Umbrella

Memories in the rain ∞♥∞


Chapter 3: Umbrella.

[your POV:]

Oo nga. Tama si yaya, dapat akong mag thank you sa kanya. Pero paano ko naman gagawin yun eh nahihiya akong kausapin siya sa harap ng maraming tao. Baka mamaya niyan mapagsabihan pa nila akong nilalandi ko si myungsoo. Ah basta bahala na! basta magthe- thank you pa rin ako.

[End of your POV:]

Nakatayo ka lang sa pintuan ng classroom niyo habang hawak- hawak ang payong na pula na pagma- may ari ni myungsoo.

“Dumating na si Myunsoo!” sigaw ng ilang babaeng naghihintay sa pagpasok ni myungsoo.

“Ano?! nanjan na si myungsoo ko?” tanong naman ni tiffany ng marinig iyon.

Bumalikwas ka ng takbo sa table mo nang marinig mo iyon. Yumuko ka sa table.

“Okay ka lang ba [your name]? bakit parang kinakanahan ka?” tanong ni hyoyeon ng makita ka niyang tumakbo papunta sa table mo. “May nangyari bang masama? May sakit ka ba? Ay teka nga pala, nag paulan ka ba kahapon? Kasi hindi pa rin tumila yung ulan kahapon eh.” Dagdag niyang tanong.

“Hindi. Hindi ako nagpaulan. May nagpahiram kasi ng payong sa akin eh.” Sagot mo naman sa mahinang boses.

“Sino?” tanong niya sa mahinang boses din.

“Mamaya ko na lang sa canteen sasabihin, wag dito baka may makarinig.” Binulong mo na lang sa kanya.

Naglalakad na si myungsoo sa hallway ng school ng may earphones sa tenga. Pinagtitinginan siya ng mga girls. Yung iba kinikilig, yung iba naman tinititigan siya mula ulo hanggang paa.

(A/N: Grabe naman yang mga babaeng yan. Makatitig wagas? Ahehe.. pasensya na readers. Pati kasi ako nadadala sa sarli kong story eh. Continue!)

Nakatayo si tiffany sa isang poste at inaabangan si myungsoo na dumaan sa harapan niya. Papalapit na si myungsoo sa poste na kinatatayuan ni tiffany. Nang makarating si myungsoo roon ay hinarang siya ng mga Unicorns. Ang grupo ng mga cheerdancers. At siyempre sa gitna ang leader na si tiffany.

“Hey myungsoo! Goodmorning.” Greet niya rito.

Tinangal ni myungsoo ang earphones sa tenga at saka nagsalita.

“Anong sabi mo? Pasesnya na at nakikinig ako ng music eh.” Hindi niya naintindihan kung anong sinabi ni tiffany dahil nakasuot sa tenga niya ang earphones ng magsalita si tiffany.

“Ang sabi ko Goodmorning.” Sabi niya sabay ngumiti dito.

“Ah, goodmorning din. Sige mauna na ako at male- late na ako sa klase ko eh.” Sabi niya sabay ibinalik ang earphones sa tenga at saka naglakad papunta sa room niya.

“Bwisit naman! Bakit ganon siya? Ako na nga yung lumalapit, sa pa yong umiiwas? Hindi ba niya alam na pinag-aagawan ako ng mga boys dito sa campus? Maswerte nga siya at nagka gusto ako sa kanya eh. Tss.. Bwiset na araw to!” nainis si tiffany sa inasal ni myungsoo sa kanya.

(A/N: hindi ka kasi niya gusto kasi masyado kang tooot* Secret. HAHA :D Sorry ulet sa interruption. Continue!)

~~Break time~~

Pumunta si hyoyeon sa tapat ng upuan mo habang ikaw naman  ay nag-aayos ng gamit mo sa bag.

“Psst! Tara baba tayo. Di ba may sasabihin ka pa kamo sa canteen ngayon? Dali nae-excite na ako.” Sabi niya habang naka ngiti sa kaibigan. “tungkol ba kanino?” dagdag niyang tanong sayo.

“sa canteen ko na lang sasabihin.” Sabi mo naman sa kanya saka tumayo ka na. nakita mo siyang parang natataka ang mukha. Lalakad ka na sana kaso lang pinigilan ka niya. Naalala mo tuloy yung ginawa sayo ni myungsoo kahapon na pinigilan ka niyang magpa- ulan.

