take a chance with me

she’s getting prettier lately
Please Subscribe to read the full chapter

Simula na ng panibagong semester, at ibig sabihin lang din nito na simula nanaman ang kalbaryo ng mundo ni Minjeong at ng kanyang mga kaibigan, lalo na si Ning. Kanina pa nito hinahalughog ang bag niya na para bang may hinahanap.

 

 

 

 

 

“Shet. Nasaan na ba kase ‘yon! Huhu.” sambit nito na parang naiiyak na nga, si Minjeong na busy mag-twitter ay naaalibadbaran na sa kaibigan kaya naman siniko niya ito nang mahina, “Ano ba kase ‘yon? Kanina ka pa mukhang paiyak d’yan.”

 

 

 

 

 

“Iyong registration form ko kase nawawala! Alam ko nilagay ko na talaga dito ‘yon kagabi eh. Problema kailangan ko pa papirmahan sa student office ‘yon today para ma-validate ID ko.” Ning reasoned out, napa-sigh nalang si Minjeong. Ganitong-ganito kase lagi si Ning, she tends to rush things kaya parang kumbaga ang gulo-gulo niya din palagi. Tignan mo kagaya ngayon may nakalimutan pang importanteng bagay.

 

 

 

 

 

They’re on their way to their first day of school ng second semester, at dinaanan lang nito si Minjeong para daw sabay na silang pumasok. At syempre, ‘di na nag inarte si Minjeong ‘no. Hindi na maiistorbo ang driver nila, nung nakaraang Sabado kase ay tinulungan na itong mag-impake at balik condo living nanaman siya. Kapagod ba naman kase mag uwian araw-araw.

 

 

 

 

 

“Akin na nga, patingin. Ako na,” naka-kunot na ang noo nito, agad nitong binuksan ang main compartment ng bag at hinablot ang file organizer ng kaibigan, “Girl, swear chineck ko na ‘yan d’yan kanina wa—”

 

 

 

 

 

Ning paused as she gasped, “O edi ano ‘to? Bato?” Minjeong lift the piece of paper that they believe was Ning’s registration form na kanina niya pa nga hinahanap. “Hehe? Feel ko long lost nanay na kita, Minjeong. Ikaw ‘yung tipo na nag mamagic ng bagay tapos biglang mag a-appear eh.”

 

 

 

 

 

Ning scratched the back of her head while flashing that apologetic smile. Minjeong on the other hand just shook her head, minutes later, nakarating na rin sila sa tapat ng eskwelahan. Heto nanaman at kailangang mag-edukasyon.

 

 

 

 

 

Nang makarating na sila sa main building, “Okay saan ka?” tanong ni Ning, “Ahh wait..” binuksan naman ni Minjeong ang kanyang selpon para tignan ‘yung schedule na ini-screenshot niya pa kagabi bago matulog galing sa school portal nila. “Ano dito ako sa may right building. Third floor pa, ikaw ba?”

 

 

 

 

 

“Dadaan muna ako student office! Unahin ko na ‘to at baka malimot ko pa, ayoko ng violations ‘no. Tapos third subject pa naman ata tayo magkaklase, so see you nalang.” sagot naman ni Ning. Nagpaalam na ito at agad na nag madaling tumakbo sa kabilang direksyon. 

 

 

 

 

 

Hindi alam ni Minjeong kung siya lang pero, simula nagka-muwang ito at nag-aral, it’s always the first day of classes. Ilang taon na siya nag aaral at isa ng kolehiyo, but first day of school will always be nerve wracking for the latter for some reason. Kaya naman tahimik lang itong nag lalakad papunta sa designated room niya. 

 

 

 

 

 

The school’s elevator then dings. Medyo malayo-layo kase at nakakahingal umakyat ng third floor sa building na ‘to kaya napag pasyahan niya na mag-elevator nalang, syempre kailangan sa unang subject mo fresh ka pa din ‘no.

 

 

 

 

 

Tinahak na nito ang pagka haba-habang hallway hanggang dalhin siya ng kanyang mga paa sa tapat ng isang silid. Pagka pasok nito ay iilan palang naman ang estudyante. Most of the seats sa gitna ay occupied na. There were two aisle, na nag hahati sa gitna.

 

 

 

 

 

Available seats are mostly from the back na or sa harapan, pero ayaw naman ni Minjeong na mapa-likod dahil gusto nito maka-focus siya tuwing lectures. Nasubukan na kase niyang maupo sa likod and it’s not effective at all, nauuwi lang na inaantok siya. 

