OA-7000 MMK Delivery

Maligaya & Maningning's Kitchen
Please Subscribe to read the full chapter

 

     "Sigurado ka na ba diyan, Maningning?" hindi siguradong tanong ni Winter sa kaibigan. Alas dyis ng umaga, dapat nasa eskuwela na sila ngayon, nag-aaral ng leksyon at hindi nagkukulong sa kwarto ni Joy—which is very illegal. Anong ginagawa nila sa kwarto ng nakakatanda? Si Winter wala dahil nirerespeto niya ang pribadong silid ni Joy hindi kagaya nitong kumukuti-kutitap bumubusi-busilak na 'to. 

 

"Oo naman. Kelan ba ako naging unsure sa buhay ko, ha? Itiklop mo na yang mga dami ni ate, dapat ganon sa dati para hindi siya maghinala. Anong oras na ba? Sa mmk na tayo dumeretso ha? One PM na tayo pumasok," dire-diretsong salita ni Maningning habang nagpo-pose sa harap ng full body mirror ng kapatid.

 

Kahit hindi sabihan ay nagtitiklop na si Winter ng mga damit. Okey lang naman kasi mga panlabas na damit naman iyon. Madalas nya rin ito gawin para kay ate Irene nya. Kahit may singkwenta pesos na bayad yung pagtutupi nya ng damit ng ate niya e maliit na bagay lang 'to. At some point in life— noong uhugin pa siya at before maging sila ni Karina ang kaniyang puppy love— naging crush nya itong kapatid ni Maningning. Kaya wala lang ito. 

 

Ang big deal sa kanya ay yung ginulong drawer ni Ningning na puro undergarments from avon! "Hoy ikaw na bahala dyan sa mga kapantihan at bra ni ate Joy, ha? Kahit 'yon nalang gawin mo. Nakakahiya naman sakin kung kakatulungin mo ako maghapon." Na-late pa nga siyang mag "Hello bbque kong hot n spicy :"> Iloveyousomuch ;D" sa jowa nya para dito. 

 

Tinitigan niya ng kakaiba ang kaibigan saka inayos ang push-up bra na ninakaw niya sa drawer pati ang kanyang blusang naka tucked-in sa palda niya kahit hindi wala namang nabanggit sa student's handbook. "Oo na, oo na. Ako na bahala dyan." Ano pa nga ba? Prinsesa ng banyera nanaman ang atake nya sa pamamahay na ito. Pero bago siya magpaka-alipin (magtupi ng ), "Bagay ba sakin?" 

"Ang alin?" Napa-irap siya. 

"Yung —Malamang yung bra!" 

Medyo kinusot ni Winter ang mga mata saka lumipat ng pwesto para mas makita ang kabuuan ni Ningning. "Okey lang." 

 

"'Okey lang'? What do you mean na 'okey lang'?" Nagngangalit ang mga ngipin niya.

"Ano ba dapat?" What's there to say? 'Lumaki dibdib mo ng slight, mapagkamalan kang buntis mamaya' or 'Wow! Sigurado akong pagkakaguluhan ka ng buong populasyon ng Naval E. Vizmanos National High School!' Ganon ba dapat? 

 

Padabog na inayos ni Ningning ang drawer. "Wala! Pagkatapos nito, punta na tayo sa mmk." Ayan. Emotera na siya. Yung ate niya in-game sa trashtalkan, ito naman sa ka-emohan. Ambot sa emo.

 

Bumuntong hininga si Winter, niligpit ang mga damit ni Joy saka tinabihan si Ningning sa pwesto nya. "Alam mo, hindi mo naman kailangan magbago ng appearance para lang magustuhan ka ni Giselle. Be yourself!" Nagkaganyan lang naman siya noong masaksihan ang lantarang pagpapalitan ng malagkit na tinginan ni Giselle at nung bagong transfer na si Somi. Sinong epal ang magtatransfer sa last quarter ng school year?! Apaka papansin! 

"Sinong nagsabi na para kay Giselle to?!" 

"Edi hindi. Ang akin lang, kung gusto mong magkandarapa si Giselle sayo, wag mo siya papansinin. Gantihan mo besfren! Titigan mo lang siya kapag binabati ka nya tapos umexit ka. Nakuha ako sa ganyan ni Karina." Tinignan siya ng masama ni Ningning. 

"Seryoso ka ba?" 

"Oo! Itry mo lang. Tutal desperada mode ka na—ARAY?!" Nararapat lang sa kanya ang isang hampas sa batok with sabunot combo. 

Hindi siya desperada! Siya si Maningning N. Palacpac. Never siya magiging desperada.