“kung sa canteen tayo mag-uusap edi narinig din tayo doon. Eh ang dami kayang tao sa canteen ngayon. Break time eh.” Sabi niya sayo. Bigla kang napa kamot sa ulo. “Oo nga noh? Sige dito nalang.” Sabi mo naman sabay umupo sa tabihan niya.

“Thank you class and have a good day.” Sabi ng teacher ni tiffany at saka lumabas na ng class room. Break time na nila nun ng biglang pumasok si dara/ Sandara park, miyembro ng unicorns. “Hay grab ang init sa labas.” Sabi niya pagkapasok na pagkapasok niya sa loob. “Oh tiffany, hindi ka ba baba sa canteen? Baka makita mo si myungsoo dun.” Tanong niya sayo.

“Ayokong bumaba! Badtrip ako ngayon sa taong yun. Bahala siya sa buhay niya.” Sabi niya na halatan naiinis pa rin sa ginawa ni myungsoo sa kanya. “pero nagugutom ako kaya bilhan mo ko ng pagkain sa baba.” Sabi niya sabay kinuha ang wallet sa bag. “Ano?! Ang init init sa labas tas papupuntahin mo pa ako sa canteen? Sa iba mo na lang iutos yan.” Angal naman ni dara kay tiffany. “Mas lalong mada-dagdagan ang init sa labas pag sinabayan mo ang init ng ulo ko! Naiintindihan mo ba ako?” singhal niya kay dara saka kumuha na ng pera at iniabot sa kanya.

Lumabas ng ng class room si dara. Dumadaan siya sa hallway ng Makita ka niya na nakatayo na parang lalabas at kasama mo si hyoyeon sa room ninyo. Napahinto siya sa isang tabi at pasimpleng nakikinig sa pinag-uusapan niyo.

“Ganito kasi yan. Diba kahapon iniwan mo na ako kasi nga may pupuntahan ka pa kamo. Mga alas- singko na kasi nun pero umuulan pa din. Tapos hinantay kong tumila ang ulan kaso alas- sais na umuulan padin. Tapos maya maya may nagtanong sakin.” Kwento mo sa kanya.

“sino naman yung nagtanong sayo?” tanong naman niya sayo.

“Kinausap ako, yeon!” sabi mo naman sa kanya.

“Eh sino nga kasi?” pagpupumilit niyang tanong sayo.

“si myungso.” Sagot mo.

Nagulat si dara ng marinig niya sayo yon. Nahulog ang pera na ibinigay ni tiffany sa kanya na halagang 45 pesos. Yung limang piso ay nahulog kaya gumawa ito ng ingay. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya. Kumaripas siya ng takbo papunta sa room nila.

“Oh dara nasan na yung pagkain ko?” tanong ni tiffany sa kanya dahil wala siyang nakitang may hawak itong pagkain.

“may mas importante pa kesa sa pagkain na iniutos mo sakin.” Sabi niya habang gulat na gulat pa din. Umupo siya sa tabi ng mga unicorns.

“ano ba nangyari sayo, bat nagkaka- ganyan ka?” tanong ulit ni tiffany na naka kunot na ang noo.

“eh kasi…” pagbibitin ni dara.

“ANO NGA???!” sigaw ng mga ibang miyembro ng unicorns. Dahil sa pagkagulat mo sa kanilang lahat bigla mo ng nasabi. “Eh kasi narinig ko si hyoyeon at [your name] na nag- uusap tungkol kay myungsoo. Kinausap daw siya ni myungsoo kahapon nung umuulan.”

Nagulat ang mga miyembro ng unicorns. “Ano?! Impossible ‘yon. Hindi ganon ang tipo na gustong kausapin ni myungsoo. That loser is CHEAP! Do you think cheap si myungsoo? Huh!?” sabi ni krystal, miyembro din ng UNICORNS.

“Oo nga, ambisyosang babae! Tss.. makikita niya ang hinahanap niya. Makikita niya!” sabi tiffany at nag bigay ng evil face sa mukha niya. Galit nag galit na talaga si tiffany sayo. Feeling niya kasi kaya hindi siya pinapansin ni myungsoo ay dahil sayo. 

