Start of Summer

The Summer we met
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

I stared at the creepy road ahead. Mariing napapikit nalang ako sa inis. The car I had rented wasn't doing a good job of bringing me sa lugar na kailangan kong puntahan.

 

Sa lugar na kung saan halos wala na akong maalala. Nakalimutan ko na nga sana kong hindi lang sinabi ni Dad na puntahan ko at doon muna mag-spend ng buong summer. The reason? I’m still figuring it out. Malamang tungkol na naman sa politics. For the past weeks ay masyado silang busy ni Mom. Nakakalimutan na nga nalang may anak sila.

 

 

 

"Malayo pa ba tayo, Manong?" pang ilang tanong ko na yan. Kanina pa kami patigil-tigil dahil panay ang patay ng makina nitong kotse ni Manong. Akala ko pa naman ito ang pinaka-maayos sa lahat ng nakaparada kanina sa terminal.

 

 

 

I didn't know exactly kung bakit ako kailangan pumunta sa kamag-anak namin. Maybe because naging sakit na naman ako sa ulo dahil sa incident na nangyari sa school tapos hindi sila makapag-focus sa ginagawa nila because of me, but hindi iyon enough reason for this!

 

 

 

I coudln't accept the fact na instead of enjoying the summer like what I used to, I was in an unknown town.

 

 

 

Mula kaninang madaling araw ay nasa byahe na ako. I took a boat for three hours. It was my first time and it was terrible. Maalon, tapos sa side pa talaga kung saan ako naka-upo doon pa laging may naliligaw na tubig dagat. Hindi na yata ako love ng nature. Tapos kanina sa may bus papuntang terminal ng bayan. Maingay, madumi, magugulo ang mga tao. Nawalan pa ng service ang phone ko habang nasa gitna ako ng call with my friends who's now enjoying their first day of summer sa ibang bansa.

 

 

 

Argh! nakaka-inis talaga.

 

 

 

Frustrated wasn't an understatement. Exactly eight in the morning ng makarating ako sa maliit na terminal nitong bayan. I want to congratulate myself for surviving that bumpy and annoying rides.

 

 

 

You see, pinatapon ako ni Dad sa lugar na I can’t barely remember with just myself and a money. Sasalubungin naman daw ako ng mga cousins and relatives ko. Yan lang ang sinabi nya. He didn't even warned me na ganito pala kasama ang pagdadaanan ko bago makarating sa town na sinasabi nya.

 

 

 

Pagbaba ko ng bus kanina ay muntik na akong sumobsob sa maduming semento ng terminal. Walang manners ang mga tao. Bababa lang ng bus kailangan pang mag-unahan at manulak. That's what I hate about public transportation. Naghanap ako kanina ng at least a decent looking food stall sa terminal pero wala akong makita. Mas lalo lang akong nainis. Wala na akong nagawa kundi ang humanap nalang ng masasakyan papasok. Because unfortunately nasa looban pa raw ang bahay ng taong hinahanap ko. Which is my Tita. Dad’s older sister. Well, at least kilala sila sa lugar na to. Sa pagtatanong ko kasi kanina along the way ay malayo pa ang pupuntahan kong lugar. Isang ride pa raw yun mula sa terminal. Kaya ng makita ko kanina si Manong at ang kotse nya hindi na ako nagdalawang isip pa. I just wanted to go to that place para makapag-pahinga na. Kinailangan ko pang mag-offer ng malaking cash kay manong para lang pumayag sa gusto ko. He accepted it naman.

 

 

 

Hindi ko masyadong maalala ang sinasabi ni Dad na pagbisita namin sa lugar ng relatives namin. Hindi na ako pamilyar dito, there's no sign of familiarity. Or maybe hindi ko lang talaga malala yung place dahil masyado pa akong bata noon. But I remember my cousins, yun lang.

 

 

 

Ilang beses akong kamuntik na sumubsob sa front seat ng sasakyan dahil sa mga lubak na daan. Beyond the roads of the terminal, wala ng ibang maayos na daan sa town na to. Even the houses. Ngayon nga ay konting-konti nalang ang nakikita ko sa dinaraanan namin.

 

 

 

"It's really creepy." sabi ko habang napapatingin sa mga punong nadadaanan namin.

 

 

 

Nakita ko sa rearview mirror ang pag-ngiti ni manong. Actually kanina pa yan pangiti-ngiti sa'kin. Mas lalong nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Sinandal ko nalang ulit ang likod ko sa upuan and heaved a sigh.

