HAPPY FIESTA!

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

Buwan ng Mayo, kaya naman bago pa man manganak si Winter ay napag-pasyahan pa nilang mag-asawa na sumama muli sa fiesta ng Tubuan Laguna. Kung saan simula nga ng makarating doon sina Karina,Yeji at Giselle ay taon-taon na nila itong dinarayo. 

 

 

Sakto naman at unang linggo pa lang ito ng Mayo magaganap kaya pu-pwede pang bumiyahe si Winter. Pero sinigurado din naman ni Karina na mas kumportable at ligtas ang kanilang magiging byahe para na din sa kanyang mag-iina. 

 

 

Sakay nga ng mini bus ay maagang bumiyahe ang kanilang pamilya. Maayos naman ang kanilang byahe, hindi nga lang katulad noon na nakaka-tulog pa sina Yeji, Giselle at Karina dahil si Khio pa lang ang dalang bata at baby pa nga ito. Ngayon kasi ay sa loob ng ilang oras nilang byahe papunta ng Laguna ay hindi na natahimik sa loob ng sasakyan.

 

 

Nandyan kasi ang tatawagin sila nina Khio, Allison at Yumi na naka-upo tabi-tabi sa gitnang upuan ng bus para mag-tanong tungkol sa mga nakikita ng mga ito sa paligid. Ganoon din ang madalas na pag-hingi ni Khio ng snacks dahil tila ba nabo-bored ang mochi nila kapag wala itong nginunguya sa byahe. 

 

 

"Titi ano po yan?" tanong ni Khio sa kanyang tita Yeji na may dalang ilang karton na sa tingin nya ay katulad ng sa pizza box.

 

 

Ngumiti naman si Yeji at ibinigay na muna ang ibang box kina Karina at Giselle para ipamigay naman ang mga ito sa pamilya nila. Nag-tira din sya ng isa para bigyan naman ang tatlong chikiting na excited nang naghi-hintay kung ano ba ang laman ng hawak nyang box. 

 

 

"Masarap ito mochi, dati bawal ka pa nito kasi baby ka pa, ngayon pwede na, here oh, buko pie na bagong luto." sabi ni Yeji habang binu-buksan ang box, dahilan para lalong ma-excite ang tatlong bata. 

 

 

At ganoon na nga lang ang pag-kalam ng tiyan ni Khio ng ma-buksan na ng tita Yeji nya ang box na hawak nito. Dahil umalingasaw ang isang mabango at nakaka-gutom na amoy galing sa pagkain na nasa loob ng box.

 

 

"Wow! Buto pie!" excited na sabi ni Khio na napa-palakpak pa nga habang halos mag-ningning na ang mga matang naka-tutok sa buko pie.

 

 

Natawa na lang sina Karina at Winter habang pina-panuod kung paano mag-laway ang anak nila sa buko pie, sa sobrang saya nga nito ay nabulol pa ito ng pagkaka-sabi. 

 

 

"Bu-ko mochi, buko pie." pagta-tama naman ni Yeji sa pamangkin nyang tumawa na lang din. 

 

 

"Buko pie po pala, sarap po yan titi?" tanong ulit ni Khio.

 

 

"Oo naman, favourite ito ni mommy mo, pati na din namin ng nana Gigi mo." sagot naman ni Yeji. 

 

 

"Mommy can we have some po please?" tanong din ni Yumi sa kanyang mommy Yeji na nag-simula nang kumuha ng buko pie para isa-isang ibigay sa tatlong chikiting. 

 

 

"Ofcourse baby, here." 

 

 

Nanlaki ang mga mata ng tatlong bata nang i-abot na nga ni Yeji ang kapirasong buko pie kay Yumi. Maliit muna ang ibinigay nya dahil baka hindi din naman ma-ubos ng kanyang anak ang isang buong slice. 

 

 

"It looks yummy po." sabi naman ni Allison.

 

 

Kahit pihikan nga ito sa pagkain ay nakuha din ang atensyon nito dahil sa amoy ng bagong lutong buko pie.

 

 

"Masarap talaga to baby Alli, here try it." alok din ni Yeji kay Allison na naka-ngiti naman na tinanggap ang half slice ng buko pie na kasing laki lang din ng kay Yumi. 

 

 

"Thank you po tita." pagpa-pasalamat pa nito.

