Kabanata IV

Into the Abyss
Please Subscribe to read the full chapter

“Winter, ang sakit ng ulo ko!” kanina pa reklamo nang reklamo sa tabi ko si Ningning. Hindi ko na lang ito pinansin at itinunon ang sarili sa pagtatanggal ng gloves ko. Kailangan ko itong tanggalin dahil isa isang tinitingnan ang aming kondisyon ng mga doktor.

 

Hindi ko rin alam kung bakit ba kailangan pa noon. Siguro ay dahil para masiguradong walang komplikasyon ang isa man sa amin.

 

Papasok na ako roon sa silid nang bigla kong makasalubong ang pinsan kong si Jungwoo. Nagtataka kong tiningnan ito dahil sa namumutla nitong mukha at gulo gulong buhok.

 

“Winter, ayoko na. May pinainom sila sa’kin na parang pinturang puti tapos hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa paligid”

 

“Kumalma ka nga.” tanging sagot ko na lang rito at pumasok na sa loob.

 

Puti ang buong paligid ng silid. Bago ko pa maigala ang paningin ko ay sinenyasan ako ng isang babae na lumapit sa kanya. Nakasuot ito ng puting coat at may suot din ito na salamin.

 

“Winter Kim?” tumango lamang ako rito. Pinaupo ako nito sa upuan sa harap niya bago basahin ang hawak na papel. Mukhang naglalaman iyon ng record ng bawat estudyante na naririto.

 

Mayamaya pa ay inabutan ako nito nang isang baso. Katulad ng sinabi ni Jungwoo kanina, may laman iyong puting likido na kaparehas ng pintura. Mukha namang nabasa ng babae ang mukha ko dahil nag aalinlangan ako kung iinumin ko ba ‘yon o hindi.

 

“Huwag kang mag-alala. Hindi ‘yan lason o kung ano man na makakasama sa katawan mo.” Matapos niyang sabihin iyon ay unti unti ko nang ininom ang laman ng baso.

 

Magtatanong pa sana ako kung para saan ba ang likidong iyon nang bigla kong maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Napahawak ako doon at tiningnan nang masama ang babaeng nasa harap ko. Tatayo na sana ako upang sugurin ito nang bigla akong matumba. Bago mawala ang malay ko ay nakita kong inaalalayan ako nito papunta sa kama sa loob ng silid.

 

 

“Seul! Pakiusap, parang awa mo na. Do everything to save her” Maingay ang paligid. Rinig ang malalakas na pagsabog subalit nangibabaw ang pagiyak nang isang babae na noon ay duguan ang kamay.

 

“Ginagawa ko lahat nang makakaya ko, Irene.” Nang maaninagan ko ang mukha nang kausap nito ay isang pamilyar na babae ang bumungad sa akin. Nakasuot din ito nang puting coat. Ang pinagkaiba lamang ay nababahiran ito nang dugo.

 

 

Napahawak ako sa ulo ko at dahan dahang tumayo. Nang minulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ningning.

 

“Sa wakas! Grabe ang pagaalala ko sa’yo” Dali dali itong lumapit sa akin at niyakap ako.

 

“Anong nangyari?” Agad na hinanap ko ang babae kanina pero mukhang kami lang ni Ningning ang narito sa loob ng silid.

 

“WINTER!” Malakas na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pinsan ko na noon ay kasunod si Xiaoting na may hawak na tray ng pagkain at tubig.

 

“Ano? May masakit ba sa’yo? Kamusta? Nasusuka ka ba? Nahihilo?” Isa isa nitong tiningnan ang braso at kamay ko kaya naman mahina ko itong tinapik.

 

“Ayos lang ako, Jung. Ang ingay mo” reklamo ko rito.

 

Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Mabuti na lamang at pakiramdam ko naman ay walang masakit sa akin. Bigla rin nawala ang pagkirot ng ulo ko. Halos dalawang oras daw ako nawalan ng malay kaya naman nag alala ang mga ito.

