Perhaps, Maybe

This Modern Love
Please Subscribe to read the full chapter

AUTHOR'S NOTES: 

Hello po. Short update ulit. (Promise po mahaba na po yung next updates hehe) 

This chapter's song is OOHYO's Perhaps, Maybe (Random fact: word for word translation for the song title would be: Maybe we...) 

Ayun lang po, mga boss. Salamat po sa mga nag-subscribe and thank you for reading :) - dbwlasl11 (Percy)

Minjeong

 

Tama nga si Karina. 

First class ko palang ‘to for today pero tinatamaan na ako ng antok. Buti nalang sa likod ako nakaupo. First meeting palang namin ‘to for this subject so as per usual, nagdi-discuss lang naman ng course outline and what to expect from the subject. 

 

“Minjeong…” mahinang tawag ni Mark sa akin. Katabi ko siya ngayon sa kanan ko. Since last year, isa si Mark sa mga lagi ko kasama or katabi sa classroom.

 

“Hmm?” I slightly turned my head in his direction. 

 

“Nakasalubong ko kanina si Sungchan. Gulat daw siya kasi nakita ka raw na iba kasama.” Ngumisi si Mark. Ka-block namin si Sungchan noong freshman year kaso nag shift siya bigla. According to him, nagbago daw isip niya so ayun, nag shift siya sa Film. 

 

Going back…

 

“Ahh. Temporary roommate ko yun. May problema kasi doon sa unit niya sa dorm.” Pagpapaliwanag ko, kasabay ng pagbalik ng tingin sa harap kung nasaan ang prof namin. 

 

“So kinupkop mo muna?” 

 

“Parang ganun na nga. 1 month lang naman.” ‘Di ko na muna tinignan si Mark baka kasi masita kami. Medyo mukhang masungit kasi si prof. 

 

“Ganda daw sabi ni Sungchan. Transferee ba?” 

 

Napangiti naman ako since totoo naman. Maganda si Karina. “Mmm. Galing siyang St. James.”

 

“Ano course niya? Pinapatanong ni Sungchan.” Napatingin ulit ako sa katabi ko. Natawa ako ng bahagya kasi sa boses palang niya halata naman na curious din siya. 

 

“Pinapatanong o gusto mo malaman?” Pang-aasar ko sa kanya. 

 

Napa-kibit balikat si Mark at saka sumagot. “Same same.” 

 

Napailing nalang ako at binalik na ulit ang atensyon ko sa prof. namin. “Karina Yu. LegMa. ‘Di ko alam kung single so good luck.”

 

Siguro dapat na ako masanay sa mga magtatanong sa akin about kay Karina. Kung ‘di ko siya kilala, mapapatanong din ako eh. Nasabi ko na ba na ang ganda niya? Oo? Edi isa pa. Ang ganda ni Karina tapos ang saya pa kasama. 

 

Parang ngang hindi kami strangers at all eh. 

 

Usually kapag may kinikilala ako, pinapakiramdaman ko muna sila tapos mag adjust ako according sa kanila. So kung high tension yung tao, I’d try my best to match their energy or kung hindi ko kaya, I’d make sure to make them feel like well received yung energy na binibigay nila sa conversation. Katulad nalang kanina kay Mark. Hindi naman ako mahilig mang-asar pero since alam ko ganun yung dynamic ng friendship namin, inaasar ko din siya pa-minsan minsan. 

 

With Karina, ‘di ako masyado nag isip at hinayaan ko nalang yung sarili ko mag kwento ng kung ano-ano. It felt refreshing and natural to me. Hmm. I guess sadyang magaan yung pakiramdam ko sa kanya.

 

Anyways…

 

Natahimik naman na si Mark at patagong nag cellphone. 100% sure ako hinahanap niya yung IG ni Karina. Paano ko alam? Kasi ‘yun din una ko gagawin kung ako siya.

 

Naalala ko na mag-dinner pala kami mamaya. Sa totoo lang, medyo alanganin yung sinabi na time ng roommate ko pero since nakapagsabi na ko sa kanya na makakauwi na ko by 7PM, siyempre gagawan ko ng paraan.

 

May ganap kasi ako mamaya after class. Well okay ‘di naman siya ganap talaga hehe pupunta lang naman ako ng library para mag sketch. Noong summer kasi habang pa-travel travel kami ng pamilya ko, ginawa kong routine ang pag sketch everyday. Wala naman particular theme yung mga sketch ko. Kumbaga kahit ano lang pumasok sa isip ko. 

 

Balak ko sana sa dorm ko gagawin pero inisip ko gusto ko bigyan ng time mag ayos ng gamit si Karina. Baka kasi mahiya siya or maistorbo ko siya kapag doon ako tumambay so I figured I’d kill time sa library. 

 

Kahit mukhang masungit yung prof namin, nagpa-early out siya, mabilis lang naman din niya kasi natapos yung discussion about sa course outline ng subject niya. Next meeting pa daw yung official start ng lessons. Swerte na rin kasi inaantok na talaga ako. Siguro iiglip muna ako sa library at baka 'di na kayanin ng diwa ko yung susunod kong class. Naisip ko rin na i-start yung daily sketch agenda ko para ‘di ako ma-late mamaya sa pa-dinner ni roommate. 

 

Nagssii-tayuan na yung mga kaklase ko para lumabas ng room pero yung katabi ko mukhang masyadong focused sa phone niya. 

 

“Oh ano? Nahanap mo na?” Pagbibiro ko kay Mark at tinapik ang balikat niya.

 

“Siya ba ‘to?” Hinarap ni Mark ang phone niya sa akin. Tumapat lang naman sa mukha ko ang IG profile ni Karina. Bilis naman niya nahanap. Sabagay hindi naman common name ang Karina. 

 

“Siya nga. Galing natin mag hanap ah. Ganda niya ‘no? Saka ang bait din!” Masyado yata ako nadala ng emosyon. Saya lang ghorl? Akala mo naman ka-close ko para i-flex siya ng gan’on eh roommates lang naman kami.

 

“Kilala ko ‘to. Kaibigan ni…” Tumigil saglit sa pag sasalita si Mark. “Ah I mean…kakilala ng tropa ko. Yung sinabay sa atin noong nag field tayo sa NSTP last sem.” 


Last sem? NSTP…?


“Ahhh. Yung maputi na matangkad? Ano nga name niya ulit? Marketing siya diba?” Kung tama ako, siya din yung naging kaklase ni Ming last sem. Naki-sleep over pa nga sa bahay namin yun one time kasi may kailangan silang tapusin na group project. Umuwi kami parehas ni kambal sa bahay nung time na 'yon kasi birthday ni Mommy kinabukasan. 

 

After that time, saka nangyari yung sa NSTP na minention ni Mark. Naalala ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rintor
#1
This is so well written 😖, can’t wait sa further updates🫶🏻🫡
kwinminjeong
13 streak #2
Chapter 3: sobrang bait ni minjeong shet i love it, pero ang eksena hui yeji si ryujin yan 'no,, kyime natuwa kz si ryujin nung nalaman na si karina yung rumeyt ni boss mj eh 🤠
kang_ddeul
#3
Chapter 2: ang cute nila huhu 💗