Competitive Dr. Yu
Dagli
Dr. Yu rents the Director’s Club to watch Avengers Endgame with Engr. Kim and some of the important people in their lives. Winter waits for the post-credit scene.
Karina
“Ang dami mong pakulo,” natatawang sandal ni ate sa swivel chair ko sa kwarto rito sa bahay. Tinulak ko ang upuan niya sa gilid para i-close ang file, “If you were me, you’d do the same.”
“Oh, I sure won’t, Kars. I’d probably show my talent na lang,” hampas niya sa ‘kin bago tumayo. Sinundan ko siya hanggang makalapit kami sa pinto, “Paano mo nakasabwat ‘yung cinema?”
“Connections,” kindat ko sa kanya. “Sasamahan ka… Woah-hoh, woah—bye, I’m out!” mapang-inis niyang kanta bago tuluyang lumabas sa kwarto nang akma ko siyang sasakalin.
Umupo ako sa kama para pakiramdaman ang tibok ng puso ko, “Gosh, parang I’m taking the licensure exam ulit ah.”
Kinuha ko ang aking phone mula sa mesa para ipaalala kina Ning ang movie night namin mamaya.
Eldest
The Podium Ortigas. Director’s Club 1. Tonight.
Ang late, hindi ko na papapasukin.
Middle
Uy, ang sungit. Kinakabahan ka, doc?
Youngest
Hintayin ko na lang kaya magnight na?
Parang hindi ko kayang manahimik around Winter!
Absent ako today for you, competitive Dr. Yu 😊
---
Winter
“Yeah,” tango ko sa head contractor ng project ko rito sa Bulacan. Tinuro ko ang magiging façade ng gusali sa kanya, “Pero dito po, sa ilalim n’yo padaanin.” Sunod kong idiniscuss sa mga workers ang dapat kalabasan ng cove lighting para bagayan ‘yung rustic industrial style ng bahay.
Isang oras bago matapos ang site hours namin, nagmessage na ako kay Karina. Nagsimula na rin kaming mag-inspect ng errors na kailangan pang gawing pulido.
“Sorry natagalan,” halik ko kay Karina pagsakay ko sa sasakyan. “It’s okay, baby. Early pa naman,” inabutan niya ako ng tubig bago magsimulang magmaneho.
“I brought you a change of clothes d’yan sa likod or daan muna tayo sa condo para makapagshower ka?”
Kinuha ko ang damit na tinutukoy ni Karina na nakatiklop sa backseat. “’Wag kang ganyan, baby.”
Kunot-noo siyang lumingon sa ‘kin, “What did I do?”
Nagpalit ako ng shirt dahil basa na rin ako ng pawis dahil nga natagalan kami sa inspection, “Baka isipin kong ang talent mo talaga ay taking care of me.”
Tinawanan niya lang ako bago guluhin ang aking buhok. “Tama na, love,” nakangisi kong pigil sa kanang kamay niya.
“Daan pa rin tayo sa condo ha?”
Ibinaba niya na ang kanyang kamay para hagkan ang akin, “Copy po, en
Comments