Kabanata II

Into the Abyss
Please Subscribe to read the full chapter

“Minjeong!” napalingon ako kay Ningning na noon ay tumatakbong palapit sa akin.

 

Ngumiti naman ako rito nang maramdaman ko ang mainit na pagyakap nito. Hindi ko na nabanggit na isa rin ako sa mga napili dahil ngayon na lang ulit kami nagkita mula noong pumunta ako sa bahay niya pero alam kong alam na niya base sa nakikita kong reaksiyon nito.

 

“Hindi naman nagbibiro si Xiaoting ‘diba? Kasama ka sa Gangjegug?” halos magtatalon na ito habang yakap yakap ako.

 

Parang bata talaga.

 

“Ningning, ikaw na ba ‘yan? Medyo tumangkad ka na pala” nakita kong lumabas naman noon ang pinsan ko na dala dala ang ilang maleta niya at lumapit sa amin.

 

“Sino ka?” kunot noong tanong ni Ningning at matalim na tinitigan ang mukha ni Jung, kinikilala ito.

 

“Grabe! Hindi mo ako kilala? Talaga ba? Totoo ba ‘yan?” mukhang hindi pa makapaniwala ang pinsan ko dahil sa sinabi ni Ningning. Hindi ko rin alam kung nagbibiro ba ito o hindi niya talaga namumukhan si Jung.

 

Sabagay, marami naman talaga itong pinagbago. Ang mapapayat na bisig ay nagkaroon ng laman, nagbago rin ang ayos ng buhok nito at kung noon ay nakasalamin, ngayon ay hindi na.

 

Noong nakaraan na nagkabanggaan kami ay muntik ko na rin itong hindi nakilala kung hindi lamang ito unang bumati sakin.

 

“Jungwoo?”

 

“The one and only. Masyado ba akong gumwapo para hindi mo makilala?” Mayabang na sabi nito habang tumatawa pa.

 

“Masyado kang pumangit kaya hindi kita nakilala” pambabara ng kaibigan ko rito. Tuloy tuloy lang sila sa pagaasaran nang maalala ko ang oras ng pag alis namin.

 

“Nasaan si Xiaoting?” tanong ko kay Ningning. Ang alam ko ay sabay sabay kaming pupunta sa Academy. Iyon ang bilin ng aking Ama.

 

“Nauna na sa Gangjegug kaninang umaga dahil inatasan siyang magdala ng mga dokumento nating apat.”

 

Mayamaya naman ay dumating na rin ang sasakyan namin. Kailangan naming makaalis bago sumapit ang gabi dahil kailangan ay naroon na kami bago magbukas nang umaga.

 

Malayo layo ang byahe namin dahil bukod sa nasa gitna ng Gangdae, Gangjung, at Gangcheon ang Gangjegug Academy ay nasa dulo ng Gangcheon ang gusali ng emperyo, na kasalukuyang kinaroroonan namin.

 

Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay muli akong tumingin sa Mansiyon ng Emperyo. Hindi ko alam kung namamalikta ba ako ngunit parang nakita ko ang aking ama na nakasilip sa binta ng kanyang silid pulungan.

 

“Akala ko ay hindi niyo na ako haharapin bago ako umalis”

 

“Ayos na ba ang gamit mo? Bukas na bukas ay personal kayong ihahatid ni Sungkyu”

 

Hindi ko ito sinagot at patuloy lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko sa pagalis. Hindi ko na rin naman alam pa ang sasabihin ko dahil wala namang magbabago.

 

“Akala ko ay mahihirapan akong mapapayag kang pumasok sa Gangjegug” nagsalita ito muli kaya naman napahawak ako nang mahigpit sa damit na nasa harap ko.

 

“Aalis ako hindi dahil sa kadahilanan na gusto ko. I’ll go because I need to. I swear to protect Jung and Ning to that place.” madiin na sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Leaving is not my choice. And going to that hell place is not my choice either. Gagawin ko lang ‘to dahil kailangan, dahil wala akong magagawa.

 

“At saan mo naman sila poprotektahan? They don’t need your protection.”

 

“Alam niyo ang nangyari sa atin dahil sa A-academy. Ang n-nangyari apat na t-taon na ang nakakaraan”

 

“The academy doesn’t have anything to do with it… anak” 

 

Anak…

 

Ngayon lang ulit niya ako tinawag ng ganoon kaya bakas sa mata ko ang pagkagulat. Pero bago pa ako makakilos ulit ay may inabot ito sa aking kahon.

 

Kinuha ko iyon at tumambad sa akin ang isang leather na gloves at isang itim na hand scythe.

 

“I don’t need you to protect someone else. I want you to protect yourself, Minjeong. Magiingat ka.”

 

---

 

“Minjeong, gising na” naramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ni Ningning kaya naman dahan dahan kong minulat ang mata ko.

 

“Nasa labas na tayo ng Academy, Minjeong” narinig kong sabi ni Jung na noon ay nakaupo sa harap ng sasakyan katabi ni Kyu.

 

“Winter Kim. Make sure to use that name instead.” Pagpapaalala ni Kyu bago kami pinalabas ng sasakyan. Noong nakaraan pa ito nabanggit sa akin pero naninibago pa rin ako sa pangalan. Sabi ni Kyu ay mabuting hindi ko ilantad ang totoong pagkatao ko dahil maraming pwedeng mangyari.

 

Pumayag ako dahil meron din akong plano at kailangan kong maging masikreto lalo na sa paligid ko. Si Ningning, Jungwoo at pati na rin si Xiaoting lang maaari kong pagkatiwalaan sa lugar na ‘to.

 

Isang malaking itim na may halong gintong gate ang bumungad sa amin. Hindi pa lalagpas sa sampu ang taong nasa labas kaya naman mararamdaman mo ang presensiya ng bawat isa. Pansin ko rin na ang bawat mata ng mga taong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_sonchae_
#1
Chapter 5: wowowow when ang next update author?
EzraSeige
#2
Chapter 5: Welcome back otornim 😍😍😍💙❄🙌
Hiccups_ #3
Bakit parang kinakabahan ako sa story hukihkuihk
Aerin_Erin
#4
Chapter 3: Ud na ho June na ehem beke nemen
Kannakobayashi09 #5
Kailan ud?
Kannakobayashi09 #6
Go go gooo
EzraSeige
#7
Let's start 😀💙❄