You will be mine

MBLAST SERIES 2: You will be mine

 

Chapter 6:

        May dumating na yate sa dalampasigan. Mahimbing pa na natutulog ang dalawa.

        “Kuya!” sigaw ni Chiza sa labas ng resthouse kasama ang ibang member ng Mblast.

        “Tulog pa yata sila” sabi ni Nigel.

        “Napagod siguro kagabi” sabay tawa si Raymond.

        “Buong araw ba naman magkasama, ay! Mali.. buong gabi pala..hahahaha” sabi ni Shuya.

        “Sssshhhhh!kayo talaga!” sita ni Jm.

        Bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila ang mukha ni Jop.

        “Bakit nandito kayong lahat?” taka ni Jop.

        “Para bisitahin kayo at magrelax na din. Nasaan si Joanna?” sabi ni Chiza.

        “Tulog pa sa kwarto niya. Pasok kayo para makakain na din” yaya ni Jop.

        Sabay-sabay na umupo sila para kumain ng tanghalian. Rice at hotdog ang pinagsasalo nila kumain.

        Lumabas na si Joanna sa kwarto niya habang kumakain sila.

        “Gising ka na pala” sabay tayo si Jop para aalalayan si Joanna na umupo na.

        “Mabuti naman na may kasama na ako dito na ibang tao” sabi ni Joanna.

        “Sorry Joanna kung iniwan kita” sabi ni Chiza.

        “Ang drama ko pa naman kagabi pero ang mahalaga ay nandito ka na” tugon ni Joanna.

        “Bakit Joanna? Ayaw mo ba makasama si Jop?” tanong ni raymond.

        “Gera ang kalalabasan kapag magsama kaming dalawa.” Sagot ni Joanna.

        “Sweetheart, bakit ka naman ganyan?” lambing ni Jop.

        “Yuck! Sweetheart ka diyan! Tigilan mo ako” sungit ni Joanna.

        “Nagtawan ang lahat at patuloy  na tinutukso ang dalawa.

        “Yuck ka pala Jop!” sabay tawa ng malakas ni Shuya.

        “Shut up! Shu!” sabi ni Jop.

        “Okay! Quiet na ako” sabay tayo ni Shuya at lumapit kay Joanna.

        “Bagay ba kami?” tanong ni Shuya.

        Biglang tumayo si Jop at hinawi paalis si Shuya mula kay kay Joanna at pinaupo ito sa upuan niya.

        “Niloloko ka lang Jop ni Shuya” sabi ni Joanna.

        “Eh di tayo bagay?” sabay ngiti si Jop.

        “Sapak gusto mo?” tanong ni Joanna.

        “Kahit ilang suntok ay sasaluhin ko para lang sayo” sagot ni Jop.

        Nagtayuan sina Jm, Raymond, Nigel at Shuya para lapitan si Jop at binatukan ng mahina lang.

        “Ang OA mo bro” sabay tawanan nga apat”

        “Bilisan niyo para makapagswimming pa tayo mamaya” singit ni Chiza.

        Pagkatapos kumain ay dalian sila na pumunta sa dagat para magswimming. Nag-eenjoy naman ang lahat.

        “Awwwwww.. napupulikat ako” sigaw ni Joanna.

        Dalian na lumangoy si Jop papalapit kay Joanna. Dinala niya ang dalaga sa dalampasigan.

        “Relax lang Joanna. Igagalaw-galaw ko ng dahan-dahan ang paa mo para mawala.” Sabi ni Jop.

        “Ok na Jop, thanks! Balik na ako sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako” paalam ni Joanna.

        “Wait!” hinawakan ni Jop ang kamay ni Joanna para pigilan ito.

        “Bubuhatin na lang kita papunta sa kwarto mo” sabi ni Jop.

        Binuhat siya ni Jop at hinatid sa kwarto niya.

        “Salamat Jop!” sabi ni Joanna.

        Naglakad na palayo si Jop. Bigla naman paparating si Raymond.

        “Joanna, ok ka na ba?” tanong ni Raymond.

        “Yep. Ok na ako”

        “Mukhang close na kayo ni Jop ah”

        “hahaha..hindi naman masyado”

        “Sa tingin ko ay gustong-gusto ka niya”

        “Hala! Hindi ! gusto niya lang ako asarin”

`      “Baka ikaw ah! Mahulog ka na kay Jop at tuluyang magkagusto”

        “Kahit kailan ay never ako magkakagusto sa bwiset na lalaki yun. Itaga mo pa sa bato”

        “Baka pagsisihan mo ang sinabi mo Joanna” paalala ni Raymond.

        Pumasok na si Joanna sa kwarto at nagulat si Raymond na pagharap niya ay nandun si Jop.

        “Jop” gulat na sabi ni Raymond”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
dark_butterfly
#1
woooooow :)))) 'to si joanna eh, bibigay din pala! XD
kampao00 #2
cuteeeeee <3 that yellow man :D xD hahaha.<br />
thumbs up :D :)