Chapter T-78

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

"Nay? Tatain na po daw tabi ni mimi." 

 

 

Nilingon ko ang pintuan ng kwarto namin at nakita ko doon si Khio na naka-silip, at may malaking ngiti sa mga labi. Maging ako ay nahawa na din sa happy pill ko, ang ganda talaga ng umaga ko kapag nakikita ko ang mochi namin na ganito kasaya kahit napaka-aga pa. 

 

 

"Wait mochi, sabay na tayo." tawag ko sa kanya, kaya naman agad na pumasok ng kwarto si Khio at inalalayan pa nga ako na tumayo. 

 

 

Napangiti ako habang hawak ko ang munting kamay ni Khio, nagulat pa ako ng yumuko sya para kunin ang tsinelas ko na pumasok na pala ang kapareha sa ilalim ng kama namin. Inayos nya iyon at inilagay sa tapat ng mga paa ko, tsaka sya tumingala sa akin at ngumiti.

 

 

"Tuot mo na po naynay, otey na po." sabi pa nya, sabay hawak ulit sa kamay ko para alalayan ulit ako habang nagsu-suot ng tsinelas.

 

 

Kuhang-kuha talaga ni mochi ang galawan ng mommy nya, para talaga syang pinaliit na Karina. Napaka-lambing, maalaga at higit sa lahat mabait. Mas makulit nga lang sya, pero okay lang, baby pa naman si mochi, at yung pagiging makulit eh normal lang naman dahil bata pa nga sya. 

 

 

"Salamat anak, ang sweet ng baby ko, pa-kiss naman si naynay." 

 

 

Pagka-kasabi ko pa lang noon ay agad ng tumingkayad si Khio para salubungin ng halik ang labi ko. Yumuko naman ako at ilang beses ko pa syang hinalikan sa pisngi bilang pasasalamat. 

 

 

"Yet's go nay, ay you otey po?" paninigirado pa nya ng magkatuwid na ako ng tayo. 

 

 

Ngumiti naman ako at mabilis na tumango kay mochi. 

 

 

"Oo naman anak okay si nanay, nga pala, anong hinanda ni mommy para sa umagahan natin?" tanong ko kay Khio habang magka-hawak ang kamay namin mag-nanay habang palabas ng kwarto. 

 

 

"Omeyette, pandetal, guyay, fwuits, miwlk po." sagot naman ni mochi na mukhang lalong naging excited, mapapa-laban na naman ang bochog namin sa kainan. 

 

 

"Wow, puro healthy foods ah, iba talaga kapag nandito si mommy mo ano?" sabi ko pa. 

 

 

At dahil na din ilang taon naman na kami mag-kasama ni Karina ay natuto na din ang asawa ko na mag-luto kahit papaano. Kaya sa tuwing wala syang pasok katulad ngayon, ay sya ang nagpi-prinsinta na mag-handa ng umagahan namin para daw maka-tulog pa ako ng mahaba. 

 

 

Ayon nga lang, bawal ang hotdog, ham, longganisa o kahit anong frozen goods pag sya ang nagluluto. Puro gulay at fruits lang talaga para daw hindi masanay si Khio na palaging hotdog ang ulam. Buti na lang din at hindi naman pihikan si mochi sa pagkain, dahil laking probinsya nga ay hindi kami nahirapan na pakainin sya ng gulay. 

 

 

"Guto po tati ni mimi hewty tayo, yayo na po tayo naynay and bibis." 

 

 

"At ikaw din, kaya ubusin mo ang gulay mo ha?" 

 

 

"Yib it to me naynay, mayiit na bagay." 

 

 

Natawa na lang ako ng nag-thumbs pa nga ang mochi ko sabay kindat sa akin.

 

 

Oo nga naman, basta pagkain hindi ka mag-aalala na hindi nya iyon mauubos. Dahil kadalasan eh si Khio pa nga ang taga-ubos ng tirang ulam namin dahil sayang daw. 

