hey december

'tis the damn season
Please Subscribe to read the full chapter

 

-

 

Nung nakapasok na kami sa Rest House, agad kong binagsak yung mga bags ko sa sahig at dinaganan yung couch. 

 

Yung likod ko, kawawa na masyado sa kakabitbit ng mga bagahe ko na punong puno ng winter outwears. Di kasi nakapasok ang sasakyan sa parking area, may nagkukumpulang nyebe na nakaharang sa daan. 

 

My cheeks are numb na dahil sa malamig na simoy ng hangin, feel ko tuloy magkaka frostbite ako, nakalimutan ko kasi magsuot ng gloves kanina. Si Ning kasi, parang inasinang uod kung makaatat, dinaig pa yung natatae. 

 

Napabuntong hininga na lang ako tsaka masayang sinubsob ang mukha ko sa soft cushion. I noticed that the room was already warm and comfortable, pinaandar na ata yung heater kanina pa.

 

God bless you talaga, Aeri.

 

"Winteo, tulungan mo ako sa mga luggages ni Ning, ang bigat!" reklamo ni Chaewon sa may entrance ng villa. 

 

"Hayaan mo siyang kunin ang sarili niyang gamit, namimihasa na yung bruha na 'yan," I argued, kaso parang di ako narinig ng pinsan ko, nasa labas parin kasi siya at dumadaing.

 

"Seriously, nilagyan niya ba 'to ng mga bato?"

 

Aangal pa sana ako, kaso rinig na rinig ko yung paghahamok ni Chaewon sa may hagdanan paakyat sa beranda. Inis akong lumabas, mas lalong nag salubong ang kilay ko dahil sa lamig. 

 

Parang may nakatutok na electric fan na may yelo sa harap, tapos isang pulgada lang yung kalayuan sakin ng hangin na binubuga. 

 

Ayoko na! Gusto ko na umuwi sa pinas! 

 

"Sabay tayo sa pag alsa," utos ni Chaewon. Wala naman akong magawa. I held the right handle ng luggage and on three inalsa namin ni Chaewon. 

 

Shuta! Ano bang nilagay ng bruhildang yun dito? Para kaming kumakarga ng elepante!

 

"Malapit na," pag e-encourage ni Chaewon nung nakapasok na kami. We dropped the luggage ng sabay sa sahig at bumawi ng hininga.

 

"God, I just heard my back crack," ani ni Chaewon habang nag iinat. 

 

"Buti nga sa'yo back lang, sakin spinal cord talaga," napangiwi na talaga ako.

 

Nag chuckle lang si Chaewon at pinat ulo ko, "So dramatic, Win."

 

"Che," pagsuway ko sa kanya.

 

Kami kasi yung naka assign sa mga baggages, while yung iba papunta pa lang. Nag detour pa siguro yun at bumili ng kung ano-ano.

 

Hays.

 

Gusto ko na umidlip sa couch.

 

Pero bumalik ako sa labas at tinulungan pa si Chae sa pagkarga ng mga gamit. 

 

"Need niyo ba ng help?" 

 

Napatingala ako ng wala sa oras. Standing there is a familiar figure, may towel pa sa ulo niya.

 

"Zuha!?" Gulat kong tanong.

 

She beamed.

 

"Long time no see, madlang people," sabi ng haponesa. Nagpigil pa ako ng tawa, ang cute lang kasi ng pagkabigkas niya sa people, pepow.

 

"Ikaw ba nag-on ng mga heater?" 

 

"Opo," she answered politely. "Sabi kasi ni Aeri i-ready ko para sa inyo. Hehe."

 

Ah, kala ko kasi automated na yung mga heater.  

 

She approached us and tinulungan kaming i-shovel yung nga nyebe sa pathway. Tanaw na tanaw ang mala-fog na lumalabas sa mga bibig namin. Ang lamig talaga! Parang snow capital na yung lugar even if it's far from Aomori or Toyama. Although, with the amount of snow parang pwedeng pwede na rin tawagin. Di kasi talaga makalusong ang sasakyan sa kapal nito. Sabi ni Chaewon, mas mainam narin daw kung i-shovel namin hanggang sa may garage, may susunod pa kasi na dalawang sasakyan. 

 

Nang matapos na kami sa paghakot, pumunta na kami sa may dining area.

 

"Tea lang meron dito," Zuha said, pulang pula yung ilong niya sa lamig. "Wala pang coffee, kukuha pa si insan."

