Chocolates

The Summer we met
Please Subscribe to read the full chapter
"Uy, pinsan, sorry na." tumigil ako saglit sa pagbuklat ng comics na nakuha ko kanina habang naglilinis nitong kwartong ginagamit ko si Tita.   "Rebisco, apat to. May pasobra dahil tanga—este especial ka."   Umangat ang tingin ko sa pagmu-mukha ng pinsan kong si Rj na ang ewan ng itsurang nakatingin sa'kin habang hawak ang isang pack ng biscuit.   "Biro lang naman kasi talaga yun."   Napalakas ang pagtiklop ko ng hawak kong comics at napababa ako sa balcony nitong kwarto.   "Biro?!" di makapaniwalang tanong ko. "Pinagmukha nyo akong tanga couz tapos nasuntok pa ako. Tapos biro lang yun para sainyo?"   Naiinis parin talaga ako. Kahit na dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nangyaring pagpapahiya sa'kin ng dalawa kong pinsan. Naiinis parin talaga ako lalo't parang ramdam ko parin yung suntok ng mangkukulam na yun na ang kapal ng mukha.   The audacity of her to say na isa akong kuto. Nakakainis!   Gaganti talaga ako sa kanya no matter what.   "Di naman kasi namin inaasahan na matatakot sayo si Karina." paliwanag ulit ni Rj.   Mas tumalim lang yung tingin ko sa kanya kaya mas lalo syang napayuko.   Hindi ko nalang sya pinansin. Nilagpasan ko lang sya at diretso akong naglakad papunta sa bed at umupo sa dulo nito.   Mas naiirita kasi ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng mangkukulam na yun.   Sya pa talaga ang may ganang mainis ng sobra eh it's me nga na walang kaalam alam at supposedly nadamay lang sa kalokohan nila Rj.   Imbis na mag-sorry nalang sya dahil nasuntok nya ako, no, halos patayin nya pa ako sa isip nya sa tuwing titignan nya ako. Katulad nalang kahapon. Bumaba lang ako saglit ng bahay nila Tita para maghanap ng signal sa may bakuran. Nakita ko sya. Of all the people ba naman kasi na pwedeng maging kaharap ng bahay nila Tita sa kanila pa talaga. Nakatayo lang naman sya sa may tapat ng bintana nila.   Hindi ko na sana sya papansinin eh. Kaya lang habang nasa gitna ako ng paghahanap ng signal ay bigla nalang akong naging uneasy. Yung parang may sumasaksak sa likod mo na feeling. Pagtingin ko sa may bintana ng bahay nila nakatingin pala sya ng pagka-sama sama sa'kin. Kaya imbes na makahanap ako ng service para makapag bukas ng mga socmed ko ay pinto ng bahay ang binuksan ko. Pumasok nalang ulit ako ng bahay.   "Insan pasensya na talaga." tinantiya ko ng tingin si Rj. Hanggang saan ang kayang abutin ng sorry nya?   "I'll accept your apology—"   "Talaga?!" masayang tanong nya at agad pa akong nilapitan.   "Pero," I stopped her from hugging me. "In one condition."   Umupo sya sa tabi ko at interesado akong tinignan.   "Ano yun?"   "Tell me everything about mangkukulam."   Syempre, if I want my revenge I should do my research. Kailangan may alam ako kahit papano tungkol sa kanya. I'm sure there are plenty of things na pwede kong magamit against her.   "Huh? Bakit?" takang tanong sa'kin ni Rj.   "Just tell me things about her. I need details for my revenge." pag-explain ko.   "Nako, insan. Hindi ka parin ba nakakalimot?" kamot ulong tanong nya.   Seryosong tumingin ako sa kanya.   "Couz, ang kasalanan mo kayang kaya kong makalimutan. Pero yung sa kanya, hindi. Hangang hukay to."   Napangiwi syang nakatitig sa'kin. "Basta pinsan binabalaan na kita agad. Mahirap maging kaaway yang si Karina."   