Chapter T-36

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"OAAAHHH OAAHHH OAHHHH OAAAHHHH" 

 

 

Halos sabay kami ni Karina napabalikwas sa pagkakatulog ng marinig namin ang malakas na iyak ni Khio. Grabe lang talaga yung lungs ng anak namin, kaya inaasar ako nila Ryujin na sa akin daw nagmana ng boses si Khio, nagigising daw ang buong bahay sa tinis ng boses ng anak namin. 

 

 

"Mahal matulog ka pa, ako na dito, baka gutom lang." pigil ko kay Karina ng akmang tatayo din sya para puntahan si Khio. 

 

 

"Ok lang ba mahal?" pipikit pikit na tanong nya, napansin ko din na minasahe nya ang sentido nya ng palihim, kaya mabilis ako na lumapit sa kanya at hinalikan sya dito.

 

 

"Oo naman mahal, tulog ka pa, kaya ko na to. Masama pa ba pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ko, umiling lang sya.

 

 

Kahit na alam ko naman na may iniinda talaga sya kaya nagpasya ako na tapusin ko lang padedehin si Khio, etong mommy naman nya ang aasikasuhin ko, may mapapagalitan na naman ako dahil ayaw na naman uminom ng gamot. 

 

 

"Sige na mahal, tulog ka na ulit, padedehin ko lang si Khio babalik na din ako pagtulog." 

 

 

"Ok mahal..." humiga na ulit sya at bumalik sa pagkakatulog. Mabilis naman ako na lumapit sa kuna ni Khio para kuhain sya.

 

 

Maaga ko pinatulog si Karina kagabi, halos alas kwatro ko na sila ng hapon ginising mag mommy, at ayun nga, masama ang pakiramdam ng asawa ko pagkagising nya. Buti na lang at nakisama din si Khio at alas dyes pa lang ng gabi ay tulog na, kaya napilit ko na din matulog si Karina. Pinapili ko kasi sya, iinom sya ng gamot? o matutulog sya ng maaga? Ayon, nauna pa matulog sa anak nya. Pasaway talaga.

 

 

Tiningnan ko ang orasan sa taas ng pinto at nakita ko na ala una pa lang ng madaling araw. Malamang talaga ay gutom na si Khio. Halos magtatatlong oras na ang nakakalipas ng huling dede nya. Kaya dahan dahan ko sya kinuha sa kuna at inilapit sa dibdib ko. 

 

 

"OAAHHHH OAAHHH OAHHH" 

 

 

"Shhh tahan na baby, dito na si nanay, gutom ka na po? Wait lang mahal ko..." iniangat ko na agad ang laylayan ng suot ko na malaking tshirt ni Karina para padedehin ang anak namin. Pero iyak pa din ng iyak si Khio at ayaw halos dumede. 

 

 

Napakunot ang noo ko ng hindi pa din talaga sya natigil sa pag iyak, nagtataka ako kasi kapag binuhat ko naman sya natigil agad ito dahil alam nya na dedede na sya, pero ngayon iba, pati yung iyak nya. Kinapa ko ang diaper na suot nya, hindi naman ito puno.

 

 

Naaawa na ako dahil may luha na talaga sya, at ganoon na lang ang kaba ko ng punasan ko ang luha nya sa pisngi.

 

 

 

Bakit parang mainit sya?        

Sinalat ko ang noo ko para pakiramdaman temperatura ko, bago ko ulit hawakan sa pisngi at sa noo nya si Khio. Tuluyan na ako na nag alala ng maramdaman ko na hindi normal yung init ng katawan nya. 

 

 

"K-karina! Mahal nilalagnat si Khio!" natatarantang tawag ko kay Karina na mabilis din naman na bumangon at lumapit sa amin, hinawakan nya din ang pisngi ni Khio. 

 

 

"I'll get the thermometer mahal, eto na ata yung side effect ng injections nya." sabi nya bago sya nagmamadaling tumayo at pumunta sa cabinet ni Khio para kunin ang thermometer. 

 

 

"OAAHHH OAAHHH" 

 

 

"Opo, sandali lang anak, tahan na po, nandito na si nanay at mommy..." inihele hele ko sya at iniwasan ko na hindi matamaan ang turok nya dahil pinayuhan kami ni Doc na ingatan wag masagi ang mga binti nya dahil namamaga nga ito. 

 

 

"Here mahal." iniabot sa akin ni Karina ang thermometer, kaya tinulungan nya na ako na tanggalin ang swaddle ni Khio, para na din makasingaw ang katawan nya.