 

 

 

 

 

Especially na ‘yung subject niya ngayon ay isang GEC subject, purposive communication. It’ll be full of talks, and that will definitely get Minjeong sleepy as hell. Tipong mapapatapik nalang siya sa sariling pisngi out of nowhere para magising. Kaya pinili nito ang bandang harapan malapit sa table ng professor.

 

 

 

 

 

Unti-unti na ding napupuno ang seats, since papalapit na mag time. In-off na ni Minjeong ang selpon niya at ibinulsa ito, saktong-sakto ay ang pag pasok ng professor. 

 

 

 

 

 

Bago ito mag-simula sa agenda niya ay nagpakilala muna ito, and thank heavens! As per the professor hindi na daw siya magpapa “introduce yourself” parang nagsi-hooray! Ang every cell sa katawan ni Minjeong. Aside kase sa sawa na siyang gawin ito una’t sapul ay, hindi niya rin alam kung ano nga ba talaga ang dapat niyang sabihin. Hi, I’m Kim Minjeong, BS CE. Tapos. Ganon?

 

 

 

 

 

“Okay so before I start to introduce the course to you, I’d like to first check your attendance. So please. say present once I call your name.” the professor instructed, which everyone of them gladly followed, “And then last but not the least, Yu— Yu Jimin?”

 

 

 

 

 

“Sir, present.” a familiar voice, dahilan para mapalingon si Minjeong sa direksyon kung saan nanggaling ang boses to confirm her hunch, and she was proven true nang makita niya talaga ang isang pamilyar na mukha, nakaupo si Jimin doon sa may bandang likuran. “All right, so that’s it. Now shall we start?”

 

 

 

 

 

Pero mukhang hindi pansin ni Jimin na nasa iisang section sila, if Minjeong is not mistaken parang kakapasok lang din halos ni Jimin. She’s excited to find out na may kakilala siya sa section niya at si Jimin pa nga, mukhang hindi naman ganon magiging boring ang subject na ‘to.

 

 

 

 

 

Minor subjects are usually open sections, kaya hindi na rin siya nag tataka na halo-halo ang courses nila sa subject na ‘to. Gusto mang kuhain at buksan ni Minjeong ang phone niya para imessage si Jimin ay nasa front seat siya. Kitang-kita ng prof kung ano man ang balakin niyang gawin. So siguro mamaya nalang kapag patapos na ang klase.

 

 

 

 

 

It was the usual, discussion of the grade distribution, classroom rules, due dates and submission at kung ano-ano pa. How many times have Minjeong heard about this, ang isang bagay na hindi siya mapakali ay gusto niya na makausap si Jimin.

 

 

 

 

 

Speaking of Jimin, simula nung new year ay for some reason she started to become really annoying, I mean don’t get Minjeong wrong. She meant annoyingly cute.

 

 

 

 

 

Jimin would send her random messages, pictures ni Zeke and facts about dinosaurs, and would even send her links of references that she gathered kuno about a certain species. May instances din na Jimin would invite her out of nowhere just to do anything.. even nothing. And Minjeong finds that somehow fascinating?

 

 

 

 

 

Since new year came in something definitely shifted sa dynamic nila, totally na wipe out na kung ano mang awkwardness ang meron sila. But there was something that’s bothering Minjeong. Kung ano ang nangyari nung new year’s eve.

 

 

 

 

 

Because yes, wala siyang maalala. Aside syempre doon sa part na nag Dangwa sila at lahat-lahat, but the moment she started drinking? She was gone.

 

 

 

 

 

Kung tinatanong naman niya si Jimin if she did something stupid, ang sagot lang ni Jimin sa kanya, ‘secret for now’. Kahit hindi naman niya talaga alam kung kailan balak ni Jimin sabihin sa kanya ang mga pangyayari. And yup here she goes again racking her brain trying to remember everything but sadly to no avail.

 

 

 

 

 

Napaka light drinker kase ni Minjeong, kaunting inom lang nito ay grabe na ang epekto. Maybe it’s been so long lang rin since huli siyang uminom kaya na-todo niya ang kanyang limit that night.