 

 

 

 

 

Makaraan ang almost an hour na biyahe, nakarating na rin kami sa lugar na sinasabi ni Dad. Napakurap-kurap ako at medyo natulala pa pagkababa ko ng sasakyan. I never expected to see something like this. May maliit na dirt road papunta sa kung saan. Ilang daan ba ang kailangan kung pasukin makarating lang sa bahay ng mga relatives ko? Bakit parang papunta ako sa isang abandonadong lugar na nakalimutan na ng buong mundo?

 

 

 

"Hanggang dito nalang tayo Ma'am. Hindi na kasing pwedeng pumasok ang sasakyan ko sa loob. Kita nyo naman siguro ang daan, may kaliitan na." sabi ni Manong habang inilalapag sa tabi ko ang maletang dala ko. Napatango nalang ako.

 

 

 

Tumatawang lumayo si Manong sa'kin. "Enjoy sa bakasyon nyo rito Ma'am. Masaya po dito sa Puerto de San Lorenzo." kumunot lang ang noo ko sa sinabi nya. Mukha ba akong nagbabakasyon at mag-eejoy sa place na to? Pagka-alis ng sasakyan ni Manong ay naiwan na akong nakatingin sa harapan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa back pack ko. "." walang service dito. How am I supposed to know kung aling bahay ang dapat kong puntahan dito? I thought sasalubungin ako ng mga cousins ko?

 

 

 

Inis na inabot ko ang handle ng maleta ko at nagsimulang maglakad papasok.

 

 

 

Sunod-sunod na ang pagmumura ko sa isipan ko. Wala parin akong makitang bahay man lang o tao, or kahit any vehicle man lang na dumadaan. Am I in the right place? Ten minutes na rin akong naglalakad. Wala man lang akong mapagtanungan.

 

 

 

Huminto ako saglit sa poste ng ilaw na nakita ko at sumandal dito. Hindi nakakatulong sa pagod at inis ko ang init ngayon. Hinubad ko na ang suot kong leather jacket. I should've brought my mini fan. Di ko naman kasi inakalang may ganito pa akong mararanasan bago makarating sa bahay ng pinagbilinan sa'kin ni Dad.

 

 

 

Napaayos ako ng tayo ng may makita akong lalake na naglalakad.

 

 

 

"God, this place." I muttered under my breath.

 

 

 

Huminto ito malapit sa'kin at maigi akong pinagmasdan ng lalake. Ano bang tinitingin-tingin nito? Pilit kong inihanda ang sarili ko just in case na may gawing masama ito. Wala akong alam sa place na to kaya kailangan kong mag-ingat.

 

 

 

"Ikaw na ba si Winter?" he suddenly asked me.

 

 

 

Mabilis kong tinanggal ang suot kong cap. "Yes it's me." sagot ko.

 

 

 

The guy whistled at malawak ang ngiting lumapit pa lalo sa'kin. "Ako to, si Lucas." pagpapakilala nya. "Sa'kin ka pinapasundo ni tiya Krys." he proudly said.

 

 

 

Finally.

 

 

 

"Ito lang ba ang dala mo?" tanong nya. Walang sabi-sabing kinuha nya ang maletang dala ko at binuhat ito.

 

 

 

"Hey, how am I supposed to know na totoong pinadala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
naevisthepurplegae
#1
Chapter 4: enemies to lovers ayayay
osumnevercease
#2
Chapter 4: mga isip bata HAHAHAHHA
Crossmaltese
#3
Chapter 4: mukang may mas malalim pa na hugot talaga si karina kay winter. Ano yan sis share mo sa group hahaha
UnKnown0117
#4
Chapter 4: Huhu finally sa update thenkyuuu otor u know that i lab updatesss, charot. Anywaays ayan tama yan mag away lang kayong dalwa. Karina ikaw manok ko, idaan naten sa feslak ng matauhan si winter.
tokwangdubu
#5
Chapter 3: shuta ka winter 😭
Enterusername_here
14 streak #6
Chapter 3: Naku po naman wintot, madadamay mo pa si minju sa kalokohan mo.
tokwangdubu
#7
Chapter 2: we love a lowkey protective 'enemy' 🤩
Enterusername_here
14 streak #8
Chapter 2: Tawa pa lang yan wintot, parang naiinlove ka na. Kay wag mo na ituloy yung plano mo, love love love na lang ahihihi
Enterusername_here
14 streak #9
Chapter 1: My kind of au, accckkk. Frenemies(?) to Lovers trope. Excited na ako sa next chap