 

 

"Welcome baby Alli..-Khio eto sayo-" 

 

 

"Ang liit naman po nyan titi." reklamo ni Khio nang makita ang ka-karampot na piraso ng buko pie na mas maliit pa sa natanggap nina Allison at Yumi. 

 

 

Pigil na pigil naman si Yeji na wag matawa dahil sinadya nya talaga na biruin si Khio, pero hindi na din sya naka-tiis na matawa pa, lalo pa't nang-haba na ng tuluyan ang nguso nito dahilan para mas lalong umumbok ang mga pisngi ng kanyang pamangkin. 

 

 

Pati nga ang mga magulang nito ay natatawa na lang din sa mochi nilang hindi talaga papa-talo basta usapang pagkain na.

 

 

"Joke lang bochog, sinu-subukan ko lang naman kung papayag ka, oh eto na." binawi naman ni Yeji ang maliit na piraso ng buko pie na ibinigay nya dito, sabay abot ng mas malaki nang slice kay Khio. 

 

 

Isang buong slice na talaga para sa mochi nila, dahil alam naman nya na kayang-kaya itong ubusin ni Khio, baka nga dumalawang slices pa ito. 

 

 

Napangiti na lang sya dahil napaka-bilis talaga mag-bago ng mood ng pamangkin nya basta may chibog ito. Eto nga't todo ngiti na sa kanya ng kunin na nito ang buko pie na ini-abot nya. 

 

 

"Thank you po titi, the best po talaga ikaw--hmm-Ouch! Init! Init!" daing ni Khio, dahil pagka-kuha nga nito sa buko pie ay kaagad din itong kumagat doon, dahilan para mapaso ito.

 

 

Napa-iling na lang si Yeji habang tinu-tulungan ang pamangkin nyang ayaw naman iluwal ang piraso ng pagkain na naka-paso dito. 

 

 

"Hipan mo muna kasi, kaloka ka mochi, iluwa mo na muna." pilit pa nya sa pamangkin dahil todo pay-pay na ito sa sariling bibig gamit ang kamay nito.

 

 

Maluha-luha na din si Khio kaya naman pati si Karina ay nag-aalala ng tumayo para tulungan ang anak. 

 

 

"Spit it out love, come on." utos ni Karina habang naka-salo ang kamay sa tapat ng bibig ni Khio na halos mag-laway na dahil sa init.

 

 

Pero dahil mapamaraan talaga ang mochi nila ay agad itong uminom ng tubig para maibsan ang init ng i-sinubong buko pie. 

 

 

"O-otey-owkay na po mimi.. wooh! Init po pala, pero sarap!" naka-ngiting sabi pa nito pag-katapos malunok ang kina-kain. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang sina Yeji at Karina, ganoon din si Winter na pilit tina-tanaw si Khio mula sa kinau-upuan nya sa may bandang likod. 

 

 

"Are you sure? Please be careful baby..." paninigurado pa ni Karina kay Khio na ngumiti naman ulit sa kanya at nag-thumbs up din, sabay kagat ulit sa hawak nitong buko pie. 

 

 

"Hmmm~sarap, okay na po ako mimi." sagot pa nito at magana na nga ulit itong kumain na akala mo'y hindi napaso kanina. 

 

 

Napa-pangiti na lang si Yeji, kumuha na din sya ng buko pie sa karton bago pa nga ito maubos ng pamangkin nya. 

 

 

"Grabe na talaga yung vitamins ni mochi, may vetsin ata na ingredients yon, lahat na lang masarap sa kanya eh." biro naman ni Ryujin, dahilan para mapa-tingin dito si Khio.

 

 

"Sarap po yan tata?" tanong nito ng makita ang espasol na kina-kain ng tita Ryujin nya.

 

 

"Gusto mo?" alok naman ni Ryujin. 

 

 

Tumango naman si Khio at masayang ngumiti sa tita nya. 

 

 

"Opo! Tenchu tata!" 

 

 

"Jusko anak, hinay-hinay sa pagkain at baka naman ma-empatso ka na, simula San Isidro hanggang dito sa Los Baños wala kang tigil kaka-kain." ani Winter habang pina-panuod si Khio na kumagat sa espasol na hawak ni Ryujin. 

 

 

"Para hindi po ako inip naynay." sagot naman ni Khio.