 

 

_____

 

 

"Nay? Teyan po dadating ti mimi? Batit hindi nya po ato nitama?" nang-hahaba ang ngusong tanong ni Khio habang pinapanuod nito ang kanyang nanay Winter na nagli-linis ng kwarto. 

 

 

Tumigil naman si Winter sa pagmo-mop ng sahig ng makita nya si Khio na hindi pa din nakaka-move on sa pag-iwan ni Karina dito.

 

 

Kanina nga pagkatapos nila mag-umagahan ay humingi ng tulong ang kanilang lolo Vicente sa mga gawain sa bukid. Sina Karina, Giselle at Yeji ang nag-prisinta na sumama sa matanda dahil mga wala naman pasok ang mga ito at long weekend. 

 

 

Ang kaso nga, umalis si Karina na wala si Khio dahil pauwi pa lang ito galing sa bahay ng ninang Ningning nito para maghatid ng dalandan na bigay ng kanila lola Soledad. Kaya eto nga't nagto-toyo kanina pa, inaaliw na lang ni Winter para kahit pa-paano ay maka-limot ito.

 

 

Pero dahil busy din sya sa pagli-linis ay na-bored naman si Khio at naalala na naman ang mommy nito. 

 

 

"Bago mag-tanghalian anak uuwi na din si mommy mo, madami kasi silang ginagawa sa bukid, tsaka mainit doon ngayon anak kaya hindi ka muna nila i-sinama." paliwanag pa ni Winter sa mochi nyang tumango naman ngunit bakas pa din sa mukha nito ang lungkot. 

 

 

Kaya naman binitawan na muna nya ang mop para lapitan si Khio, marahan nya itong niyakap at hinaplos ang ulo nito, ilang minuto silang nanatili sa ganoong pwesto mag-nanay ng maka-isip sya ng ideya. 

 

 

"Ganito na lang anak, tatapusin lang ni nanay maglinis dito sa kwarto natin, tapos, magluluto ako ng tanghalian, tsaka natin sila hahatiran ng pagkain sa bukid. Okay ba? Yung banyo na lang naman ang lilinisin ko, matatapos na din ako." mungkahi ni Winter, dahilan para mabilis na tumingala si Khio sa kanya at kabaligtaran sa itsura nito kanina ay nakangiti na ito ngayon. 

 

 

"Tayaga po?" 

 

 

"Oo naman anak, tsaka parang masarap mag-tanghalian doon, kaya wait mo lang muna si nanay ha? Tapusin ko lang dito para makapagluto na ako." dagdag pa ni Winter. 

 

 

Nakahinga na din sya ng maluwag dahil umaliwalas na ang mukha ni Khio. 

 

 

"Otey po nay tenchu, doon po muna ato tay chuychuy, dami po tayat ni chuychuy nay, yinis to muna po." masayang paalam ni Khio sa ina, pagkatapos ay kumuha na din ito ng ilang pirasong cleaning wipes para gamitin sa paglilinis ng laruan ni chuychuy. 

 

 

"Oh sya sige, linisin mo ang kalat ni chuychuy. Salamat anak."

 

 

Kinuha na ulit ni Winter ang mop para ituloy ang paglilinis ng kumaway na si Khio sa kanya mula sa pinto bago ito lumabas. 

 

 

"Weytam po nay, tee you." 

 

 

"See you baby.." 

 

 

_____

 

 

Saglit na muna na nag-pahinga si Winter ng makaramdam sya ng pangangalay sa may bandang balakang nya habang nagku-kuskos ng inodoro. Huminga sya ng malalim, patapos naman na din sya at magmo-mop na lang ng sahig, at dahil nga magtatag-init na din ay talaga naman halos maligo na sya ng pawis sa sobrang init sa loob ng banyo. 