(A/N: Sadyang isnabero lang si myungsoo. Hindi niya ba alam yun? Crush niya tapos hindi niya alam? Duh!?! )

You and hyoyeon’s Scene:

“Eh sino nga kasi?” pagpupumilit niyang tanong sayo.

“si myungso.” Sagot mo.

“Talaga?!” tanong niya sa pagkagulat niya sa sinagot mo.

*KLLLIIIIIINNNNNGGG* (Tunog ng limang piso.)

Napatingin kayo ni hyoyeon sa pintuan. “May tao kaya don? Narinig kaya ang pinaguusapan natin?”  sabi ni hyoyeon saka tumayo at pumunta malapit sa pintuan. Sumilip siya sa pintuan at nakita na wala naman pa lang tao. “Hay… akala ko may tao dito kanina. Wala naman pala. O siya sige tuloy muna.” Sabi niya sabay lumapit at umupo sabi tabi mo. “Siguarado kang wala ng tao dun ha.” Sabi mo habang nagtataka ang mukha mo. “Oo.” Paninigurado ng kaibigan mo sayo.

Sumulyap ka ulit ng isang beses sa labas bago tumuloy sa pagku-kwento kay hyoyeon.

“Umm—yeon, pwede mo ba akong samahan sa gym mamaya?” tanong mo sa kanya, bigla mo namang hinawakan ang payong ng hindi napapansin ni hyoyeon na kinuha mo ito.

“O sige. Sure.” Sabi sabay ngumiti.

Student and teachers’ Scene:

“Is that clear class? So that’s for today. Goodbye and Godbless.” Pamamaalam ng teacher sa mga estudyante ng IV- Humility.

Uwian na. Nagliligpit na si hyoyeon at gayundin ka din. Nang matapos na kayong ayusin ang mga gamit niyo. Lumabas kayo at buti na lang at wala ang mga miyembro ng unicorns at yung pinaka leader nito dahil malamang aasarin nanaman ka nanaman non. “Tara.” Yaya mo sa kanya.

Tiffany and the other members of unicorn’s Scene:

“Oo nga, ambisyosang babae! Tss.. makikita niya ang hinahanap niya. Makikita niya!” sabi tiffany at nag bigay ng evil face sa mukha niya. Galit nag galit na talaga si tiffany sayo. Feeling niya kasi kaya hindi siya pinapansin ni myungsoo ay dahil sayo.

“Walang uuwi sa atin mamayang uwian ha, naiintindihan niyo ba ako?” sabi ni tiffany sa mga miyembro ng unicorns. Pagkasabi niya non ay nakita niya sa mga pagmumukha ng unicorns na nagtataka ito hanggang sa may isa ng nagtanong. “Pero bakit naman? Magsha- shopping pa kasi dapat ni mommy eh.” Sabi ni sulli na miyembro din ng Unicorns. “Basta pagsinabi kong wala munang uuwi mamayang uwian, WALA!” sabi ni tiffany saka tumayo at pumunta sa upuan niya. “Ano nanaman ba kasi ang gagawin niya?” pagtatanong ni Jessica sa mga miyembro ng unicorns. “no idea.” Sagot naman nila. Dumating na ang susunod nilang teacher kaya’t nag sibalikan na sila sa kani- kanilang mga upuan.

Myungsoo and Taemins’ Scene:

“Pre tara praktis tayo.” Yaya ni taemin kay myungsoo habang naglalakad sila sa hallway. “Ayoko. Tinatamad ako.” Tangi naman ito. Sa totoo lang, gusto naman talaga ni myungsoo na mag praktis kaso lang ayaw niyang makita si tiffany dahil alam niya na pupuntahan siya nito sa gym at guguluhin nanaman. 

“Ikaw bahala. Sige pala hindi na ako pupunta ng gym para mag- praktis kasi wala naman akong kasama.” Sabi ni taemin.

“Edi uuwi ka na?” tanong ni myungsoo.

“Ewan. Siguro maglalakad lakad muna? Basta bahala na. ayoko ko pang umuwi kasi eh.” Sagot ni taemin kay myungsoo at nag paalam na siya dito.

