Chapter T-17

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

Ang saya ko lang ngayon habang tinitingnan ang malaking tarpaulin ng Winter's Tuhog tuhog dito sa bagong pwesto namin sa bayan. May branch na ang ihawan namin! Oh taray! Pakak may branch! Grabe parang naeemosyonal pa nga ako nung isang araw habang kinakabit ang tarpaulin dito.

 

From lamesa na pwesto sa tapat ng bahay namin, to cart, ngayon ay may maliit na pwesto na kami sa bayan, may mga lamesa na din sa loob na pwedeng kainan ng mga costumers na bibili, malapit kami sa malaking University dito sa San Isidro pati na rin ang paradahan ng tricycle at jeep kaya siguradong malakas ang kita. Naisipan na rin namin na magdagdag ng ibang paninda, yung mura lang pero sure na mabubusog ang mga estudyante at mang gagawa na nagbubudget. May milktea pa nga dahil sikat daw ito sa mga kabataan sabi ni Ryujin. Pero mas focus pa din sa ihaw ihaw dahil doon kami nakilala.

 

Kumuha na din kami ng dalawang tatao dito, si Aling bernadette na kumare ni nanay at si Mikay na anak nito ang kinuha namin. Kababata sya ni nanay, dalawa na lang kasi sila sa buhay kaya naisipan ni nanay na sila na lang ang kunin para makatulong kahit papaano. Minsan si Ryujin ang nakatoka na pumunta dito para icheck ang iba pang kakailanganin. 

 

Kayang kaya ko naman yung pwesto sa bahay basta sa umaga sasamahan ako ni Ryujin mamili , kapag nandito si Karina sya ang kasama ko at katulong sa paghahanda. Kahit nga pinipigilan ko sya kasi nga ay may trabaho sya kahit nasa bahay hindi talaga nagpapaawat.

 

"I'm so proud of you mahal." narinig ko na bulong ni Karina sa akin naramdaman ko na yumakap sya mula sa likod ko. 

 

"Thank you, thank you sa tulong mo mahal." nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin.

 

"Wala naman ako natulong mahal, ikaw lang lahat to."  hinalikan ko sya sa pisngi at hinarap. Pa-humble pa tong asawa ko, ang laki laki ng ambag nya dito.

 

"Eh kung hindi dahil sa may mga crush sayo na tambay hindi lalakas ng bongga ang ihawan natin." biro ko , yumakap ako sa kanya at narinig ko ang malutong nyang tawa.

 

"Ah so yun naman pala. Grabe ka mahal, ginamit mo kahinaan ko." madramang bulong nya, natawa ako kaya kinurot ko sya ng mahina sa tagiliran. Kakagigil itong asawa ko, bango bango! Pinupog ko sya ng halik sa pisngi bago ko sya hinila papasok ng tindahan, uwian na ng mga estudyante mabubusy na naman kami.

 

Ang laki ng tulong ni Karina sa akin na ipinagpapasalamat ko sa kanya, nag offer sya ng pinansyal sakin kahit alam nya na may budget na ako para dito. Yung alok naman daw nya eh kapag kinulang lang ako, sobrang maintindihin talaga ng asawa ko, alam nya na pangarap ko to, na gusto ko to mabuo na galing sa sariling pag sisikap ko kaya kahit may kakayanan sya na mapabilis ang lahat ay hinayaan nya lang ako. Nag offer din sya ng plano sa lokasyon at iba pa na ideya na pinakinggan ko naman dahil, hello? Business woman kaya asawa ko, syempre libreng consultant na yan! Char! 

 

Hindi ko maabot ang lahat ng ito kung hindi dahil sa pamilya at kaibigan ko na sinuportahan ako simula pa noong akala nila laro laro ko lang ang pagbibigay ng pangalan sa future ng ihaw ihaw business namin. Pero ngayon eto na. 

 

Winter's Tuhog tuhog !      Dreams do come true talaga basta may pagsisikap at tiwala sa sarili.   

________

 

 

"Mahal, magpapadala ako ng ulam kay Mang Berto pag sunod nya sayo bukas ng tanghali sa Maynila ha, kumain ka ng ayos at matulog ng maaga." paalala ko kay Karina habang nag aayos ako ng damit sa bag na dadalhin nya bukas pag luwas. 