 

 

Kaya naman agad na hinanap ni Winter ang bimpo na ginagamit nya pamunas ng pawis. Nag-taka pa sya sandali dahil nasa balikat nya lang iyon kanina, ilang beses pa syang lumingon-lingon sa loob ng banyo para hanapin ito. Nang maya-maya ay bigla nyang naalala na na-ilapag nga pala nya iyon sa kama ng lumabas sya kanina. 

 

 

"Makakalimutin na talaga ako." nasabi na lang ni Winter sa sarili. 

 

 

Naisipan nyang kunin muna ang bimpo dahil nakaramdam na sya ng asiwa sa mga pawis na natulo sa gilid ng leeg at mukha nya. 

 

 

Palabas na sana sya ng banyo, ngunit sa hindi ina-asahang pangyayari ay nakaka-isang hakbang pa lamang sya palayo sa inodoro ng bigla na lang syang may natapakan na madulas sa mamasa-masa pa na sahig. 

 

 

Mabilis ang mga naging pangyayari, hindi na halos nagkaroon pa ng pagkakataon si Winter na maka-hawak sa sabitan ng tuwalya para pigilan ang pagbagsak nya, dahil nang muli syang matauhan ay nasa sahig na sya sa gilid ng inodoro.

 

 

Sandaling nag-dilim ang paningin ni Winter, kasabay ng hirap sa paghinga dahil sa matinding sakit na biglang gumapang sa kanyang katawan at ang tinumbok noon ay ang tagiliran nya. 

 

 

Takot ang sumunod na naramdaman ni Winter, dahil kasabay ng sakit sa tagiliran at panlalabo ng kanyang paningin ay ang pag-aalala para sa mga sanggol na nasa sinapupunan nya. 

 

 

"T-tulong..." halos pa-singhap ng sigaw ni Winter, ngunit tila dahil sa sakit ay impit na boses na lamang ang lumabas sa bibig nya. 

 

 

Pinilit nya na umayos ng upo sa sahig para sumandal sa pader, pagkatapos ay agad nyang pinakiramdaman ang sarili. Maliban sa matinding sakit ng tagiliran malapit gilid ng kanyang dibdib na tumama sa inodoro ng madulas sya at braso, ay wala naman na syang ibang nararamdaman.

 

 

Ngunit dahil na din sa takot at sakit na iniinda ay tila ba biglang naningas ang kanyang tiyan. Pinigilan ni Winter na wag mataranta kahit pa nga, wala na syang ibang naririnig kundi ang mabilis na tibok ng kanyang puso, at mabigat na paghinga. Hindi din nakaka-tulong na sa tuwing hihinga sya ay tila ba lalong sumasakit ang tagiliran nya. 

 

 

"K-karina...mahal t-tulong..." hinihingal nyang sigaw sa kawalan. 

 

 

Kahit na alam nyang, malabo na marinig sya ni Karina na ngayon ay nasa gitna ng bukid. 

 

 

Huminga ng malalim si Winter, habang paulit-ulit na hina-haplos ang limang buwang gulang nyang sinapupunan. Pilit nyang kina-kalma ang sarili, kahit pa nga, hindi nya alam kung paano sya makaka-hingi ng tulong. 

 

 

Napa-kagat na lang sya ng labi ng muling manigas ang kanyang tiyan, sa mahinang boses ay nakiusap sya at nagdasal para sa kaligtasan ng triplets. 

 

 

"M-mga anak, p-please kapit lang k-kayo, wag kayo bibitaw kay nanay p-parang awa nyo na...kaya natin to, please.. dadating din ang m-mommy nyo tutulungan nya t-tayo.." 

 

 

Hindi na napigilan ni Winter ang maiyak sa takot, hindi na nya alintana ang sakit sa tagiliran nya. Dahil ang tanging inaalala na lang nya ngayon ay ang mga sanggol sa sinapupunan nya at ang kaligtasan ng mga ito.