“San naman kaya ako pupunta ngayon? Wala namang tao sa bahay. Wala si umma at si appa dahil pumunta sila korea para sa business nila dun. Hay…” sabi niya sabay napa yuko siya. Pagka- angat niya ng ulo niya nakakita siya ng bola sa tabi ng puno. “Huh?!” pagtataka niya kaya’t nilapitan niya ito. Nakuha niya ang bola doon. “Sino naman kayang naglakas loob na ilagay ito dito sa tabi ng puno? At talagang dito sa pinagtatambayan ko ha.” Nagpa linga- linga siya at nakita niyang wala naming tao. “Alam ko na. Talagang gusto ng bolang to na mag praktis ako. Sige magpa- praktis na lang ako.” Sabi niya sabay bitbit ng bola at nagtungo na nga siya sa gymnasium kung saan siya laging nagpa praktis ng basketball.

You with hyoyeon and The Unicorns (members) Scene:

Naglalakad ka na sa hallway palabas ng gate ng bigla kayong makita ng mga miyembro ng unicorns at syempre kasama si tiffany.

“Uy girls, wanna have some fun?” sabi niya sa mga members sabay lumapit siya sa inyo ni hyoyeon. “Hey [your name], It seems that you’re so busy huh?! Ano naman kayang pinagkaka-abahalan mo ngayon huh?!” mataray na sabi ni tiffany sayo.

“Umm—excuse me lang ha, pero marami pa kasing gagawin eh.” Sabi ni hyoyeon saka umalis kayo pero bago pa kayo makalayo, hinablot ni tiffany ang buhok mo pabalik.

“I’m still talking to you loser! Ano naman ‘tong hawak mo, A letter?” mataray na tanong niya sayo.

“Hindi lang yan basta letter tiffany, research ko yan kaya please paki- ingatan lang baka madumihan kasi eh.” Mahinhin mong sinabi kahit na sinabutan ka na nya.

Nairita si tffany sa narinig niya. “And do you think na marumi ang kamay ko?!” Sabi niya sa harap niyong dalawa ni hyoyeon. “Hindi naman yun ang--.” Hindi mo na natapos ang sasabihin mo pagka’t tinapon niya ang research letter mo sa putikan. Yumuko ka at hindi mo pinakitang umiiyak ka. “Yan ang bagay sayo, Loser! Let’s go girls.”Sabi niya sabay umalis na sila. Nakita mong tumatawa sila habang papalayo sa inyo ni hyoyeon.

“Paano yan [your name] eh kailangan mo na ito bukas ng umaga?” tanong ni hyoyeonsayo na may halong pag- aalala.

“Okay lang, gagawin ko na lang ulit. Kahit na ang hirap hirap isulat niyan dahil sobrang haba. Okay lang gagawin ko na lang ulit.” Sabi mo sabay pinahid mo ang mga hula mo sa pisngi.

“Bakit ba kasi nila kailangan gawin ‘yon sayo? Ang sama- sama talaga ng ugali ng mga ‘yon. Ang gaganda nga pero sa ugali… walang pinagka-iba sa mukha ng pulubi at urangutan.” Sabi niya.

“Wala tayong magagawa, yeon. Sikat sila samantalang ako hindi.” Sabi mo habang naglalakad kayo.

“Tayo. Tayo [your name]. Isama mo ako kasi kaibigan kita. Hindi kita iiwan, okay? Kahit ano pang gawin nila sayo. Tandaan mo… nandito lang ako para ipagtanggol ka sa kanila.” Sabi niya ng huminto kayo at niyakap ka niya.

“Salamat hyoyeon ha. Di ko na siguro alam gagawin ko kung wala ka.” Sabi mo naman at this time ngumiti ka na.

“Yan dapat laging ganyan ang mukha mo, masaya. Hindi yung para kang laging nalugi. HAHA. Bueno, san ka pupunta niyan?” tanong niya sayo.

“Sa library. Total nag-ilagay at naka pag- thank you naman na ako sa kanya. Oo nga pala, salamat sa pagsama sakin kanina ha.” Pagpapasalamat mo sa kanya.

“Wala yon. Sa library? Gusto mo samahan kitang gawin ulit yan?” tanong niya sayo habang naka ngiti.