 

Infairness, magaling na mag tagalog si Zuha. 'Di kagaya before na ini-isa isa pa niya ang bawat pantig ng mga salita. I smiled and rubbed my hands together.

 

"Okay lang, Zuha. As long as it's warm," pagsagot ni Chaewon sakanya.

 

Nilingon ko yung mga gamit namin sa may pintuan.

 

Bahala na talaga kumarga si Ning sa bagahe niya patungong second floor. Hinding-hindi ko siya tutulungan.

 

Tiningnan ko relo ko, it’s been four hours na pala magmula nung lumisan kami sa Tokyo papuntang Nozawaonsen. The place is a relatively small village in Nagano Prefecture kung saan lumaki si Aeri at ang pinsan niyang si Kazuha. She suggested na dito raw kami mag stay for the Holidays, halos bihira na lang kasi kami magkikita kita ever since we got jobs.

 

Yung papunta pa nga halos di ko na nakita in two years. Ever since we graduated from our masters kasi, tinahak na namin yung landas na naaayon para sa career namin. And bihira lang magtagpo ang aming mga daan, kung kaya't inorganize ni Aeri ang isang mini-reunion, sakto we can take vacation leaves from work. 

 

We'll stay here until my Birthday, and maybe on Jan 6 balik ulit kami sa mga occupations namin. Initially, that's the plan, but feel ko meron pang mabago. Nothing is set in stone pa talaga except Aeri's itinerary for this vacation. Indecisive pa kaming lahat, sa totoo lang.

 

I rubbed my hands together again and roamed my eyes around the house. So far, nagagandahan talaga ako sa family rest house ng mga Uchinaga. Halatang may western influence na ito unlike the Japanese Villas or Hotels na na stay-an namin sa Tokyo. The floor is still predominantly tatami, obviously, yung interior lang and the countertop ang halatang may impluwensiyang europeo or amerikano.

 

Naglibot din ako kanina pagkatapos kong mag CR and I found myself admiring the space of the house. It has three bedrooms in total with air conditioning—na pinatay namin kasi useless naman in this climate, a dining area, a living room, and a  fully equipped kitchen with a fridge. Malakas din yung signal ng wifi nila dito at malapit lang din yung City if ever we need to restock our groceries or kaya may kulang na rekado sa mga dishes na lulutuin namin. 

 

We have all we need na talaga. 

 

Thank you, Aeri!

 

"San na sila?" Tanong ko kay Chaewon, ka text niya kasi sila Ning.

 

"30 minutes away," sagot ng Pinsan ko. "May aksidente raw kasi sa may intersection."

 

"Oh," I frowned. "I hope everyone's okay."

 

"I hope so too."

 

"Mhm, madalas may aksidente talaga sa intersection," sabi ni Zuha sabay bigay samin ng mga tasa ng mainit na tsaa. "Madulas yung daan, kaya di ako masyado nalabas pag ganito ang panahon."

 

Tumahimik na kami once we took sips of our tea. Uminit agad ang tyan ko after swallowing. Ang sarap lang sa pakiramdam. Naantok tuloy ako.

 

Pagkatapos naming uminom pumunta na ako sa couch at tumihaya. December 19 pa lang but with the snow falling sa labas and the dim lights inside the house, plus the hot tea na ininom ko, parang excited na ako mag Christmas. Gusto ko na idecorate 'tong rest house ni Aeri. Para di na masyadong soulless or empty tingnan. 

 

Nag-intay lang ako sa mga kasama namin, di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

 

-

 

"Hoy, bes gising na!" ramdam ko ang malakas na pagtapik sa likod ko. I groaned and protested.

 

"Bes, ano ba! Nandito na kami hoy."

 

Pagbukas ng mata ko, mukha agad ni Ning ang sumalubong sakin. 

 

Ano ba yan. 

 

Ang pangit ng bungad.

 

"Ba't sumimangot ka? Nasilaw ka sa ganda ko, no?" Hagikhik pa niya.

 

Bwisit.

 

"Skandalosa ka talagang, bruha ka," pagsusungit ko sa kanya. "Natutulog yung tao eh!"

 

"Gaga ka. Nandito na sila Somi at Aeri, batiin mo."

 

Tumango na lang ako at nag inat-inat. Inaantok pa sana ako but I had no choice but to stand up.

 

"Sarap ng tulog mo bes ha, kulang na lang buhusan kita ng init tubig sa pagka-tulog mantika mo."