 

 

Pagkatapos ay inipit ko ang thermometer sa may kili kili nya. Iniayos ko na muna sya sa pagkakakarga para mapadede ko sya. Nakahinga ako ng maluwag ng medyo huminto na sya sa pag iyak at dumede na ulit sya. Nag alala kasi ako kanina ng huminto sya sa pag dede nya.

 

 

"Mahal kukuha muna ako ng tubig na malamig at towel ok? Punasan natin sya." tumango ako at pinanuod ko si Karina na mabilis na kumuha ng dalawang towel ni Khio sa cabinet nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto. 

 

 

Sinabihan naman na kami ng pedia nya tungkol sa side effects ng turok, at kung ano ang gagawin. Ano ang normal na temperature ng lagnat ng baby na pwede kahit sa bahay na lang mag stay at gawin ang natural ways para mapababa ang lagnat nya, at yung temperature kung saan kailangan na namin dalhin si Khio sa ospital. Anytime naman daw pwede namin sya tawagan para magtanong kaya wag daw kami mahiya.

 

 

Pero kahit alam na namin ang gagawin kinakabahan pa din kami mag asawa, nanginginig na nga ako pero pinipigilan ko lang dahil ayoko mag-panic, napansin ko din kasi kanina ang panginginig ng kamay ni Karina ng i-abot nya sa akin ang thermometer, pati na din sa kilos nya dahil talagang nagmamadali sya para ikuha si Khio ng pang-banyus sa katawan. 

 

 

"Sorry anak, para din po kasi sayo yan kaya ka pinaturukan ni nanay at mommy, para hindi ka po magkasakit pag big ka na." hinamplos hamplos ko ang ulo nya ng dumilat sya. "Strong naman tayo baby di ba? sabi ni Doc kapag nilagnat ikaw ibig sabihin gumana na yung gamot sa katawan mo anak. Kaya konting tiis na lang ok po? Para pag big ka na, mas strong na ang Khio namin na yan."  pinunasan ko ang natitirang bakas ng luha sa pisngi nya.

 

 

Ang awa ko lang sa anak namin, ang sakit sa pakiramdam na alam mo na nasasaktan ang anak mo, lalo na't baby pa sya at hindi pa sya makapag sabi kung saan ang masakit sa kanya, kung ano yung kailangan nya. Kaya idinadaan na lang nya sa iyak, parang dinudurog palagi ang puso ko kapag umiiyak si Khio. Lalo ngayon, dahil alam ko na masama ang pakiramdam nya.

 

 

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Karina bitbit ang palanggana na may tubig at dalawang towel ni Khio na binasa na nya. Umupo sya sa tapat namin mag ina at sya na din ang nagtanggal ng thermometer ni Khio sa kili kili nito.

 

 

Napabuga sya ng hangin sa bibig at nag aalalang tiningnan si Khio. 

 

 

"37.9C mahal, tinawagan ko si Doc kanina noong nasa kitchen ako. Basta wag daw aabot sa 39C, normal pa daw yung lagnat nya. Katulad pa din ng tinuro nya, cool water daw ang ipamunas pati na din daw sa legs nya to lessen the swelling. And also sabi ni doc nakakatulong din daw na i-feed palagi si Khio, para hydrated at bumaba ang lagnat nya." 

 

 

Sa mga ganitong pagkakataon sobrang napapanatag ako kasi nandyan si Karina, talagang sinisigurado nya na safe ang anak namin at hindi talaga pwede sa kanya na, ganito lang ok na. Hindi. I-dodouble check nya talaga yan. Hindi sya tatanggap ng "lang" o "Ok na yan" kapag safety na namin ni Khio ang nakasalalay. Sobrang maalaga talaga sya sa amin mag ina nya. 

 

 

"Mukhang tapos na sya dumede mahal." sabi ko, ibinaba ko na ang laylayan ng damit ko at dahan dahan ko inihiga si Khio sa pagitan namin ng mommy nya. Nakatulog na ulit kasi sya. 

 

 

"Mahal pakitingin muna ako kay Khio, kuha lang ako ng pamalit nya, bibihisan ko na din ng manipis na damit para makasingaw ang katawan." 

 

 

"Ok mahal." tumayo na ako para pumunta sa cabinet nya at kumuha ng pamalit nya. 

 

 

Pagbalik ko ay nakahubad na si Khio at pinupunasan na sya ng mommy nya, tulog na tulog pa din sya. At mukhang gustong gusto nya ang pagbabanyos sa kanya dahil hindi sya naiyak, umuunggot lang kapag iniaanggat ng mommy nya ang braso nya para punasan sya. Siguro ay guminhawa ang pakiramdam. 