 

“Hindi na. Salamat na lang sa tulong mo ha. Kaya ko ng gawin to.” Sabi mo sabay ngumiti ka naman sa kanya.

“Sigurado ka? O siya sige kung yan ang gusto mo. Alis na ako ha. Mag- ingat ka sa pag-uwi mo, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako pupuntahan kita agad dito, okay?” sabi niya sabay lumakad na siya palayo.

Bago ka tumalikod tinanong mo muna ang sarili mo. “Nakita na kaya niya yung payong at yung card letter? Sana hindi naman iba ang nakakita nun, Hay…” sabi mo saka ka tumalikod at pumunta na nga sa library para gawin ulit ang reseach letter mo.

Naglalakad na si myungsoo papunta sa gymnasium hawak- hawak ang bolang nakita niya sa tabi ng puno. Dumating si myungsoo sa gymnasium ng walang tao. Dumeretso siya agad sa locker niya para magpalit ng damit. Pag dating niya sa locker niya, nakita niya ang payong niya sa itaas nito at may kasamang card letter. “Teka, ito yung payong ko na…”

*Flashback*

“O dalhin mo na to. Dito ang daan ko eh.” Tumuro siya sa kanan.  Nagulat ka sa ginawa niya. “Bakit mo pinapahiram sakin to?” tanong mo sa kanya.

“Kasi mas kailangan mo yan. Sige na dalhin mo na.” Sabi niya sabay ngumiti sayo at umalis na.

*end of flashback*

…pinahiram ko sa kanya.” Sabi niya sa sarili niya sabay ngumiti siya. Binasa niya yung nakasulat sa card. “Thank you sa pagpapahiram mo ng paying mo sa akin kahapon ha. Salamat ulit. :)) huwag kang mag- alala walang sira yan. Hindi kasi ako makapag- thank you sayo ng personal kasi nahihiya ako.  From: [your name].” yan yung letter na niligay mo doon kasama ng payong.

“Eto talagang babaeng ‘to. Hay…” sabi niya habang ngumingiti at binabasa ang letter na sinulat mo. Binuksan niya ang payong at tinignan kung may sira. “Wala nga.” Nilagay na niya sa bag ang payong kasama ang letter at nagpalit na siya ng damit.

*knock knock*

Nagpalinga- linga ka at tinignan mo kung may tao sa loob ng library. “Walang tao? Ang aga pa ah.” Sabi mo sabay tumingin ka sa relo. “Alas- singko pa lang naman.” Paninigurado mo saka pumasok ka na sa loob ng library. Nagbukas ka ng isang ilaw at doon ay nagsimula ka nang simulan ulit ang research letter mo.

“Grabe ka tiffany, bakit mo naman ginawa yon.” Sabi ni krystal habang naglalakad silang lima sa hallway at papalabas na ng gate.

“Dapat lang sa kanya yon. Masyadong ambisyosa. Tss!” Umirap siya. “Tara na nga!” pagya- yaya niya sa mga kaibigan.

Tapos ng magpraktis si myungsoo. Nagpunta siya sa players room at nagpalit na ng extrang damit. Syempre nag pahinga muna siya. Binuksan niya yung bag niya na dapat sana kukuha siya ng damit tapos nakita niya yung payong na inilagay niya doon. “Bakit kaya siya tinatawag na loser ng ibang estudyante?” pagtatanong niya sa sarili. “Magbabanlaw na ako.” Inilapag niya ang payong katabi ng bag niya at saka tumayo at nagbanlaw na.

“Aray! Ang sakit na ng kamay ko.” Angal mo. Masakit na ang kamay mo kasi sobrang haba na ng nasulat mo kaso lang kailangan mong tapusin iyon kaya’t ipinagpatuloy mo pa rin kahit masakit na. “Hay… kung hindi ko lang talaga kailangang tapusin ‘to eh.” Sabi mo saka nagpatuloy ka sa pagsusulat.

Nakapag banlaw na si myungsoo at naka pag palit na rin siya ng damit. Binuhat na nya ang bag niya at syempre kasama ang bola pero bago siya umalis sa gymnasium ay ibinalik niya muna ang bola kung saan dapat itong ibalik. Naiwan ang payong sa upuan na pinagpatungan niya.

