Through His Eyes

Through His Eyes

 

 

Through his eyes (One-shot)

[A/N]:

Hi there!

First time ko pong magsulat ng TagLish dito sa AFF…hehe

Sana nga may magbasa…haha

At ngayon lang ako magsusulat ng TATAPUSIN ko talagang story…

Syempre nga, one-shot….haha

 

 

------------------------

 

 

 

It was like we were DESTINED for each other, but FATE didn’t permit us to be together.

 

Matagal tagal na rin pala nung binawi sa’kin ni Lord ang taong pinakamamahal ko…ang nag-iisang lalaking pinaglaanan ko ng pagmamahal ko sa loob ng halos walong taon…

Masaya na siya ngayon, alam ko naman yun eh. Tatlong taon na din naman ang nakalipas. Natanggap ko na din naman, kahit yung kurot sa puso ko ay di maalis alis.

 

“Drei, lumilipad na naman yung utak mo! Ano na naman ba yang iniisip mo ha?” sigaw sa akin ng bestfriend kong si Kaye. Naging bestfriends kami mula nung first year highschool kami. Siya yung maarte at kikay, pero kahit baliktad kami, click kami. Naiintidihan naming kasi ang isa’t isa. Kahit walang nagsasalita, alam naming ang nararamdaman ng isa’t isa.

 

“Oi! Andrea! Naririnig mo ba ako!?” sigaw niya ulit.

“Oo, narinig po kita, Mam” biro ko sa kanya. Kinilayan niya ako at umupo siya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bar. Tambay kami lagi dito ni Ma’am Kaye. Haha

 

“Huwag mo nga akong tawaging Mam!!! Baka may makarinig! Wala nang poporma sakin niyan, sisisihin kita friend,” bulong niya at nag pout.

 

Natawa naman ako. Teacher kasi si Kaye. Ayaw na ayaw niyang nalalaman ng iba lalong lalo na kapag nasa night out kami na teacher siya.

 

“Sus! Sa ganda mong yan walang magkakagusto sa’yo? Bakla ka kaya!” Tawa ko.

 

Hinampas nya ako. “Ano ba! Andrea naman eh!! Oo, ikaw na ang accountant!” at nagpout siya ng nagpout. Haha

 

Isip-bata pa talaga. 23 na ako. 24 na siya. Matagal-tagal na rin nung nakagraduate kami at nakapasa ng board exam. Licensed teacher na si Kaye ngayon. Head officer naman ako sa isang bangko. Kasama ko na dapat siya ngayon…at nagsisimula na dapat kami ng pamilya…

 

 Natahimik na ako.

Natandaan ko na naman siya.

 

Naramdaman kong tinitigan ako ni Kaye.

 

Di nagtagal, nagsalita siya, “You remembered him na naman, friend?”

 

Nagsimulang tumubig ang mga mata ko. Di ko siya sinagot.

 

“Friend, don’t cry na. God will take care of him naman eh, at sigurado akong masaya siya dun. Be happy nalang for Liam.” Sabi niya.

 

Ang pangalan niya.

 

 

Liam.

 

 

Tumulo nang tuluyan ang mga luha ko.

*FLASHBACK

 

First year high school ako nung una kong makilala ang second year na si Liam. Pareho kaming school na pinapasukan. Unang araw ko nun, at ninenerbyos ako sa mga mangyayari. Bata pa ako , at wala pa akong tapang at bilib sa sarili. Ni hindi ko pa nga naiintindihan ang mga bagay-bagay at kahit nga presidente ng bansa hindi ko din kilala. Hindi ako yung tipong mga batang bida sa mga istorya at sa mga teleserye sa telebisyon. Hindi ako ganun. Simple lang ako, napagkakamalan ngang TOMBOY dahil sa pagiging simple ko.

 

“Hala! Mala-late na ako sa unang araw ko palang!” sigaw ko habang tumatakbo ako papasok ng bagong high school ko. Medyo naligaw pa kasi ako papunta dito dahil malayo-layo naman talaga sa bahay ko ang school.

 

Nakita kong may humaharang sa daan kong lalake na nakatalikod at may kausap pero alam ko naming maiilagan ko siya kaya ngpatuloy ako sa pagtakbo.

 

Nung malapit na ako, di ko inaasahang tatalikod siya sa eksaktong oras na halos isang tapak na lang ako bago ko siya malampasan.

 

“Aaah!”

 

Naku naman! Nawalan ako ng balanse.

 

Nakalimutan kong mabigat pala yung bag ko, at mahirap umilag kapag ganun.

 

Nakita ko nalang na may naglahad ng kamay sa mukha ko.