 

May meeting kasi sila na kailangan nandun sya, dalawang araw lang naman kaya hindi na ako sumama. Lulutuan ko na lang sya ng pang dalawang araw na ulam nya baka magpalipas gutom na naman tapos mag oorder na naman ng take out. Buti na lang at susunod si Mang Berto sa kanya bukas ipapasabay ko na lang ang pagkain nya. Dala nya kasi ang sariling sasakyan nya kaya hindi sya ihahatid ni Mang Berto.

 

"Ok mahal." sabi nya at busy pa din sa pagbubuklat ng mga papeles na kanina pa nya hawak. Kunot na kunot ang noo. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtitiklop ng damit, sinabay ko na din yung mga damit na sinamsam ko kanina. Buti na lang talaga tumigil na ang kakaulan, nakatuyo din ng labada. 

 

Maya maya pa biglang tumunog ang cellphone ni Karina. Tiningnan nya ito at nakita ko na palihim nya ako tiningnan at tsaka tumayo. 

 

"Mahal sagutin ko lang to ha." paalam nya, tatanungin ko pa sana kung sobrang importante ba nito bakit kailangan pa nya lumabas eh tahimik naman dito sa kwarto. Pero mabilis na din sya nakalabas at hindi na hinintay ang sagot ko. Kung hindi ko lang narinig yung kasagutan nya nung isa araw sa tawag baka mapag isipan ko pa na may babae itong asawa ko eh. Pero si Karina yan, malabo pa sa mata ko yan na mangyari. 

 

Ilang araw ng parang balisa si Karina, laging may kausap sa phone, naririnig ko pa nga na nakikipagtalo sya sa kung sino man sa kabilang linya, at talagang halos lumabas na yung bristish accent nya, iniisip ko nga baka may problema sa kumpanya nila sa London. Hindi ko sya tinatanong dahil inaantay ko na sya ang magsabi sa akin, ayoko rin na usisain sya dahil ramdam na ramdam ko yung pagod nya sa araw araw. 

 

Sana ay maging maayos na kung anuman ito, dahil naawa na ako sa asawa ko, kitang kita mo yung pagod nya. Pero sana magsabi din sya sa akin kung nahihirapan sya. Alam ko na wala naman ako alam sa trabaho nya, gusto ko lang mailabas nya lahat ng frustrations nya. Napansin ko ito kay Karina dati pa, kapag may problema, hindi sya nagsasabi, malalaman mo na lang kapag na-solusyunan na yung problema na yun. Mas inuuna nya pa ang ibang tao kesa sa nararamdaman nya.

 

Kahit nasasaktan sya, mas ikaw pa yung papakalmahin nya at sasabihan na wag mag alala, sya na ang bahala. Minsan naiisip ko na siguro kasi lumaki sya na lolo nya lang ang kasama nya, sanay sya na sinasarili ang lahat, pero hindi mo alam ang limitasyon ng isang tao lalo na at may problema, kaya kahit hindi sya nagsasabi, palagi ko pa din pinaparamdam na nandito lang ako palagi para sa kanya, hindi na nya kailangan solohin ang lahat. 

 

 

Itinabi ko na sa gilid ng kama ang bag na dadalhin nya , inayos ko na din sa aparador ang mga natiklop ko na damit namin. Maya maya pa bumalik na si Karina sa kwarto. Tiningnan ko sya at bagsak ang balikat na ipinatong nya ang cellphone nya sa cabinet namin, tiningnan ko lang sya ng lumapit sya sa akin sa kama at tila pagod na pagod na yumakap sa akin.

 

"Ayos ka lang ba mahal?" tanong ko, naramdaman ko ang paghugot nya ng malalim na hinga at isinubsob ang mukha nya sa leeg ko. Hinagod hagod ko ang likod nya para pakalmahin sya.

 

"hmm. Can we stay like this muna mahal?" bumaba ang kamay nya sa bewang ko at ibinagsak nya ang bigat nya sa katawan ko na dahilan para mapahiga ako at pumatong sya sa akin. 