Mula sa malayo makikita ang liwanag ng ilaw sa library na hindi naman kalayuan sa gymnasium kung saan laging nagpa- praktis si myungsoo ng basketball. Nakita ni myungsoo na may bukas na ilaw sa library. “May tao pa sa library ng ganitong oras? Teka anong oras na ba?” Tanong niya sa sarili sabay tumingin siya sa relo niya. “Alas- sais na pero may tao pa din dun.” Paninigurado niya. Pumunta siya sa library. Akma na sana siyang kakatok kaso lang naalala niya yung payong. Tinignan niya yung payong sa bag niya pero hindi niya ito nakita sa loob. “Ay nako naman… naiwan ko pa ata yung payong sa loob ng gym. Teka balikan ko muna. Siguro naman wala ng tao ditto pagbalik ko.” Mahinang sabi niya saka umalis at binalikan ang payong sa gym.

“Anong oras na ba?” tanong mo sa sarili. “Ala- sais na pala. Kaso lang… kailangan ko pang tapusin ‘to. Dibale ng gabihin ako sasabihin ko na lang kay daddy na ginawa ko ulit ‘to.” Sabi mo. Bago ka magsulat naalala mo ulit yung payong na iniwan mo sa itaas ng locker ni myungsoo kasama ng isang card letter. “sana siya ang nakakuha at hindi iba kundi mapapahiya nanaman ako.”

Nakuha na ni myungsoo ang payong at paglabas niya, “Huh? May tao pa din? Ano naman kaya ang ginagawa niya doon sa mga oras na ‘to? Hindi ba dapat umuwi na siya. Mukhang siya na lang ang tao dito sa buong capus eh.” Sabi niya. Inilibot niya ang mga mata at paninigurado nga niyang wala ng tao roon. Naglalakad si myungsoo papunta sa library kung saan kasalukuyan kang gumagawa at inuulit ang research letter mo. 

 

[Your POV]

Nagsusulat na ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng library. Natakot ako. Kinakabahan na ako. Pero ng Makita ko kung sino yung kumatok nagulat naman ako. Si myungsoo. Nakita kong tinignan niya ang buong library, siguro nakita niya yung ilaw ng table ko kaya nakapunta siya dito. Nakita niya ako. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sakin saka pumasok siya sa loob. Nakita kong hawak- hawak niya yung payong. Napa ngiti ako. “Hay salamat… siya ang nakakita at hindi ang iba.” Sabi ko syempre sa sarili ko at hindi ko sinabi sa harapan niya. “Huy! Anong ginagawa mo dito?” Pang- gugulat niya sa akin. Umupo siya sa harap ng inuupuan ko. “Ikaw! Anong ginagawa mo dito?” pabalik na tanong ko naman sa kanya. “nakita ko kasi yang ilaw ng table mo kaya nagpunta ako at inakala kong may tao pa dito at nakita kita.” Sagot niya. “Ano ba yang ginagawa mo? Parang hindi ka nawawalan ng gagawin ah.” Sabi niya sabay ngumiti sa akin.

“Wala. M-may sinusulat lang ako.” Paninigurado ko naman sa kanya.

“Ah ganon ba. Bakit mo pa nga pala binalik yung payong?” Tanong niya pero hindi ako sumagot at yumuko lang ako.

“Bakit ka rin pala nila tinatawag na loser?” tanong niya ulit. Hindi din ako ulit sumagot.

“Bakit hindi ka pwedeng mabasa ng ulan?” tanong pa niya ulit at hindi nanaman ako ulit sumagot.

“Ano ba yan! Para namang wala akong kausap dito.” Naiinis na ata siya. Tumayo na siya sa upuan at akma na sanang buksan ang pintuan ng bigla akong sumagot. “Dahil mahina ako.”

Napatigil siya at humarap sa akin. Bumalik siya sa upuan at nakinig sa akin.

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
-BlueFish-
Grabe na itu~~~ Chapter 3 is up ♥

Comments

You must be logged in to comment
midst_lhady22 #1
Chapter 2: teka wag mong sabihing sad ending to!!!

no way! hindi kakayanin to ng heart ko ;((((((
memoirQue
#2
I'm a nerd. So...I'll look forward to this.


HAHAHA.
Ano daw? Anyway! Hihintayin ko to dongsaeng^^,