 

“Are you okay?”

 

Naramdaman ko nalang na uminit yung mukha ko ng titigan nya ako mata sa mata.

 

Kulay light brown ang mga mata nya. Ang ganda tignan. Nakita kong may pag-aalala yung mga matang nakatingin sa’kin habang ako, parang iniputan lang ng ibong adarna na naging bato sa pwesto ko.

 

“Iha, okay ka lang ba?” epal ng matandang lalaking kausap nya kanina.

 

“Ahh! Okay lang po ako! Sorry po ha!!!” biglang tayo ko nang naramdaman kong pinagtitinginan na ako ng mga tao.

 

“Ikaw Liam, okay ka lang ba?” may nagtanong sa lalaking may light brown na mata

 

Liam? Yun yung pangalan niya?

 

Tinignan lang ako ng Liam.

 

 

 

 

O_O

 

 

 

 

Nakakahiya!

 

Andami palang taong nakatingin!!!

 

Di na ako tumingin sa lalaking may light brown na mga mata. Nahiya na ako. At mainit na mainit na talaga ang mukha ko.

 

Nung mga oras na yun, di ko alam kung ano yung ‘mainit’ na naramdaman ko sa mukha ko.

 

 

Ang gusto ko lang. Sana makita ko siya ulit. At tignan nya ulit ako.

 

*Second year

 

Noon ko na yata naintindihan kung ano yun.

 

PAGHANGA. Sa ingles.

 

May crush ata ako kay Joseph William de la Cruz. Si Kuya Liam.

Nalaman ko yung pangalan niya dahil president siya ng Math club sa buong high school department. Magaling pala siya sa math. Naku, mahina ako dun. TT_TT

 

Si Kaye yung may pakana nito eh! Kung ano ano nalang ginagawa ko para malaman ang lahat tungkol kay Liam. Para na nga kong stalker eh TT_TT

 

Nandito kami ngayon ng bestfriend kong si Kaye sa hallway, naghihintay ng katapusan ng lunch break.

 

“Girl, your hair is like…so long na!” sabi ni Kaye habang pinaglalaruan niya yung buhok ko. Tama nga siya. Mahaba na yung buhok ko. Last year kasi hanggang shoulders lang. Ngayon abot na sa hawak ko yung buhok ko. Yung bangs ko tinatakpan na yung kalahati ng mukha ko.

 

“Kaya nga papagupit na ako mamaya, nai-irritate na kasi yung noo ko. Nagkakapimples na ako o!” Sabay turo ko sa kanya.

 

“Huwag!!! Bagay nga eh! Mukha ka na kayang girl ngayon!” sabi niya

 

“Bagay sakin yung pimples!?”

 

“Hindi! Ikaw talaga! Yung long hair mo bagay sa’yo!” sagot niya

 

“Ah, yung bangs lang naman yung papagupitan ko eh…pero mainit na din kasi, gusto ko sana magpa short hair…” kinuha ko ang buhok ko at inakmang gugupitan gamit ang mga daliri ko

 

 

“Alam mo bang gusto ni Kuya Liam ng girl with long hair!?” ginulat ako ni Kaye

 

Namula ako.

 

Pinawisan ang mga palad ko.

 

Bumilis ang tibok ng puso ko.

 

 

Narinig ko lang ang pangalan niya, kinilig na ako.

 

“S-Sige, di na ako magpapagupit.”

 

Kung magpapagupit ba ako, mapapansin na niya ulit ako?

 

Kung gagawin ko ba yun, kakausapin niya kaya ako?

 

Kung ganun ba, TITIGNAN na nya ba ako?

 

 

“YES!” sigaw ni Kaye

 

 

“Pagupit ka na.” may boses na sumali sa usapan namin. Lumingon kami ni Kaye.

 

Nanlaki ang mata naming dalawa.

 

Kanina pa ba siya nandyan!? Narinig nya ba yung sinabi ni Kaye!?!? O_O

 

Unang nakabawi sa pagkabigla si Kaye. Nagsalita siya, “pero bagay kay Andrea yung mahabang buhok.”

 

“Ah. Andrea pala ang pangalan mo.” Lumapit siya sakin at ngumiti.

 

Namula ako

 

Bumibilis ang tibok ng puso ko

 

“Kaso diba sabi ni Andrea kanina nai-irritate na yung forehead nya. Nagkakapimples na?” tingin niya sakin. Ang light brown niyang mga mata ang una kong nakita.

 

 

Teka, ano nga ba yung sinabi niya!?

 

 

HALA! Narinig niya kami kanina!?