 

 

Puno nang takot ang bawat minuto na lumipas para kay Winter habang paulit-ulit pa din nyang hina-haplos ang kanyang tiyan para maibsan ang paninigas nito. Kasabay pa din ng pagda-dasal na sana'y hindi ma-apektuhan ang triplets na ipinagbubuntis nya. 

 

 

"Nay? Matagay pa po itaw?" 

 

 

Napa-dilat ng mga mata si Winter ng marinig nito ang boses ni Khio mula sa labas ng pintuan ng banyo, at tila ba bigla sya nagkaroon ng pag-asa ng marinig nya ang boses ng panganay nila ni Karina. 

 

 

At sa natitirang lakas ay tinawag nya ang pangalan ni Khio para humingi ng tulong dito. 

 

 

"K-Khio..anak tulong!" 

 

 

Tawag nya dito, tila ba naubusan sya ng hangin pagkatapos noon dahil pinilit nyang sumigaw ng malakas. 

 

 

Bago tuluyan muling mag-dilim ang paningin ni Winter ay nakita pa nya na pumasok ng banyo si Khio.

 

 

Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalala, bago ito mabilis na lumapit sa kanya.

 

 

"N-nay..?" 

 

 

Sa murang isip ni Khio ay takot agad ang unang bumalot dito, lalo na't naabutan nya ang kanyang nanay Winter na naka-handusay sa sahig ng banyo at halata na may ini-inda na masakit sa katawan nito. 

 

 

"Anak, t-tawagin mo si mommy..anak..t-tulong.." 

 

 

At ayon na lang ang huling natandaan ni Winter bago sya tuluyang mawalan ng malay. 

 

 

_____

 

 

"N-nay..naynay to..Tuyong! Mimi ti naynay! Tuyong!" 

 

 

Nata-tarantang tinapik ni Khio ang pisngi ng kanyang nanay Winter para gisingin ito, ngunit kahit anong tapik at alog ang gawin nya sa katawan ng kanyang nanay ay hindi man lang ito kumilos o nagising. 

 

 

Nakaramdam ng matinding takot si Khio, hindi nya alam ang gagawin lalo't sila lang ng nanay nya ang nasa bahay. 

 

 

"Nay! Nay! Giting po itaw! Nay!" 

 

 

Sa kalagitnaan ng pag-hikbi ni Khio ay tila ba bigla nyang naalala ang sinabi ng kanyang nanay Winter bago ito mawalan ng malay.

 

 

"Anak, t-tawagin mo si mommy..anak..t-tulong.."         

Agad na naging alerto si Khio ng maalala nya iyon, kaya mabilis itong napatayo mula sa pagkaka-luhod sa tabi ina. 

 

 

"Mimi...I need to get mimi.." ani Khio sa sarili ng tila matauhan ito sa pagka-gulat dahil sa mga nangyari. 

 

 

"N-nay, wait fow me, tatawagin to po ti mimi, wait yang po-!" 

 

 

Hindi na nag-dalawang isip pa si Khio, sa kabila ng may kaliitan na mga hakbang ay pinilit nito na manakbo ng mabilis palabas ng bahay. Mabuti na lang din at may daan sa likod ng kanilang bahay papunta sa bukid kaya doon na dumaan si Khio. 

 

 

At dahil na din sa pagka-taranta ay hindi na ito naka-pagsuot pa ng tsinelas. 

 

 

Mata-talas na lubak mula sa tuyong pilapil, kuhol, tulya, maliliit na bato at kung ano ano pang matatalas na bagay ang nata-tapakan na ni Khio, ngunit tila ba hindi iyon alintana ng manipis nitong balat sa talampakan. 

 

 

Ang tanging nasa isip lang ni Khio ay ang humingi ng tulong sa para sa kanyang nanay. 

 

 

"Mimi! Mimi! Tuyong! Ti naynay! Ti naynay.." sigaw nito habang nananakbo sa tuyong pilapil. 

 

 

Magka-halo na ang hingal at hikbi sa maliit na katawan ni Khio, ngunit nangibabaw dito ang pag-aalala para sa ina. 