 

 

Inulit ulit lang namin ni Karina ang proseso ng pag banyos kay Khio at paglagay ng malamig na towel sa turok nya. Maya't maya din namin chini-check ang temperature nya para makasigurado. 

 

 

"36.8C mahal." sabi ni Karina ng makita nya ang huling temperature ni Khio. Pareho kami nakahinga ng maluwag habang pinapadede ko ulit si sya. Medyo may sinat pa, pero ok na. Atleast bumaba na. Konting banyos pa. 

 

 

Halos mag aalas kwatro na din ng madaling araw, nakakapagod pero nagtiyaga talaga kami mag asawa na banyosan maya't maya si Khio para bumaba ang lagnat nya. At mukhang ok na ang pakiramdam nya dahil ang lakas na ulit dumede at mahimbing na ang tulog. Ang kinakatakot ko kasi kanina ay pati ang pag dede nya ay maapektuhan ng lagnat nya. Wala na syang kukuhaan ng sustansya kapag nawalan pa sya ng gana sa pagdede ng gatas.

 

 

"I love you Khio..." hinalikan ni Karina si Khio sa noo bago nya ilagay ang bagong piga na towel sa noo nya habang binebreastfeed ko pa d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
RookieToki 13 streak 0 points #1
Chapter 86: HWHSHSHSHSHS KHIO BERY PROUD OF U KUNG CNU MAN NANAKIT SAU AABANGAN K YN S KNTO
jaangwaang
914 streak 0 points #2
Chapter 73: HAHAHAHAHAHA HAYS ANG CHUTE CHUTE MO TALAGA KHIO ABUNJING
kwinminjeong
27 streak 0 points #3
Chapter 87: Chapter 87: aAAAHHHHHH ngayon lang aq naka comment! boset pero paulit ulit ko na tong binabasa nung nag ud hahhebshehehehe ate na si mochi !!!! sobrang cute ng mga babies!!! bias ko na si frost 😛 charet! masusubok nanaman ang pasensya ni naynay wintot dahil mukhang matuyit din si kallie kahit kalabas palang eh 🤣 ily bb kauri disney princess and bunso sa family yu fam (khio ikaw padin ang fave ku (2)) <3 i'm so excited sa reaction ng fam nila at si mochi khio hahaha,,, tapos paligsahan sila sino pinakasutil sakanila ni kallie 'no BWHWHAHAHAB charet! excited na q sa moments nilang apat !!! congrats at nairaos ni nanay win ang panganganak! 🫶goodluck talaga nanay winter at mimi jimin !!
howdoyouknowmee
573 streak 0 points #4
Chapter 87: NAIIYAK AKO SO MUCH OUR TRIPLETS HUHU ATE NA SI MOCHI 😭
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #5
Chapter 87: Congratulations mimi and naynay. Ate khio lumabas na ang nga wittew dinotors mo.

May dagdag na kalaro na sila ate khio, ate Allison and ate yumi.

Kung si Kaeious at Kallie may pitotoy🤭, si ate khio ba meron din?🤔 Hindi ko na ma alala😅.

Patay na, dalawa na ang Karina Jr. sasakit lalo ang ulo ni naynay nyan. Parang mas magiging ate pa si kaeious nito pag nag kataon.

Princess na princess ang atake ni kauri, pag nag kataon downbad si mimi nito.

Buti na lang talaga hindi naging karding, kardo at karlito yung mga pangalan nila.🤣🤭

Thanks po author. ☺
Jaeeeeee_
224 streak 0 points #6
Chapter 74: 🤣🤣
picchu
0 points #7
Chapter 87: Nangitlog na ang naynay..excited na ako sa reaction ng ate khio 😆
Eybrelros 0 points #8
Chapter 87: Maalala ko lang yung isang peborit ko na chap HAHAHAHAHA parang gusto ko asarin si tiyo na nasa mga kapatid nya yung gusto nyang 'tete HAHAHAHAHAHAH kaso big girl na nga pala sya baka limot na nya yon😆
RookieToki 13 streak 0 points #9
Chapter 80: AaHSHEHSHSHS NASOBRAHAN CONGRATSS
Coleeee 0 points #10
Chapter 87: I already know that Kauri will have Karina wrapped around her fingers. She'll definitely use her Winter looks and bunso status to get what she wants sa mommy nya HAHAHAHA! Kaeious, I feel will be the cool non-chalant eldest and Kallie will probably Khio's favorite partner in crime kasi parehong sutil na Karina liit HAHAHA! Congrats to the Reyes-Yu Fam. Mukhang ma pepressure manganak ulet si Ning Ning para mai jowa sa mga junakis ni Winter lol.