I smirked.   "Trust me, couz. Mas mahirap akong kaaway."   "Okay sabi mo yan ah."                           So, she has a powerful family pala. Her Dad's a Mayor. Mayor of this town. Her Mom's a public servant and her older sister is a lawyer. Quite powerful I must say.   She's a top achiever and an eco-friendly kind of human. This whole town loves her as what Rj said. She's friends with the counselors daughter and is close sa family ni Tita because Tita and her Mother are best of friends.   She doesn't like sweets. She hates any four legged creature na may wings and she's afraid of heights.   Ang dami ko pang ibang nalaman tungkol sa buhay nya na hindi naman kailangan. Good thing kahit na ang tagal ni Rj mag kwento ay may nasabi parin syang useful. All I want to know is her weakness.   May wings pala ha. Tsaka heights. Just wait mangkukulam. Makakaganti na rin ako sayo.   "Rj bumaba kayo ni Winter at may bisita tayo!" narinig naming sigaw ni Tita mula sa baba.   "Basta Winter yung mga pinagsasabi ko sayo sarilinin mo lang ha. Ayoko rin masuntok ni Karina." paalala ulit sa'kin ni Rj habang tumatayo.   "Of course." I sweetly smiled. "That's for me to know lang naman."   "Tara na sa baba." nakangiting aya nya sa'kin.   "Wait, bakit naman pala kasama ako?"   "Di ko rin alam. Kasama mo ako rito diba?"   Napairap nalang ako sa sagot nya.   Sumunod nalang din ako sa kanya kahit na di ko alam ba't kasama rin ako sa pinapababa. I'm sure bisita naman nila ito.   Pagkababa namin ng hagdan I instantly got chills. Parang lumamig ang buong sala.   "Bilisan nyo at may sasabihin daw si Karina."   Mabilis akong napatingin sa harap namin.   Yung mangkukulam daw.   Nandito nga.   As usual ang sama ng tingin nya sa'kin na para bang ako ang dahilan kong bakit kasama sya sa mga naniwalang magugunaw ang Mundo noong 2012.   Tinaasan ko sya ng isang kilay. Pero di man lang nagbago yung tingin nyang napakasama sa'kin. Inirapan ko nalang sya. Napatingin ako sa katabi nyang nakangiti sa'min ni Rj.   Well unlike kay mangkukulam very friendly ang isa nyang kasama. Sa naalala kong sinabi ni Rj mag bestfriend ang dalawang to.   "Good morning." bati nito.   "Good morning din Minju. Ano pala meron?"   Umupo na yung tatlo kaya naki-upo narin ako not minding the deadly stare na nakukuha.   "Tun
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
naevisthepurplegae
#1
Chapter 4: enemies to lovers ayayay
osumnevercease
#2
Chapter 4: mga isip bata HAHAHAHHA
Crossmaltese
#3
Chapter 4: mukang may mas malalim pa na hugot talaga si karina kay winter. Ano yan sis share mo sa group hahaha
UnKnown0117
#4
Chapter 4: Huhu finally sa update thenkyuuu otor u know that i lab updatesss, charot. Anywaays ayan tama yan mag away lang kayong dalwa. Karina ikaw manok ko, idaan naten sa feslak ng matauhan si winter.
tokwangdubu
#5
Chapter 3: shuta ka winter 😭
Enterusername_here
14 streak #6
Chapter 3: Naku po naman wintot, madadamay mo pa si minju sa kalokohan mo.
tokwangdubu
#7
Chapter 2: we love a lowkey protective 'enemy' 🤩
Enterusername_here
14 streak #8
Chapter 2: Tawa pa lang yan wintot, parang naiinlove ka na. Kay wag mo na ituloy yung plano mo, love love love na lang ahihihi
Enterusername_here
14 streak #9
Chapter 1: My kind of au, accckkk. Frenemies(?) to Lovers trope. Excited na ako sa next chap