 

"Bigat mo!" hinampas ko sya ng mahina sa braso, natawa lang sya at humiga na sya sa gilid ko, niyakap ko ang ulo nya na nasa dibdib ko at marahan itong minasahe. Dumaan ang ilang minuto na ganito lang kami, tumigil na rin yung maya't mayang pagpisil at hamplos nya sa tagiliran ko.

 

"Mahal?" nagulat ako ng mag salita sya, akala ko ay nakatulog na sya dahil hindi na sya naimik.

 

"Mm?"

 

"Do you think my Mama and Mommy are proud of me?"

 

Nabigla ako sa tanong nya, bibihira namin maging topic ang magulang ni Karina kahit noong mga bata pa kami, ang alam ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
RookieToki 13 streak 0 points #1
Chapter 86: HWHSHSHSHSHS KHIO BERY PROUD OF U KUNG CNU MAN NANAKIT SAU AABANGAN K YN S KNTO
jaangwaang
914 streak 0 points #2
Chapter 73: HAHAHAHAHAHA HAYS ANG CHUTE CHUTE MO TALAGA KHIO ABUNJING
kwinminjeong
27 streak 0 points #3
Chapter 87: Chapter 87: aAAAHHHHHH ngayon lang aq naka comment! boset pero paulit ulit ko na tong binabasa nung nag ud hahhebshehehehe ate na si mochi !!!! sobrang cute ng mga babies!!! bias ko na si frost 😛 charet! masusubok nanaman ang pasensya ni naynay wintot dahil mukhang matuyit din si kallie kahit kalabas palang eh 🤣 ily bb kauri disney princess and bunso sa family yu fam (khio ikaw padin ang fave ku (2)) <3 i'm so excited sa reaction ng fam nila at si mochi khio hahaha,,, tapos paligsahan sila sino pinakasutil sakanila ni kallie 'no BWHWHAHAHAB charet! excited na q sa moments nilang apat !!! congrats at nairaos ni nanay win ang panganganak! 🫶goodluck talaga nanay winter at mimi jimin !!
howdoyouknowmee
573 streak 0 points #4
Chapter 87: NAIIYAK AKO SO MUCH OUR TRIPLETS HUHU ATE NA SI MOCHI 😭
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #5
Chapter 87: Congratulations mimi and naynay. Ate khio lumabas na ang nga wittew dinotors mo.

May dagdag na kalaro na sila ate khio, ate Allison and ate yumi.

Kung si Kaeious at Kallie may pitotoy🤭, si ate khio ba meron din?🤔 Hindi ko na ma alala😅.

Patay na, dalawa na ang Karina Jr. sasakit lalo ang ulo ni naynay nyan. Parang mas magiging ate pa si kaeious nito pag nag kataon.

Princess na princess ang atake ni kauri, pag nag kataon downbad si mimi nito.

Buti na lang talaga hindi naging karding, kardo at karlito yung mga pangalan nila.🤣🤭

Thanks po author. ☺
Jaeeeeee_
224 streak 0 points #6
Chapter 74: 🤣🤣
picchu
0 points #7
Chapter 87: Nangitlog na ang naynay..excited na ako sa reaction ng ate khio 😆
Eybrelros 0 points #8
Chapter 87: Maalala ko lang yung isang peborit ko na chap HAHAHAHAHA parang gusto ko asarin si tiyo na nasa mga kapatid nya yung gusto nyang 'tete HAHAHAHAHAHAH kaso big girl na nga pala sya baka limot na nya yon😆
RookieToki 13 streak 0 points #9
Chapter 80: AaHSHEHSHSHS NASOBRAHAN CONGRATSS
Coleeee 0 points #10
Chapter 87: I already know that Kauri will have Karina wrapped around her fingers. She'll definitely use her Winter looks and bunso status to get what she wants sa mommy nya HAHAHAHA! Kaeious, I feel will be the cool non-chalant eldest and Kallie will probably Khio's favorite partner in crime kasi parehong sutil na Karina liit HAHAHA! Congrats to the Reyes-Yu Fam. Mukhang ma pepressure manganak ulet si Ning Ning para mai jowa sa mga junakis ni Winter lol.