 

 

Natawa na lang sila dahil totoo naman, kanina nga na pinatigil muna nila ito na kumain ay na-bored nga ang mochi nila. Kaya naisipan nitong gawing race track ang loob ng bus, at gusto pa nga i-damay sina Allison at Yumi. 

 

 

Kaya wala silang nagawa kundi bigyan na lang ito ng maka-kain para lang ma-upo na at tumahimik. 

 

 

"Susme, i-hi-hinto ko na talaga ang vitamins mo Khione Yu.." nai-iling na nasabi na lang ni Winter.

 

 

______

 

 

"Ang bintog-bintog talaga ng anak nyo ate Winter, ano bang vitamins nya? Baka pwedeng i-painom ko din sa anak ko." 

 

 

"Kamusta Allison ineng? Eh kagandang bata ng anak nyo Ningning! Kelan nyo ba sya balak susundan?" 

 

 

"Napaka-hinhin at tahimik ng anak nyo Ryujin, eh bardagul ka naman nung bata ka."

 

 

Hindi na mag-kamayaw sina Winter, Ningning at Ryujin ng dumugin na nga ng kanilang mga kamag-anak sina Khio, Allison at Yumi. Dahil nga taunan lang din sila kung maka-pamasyal sa Laguna kaya naman kapag napunta sila ay sadyang puring-puri ang kanilang mga anak. 

 

 

"Kayo nga muna ay mag-sipag tabi, bayaan nyo na muna silang makapag-tanghalian at pagod ang mga iyan sa byahe." saway ni lola Pureng sa mga kamag-anak nila na halos lamutakin na sa gigil ang tatlong chikiting.

 

 

Pagka-dating nga sa lumang bahay ng kanilang lola Soledad sa Tubuan ay isa-isa nang nag-pasukan sa bahay ang mga pinsan, tiyahin, tiyuhin at may kapitbahay pa nga, para makipag-kwentuhan at kamustahan sa kanila. 

 

 

Naka-handa na din ang tanghalian para sa kanilang mag-anak na ini-handa ni lola Pureng. Ginataang langka, inihaw na tilapia at hito ang inihanda ng matanda, na nagpa-kalam lalo sa sikmura nila kahit pa nga kakain lang nila ng buko pie sa byahe.

 

 

Nang mag-paalam na ang mga tao sa bahay ay isa-isa na nga silang nagsi-upuan pa-ikot sa mahabang lamesa na gawa sa kawayan para mag-umpisang kumain. 

 

 

"Nay? Pwede po kami laro sa labas mamaya?" tanong ni Khio sa kanyang nanay Winter, habang ang kanyang mommy Karina naman ang nagpapa-kain sa kanya. 

 

 

Tumango naman si Winter at hinarap ang mochi nila na naka-upo sa tabi nya, at napapag-gitnaan nila ni Karina. 

 

 

"Oo naman, pero hindi ka ba inaantok anak? Ang aga mo nagising kaninang madaling araw tapos hindi ka man lang naka-tulog sa byahe." nag-aalalang tanong ni Winter sa anak.

 

 

Ngunit nang makita naman nya ang mga mata ni Khio na walang bakas ng pagod ay ngumiti na din sya dito. 

 

 

"Hindi po nay, maya na lang po ako tulog sa gabi." sagot ni Khio. 

 

 

"Oh sige, basta dyan lang kayo sa likod at wag mo iiwan sila Aliison at Yumi okay?" 

 

 

"Opo nay~thank you~" masayang sagot naman ni Khio na nag-thumbs up pa palihim kina Allison at Yumi, dahilan para matuwa din ang dalawa.

 

 

Nang matapos nga kumain ang mag-anak ay nag-kanya kanya na din silang pasok sa mga silid na kanilang titigilan sa loob ng dalawang araw. At dahil buntis ay nauna nang nag-pahinga si Winter para maka-bawi nga ito ng tulog, sina Ningning at Ryujin naman ay napiling mag-ayos muna ng kanilang mga gamit. 

 

 

Ngayong araw nga ay saktong bisperas ng fiesta, kaya naman nag-volunteer na din sina Yeji, Karina at Giselle na tumulong sa likod bahay, kung saan nag-aayos ng tolda at nagha-handa ng mga gagamitin sa paglu-luto kinabukasan.

