MBLAST SERIES 3: Forever with you

MBLAST SERIES 3: Forever with you

 

“Momo, sakin ka sumabay sa kotse” paalala ni Raymond.

        Naghahanda na sila papunta sa venue ng date nila Jop at Joanna mamaya. Sila ang magdedesign nito.

        “Bakit momo?” pagtataka ni Shuya.

        “Secret” sagot ni Raymond.

        “May hula ako!” sabi ni Chiza.

        “Ano Chi?” tanong ni Jm.

        “Bulong ko sayo” binulong ni Chiza ang hula niya at nag-apir ang dalawa.

        “Chi, sakin din!” sabi ni Jop.

        Natawa si Jop sa hula samatala si Shuya na nagtanong at hindi na inalam.

        “Tara! Alis na tayo!” yaya ni Shuya.

        Dumating na sila sa venue. Dala ang madaming bulaklak, kurtina at iba pa na gagamitin nila para mapaganda nila ang date nila Jop at Joanna. Lalapitan sana ni Molly si raymond pero may kausap pa ito sa cellphone.

        “Molly, may problema ka ba?” tanong ni Shuya

        “Saan ba ang restroom dito?”

        “Diretso ka lang then left. Ayun na” turo ni Shuya.

        Pagbalik niya ay kailangan na ilagay ang kurtina.

        “Ako na magkakabit!” sabi niya kay Raymond.

        “Sigurado ka ba? Baka malaglag ka pa”

        Kinuha niya ang kurtina at isinabit sa taas. Nakatuntong siya sa hagdanan na bakal. Sa kanyang pagbaba ay nadulas siya.

        “Momo” sagaw ni Raymond.

        Napapikit na lang siya sa pagkalaglag niya sa sahig. Agad naman siya sinalo ni Raymond.

        “Sabi ko na sayo na malalaglag ka” sabi ni Raymond.

        “Sorry”

        “Malalaglag ka sa puso ko”

        “Hahahaha..bumanat ka pa. ibaba mo na lang kaya ako”

       Natapos na nila ang paglalagay ng kurtina. Naayos naman nila Jm at Chiza ang mesa, pagkain at upuan. Last step ay flowers na lang. nagtulong-tulong sila sa pagpilas nito.

        “Wait momo! Yung kamay mo”

        Kinuha ni Raymond kaagad ang kamay niya na nagdudugo. Agad itong pinunasan ni Raymond ng panyo.

        “Mond, ok na! maliit lang naman ang sugat ko”

        Tumingin sa kanya si Raymond.

        “Kesa naman hayaan ko na tumutulo ang dugo mo”

        Hinawakan ni Mond ang mukha ni Molly. Nasa magkabilaang pisngi ang dalawang kamay nito at tumingin kay Molly.

        “Maliit man yan or malaki ay ayaw ko makita kita na masasaktan”  sabi ni Raymond.

        Ikinalat na nila sa sahig ang mga bulaklak at umalis na sa venue.

        “Momo, hatid na kita pag-uwi” sabi ni Raymond.

        Pagdating sa bahay nila Molly ay niyaya niya si Raymond na pumasok sa loob.

        “Nasaan ang parents mo?” tanong ni Raymond pagkapasok nila sa loob ng bahay.

        “Nasa isang bahay namin. Gusto mong milkis? Madami pa sa ref”

        “Ang totoo? Nagtitinda ka ba ng milkis..hahaha”

        Pagbukas ni Molly ng ref ay nagulat si Raymond sa madaming stock ni Molly.

        “Ang adik mo sa milkis” sabi ni Raymond.

        “Ikaw ang nagturo sakin kung paano maadik dito”

        Ako? Dahil sa post ko ba dati? Sinisi pa ako ah!”

        “Yep! Tama ka!”

        “Nasaan ang room mo?” tanong ni Raymond.

        “Yung pinto na katabi mo” sagot ni Molly.

        Hawak na ni Raymond ang doorknob at nagbabadya na papasok sa loob.

        “Patingin ako pwede?” pakiusap ni Raymond.

        “Sure!” sagot niya habang umiinom pa siya ng milkis. May naalala siya na mayroon pala siyang tarpaulin ni Raymond sa loob ng room niya.

        Tumakbo siya kaagad para harangin ang pinto. Nasa harapan siya ni raymond. Nararamdaman niya na ang bawat hininga na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

        “Stop!” sigaw niya.

        “Bakit?” pagtataka ni Raymond.

        Ngumiti sa kanya si Raymond kaya nanghina siya. hinawakan siya ni Raymond at inurong siya para makapasok si Raymond.

        “Ang gwapo ko dito” sabi ni Raymond pagpasok sa loob ng room ni Molly.

        “Eh kasiiii…” sabi ni Molly.

        “Momo, ok lang. natuwa nga ako na may malaking tarpaulin ako dito sa room mo”

        “Aalisin ko na lang”

        Lumapit sa kanya si Raymond at niyakap siya.

        “Momo, wag mo na alisin..please” bulong ni Raymond sa kanya.

        “Ano yung mabango?” pagtataka ni Raymond.

        Hinanap ni Raymond ang bango na naamoy niya at natagpuan niya sa unan ni Molly. Kinuha kaagad ni Molly ang unan.

        “Momo, pabango ko yan ah” sabay ngiti ni Raymond.

        “Nalaman ko kasi dati ang perfume mo kaya bumili ako” paliwanag ni Molly.

        “Bakit sa unan mo inispray?”

        “Ah..kasiiii…”

        “Tell me why?”

        “kasiiiii.. feeling ko lagi kita kasama kapag naaamoy ko yang pabango mo”

        “Hmmmm… ikaw ah!” pang-aasar ni Raymond.

        Lumabas si Molly sa kwarto sa sobrang hiya. Sinundan naman siya ni Raymond. Umupo silang dalawa sa sofa. May inilabas si Raymond sa backpack niya.

        “Say ahhhh” utos ni Raymond. Sinunod naman ito ni Molly.

        “Ahhh” biglang shinoot ni Raymondang gummy bear sa bibig ni Molly.

        ‘Wag ka na nga mahiya sa akin”  sabi ni Raymond.

        Tinitigan ni Raymond si Molly. Lumapit si Raymond kay Molly at niyakap ito.

        “Its ok momo” bulong ni Raymond.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kimsunhye13
#1
Congrats~~
Athena1
#2
congrats chingu~
elliptical #3
Congrats ^^
typewriter98
#4
congrats <3
-lestss #5
congratulations!
yumides #6
congrats!!!^^
mamimomuu #7
congratulationnnss~~
yixingexo
#8
Congratulations on the random feature! ^Y^
lovelyme23 #9
COngratulations~!