IV. Yakap.
Muni-muni
Tatlong linggo na ang nakaraan mula nang nag-lunchout kasama ang mga kaibigan. Tatlong linggo na rin siyang hindi tumitigil sa pag-iisip sa mga tanong nila. At tatlong linggo na rin mula noong nagsimula na maramdaman niya ang presensya ni Rina kahit saan.
Sa isang taon na kasama niya sa isang building si Rina, ilang beses lang niya nakakasabay papasok at palabas ng office ang dating kaklase. Every month, nag-iiba ang shift niya pero two months na at hindi pa ulit siya nakakaranas ng graveyard shift. Tapos na rin ang madugong project niya at minsan na lang siya mag-overtime.
At sa loob ng tatlong linggo, hindi na siya pinatahimik ng kanyang isip, dahil sa loob ng tatlong linggo, si Rina rin ang kasabay niya umuwi every Friday night sa probinsya. Every Saturday morning na si RJ umuuwi dahil bago na ang schedule, kasabay ng pagbabago ng schedule ni Rina.
Friday ngayon. Naghihintay siya sa may lobby dahil nag message ulit si Rina sa kanya na sasabay ulit siya pauwi sa probinsya nila.
“Hey,” sambit ni Rina nang makalapit sa kanya. Katulad niya, may dala itong duffel bag at naka-casual attire instead ng every day attire nila Rina na formal wear.
“Hi,” ngiti niya sa bagong dating.
“Let’s go?” Tanong ni Rina at tumango lang siya.
“Nag-book na pala ako ng Grab papunta sa terminal,” banggit niya nang makalabas sila ng building. “I hope you don’t mind.”
“It’s okay,” sambit ni Rina. “Nabanggit ni RJ na you sprained your ankle kaya mahihirapan ka tumayo sa bus. Can I ask what happened?”
Usually, punuan ang bus kapag Friday and mahirap makakuha ng pwesto ng nakaupo. Sa sobrang traffic rin sa lungsod, inaabot sila nang mahigit na isang oras papunta pa lang sa bus terminal.
Tumingin siya saglit. 15 mins away pa ang Grab car na na-book niya.
“Ah, may sports fest kasi sa company namin. Sa Badminton ako and na-twist somehow ‘yung ankle ko nung mag-land ako after ng jump ko.”
Napangiwi siya ng alalahanin ang nangyari. Nakakahiya pa rin ‘yung pagbagsak niya.
“And it’s still not okay? Napa-check mo na ba?” Tanong ni Rina habang tinitingnan ang paa niya.
Nag-vibrate ang phone niya at nakita na niya ang isang itim na Vios car. Binasa niya ang plate number at tinapik si Rina sa balikat na busy pa rin sa pagtingin sa paa niya. “Nandito na ‘yung car,” banggit niya.
Binuksan niya ang pinto sa likod at pinauna si Rina. Matapos ma-confirm ang name niya sa driver ay nag tuloy na sila sa biyahe papunta sa bus terminal.
“So… ‘yung ankle mo?”
Napatitig lang siya kay Rina. Hindi pa rin pala tapos ang dating kaklase dito. Bahagya lang siyang napangiti. “May medic kami sa venue nung nangyari ‘yun and our company’s doctor has been monitoring whenever he’s on duty sa office.”
Tumango si Rina. “You can’t be the one giving your seat away now,” may halong pagbabanta na sambit ni Rina.
Three consecutive weeks na niya nakakasabay si Rina at kilalang-kilala na siya ng kasabay. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili na hindi ipaubaya ang upuan kapag may matanda o bata na sumasakay at nakatayo lang sila. Kapag kasi tumitigil ang bus nila sa mga
Comments