 

 

Habang busy ang mga magulang sa kani-kanilang ina-asikaso, ay sya naman page-enjoy nina Khio, Allison at Yumi sa harapan ng bahay ng kanilang lola Pureng. 

 

 

Sakto din naman at may nag-iikot na mga nagpa-palaro na dumadaan sa kalsada, katulad ng color game, palabunutan ng mga laruan, maku-kulay na sisiw at gold fish, at madami pang iba.

 

 

Maliban pa sa mga nagti-tinda ng mga street foods na talaga naman takaw mata para sa mga bata, lalo na ang cotton candy at sorbetes. 

 

 

Ngunit mas napili nga ng tatlo na mag-laro na muna, dahil nagustuhan nina Allison at Yumi ang mga laruan sa palabunat. 

 

 

Ang kaso...

 

 

"I don't want to play this game anymore! Hmp!" maktol ni Yumi nang sa pangatlong pag-kakataon ay blankong papel na naman ang nabunot nito. 

 

 

Sa inis ay naka-simangot na tumalikod ito sa manong na walang nagawa kundi ang ma-pangiti na lang sa ka-cute-an ng tatlo nyang customers. 

 

 

Napa-kamot naman ng ulo si Khio dahil nakita nyang paiyak na ang kanyang pinsan. At sa pag-aalala nga na tuluyan na itong umiyak ay agad nyang kinuha ang nati-tirang barya sa kanya bulsa. 

 

 

Ipang-bibili pa sana nila iyon ng ice candy mamaya, pero dahil sa kanilang tatlo nga ay si Yumi na lang ang wala pang nabu-bunot na laruan. Kaya naman napag-pasyahan nyang ibigay na lang iyon sa kanyang pinsan. 

 

 

"Here Yumi, okay lang ba na ako na ang bumunot para sayo? Don't worry, kapag wala pa din, sayo na itong pa-lobo ko." malumanay na alok ni Khio sa naka-babata.

 

 

Suminghot-singhot naman si Yumi na tila kina-kalma ang sarili, bago ito muling dahan-dahan na lumingon kina Khio at Allison. Na may kanya-kanya nang hawak na palobo na napanalunan ng mga ito. 

 

 

At nang makita ni Khio na nahi-hikbi pa din si Yumi ay agad syang ngumiti dito, lumapit na din sya at tsaka i-pinahawak sa pinsan nya ang pa-lobo na na-bunot nya kanina. 

 

 

Nalu-luhang nag-angat naman ng tingin si Yumi sa kanyang ate Khio, mula sa pa-lobo na ibinigay nito sa kanya. Nakita nyang nakangiti ang pinsan nya sa kanya bago sya nito marahang pinisil sa pisngi.

 

 

"Don't cry na Yumi, sayo na yang bubbles ko." naka-ngiti pa din na alok ni Khio sa naka-babata.

 

 

"Pero wala ka ng toy ate Khio kapag ibinigay mo sa akin yung toy mo.." malungkot pa din na sabi ni Yumi. 

 

 

Kahit naman gusto nyang magkaroon ng laruan, eh ayaw nyang mawalan ang ate Khio nya, kaya lalo lang syang nalungkot. 

 

 

"It's fine Yumi, we can share naman our toys, so take it, Khio is good sa mga games, I'm sure na makaka-kuha ulit sya ng new toy." dagdag naman ni Allison na tahimik lang kanina habang pina-panuod ang mag-pinsan. 

 

 

Tumango naman si Khio at masayang ngumiti kay Allison bilang pag-sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.

 

 

"Yup! Allison is right baby Yumi, we can share our toys naman if hindi na tayo maka-kuha ulit. Kaya smile na ikaw baby, si ate Khio and Alli ang bahala sayo." alo pa nito kay Yumi. 

 

 

Sa pagka-touch ay naluluha-luhang tumango si Yumi sa pinsan at kaibigan nya. Sabay yakap sa dalawa na ikina-ngiti naman ng matandang nagpapa-laro ng palabunatan habang nanunuod sa eksena ng tatlong bata. 

 

 

"Nakaka-tuwa naman kayo mga ineng, ang babait nyong mga bata." puri ng matanda sa tatlong bata na ngayon ay magkaka-hawak na ang mga kamay na naka-tingin sa kanya. "At dahil maba-bait kayo, bibigyan ko na lang kayo ng libreng laruan, tutal naman ay kanina pa kayo nagla-laro sa palabunutan ko." dagdag pa nya. 

