Kabanata III

Into the Abyss
Please Subscribe to read the full chapter

“The daughter of the right hand man of the emperor.” Ito ang bungad sa akin ng isa sa mga kasama ko rito sa kwarto. Siya yung isa sa kambal kanina.

 

Hindi na naman bago sa akin ang mga ganito pero may parte pa rin sa sarili ko na naiinis. Hindi ko alam kung dahil ba hindi naman talaga ito totoo o dahil ba masyado akong napapansin ng mga tao at ayaw ko ng atensiyon.

 

Hindi na lang ako sumagot dito at tiningnan kung saan ako pupwesto. Dinala ko ang gamit ko sa may dulong higaan kalapit ng bintana.

 

“I’m Yeji by the way. You’re Winter, right? Winter Kim” Mukhang hindi lang pala kami ang nabigyan ng paunang impormasyon tungkol sa mga narito.

 

At dahil kailangan ko rin naman makisama sa mga taong narito ay plano ko na sanang sumagot sa tanong nito pero napatingin kaming dalawa sa taong nagbukas ng pinto.

 

Ryujin.

 

Kilala ko ito dahil isa ang ama nito sa mga Anchor ng Gangjung na siyang tinuturing na karibal ni Kyu.

 

“Ryujin Shin” rinig kong banggit ni Yeji pero hindi rin siya nito pinansin.

 

“Quite cold, aren’t you? Won’t you greet your fiancé?” Fiancé?

 

“Oh, well. Hello, my future wife? What now?” napansin ko ang matalim na pagtingin nito sa kaharap. Tama nga si Jungwoo. Kailangan ko nga sigurong basahin ang binigay na papel sa akin ni Kyu. There are lot of things I should know. Para naman alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

 

“Oh.” Gulat ko namang sinambot ang hinagis sa akin ni Ryujin na maliit na lagayan. Nagtataka ko itong tiningnan.

 

“Pinapabigay ni Ama” dahan dahan ko naman iyong binuksan at nakita ang maliliit na tableta. Ito siguro ang sinasabi ni Kyu na makakatulong sa akin.

 

Nitong mga nakaraang linggo kasi ay nakakaramdam ako ng pabigla biglang pagkahilo lalo na at marami akong nakakahalubilong tao. Mukha namang nagtataka rin si Yeji sa naging paguusap namin ni Ryujin pero hindi na lang ito kumibo at lumabas ng kwarto.

 

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay may narinig akong kumakatok sa pintuan kaya naman binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Ningning kasama si Xiaoting.

 

“Sumama ka sa amin. Maglilibot kami” hindi na ako hinintay nitong sumagot at hinila ang kamay ko pero agad ko rin ‘yong binawi at pumasok sa kwarto para kunin ang gloves ko.

 

Pansin ko naman ang mga tingin sa akin ni Xiaoting habang naglalakad kami palabas. Nang tingnan ko ito pabalik ay nagkibit balikat lamang ito at dumiretso ang tingin sa daan.

 

“WINTER!” napakunot naman ang noo naming tatlo dahil sa pagtawag ng pinsan ko. Napakalakas noon kaya naman pinagtinginan kami ng ilang naririto sa may hallway.

 

“Ingay mo, Jung!”

 

---

 

“There’s a pre-test tomorrow” nilingon naming tatlo si Xiaoting dahil sa sinabi nito.

 

“Pre-test? Anong pre-test? HINDI AKO NAGREVIEW!” Nagpapanic na sabi ni Jung kaya napailing ako.

 

“Bobo.” napasapo pa si Ningning sa noo nito at bumuntong hininga kaya natawa ako.

 

“Yabang mo ah. Mas magaling naman ako sa’yong makipag dwelo” naghahamon na sabi ng pinsan ko rito pero inalmahan siya ni Ningning.

 

“Try me”

 

“Tumigil nga kayo. Jung, what I mean is the pre-test is not literally about an exam. Well, they will test our knowledge but hindi lang ‘yon. They will see where we excel. One on one combats are given. They will group us based on our abilities.” tuloy tuloy na pagpapaliwanag ni Xiaoting kaya tumango tango naman ang dalawa.

 

I know that already.

 

“Minjeong!” dali dali akong niyakap ng babaeng nasa harap ko. It’s been a year since I saw her.

 

Ang sabi ni Ama ay nasa Academy ito at hindi maaaring lumabas ngunit may biglaang selebrasyon ngayon dito sa sentro at kailangan ang presensiya ng mga mahahalagang tao at isa na roon ang panganay na anak ng Emperor.

 

“Kamusta ang Academy?” mula nang umalis ito ay naging interesado ako sa kung ano nga ba ang mayroon sa lugar na iyon.

 

“Masaya, Minjeong. Mayroon akong nakilala. She’s nice. I adore her too much. Ang galing niya makipag duwelo. Alam mo ba, tinanong niya kung pwede kaming maging magkaibigan pero hindi ko pa nasasagot ang tanong niya dahil sa biglaang pagsundo sa akin ni Ama.” kitang kita ko ang saya sa mukha nito at parang kumikinang ang mga mata nito habang nagkukwento.

 

“Kaya naman pagbalik ko ay sisiguraduhin kong magiging magkaibigan na kami ni Irene.”

 

“HUY!” nagulat ako nang bigla akong yugyugin ni Ningning.

 

“Ano ulit ‘yon?” pansin kong nagtatakang nakatingin sakin ang tatlo.

 

“Kanina ka pa namin tinatawag. Ang lalim ng iniisip mo. Nagyayaya si Jung pumunta sa may cafeteria ng Academy.”

 

Hindi na rin naman sila nagtanong at hinila ako paalis. Pagkarating naming ay napansin kong parang nagkakagulo sa may gitna.

 

“Repeat what you said” nakita kong aambahan na nito ang kaharap na lalaki pero hindi natitinag ang kaharap nito.

 

“I said you’re stupid. Tanga na nga, bingi pa” That guy. Siya yung may hawak ng uwak kaninang umaga.

 

Walang nangingialam pero lahat ay pinapanood ang dalawa. At wala rin akong pakialam kaya naman nag lakad ako dire diretso, hindi pinapansin ang paligid. Sa gitna lang kasi ang daan papunta sa may counter kaya wala akong magagawa kung hindi ang dumaan sa gitna nila.

 

Pansin ko naman ang tingin ng mga tao sa paligid. Malapit ko nang malagpasan ang dalawa nang magsalita ang isa sa kanila.

 

“’Wag kang makikiaalam.” Tiningnan ko ito. Ako ba ang kausap niya?

 

“Doesn’t mean that you’re the righthand man’s daughter ay may a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_sonchae_
#1
Chapter 5: wowowow when ang next update author?
EzraSeige
#2
Chapter 5: Welcome back otornim 😍😍😍💙❄🙌
Hiccups_ #3
Bakit parang kinakabahan ako sa story hukihkuihk
Aerin_Erin
#4
Chapter 3: Ud na ho June na ehem beke nemen
Kannakobayashi09 #5
Kailan ud?
Kannakobayashi09 #6
Go go gooo
EzraSeige
#7
Let's start 😀💙❄