MBLAST SERIES 3: Forever with you

MBLAST SERIES 3: Forever with you

 

Chapter 3:

          Maagang nagising si Molly para paghandaan ang pagkikita muli nila ni Raymond. Ang laki ng pasasalamat niya kay Shuya na  makakapunta siya sa practice.

        “Magkikita ulit tayo!” sabi niya sa tarpaulin ni Raymond.

        Lumabas siya ng kwarto para mag-agahan na at uminom din siya ng milkis. Wala ang mga magulang niya, siguro ay nasa isang bahay nila ito natulog ulit.

        Umalis siya na suot ay short at simpleng shirt lang. nagbaon din siya ng milkis para ibigay kay Mond, pambawi ng treat nito kagabi sa kanya.

        Pagdating niya sa Bambang para hintayin si Shuya. Nagulat siya nang may kumiliti sa kanya sa baywang.

        “Ayyy”  gulat ni Molly. Mas lalo pa siya nagulat dahil si Raymond pala ito.

        “HAHAHA..anong ginagawa mo dito?” tanong ni Raymond.

        “Ginulat mo naman ako! Hinihintay ko lang si Shuya” sagot ni Molly.

        “Bakit si Shuya pa? pwede naman ako!” sabay ngiti.

        “Inimbitahan niya kasi ako na pumunta sa practice ninyo”

        “Kaya naman pala! Tara! Sakin ka ng lang sumabay” yaya ni Raymond.

        “Baka maghintay dito si Shuya”

        “Tatawagan ko siya later, don’t worry. Sakay ka na sa kotse ko, pleaseeee” pakiusap ni Raymond.

        “Sige na nga. Tawagan mo siya ah!”

        Sumakay na siya sa kotse ni Raymond.

        “Hindi ko kaya na maghintay ka doon sa LRT. Kanina pa kita tinitingnan”

        “Ok lang naman sakin”

        “Laging late si Shuya kaya hindi ko na natiis. Lumapit na ako sayo”

        “Salamat sa concern”

        Tumingin si Raymond sa kanya at ngumiti. Huminto na ang sasakyan.

        “Nandito na tayo. Tara! Baba na tayo” yaya ni Raymond.

        Bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang pingilan siya ni Raymond.

        “Wait lang! ako na ang magbubukas para sayo” sabi ni Raymond.

        Lumabas si Raymond at binuksan ang pinto ng kotse para sa kanya.

        “Tara na!” yaya ni Raymond. Hinawakan ni Raymond ang kanyang kamay papasok sa loob.

        “Hello bro! si Molly pala” pakilala ni Raymond.

        “Girlfriend mo ba?” tanong ni Jm.

        “Hindi. Kung pwede nga lang ang sagot ay OO pero si Shuya talaga ang nag-imbita sa kanya dito” sagot ni Raymond.

        “Hi Molly! I’m Chiza” pakilala ni Chiza sa sarili.

        “Hi Chiza! Nice meeting you” sabi ni Molly.

        “Wag ka mahiya sa amin” sabi ni Jm.

        “Wala pa ba yung tatlo?” tanong ni Raymond.

        “Magkasama sina kuya at Shuya. Pumunta kay Joanna.” Sagot ni Chiza.

        Dumating si Shuya.

        “Nandito ka na pala Molly. Sorry kung late ako” bungad ni Shuya.

        “Ok lang. sinamahan naman ako ni Mond” sabi niya.

        “Nasaan si Jop?” tanong ni Jm.

        “Nandoon pa kay Joanna. Ang kulit talaga ng lalaki na yun” sagot ni Shuya.

        Dumating na din si Jop.

        “Hey guys! Magpractice na tayo! Let’s start! Tulungan niyo ako mamaya para mag-ayos ng set-up ng date namin ni Joanna” bungad kaagad ni Jop.

        “Wala pa si Nigel. Ayaw niya sagutin ang tawag ko” sabi ni Jm.

