XXII. Welcome... Back?
Muni-muni
Sa wakas ay nakarating na rin siya. Labing anim na oras ang kaniyang biyahe at parang gusto na lang niya na agad humiga.
Sinalubong na agad siya ni Isa sa airport gate pa lang. Namataam niya rin si Jaemin na nakangiti sa kaniya sa tabi ni Isa. Ayaw na niya alamin kung paano nagkaroon ng airport gate pass ang dalawa.
Marami namang connection ang mga magulang ng mga ito.
Agad naman siyang niyakap ng dalawa matapos siyang makalapit.
“I brought Jaemin so we have taga-buhat,” sambit ni Isa na ikinatawa niya.
“What’s that?” Tanong ni Jaemin habang hila-hila ang kaniyang maleta. Nakaakbay pa rin si Isa habang naglalakad sila.
Sobrang clingy nga pala ni Isa.
Hindi niya alam pero hindi niya magawang kumapit rin kay Isa. Pakiramdam niya, magkakasala siya.
“Hey, what’s up?” Putol ni Isa sa iniisip niya.
“Nothing,” sambit niya lang.
“We arranged a welcome party!” Sabi ni Jaemin.
“Jae, what the ? That was supposed to be a surprise!” Inis na sabi ni Isa.
Nagkibit-balikat lang si Jaemin. “I know. And I also know Winter hates surprises,” ngiti ni Jaemin sa kaniya.
“Thanks,” sabi niya sa kaibigan.
Umirap lang si Isa sa kanilang dalawa, “anyway, the whole gang will be there.”
“Huh. You guys don’t have work or school?”
“We took the weekend off for you,” Isa smiled softly sa kaniya. Nagkuwento pa si Isa sa mga pinagkakaabalahan ng mga kaibigan nila. Lumipad daw ang mga ito pabalik sa Chicago para makita siya.
Magaganap rin daw ang welcome party sa bahay nina Isa. Gusto raw itong gawin ni Isa sa mismong bahay niya ng pero she didn’t want to impose daw sa kaniya.
Pinalinis na rin nila ito kaya’t p’wedeng doon muna siya tumuloy. Nag-offer rin si Isa na sa kanila na lang siya tumuloy.
Agad naman siyang tumanggi.
Nakasakay na sila sa sasakyan ni Jaemin nang mag-tanong si Isa. “What’s wrong in staying with me? We do that every year.”
“I’m fine,” sagot niya lang.
“Right. If you’re staying here for good, it’d be great to get used to living there agai—”
“I’m not yet sure about staying here for good,” pagputol niya kay Isa.
Lumingon sa kaniya si Isa mula sa passenger seat at kunot-noong tumingin sa kaniya. Nakita niya rin ang pagkagulat sa mukha ni Jaemin nang sumulyap ito sa kaniya mula sa rear view mirror.
“What did you say?”
Para namang napapagod siyang nagbuga ng hangin. “I’m not sure I want to stay here for good…”
Ito ang unang beses na sinabi niya ito at kahit siya ay nagulat sa sinabi. Madalas ang sagot niya sa mga nagtatanong ay hindi niya pa alam.
Madalas niya sabihin na hindi pa siya nakakapag-decide.
“Winter—”
“Hey,” singit ni Jaemin. Naramdaman rin siguro nito ang tensyon. “You guys can talk about it later. Let Winter rest.”
Bumalik ang tingin ni Isa sa harap. Sumandal muna siya at ipinikit ang mata.
Nakarating sila sa bahay nang walang imikan. Nang salubun
Comments