 

"Kasalanan mo naman," tutol ko sa kanya. "Kung 'di dahil dyan sa mga bagahe mo 'di sana kami napagod."

 

"Ay sorry," nag peace lang yung essa. "Libre kita sweater pag-uwi. Pramis."

 

Bwiset talaga.

 

Tumango na lang ako at patuloy na naglakad. Habang papalapit ako sa kusina, una kong napansin ang mga kahon na nakalatag sa sahig. 

 

Huh. I wonder what those are for.

 

"Awake na siya, finally," eksaheradong pag buntong hininga ni Somi nung nakita niya ako. Hinarap ko siya at ginantihan ng malawak na ngiti. 

 

"I haven't seen you since forever!"

 

"'Chosera ka," pabiro ko siyang hinampas bago pinulupot yung mga bisig ko sa katawan niya. 

 

"Long time no see, Architect Som," bati ko sakanya habang tinatapik ang likod. 

 

She caressed my hair.

 

"Long time no see, Professor Winter. Na miss kita. Super."

 

She broke the hug and pouted. "Ikaw kasi, do you have a crush on one of your students ha? Ba't di ka nasama sa mga gala namin ni Aeri?"

 

Kinurot niya yung braso ko, kaya ginantihan ko ng hampas.

 

"Gaga ka! 'Di ba pwedeng workaholic lang?" 

 

"You're just like Kari," said someone sa likod ko.

 

I stiffened. Aeri talaga, nanggugulat. Nakarecover naman agad ako and clung on Somi's waist.

 

"You're done na?" tanong ni Somi, pertaining the CR.

 

"Yeah, sis. Go na before Ning hoards the Bathroom."

 

"Hoy, ang sama!" sigaw ni Ning sa may living room. Di talaga nito alam kung ano ang volume control. Susme. Mabibingi kaming lahat dito ng dis-oras.

 

Somi nodded then smiled at me. "Talk to you later, Win."

 

I nodded back and regretfully let go of her waist. Clingy na kung clingy but I haven't seen her in years! Ngumuso akong nilapitan si Aeri.

 

She's smiling softly at me.

 

Parang nanay lang yung mga titig niya.

 

Nakakalambot ng puso. 

 

I hugged her immediately. Yung yakap na makapigil-hininga.

 

"I missed you too, beh," bulong ko sa may tenga niya.

 

Tumiwalag siya agad.

 

"Ugh, still so jeje Winter!"

 

Tumawa ako sa diring-diring reaction niya.

 

"Kunwari ka pa. Dugyot ka rin kaya nung High School! Maypa highlights ka pa nga na neon pink."

 

"Trot," sabat ni Ning. Nasa may countertop na kasi siya.

 

Bumelat ako sakanya. "Mas dugyot ka parin."

 

Bukas ilong siyang nangbanta. "Sabunot, gusto mo Wintot?"

 

Binelatan ko siya ulit at nagtago sa likod ni Aeri nang akma niya akong susugurin.

 

"Hay nako, you two," pagsesermon ni Aeri. "Professionals na pero acts like kids pa rin."

 

"Correction, mag t-thirty na isip bata pa rin," Chaewon commented as she passed us by.

 

Instant yung reaction naming tatlo.

 

"What the hell, Chae?" Offended na sabi ni Aeri. Mag t-thirty na rin kasi siya kaya natamaan rin ng bato ni Chaewon. 

 

Sinamaan ko ng tingin pinsan ko. Yung mala lasers para damang dama niya! Palibhasa kasi nasa acceptance stage na siya dahil Doktora na. 

 

"Tangina mo Chae!" Sigaw ni Ning. "'Di hamak na 30 is the new 20 sa ganda 'kong to!"

 

"Eh ano naman kung 30 at least baby face!" sigaw ko rin.

 

Narinig lang naman namin yung malakas na tawa ni Chaewon sa second

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
interesting, upvoted hehe
jmjslrn #2
interesting, upvoted hehe
wnddmks_ 677 streak #3
Chapter 1: ANG CUTE2 NETOOO🥰
abcde_fghijk #4
Chapter 2: AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!! ganda ng first two chapters. Curious din ako kung bat naghiwalay jmj, waiting with respect for the next chapters, author. p.s. top tier naman mag trope ng mag ex nato huhuhu
howdoyouknowmee
555 streak #5
UPVOTED