The Doctor is... out?
Dagli
Otolarynologist Giselle, and her impeccable timing
Buong December holidays hindi kami magkasama ni Karina. Bumiyahe kasi ang pamilya nila pa-Australia. Dapat nga’y kasama ako pero pinapauwi rin kasi kaming magkapatid sa Zambales.
Okay lang naman. Sana’y naman kami sa ganoong setup noong kolehiyala pa kami pareho.
Iniwan ko ang sasakyan ko sa bahay namin sa Zambales at sumabay na lang kay kuya pabalik sa Metro. Matapos naming maglaro ng badminton ay hinatid naman niya ako sa St. Luke’s. Hindi ko alam kung nabasa na ni Karina ang message ko; hindi kasi nagdadala ng phone ‘yon tuwing nagr-rounds siya.
Sa clinic niya na lang ako nagstay habang hinihintay siyang matapos sa trabaho niya ngayong araw. Masipag siya eh, at higit sa lahat, masaya siya d’yan. Tsaka ang galing niyang doctor kaya dapat lang na supportive girlfriend ako.
Hindi ko na rin napansing nakatulog ako sa swivel chair niya habang naghihintay. Nagising na lang ako nang marinig kong may tumatawa sa silid; nahuli ko pa si Karina na kinukuhanan ako ng video habang natutulog.
“Hey there, birthday girl,” bati niya sa ‘kin bago ibulsa ang kanyang phone. Nakasuot ng white coat si Karina, nakasabit pa rin ang stethoscope sa kanyang leeg. Nakasneakers lang din siya ngayon.
Hinila ko siya paupo sa lap ko, “How’s my doctor?”
Tinawanan niya ako bago pihitin ang katawan patagilid. Agad ko namang inalalayan ang kanyang likod, “Stop asking about me, Win. It’s your day, baby. Tell me about yours.”
Nagk’wento na ako habang inaayos ni Karina ang aking buhok, “Had breakfast with the family, love. Tapos nagbadminton kami ni kuya; hinatid niya lang ako rito. Diba sabi ko sa 'yo kagabi iiwan ko 'yung car?”
Tumango naman si Karina. “How about your holidays, engineer?” nangiti ako sa tinawag niyaa sa 'kin. “Mukhang ikaw ang taya for a month, love. Ginawa akong naglalakad na wallet ni Mama; laging ako ‘yung pinapain sa kids, baby,” sumbong ko sa kanya.
Natawa naman si Karina sa sinabi ko, “How much were you giving them ba?”
“Depende, love. S’yempre may questions bago ko sila abutan. If they show their talent, mas mataas ang range ng aguinaldo, baby,” tapik ko sa legs niya habang magiliw na nagku-k’wento.
“Eh ako, if I show you my talent, how much will you give me?”
“House and lot,” diretso kong sagot sa kanya.
“Ewan ko sa ‘yo,” takip niya ng kanyang palad sa aking mukha.
“Engagement ring,” tuloy ko.
“Blah blah blah,” takip ni Karina sa kanyang tainga. Tinanggal ko ang mga kamay niya dito, “I’ll stop na,” ngisi kong paninigurado sa kanya.
May ilang minuto rin siguro kaming nagngingitian habang nakakandong siya sa ‘kin, nang dumapo ang mga mata ko sa stethoscope niya sa leeg. “How do you use this, love?” turo ko sa kagamitan.
Hinubad ito ni Karina, at inilagay sa tainga ko ang earpieces. “Listen to my lungs, baby,” tapat ni Karina sa diaphragm ng stethoscope sa kanyang dibdib. “Then compare one side f
Comments