 

 

 

 

 

“Okay let us have a 15-minute break. After we’ll continue, so sa mga gusto mag-cr you may go now.” the professor declared. Nagpaalam muna ang katabi nito na siya’y magc-cr, medyo friendly kase itong si ateng katabi niya, Minjeong was about to go to Jimin’s aisle but got disappointed. Pag-lingon kase nito sa upuan ng isa ay wala na siya. Baka nag-cr din, well siguro mamaya nalang..

 

 

 

 

 

She felt someone tap her shoulder from the back, “Baka naman matunaw na kase ako kakatitig mo kanina.” pag-lingon ni Minjeong ay napangiti nalang siya, there, Jimin stood with a smile on her face, “Jimin!”

 

 

 

 

 

“Hi Minjeong, late na kita nakita. I didn’t know we’re classmates in this subject.” mahinanon na pagkaka-sabi ni Jimin, itinuro naman nito ang vacant seat sa tabi ni Minjeong, asking if may nakaupo ba, “Meron, pero lumabas muna siya.”

 

 

 

 

 

Jimin nodded and sat comfortably beside Minjeong para makapag-usap sila nang maayos, “Hindi ko nga rin alam na magkaklase tayo. Kaya nagulat ako kanina makita feslak mo.” sabi ni Minjeong.

 

 

 

 

 

Napatawa naman si Jimin, her voice is kinda hoarse though, “Okay ka lang ba?” concern was evident on Minjeong’s voice. Tumango ulit si Jimin, “Yes, may sore throat lang. Nagulat kase ata body ko sa lamig sa UK.”

 

 

 

 

 

Right, 1 week before the classes started Jimin flew to London to visit her family. At sa isang linggo na ‘yon nakikita at nakakausap lang ni Minjeong ang dalaga thru iMessage at FaceTime, kaya talagang na-excite itong makita si Jimin kanina. Ngayon lang ulit kase sila nakapag-usap in person.

 

 

 

 

 

“Nyi. Maya bili ka sa drugstore ng Lola Remedios.” sambit naman ni Winter. Jimin was confused, “Huh? Is it that thing that has a green packaging ‘yung nasa commercial sa tv?”

 

 

 

 

 

“Oo. Inumin mo it’ll help sa colds and sore throat mo.” but that added more confusion sa part ni Jimin, “Hindi ba ipinapahid ‘yon like ‘yung efficascent oil…?” she prolongs. Dahilan para mapatawa nang malakas si Minjeong.

 

 

 

 

 

“Baliw! Hindi! Drinkable ‘yon ano ba.” Minjeong was starting to wipe the tears forming sa sides ng eyes nito, tawang-tawa lang kase siya na akala ni Jimin ganon ‘yung use ng product, “Remedios.. remedy..” bulong pa ni Jimin sa sarili niya.

 

 

 

 

 

“Sasamahan nalang nga kita mamaya, baka ano pang gawin at bilhin mo!” dagdag ni Minjeong, Jimin was happy to see Minjeong in person again na ganito kalapit at naririnig niyang tumawa. Iba pa rin kase ‘to doon sa mga FaceTime na ginagawa nila for a week. Minjeong’s laugh is music to Jimin’s ears.

 

 

 

 

 

Ang bilis lang lumipas ng kinse minutos dahil bumalik na rin ang prof nila. Nagpaalam na rin muna si Jimin na babalik sa seat niya. “Ok so for the whole sem, I’ll

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wntzi_
here’s a little treat, have a sneak peek sa behinds in-between ng chapters! check it out on twitter: https://x.com/wntzi/status/1830581388690788732?s=46 🩵

Comments

You must be logged in to comment
iilwueee
94 streak #1
Chapter 5: AHHHHHHH the way I screamed so loud (internally)
krnyvjmn #2
Chapter 5: sana all siguro
Hiccups_ #3
Chapter 5: Walang paligoy-ligoy, straight to the point! Noyz
Ardem_Joseph23
26 streak #4
Chapter 5: nani?
iilwueee
94 streak #5
Chapter 4: omg ang fluffy fluffy
krnyvjmn #6
Chapter 4: kilig me so much hihi
krnyvjmn #7
Chapter 3: ihhhhhh
krnyvjmn #8
Chapter 2: galing mo bub. i'll wait for the next update ☺️🤍
WenRene_77 66 streak #9
Chapter 2: Hahaha naku minjeong kung kelan pauwi tsaka Naman minalas pero my twist Kaya ok lang right? Waiting sa next update otor🫶
BlueBettaXX
#10
Chapter 1: I loved this story😍 I can't wait for more chapters💕💕💕💕