        “Siguro naman ay pinag-aralan niya na ang step ng This is war” sabi ni Jop.

        “Pero kagabi pa yun nawawala after ng pangyayari sa bar kagabi” sabi ni Chiza.

        “Sino ba sa tingin niyo ang kasama niya?” tanong ni Raymond.

        “Yung girl na kasama ko sa bar” sagot ni Jop.

        “Na hinalikan mo” dugtong ni Shuya.

        “Hahahahaha.. tapos na yan!” sabi ni Jop.

        “Jop, si Molly pala” pakilala ni Raymond.

        “Hi Molly! Boyfriend ka ba ni Raymond?” tanong ni Jop.

        “Hindi po” sagot niya.

        “Kanina niyo pa kami pinagkakamalan ah” reklamo ni Raymond.

        “Bagay kasi kayo..hahahaha” sagot ni Jop.

        “Tara! Mag-start na tayo!”

        Nagsimula na ang practice. Nahihiya siya sa grupo dahil kanina pa siya pinagkakamalan na girlfriend ni Raymond. Inilabas niya ang milkis at binigyan si Chiza na kapatid ni Jop at girlfriend ni Jm.

        “Thanks Molly!” sabi ni Chiza.

        Sabay nilang binuksan ang milkis at uminom ang dalawang dalaga. Huminto ang grupo sa pagpapapractice at tumingin sa kanila.

        “Wow! Milkis! Sabi ni Jop.

        “Gusto mo ba?” tanong ni Molly. Inilabas niya pa ang apat na milkis.

        “Anim ang dala mo milkis. Bakit hindi ka nagsabi kaagad? Ang bigat niyan tapos tumayo ka pa doon na almost 1 hour.” Pag-aalala ni Raymond.

        “Hindi naman mabigat!” pagsisinungaling niya.

        Inakbayan siya ni Raymond. Nagulat siya sa ginawa nito.

        “Ouchhhh” inda niya.

        “Sabi mo ay hindi mabigat pero masakit na nga balikat mo” sabi ni Raymond.

        “Mawawala din yan mamaya”

        “May salonpas akong dala,ilagay mo”

        Natapos na sila uminom ng milkis lahat at nagpractice ulit ang grupo. Tuwang-tuwa siya na panoorin ang mga ito. Almost perfect na sa tingin niya ang performance nila. Pagtapos ng practice ay nilapitan siya ni Raymond.

        “Lagyan na natin ng salonpas ‘yang balikat mo. Ok lang ba sayo?” tanong ni Raymond.

        “Ako na lang ang maglalagay”

        Pagtapos niya ilagay ang salonpas sa kanyang balikat ay inabutan naman siya ng panyo ni Raymond.

        “Ano ito?” tanong niya.

        “Pwede mo ba punasan ang mukha ko? Ang dumi kasi ng kamay ko”

        Pinakita ni Raymond ang maduming niyang palad na nakuha niya sa kahoy na hinawakan nito kanina.

        “Pikit!” utos ni Molly kay Raymond.

        “Ayoko!”

        “Bakit?”

        “Hindi ko makikita ang maganda mong mukha”

        “Ewan ko sayo! Pikit na!”

        Pinupunasan na ni Molly ang pawis na pawis na mukha ng binata.

        “Thank you Momo” sabay ngiti ni Raymond.

        “Momo?!!!” sabi ni Molly.

         Natapos na ang nagparactice at naghanda na sila umalis para sa plano ni Jop na date nila ni Joanna.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kimsunhye13
#1
Congrats~~
Athena1
#2
congrats chingu~
elliptical #3
Congrats ^^
typewriter98
#4
congrats <3
-lestss #5
congratulations!
yumides #6
congrats!!!^^
mamimomuu #7
congratulationnnss~~
yixingexo
#8
Congratulations on the random feature! ^Y^
lovelyme23 #9
COngratulations~!