11th.
pick me not.WC.
Our first school week has been pretty chill although there were few professors that kinda gave us a hard time, we still managed to survive it.
Later will be our Mommies' reunions with their friends AKA our titas. I'm lowkey excited dahil di naman laging nagme-meet sila. Lalo na now lang din namin mamimeet sila Tita Alli and Tita Nads with their daughter, Avery.
Kenny and I are just helping Mommybear to organize for their party mamaya. Natapos naman na namin ni Kenny 'yung assignments namin. So marami kaming time to spare and help Mommies.
May mga balloons, pa-confetti, at pati videoke. This will be very fun I think. Magsisimula ang party nila mamayang 7PM daw. May specific time pa para sa dinner. Sabay-sabay kaming mag didinner kaya naman nilabas ni Mommybear 'yung magaganda niyang plato..
Like I mean 'yung mga nakadisplay niyang plato??? Finally?? Magagamit na namin. Ang gaganda kaya nung mga 'yun, pang mayaman ang itsura. Although natawa ako kasi may hello kitty kitchen wares na nakabukod. Si Mommycakes talaga parang di tumatanda, in a good way. I mean ang cute lang kasi until now she's obsessed with hello kitty and Mommybear just lets her be, at mukang ini-spoil niya rin si Mommycakes sa mga hello kitty.
3PM pa lang at masyado pang maaga para mag-gayak kaya naman mag pe-paint muna ako sa free time ko. Mga 5PM ako mag-aasikaso ng sarili ko. Di ko naman need mag madali.
As I was my paint, may nasanggi akong gamit pagka-yuko ko dahil nalaglag 'yung ibang scratches ko, so I had to pick it up at nakita ko 'yung drinawing ko last week.
Si Ate girl sa NBS na matangkad, deep voice at maganda.. Parang si Avery lang.
Wait..
SI AVERY?! Huh??? Or nalilito lang ako? Pero natatandaan ko na ang itsura ni Ateng sa NBS at..
Si Avery nga. Pero hindi naman ata siya nag-tatagalog? 'Yung nakausap ko sa NBS nag tatagalog eh. Baka kamuka niya lang? May ate kaya siya? Ang ganda siguro ng lahi nila? Ay ewan. Bat ba 'ko concerned diyan eh hindi naman ako magpapa-ampon sa pamilya nila kung sakali. Ang ganda kaya ng lahi namin!
Tinutuloy ko lang itong mga pinepaint ko ngayon. Wala pa naman akong gagawin. Nag iisip lang din ako ng ibang subject habang nag-gagawa. Kumbaga, advance-thinking para pagtapos ko dito sa isa ay may masisimulan agad ako.
Comments