 

 

At dahil na din sa nanlalabong paningin dahil sa mga namumuong luha sa mga mata ay hindi na nakita ni Khio ang naka-usling bato sa kanyang daraanan. 

 

 

Huli na nang maiwasan nya ito, dahil tuluyan na syang gumulong sa pilapil at halos mapasigaw na sa sakit ng pagkaka-talapid. 

 

 

Umi-iyak na na-upo sa tuyot na lupa si Khio, at ganoon na lang ang lalong paglakas ng iyak nito ng makita ang duguang tuhod na may malaking sugat. 

 

 

"M-mimi..." ilang segundo din na napa-pikit habang umiiyak si Khio ng maramdaman nya ang matinding hapdi sa kanyang tuhod.

 

 

Ngunit nang muling nyang maalala ang kanyang nanay Winter ay walang pag-aalinlangan itong tumayo muli. Sugatan ang tamlampakan, may dugo sa tuhod mula sa pagkaka-dapa. Pero ang lahat ng iyon ay binalewala ni Khio. 

 

 

"I need to get mimi..I need to-" humi-hikbing pinunasan ni Khio ang kanyang luhaang mukha gamit ang braso nya.

 

 

Muli syang huminga ng malalim, at mula sa kinakatayuan ay natatanaw na din nya ang kubo kung nasaan ang kanyang mommy Karina. 

 

 

"Wait fow me naynay..." 

 

 

I-binuhos na ni Khio ang buong lakas sa pagtakbo at pagsigaw palapit sa kubo, magka-halo na din ang iyak at hagulgol na lumalabas sa bibig nito sa sobrang pag-aalala para ina. 

 

 

Sakto naman na sisigaw na itong muli ng mapansin ito ni Karina, na agad naman binitawan ang hawak nitong itak para patakbong salubungin si Khio na iyak ng iyak at nanakbo din palapit sa kanya.

 

 

Wala itong suot na saplot sa paa, at lalo lang nag-alala si Karina ng mapadako ang mga mata nya sa tuhod nito na may sariwang dugo na umaagos dito. 

 

 

"Khio? What-" 

 

 

"M-mimi.." hini-hingal na iyak ni Khio ng lapitan ito ni Karina. 

 

 

Hindi nya alam, pero sa itsura ng kanyang anak ay nakaramdam sya ng kaba.

 

 

"Baby, what happened?! You're bleeding-" 

 

 

"Mimi! Ti naynay! Ti naynay nata banyo! Mimi tuyungan mo po ti naynay!" humi-hikbing sigaw ni Khio pagkatapos ay umiyak na ito ng malakas. 

 

 

Hindi agad naka-kilos si Karina sa kinata-tayuan nya dahil sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
shoheii 0 points #1
Chapter 53: ansakit ng tyan ko sa patutoy 😭 marunong po ba kayo mag bisaya otor? may mga words kasi ako na napapansin na only bisaya ppl knows heh pero ang LT nung patutoy kasi 😭
howdoyouknowmee
555 streak 0 points #2
Chapter 84: Naiiyak pa rin ako baby ko Khio huhu
meagerp
#3
Chapter 55: KHIO 😭😭😭😭. Ang baby namin nag ngingipin lang pero grabe yung epekto sakanya.
ryujinie__
711 streak #4
Chapter 85: Thank you 🤍
sepvenanje #5
Chapter 85: thank you tor 🙆‍♀️
meagerp
#6
Chapter 85: Yes! Another multiverse! Rereading pa ako nito kaya patiently waiting po author! Aliw na aliw ako sa pag rread 😭😭🥰
howdoyouknowmee
555 streak #7
Chapter 85: Edi lalo akong naiyak huhu
iamriou_
1178 streak #8
Chapter 85: uy may bago 🥹🤍
winjeongsimp #9
Chapter 85: hala, nadinig ang dasal ko 😭🙏🏼