 

 

Si Kaye kasi! Ang ingay-ingay!

 

 

Ngumiti si Liam sakin. Ang gwapo gwapo niya pag nakangiti.

 

He looked so gentle.

 

Parang kahit ipis ay hindi niya magagawang tapakan.

 

“Hindi mo naman kailangang magpa-impress sa’kin Andrea. Kailangan mo ding isipin ang makakabuti sa’yo. Okay?” sabi niya

 

ALAM NIYA?

 

Teka. ANG HANGIN NUN AH

 

O//////////O

 

 

“Hin-Hindi naman ako nagpapaimpress sayo!” sigaw ko kahit pulang pula na ako

 

“Weh? Narinig ko kaya kayo kanina.” Ngisi niya

 

TEKA. ANG HANGIN NYA PALA

 

“Baka iba yung pagkakaintindi mo!” sagot ko

 

 

“Ah. Sige. Baka nga. Bingi ata kasi ako ngayong linggo eh. Sige, alis na ako,” sabi niya

 

 

TEKA…TEKA AALIS NA SIYA!?

 

 

“Ah! Kuya!” buti nalang tinawag siya ni Kaye

 

“Hm?” tumalikod siya

 

 

“Ano ba yung mas gusto mo? Long hair o short hair?”

 

 

O_O BAKIT GANUN NAMAN ANG TINANONG MO KAYE!?

 

 

“Maganda si Andrea kahit anong hairstyle niya.” At umalis na siya

 

 

>////////////////////////////<

 

 

“Narinig mo yun Drei?” tanong ni Kaye

 

 

Di na ako sumagot.

 

 

Natunaw na kasi ako eh.

 

 

Nung hapong yun. Pinagupit ko ang bangs ko at inayos ko ang sarili ko.

 

 

Tinignan na ako ng lalaking…una kong nagustuhan.

 Una kong hinangaan.

Unang lalaking…tumingin sa’kin at nakakababae sa pakiramdam ko…

 

Kapag nasa paligid si Kuya Liam…nakakababae talaga ang feeling.

 

 

Bakit ganun?

 

 

Nung sumunod na araw, pumasok ako sa school na babaeng babae ang aura. Maayos ang buhok, naka braids at naka hikaw ako. Kahit yung bag ko, hindi na yung knapsack na dati suot suot ko.

 

 

“Ganda mo ngayon drei, ha.” Sabi ni Manong guard sa’kin

 

 

“Nambola pa si Manong,” ngiti ko sa kanya, at nginitian nya din ako

 

 

Pinagtinginan ako ng mga taong dinaanan ko.

 

 

“Sino yun? Bagong estudyante?”

 

 

“Hinde…si Drei yan!”

 

“Sinong Drei!?”

 

 

“Si Andrea! Yung bestfriend ko!” sulpot si Kaye

 

Hinatak niya ako papunta sa classroom namin.

 

 

“Uy ang ganda ganda mo naman ngayon Teh! Natalbog mo pa ang beauty ko!” Sabi niya

 

 

“Maganda ba ang buhok ko?” ngiti ko sa kanya sabay turo sa straight bangs ko.

 

 

“Kelan ba hindi gumanda!!?”

 

Tumahimik lang ako at nagtawanan kami.

 

“Jusko Friend! Sigurado akong maraming nagkakandarapa sa’yo ngayon!”

 

 

“Tss…pareho kayo ni Manong Guard! Nambobola! Hahaha”

 

Dumating na si Sir at nagsimula na ang klase namin.

Pagkatapos ng klase, naglunch kami ni Kaye sa cafeteria. Hanggang doon, pinagtitinginan kami ni Kaye. Ano ba kami!? Hayop sa zoo!? -________-

 

“Umaapaw ata ang kagandahan natin ngayon friend! HAHAHHAHAHA” biro ni Kaye

 

Maganda naman talaga siya. Babaeng babae. Kung ikukumpara kami, ako yung complete opposite nya. Siya, conscious sa itsura nya. Ako, walang pakialam. Kaya siguro ako napagkakamalang tomboy.

 

May nangintriga rin samin ni Kaye nung first year kami na nililigawan ko daw sya. -_-

Jusko. Ayoko nang pagusapan yun. Buti nga at pumayag akong magpahaba ng buhok tulad ng sabi ni Kaye. Mula noon, nawala na din yung issue na yun.

 

Nang matapos kaming kumain, pumunta na kami sa hallway at binuksan ang aming lockers. Papalitan na namin yung mga libro naming para sa susunod na klase.

 

Pagbukas ko ng locker ko, nahulog ang isang papel sa paa ko.

