ulit ako sa sapatos ko. Ang cool nga e. Snickers na original yan. Limited edition. Ang ganda naman. Ano kayang problema?

"Wag yan ang isuot mo anak, Ito isuot mo.." Sabi ni mama ng may inangat siyang KILLER HEELS.

"Seryoso ka umma?" Napalunok ako. First time ko lang makakapagsuot ng KILLER HEELS. As in killer. Ang taas ng takong e. Feeling ko mamatay ako pagsinuot ko yan..

"Oo, Muka bang hindi?" Seryosong seryosong sagot ni umma. Napalunok ulit ako. Unti unti kong hinubad yung snicker ko at lumapit kay umma. Kinuha ko yung heels tapos sinuot ko na. Omy, Sa sobrang taas ng takong feeling ko tumangkad ako ng 5 cm!

"Ma, Di ba ako mukang tanga kung pagewang gewang ako sa paglalakad?" tanong ko ka umma habang palakad lakad at sinusubukang rumampa gamit ang heels na to.

"Hindi nga e, Ang ganda ganda mo. Ge na alis na kayo anak at yeobo~" Ang sabi ni mama habang binebeso si appa. Sunod naman ako kay appa, Natural. Mukang timang gumegewang gewang. 

"Anak, Taxi na lang tayo ha." Sabi ni appa habang winawasiwas ang kamay niya tapos may nagi-stop na taxi sa harap namin.

Ako ang kaunaunahang sumakay sa taxi. Nasa front seat si appa at nasa back seat ako, Syempre. Ako lang magisa dun. Hinubad ko muna yung heels at pinahinga ang paa ko.

"Sa SMTOWN building nga ho, Manong."  Ano? SMTOWN building? Diba.. MAY GIRLS' GENERATION DUN?! SUPER JUNIOR AT SHINEE DUN?! Sa narinig ko parang mababaliw na ko. Makikita ko na rin si Sunny,taeyon,sooyoung,Jessica at lahat lahat sila. Wah, Excited na ko. Inggitin ko kaya si Min ah, Idol niya kasi suju eh. HAHAHAH. Kaswerte ko eh.

Mga ilang minutos lang yata nandito na kami sa SMTOWN building. Well, Ang laki niya.. ang ganda tapos.. Parang simpleng tao lang kung ituring ang Celebrities dito. Ang saya, Libreng kita sa mga SMENT idols. 

"Oh, Nandito ka na pala!" may kumausap kay papang isang matangkad, medyo may edad na at medyo panot na lalake.

"Oo nga e! Musta na Mr.Lee?" ang pagbati naman ni papa. Ah, Siya pala si Mr.Lee. Kamukha niya nga si Taemin. No doubt.

"Siya ba anak mong babae?" halos tumalon ako sa gulat ng tinuro ako ni Mr.Lee.

"Oo, Siya si Heenim.." Sabay hi naman ako sakanya tapos nagbow naren.

"Halika kayo, Pasok kayo.." Pinapasok kami ni Mr.Lee at hinatid kami sa bakanting mesa. Medyo malapit sa i-stage. Maganda yung table namin, Para makita ko ng malapitan pagnagperform ang mga SMENT artist. Excited na ko..


END OF CHAPTER 1 :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
perspephone #1
When the skies and the grounds were one, the legends, through their twelve forces, nurtured the tree of life. An eye of red force created the evil which coveted the heart of tree of life, and the heart slowly grew dry. To tend and embrace the heart of tree of life, the legends hereby divide the tree in half and hide each side. Hence, time is over-turned and space turns askew. The twelve forces divide into two and create two suns that look alike into two worlds that seem alike. The legends travel apart. The legends shall now see the same sky but shall stand on different grounds, shall stand on the same ground but shall see different skies. The day the grounds be kept a single file before one sky in two worlds that seem alike, the legends will greet each other. The day the red force is purified, the twelve forces will reunite into one perfect root, a new world shall open up.
il0stmymind
#2
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
Bubbletea26 #3
Chapter 2: authornim update na you jebal~~
PUPPYLOVE25 #4
Chapter 2: Update please...
Siblings-Curse #5
Chapter 2: At naka pakita na siya. Ay Dios Ko, salamat! Never thought Taemin'd be like that though...
Siblings-Curse #6
Chapter 1: ...-.-
I really need to brush up on my tagalog...I read all of it...and I understood all of it...I just couldn't read it that fast. Still though, saan si Taemin magpapakita?
Siblings-Curse #7
I am suddenly so glad I knew Tagalog...but please bare with me. I haven't spoken the language for nearly 6 years and I'm rusty with it - to the point where I can't even write in it. I'll just try. Mahal ko tong estorya na to. Babasahin ko tong marami! :D *First try..fail*
mirzidarlene
#8
UPDATE POOOOO!!! :))
baekthecorgi
#9
Wooo excuses *cough* excuses... Taeminnie laos na yan, dami mo pang palusot eh ;)
twaceeey
#10
next next.. cute nito!XD