"Tara na nga!" Sumasama lang ang loob niya sa kaibigan. Kailangan niyang kumain ng halo-halo sa mmk habang nasa klase si Joy para hindi siya isumbong.

 

Hindi pa man niya nagagawa ang plano ay bulilyaso na ito agad dahil nasa mmk si Joy. Suot nito ang uniporme pero walang nakakaalam kung may pasok ba siya o may balak ba siyang pumasok. Hindi na lang siya pinapansin ng mga crew, lalo na nung mga datihan. Sanay na sila na may nagka-cutting sa dalawang bata.  "Basta hindi buntis," ika nga ng bossing nila. 

“Joy.” 

 

“Huy, Joy!”

 

“Maligaya Marie N. Palacpac!” Doon lang napabalik ang diwa ni Joy papasok muli sa katawang lupa niya. Tinitigan niya ng masama si Sana, pero tinapatan lang din ito ng pagtaas ng kilay ng kaibigan. Sa ilang taon nilang magkaibigan dapat alam na ni Sana na hindi siya tumatanggap ng kausap kapag nakatulala siya. At this point feeling niya ginagago na lang siya ng kaibigan.

 

“Teh, hindi mo ako madadaan sa ganyan mo,” sabi ni Sana saka naupo sa tabi niya. Napapalatak lang ang dalaga saka nagpatuloy sa pagtitig sa labas ng bintana ng MMK kung saan natatanaw ang mga estudyante ng SMU. Sinisipat isa-isa kung may pamilyar na mukha siyang makikita.

 

 “Sure ka na dyan? Nag-cutting ka talaga para titigan si kuya Brando?” Sabay silang napatingin sa nakatambay na driver ng tricycle sa labas ng bintana. Binatukan niya si Sana.

 

“Gaga! Di ba sabi ko sayo wag mo kong ginugulo pag nagcoconcentrate ako?" dismayadong hayag ni Joy. Napag usapana kasi nila yan at isa pa, "Diba may klase ka? Nakiki-wifi ka nanaman dito, e hindi ka naman bumibili kahit juice lang! Luging-lugi kami sayo, te. Leche ka,” sunud-sunod na tirada ng dalaga. Natatawang nilabas ni Sana ang kanyang laptop, dahilan para umikot nanaman ang mata niya.

 

“OA mo. Syempre wala prof ko as always, tsaka gusto ko damayan yung bestie kong nagkakaron ng crisis kasi kinama na nya yung manliligaw nya kahit di nya pa sinasagot. Kumusta ba kayo nun?” Nanlaki ang mata ni Joy sa mga lumabas na salita sa bibig ni Sana. 

 

Dinampot nya ang pakete ng wet wipes sa sinasandalang counter at pinanghampas sa kaibigan. “Maghugas ka nga ng bunganga! Pati dila kaskasin mo ng steel wool.”

Tila nilagnat si Joy sa pula ng mukha niya. Panay pa ang kumpas ng kamay. “Ang bastos ng bunganga mong murit ka! Nakakaloka, nasa bahay kami ng mga magulang ko. Hindi ko gagawin yon sa kanila,” bulyaw nya pa.

“E, bakit kasi napaka-OA mo? Lakas ng OA-19 symptoms mo, ses. Chairperson ng COA?” 

“Ang baboy mo kasi!"

“Nagtatanong lang naman ako kung kumusta kayo tapos tatarayan mo ko dyan,” katwiran ni Sana. Kailangan niya lang mag data gathering para alam nya kung anong susunod na atake ni Joy. Tama na ang ganda-gandahan! Hindi sila pwedeng slowburn. Lingid sa kaalaman ni Joy ay binigyan si Sana ng kondisyon ng kanyang magulang na papayag silang magjowa siya ulit—yung matino na—kapag nabalitaan nilang may jowa na si Joy. Ang lagay ay may napupusuan siya ngayon at bago pa ito makuha ng iba ay gagawa na siya ng paraan.

 

Ito na lang ang maisusukli ni Joy sa kanyang bilang nandyan siya as back-up, plus-one, plan B o kaya taga receive ng online package ni Joy para hindi makita ng magulang nya kung gaano siya kagastador. Likewise naman si Joy sa kanya pero mas garapal kasi si Joy kaya maliit na bagay lang ito.

 

Hindi naman na kailangang mag-alala ni Joy dahil mataas din ang standards ni Sana para sa magiging jowa ni Joy. Hindi pwede ang puchu-puchu, dapat yung the best. Nakikita niyang si Wendy na yon. Medyo sablay sa physical appearance kasi matangkad talaga gusto nila ni Joy. Okey fine, sabihin na nating nakuha agad si Sana kasi may car si Wendy kasi hindi na nya maririnig magreklamo ang kaibigan nya sa tuwing naglalakad sila sa initan.