 

Pinulot koi to at binuksan.

 

‘Andrea. Be my date to the prom. I’ll be waiting at the rooftop til 1pm if it’s a yes. Don’t come if the answer is no.

-       Liam de la Cruz’

 

O_______________________________________O

 

TOTOO BA TO?

 

 

“Anu yan Drei?” sinilip ni Kaye yung sulat

 

 

“OMG!” bulalas niya

 

 

Tumingin ako sa relo ko. 12:56 na.

 

Magsisimula na ang susunod na period pagpatak ng 1PM.

 

 

“Ano pa hinihintay mo Drei!? Lindol!? Takbo na!” sabi ni Kaye sa akin.

 

 

Napatango ako at tumakbo na ako papunta sa rooftop. Bakit dun pa!? Ang layo kaya!!!

 

 

12:59 na. Paakyat palang ako ng hagdan papunta ng rooftop.

 

At the end of this stairway, hinihintay niya ako.

 

 

Hinablot ko ang doorknob at binuksan ko ang pintuan.

 

 

Ang ganda ng view sa rooftop. Kita ang buong city.

 

 

1:04 na pala.

 

 

Late na ako. Baka umalis na siya.

 

 

“You’re late.” May nagsalita sa likod.

 

 

O_O

 

 

Bumilis ang tibok ng puso ko.

 

 

Pinagpawisan ako.

 

 

Uminit na naman yung mukha ko.

 

 

Tumingin ako sa likod.

 

 

“Akala ko di ka na darating.” Sabi niya. Nakasandal siya sa tabi ng pintuan.

 

 

Ang lakas ng hangin sa rooftop. Ang gwapo niya. Sumasayaw pa sa hangin yung itim na itim na buhok nya.

 

Tumingin siya sa’kin.

 

Nakita ko na naman yung light brown eyes niya.

 

 

“So it’s a yes?” he smiled a little.

 

 

“Pupunta ba ako dito kung hindi?”

 

 

Ngumiti na siya ng tuluyan. Linapitan niya ako at niyakap niya ako.

 

 

“Thank you, Andrea.”

 

 

Sa prom…

 

 

Naging kami ni Joseph William de la Cruz.

 

 

 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“ANDREA CORPUZ! GISING!” nagulat ako at namulat ko ang mata ko. Si Kaye.

 

 

“Lasing ka na ba!?”

 

Hinawakan ko ang ulo ko. Masakit. Nakatulog na pala ako sa bar.

 

“A-anong oras na ba? Di ako lasing..” simula ko

 

“Magt-2am na! Uwi na tayo. Papagalitan ako ng mama mo nito eh,” sabi niya

 

 

“Sige. Ako na ang magddrive.” Aya ko.

 

 

 

“Andrea naman. Ako na.” sabi ni Kaye. I sighed. Tama siya. Mula nung mangyari yung aksidenteng yun, ninenerbyos na ako laging sumakay o magdrive ng sasakyan.

“Tara na?” Iniwasan ni Kaye na pag-usapan yung nakaraan.

 

 

“Sige,” tango ko at nagiwan ako ng pera sa counter.

 

 

Binigay ko ang mga susi ko kay Kaye at nagdrive na kami pauwi.

 

“Tulog ka nalang samin, Kaye. Gabi na oh. Baka kung mapano ka pa. Pagod na rin tayo.” Sabi ko sa kanya. Wala kasi siyang dalang kotse. Malayo din ang bahay niya sa bahay namin.

 

 

“Sige.” Ngiti niya.

 

 

Ngumiti din ako at tumingin na ako sa bintana. Marami palang bituin ngayon. Mukhang di uulan.

 

 

 

 

 

 

Liam. Si Liam yung pinaka matingkad na bituin. Ngumiti ako.

 

 

 

Mahal na mahal kita…Liam.

 

 

 

 

 

Nakita ko ang reflection ko sa bintana.

 

 

 

 

 

Malaki na ang pinag-iba ko. Pumayat ako at nagmature na ang appearance ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

At ang dati kong ordinaryong dark brown eyes…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Light brown na ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Liam. Thank you sa mga bago kong mata.

 

===============

 

Pasensya kung masyadong mahaba…hahaha

Natimang ang otor. xD

Nahulaan nyo ba ang nangyari? 

THANK YOU for reading THROUGH HIS EYES. ^^v

 

- kalleninlove

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EXO_Luva
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
DesignIsVip #2
ohmy. goosebumps!
ang ganda ng oneshot na to.
sana may english version to para lahat mabasa to~

kahit namatay si brown eyed man:(