 

 

"Wow! Talaga po?!" hindi maka-paniwalang tanong ni Khio sa matanda. 

 

 

Ngumiti naman ito at tumango sa tatlo. 

 

 

Lalo pang namilog ang mga mata ng tatlong bata ng mag-labas ang matanda ng isa pang palobo na katulad ng hugis ng kay Khio, pahaba iyon na animo espada, ngunit hindi patusok ang dulo. Kulay pink iyon, dahilan para mapa-talon sa tuwa si Yumi dahil favorite color nya iyon. 

 

 

"Sinong may gusto nitong palobo?" naka-ngiting tanong ng matanda sa tatlong bata na may malaking ngiti sa mga labi habang naka-tingin sa kanya. 

 

 

"You can have it baby Yumi, favorite color mo oh." ani Khio na imi-nuwestra pa sa pinsan nya na kunin ang palobo na ibini-bigay ng matanda. 

 

 

Tumingin naman si Yumi kay Allison na para bang nagpa-paalam ito kung okay lang ba, dahil alam nyang paboritong kulay din iyon ni Allison. 

 

 

"You can have it sis, I have mine already, and don't worry, I like purple too so you can have the pink one." naka-ngiti naman na sabi ni Allison, dahilan para ngumiti na din ng tuluyan ang kanina ay nai-iyak na si Yumi.

 

 

"Thank you sis, and ate Khio, thank you so much din po manong." masaya ng pagpa-pasalamat ni Yumi sa pinsan at kaibigan nya. Ganoo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Emgeelex
0 points #1
Chapter 24: 🥰🥰🥰
Emgeelex
0 points #2
Chapter 23: When Khio said "pffrrt pffrrt Ah OA-" I felt that 🥴
Young_DP
#3
Chapter 23: ang cuteeeeee ng huling sinabi nya "tayanghe" cute cute mo khio
howdoyouknowmee
661 streak #4
Chapter 23: Kaya down bad na down bad ang family kay Khio eh hahaha
asdfghjklmaeee
268 streak #5
Chapter 23: Buti pa si Khio marunong lumangoy HAHAHAHA. Na miss ko ang mochi na yan 😍 etpa Khio hihi
iamriou_
1282 streak #6
Chapter 23: KHIOOOOO ANG CUTE MOOOO
howdoyouknowmee
661 streak #7
Chapter 23: TAYANGHE KIYOOOOO
howdoyouknowmee
661 streak #8
Chapter 23: GRABE NA ANG ETPA NA YAN PINAHIRAPAN SI PAPA HAHAHAHA
_soshivelvet
#9
Chapter 23: AWEEE i miss you baby khio!!! Miss ko bulol khio, my sweet baby!!! Huhu please never grow up :( or still be sweet kahit malaki ka na otherwise iiyak ako sige ka huhuhu
Jaeeeeee_
303 streak #10
Chapter 23: Wait lang medyo di na ready yung braincells ko kasi bulol pa nga pala si khio doto sa TT hahahahaha medyo nagla lag utak ko bhe 🤣
Kung lakatan sana yung bitbit ni khio gets ko pa eh pero saging na saba is not for everyone. Masarap siya sa turon at bananaq tas pampatamis sa nilaga... 😭 Ang tanda ko na yata talaga, yung saging na saba kasi sa'min dati maraming buto na parang paminta hahahaha Akyat well lang mochi, basta wag ka lang uuwi na may kagat ng bubuyog parang Mimi mo 🤦🏻‍♀️ sisihin na lang natin si lolo erning. Pwede naman siya ang umakyat eh 😭 Gets ko kung bakit concern ni grandpa sa pool ni khio. di naman talaga lahat ng irigasyon malinis yung tubig hahaha pero kung yung galing sa deep well na binobomba ng poso ayun 👍


SUPERNOVA SOTY!!!

Ang funny ng reaksyon ni Khio eh, parang sa mga kdrama tapos natuklasan niya yung secret of child birth niya. Dinaig niya pa yung mayaman na bata na ninakaw sa hospital para mamuhay sa bukid.

Masasabi ko lang kay Grandpa, sana mas maging malakas ka pa... Kasi pag marunong na sumayaw yung triplets.. baka po gustihin mo na lang maging puno sa gilid 🤣