 

But also:

1. Mabango. Hindi nakakahilo ang perfume.

2. Maganda na, pogi pa! Kahit madalas mukhang gay yung pormahan. May times na ang neat niya, lalo na kapag naka-uniform. Ganyan mga type ni Joy.

3. Mabait sa mga taong nakapaligid kay Joy. Balita niya ay chatmates na ni Wendy ang mga Palacpac. Plus points yon.

4. Unexpectedly funny base sa screenshots ng conversations nya with Joy. Hindi nauubusan ng pick-up lines kahit corny. Hindi siya mabobored agad.  

 

At may isang bagay talaga si Wendy na ikinaiba sa mga nanunuyo noon kay Joy.

 

Humugot ng malalim na paghinga at napatanong si Joy, “Bakit mo kasi ako pinupush sa onanay na yon?” Walang bakas ng inis sa boses niya. Suko na siya. Sila pa bang dalawa ang mag-uululan? Walang matatapos.

 

“Yung seryoso?” Tinitigan siya ni Joy.

“Sige yung fake news na lang, tangina ka.” Tignan mo 'tong taong ito.

 

Dito na papasok yung lamang ni Wendy sa iba. Sa lahat ng nahumaling kay Joy, itong kutong lupa na ito ang tumanggap with open arms and legs sa pagkatao ni Joy. As in buong puso’t kaluluwa niya dedicated para tanggapin ang lahat kay Joy. Kung si Joy ay isang ulan, si Wendy naman ang tuyong palayan. Kung si Joy ay isang masukal na parang, si Wendy naman ang kambing na gutom. Kung si Joy ay langit, si Wendy naman ang mga ibon. Kung si Joy ay isang kangkong, si Wendy naman si Josh Moj—let’s not go there. Kung si Joy ay isang rumaragasang bagyo, si Wendy naman ang water dam.

Sana hindi siya mapuno. Sana hindi siya mag-bitak.

Ang OA lang but that’s what makes them Maligaya and Wendy. Yung ka-OA-han nilang dalawa.

 

“Girl… you haven’t seen the vision yet, but I have.” Nagtakip ng mukha si Joy saka nagpakawala ng hindi maipaliwanag na tunog. The thing is… Hindi bulag si Joy. Nakikita niya rin yung vision ni Sana. 

 

“Nakakainis siya,” mahinang reklamo niya. “Feel ko minanipulate nya ako. Ni-love bomb ako tapos four days walang paramdam?!” Napaawang ang bibig ni Sana. 

 

Oh wow.

“Puta siya wag na siya magpapakita dito. Masasampal ko sya sa nguso.” Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Joy saka tinitigan, “Bestie, bestie, bestie…” Oh her sweet sweet child. Mas sumandal pa si Joy sa kamay na humahaplos sa muk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
2024 update! See you sa 2025

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 8: OMAYYYGADDDH OTOR-NIM!!!!
AYAN na nafalll na din si Ligaya hahaha
sobrang Tsundere lang ng character nya hahahaha
I freaking love the story sana maupdate ASAP kasi grabeh ung bitin ko hahaha
germsrocket #2
Chapter 1: Wahahaha ang dami kong tawa dito
1st chapter pa lang 🤣🤣
di ko mapigilan tawa ko pinagtitinginan na ko d2 sa office 🤣🤣🤣
niceuuu 👍👍
honeyblood17
#3
Chapter 8: ay shuta ang daming OA moments ni joy pero ihhhhhhh yung huling part 🤭🤭
redsummer0801
#4
Chapter 8: Salamat otornim di ko kagad nabasa dahil may sakit ako (til now) pero I feel better reading poo. DBest talaga wenjoy fics mooo
redsummer0801
#5
Chapter 8: Walang kiss!!
_flcty #6
Chapter 8: GRABE NA NGA WALA KANG KUPAS 🥹 Kilig na kilig ako huhu. Mukhang malapit nang sagutin ni Maligaya yung manok ko 🥰 SANA MASARAP LAGI ULAM MO OTORNIM! SALAMAT SA UPDATE 🫶
parkjaeyoung801 #7
Chapter 8: yun oh may pa new year si author!! nag bgc ka po ba?? hehehe
EzraSeige
#8
Chapter 8: Chapter 8: Welcome back otornim. Arigathanks sa ayuda po 🙇😍💚💙
Minjeonglabz #9
Chapter 8: Nahanap din kita ulit shshdkdhsjdgdggdks. YEHEY MAY UPDATE🥳🥳🥳 ANG CUTE CUTE TALAGA NITO😍
iamriou_
1181 streak #10
Chapter 8: Welcome back otor! 😂