 

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung ano bang nangyari. Ang dami kong tanong tungkol dito sa academy. Anong rason kung bakit ganoon ang mga proseso ng pagsusuri nila sa aming kalagayan? Anong mayroon sa pinainom nila sa amin?

 

At higit sa lahat, ano yung nakita ko bago ako mawalan ng malay?

 

Matapos kong ubusin ang dala dalang pagkain ni Xiaoting ay agad din akong nag ayos dahil kailangan namin pumunta sa Hall para assembly. Ayaw pa nga akong pasamahan nitong tatlo at pinagpapahinga ako pero maayos na naman ang pakiramdam ko. Bukod pa roon, mamaya na raw sasabihin kung sino sino ang makakasama mo sa grupo.

 

Nagsisimula na ang assembly nang dumating kaming apat. At dahil doon ay dito kami naka puwesto sa may pinaka likod ng hall. Habang may nagsasalita sa harap ay napansin ko na may tumabi sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinuon ang sarili sa pakikinig sa nagsasalita sa unahan.

 

“Nawalan ka raw ng malay.” Hindi ako kumibo rito kaya naman nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.

 

“Anong problema mo?” Mahina ngunit inis kong sambit. Napansin ko namang tumaas ang kilay nito sa akin at para bang nainis sa sinabi ko. Siya pa talaga ng naiinis sa lagay na ‘yan?

 

“Hindi ko gusto na hindi ako tinitingnan kapag kinakausap ko ang isang tao, Winter Kim” seryosong sabi nito habang nakatingin sa mata ko. Malamig ang tingin nito at kitang kita ko ang madilim at bilugan nitong mata.

 

“After this night, I’ll treat you as my competitor” Tanda ko pa ang sinabi niya sa kin kagabi. Anong nangyari? Bakit niya pa rin ako nilalapitan at kinakausap?

 

Napansin ko naman na nakatingin na sa akin yung tatlo pati na rin ang ilang estudyante na malapit sa amin. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang atensiyon ng mga tao.

 

“Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang.” Walang emosyong sabi nito. Malalim ang pagkakabigkas at walang bahid na ano mang bakas ng pag aalala.

 

“Kaya pa kitang patumbahin sa lagay kong ito” Hindi ko rin alam kung bakit ko ba ‘yon nasabi ngunit napansin kong ngumiti ito at marahang tumango.

 

--

 

“Anong mayroon sa inyong dalawa nung Karina?” ito ang bungad sa akin ni Ningning pagkapasok ko ng kwarto ko para kunin na ang gamit ko at ilipat ito sa bago naming tutuluyan.

 

“Wala lang ‘yon, Ning” tuloy tuloy na sabi ko at binuhat na ang bagahe ko palabas.

 

“Hindi ako naniniwala na wala lang. Sabihin mo ang totoo, Minjeong” inakbayan ako nito at pabirong inipit ang leeg ko. At dahil likas sa akin ang hindi nagpapatalo ay marahan kong inikot ang braso nito para makaalis.

 

“Wala nga. Sabihin na lang natin na ilang beses lang na hindi sinasadyang nakausap ko siya.” pagpapaliwanag ko rito.

 

Totoo naman. Lahat ng paguusap namin ay hindi sadya bukod na lamang sa nangyari kanina dahil siya ang kusang lumapit sa akin. Matapos tuloy naming lumabas sa hall ay hindi nawala ang tingin sa amin ng mga estudyante. Kumalat siguro ang paguusap namin kanina.

 

“She’s the daughter of Gangjung’s chancellor and you are the daughter of the right-hand man of the emperor. Iisipin ng mga tao na may konkesyon talaga kayo” Wala naman akong pakialam.

 

“Nasaan si Jungwoo?” biglang tanong ko rito para mabago ang pinaguusapan naming dalawa.

 

“Malam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
_sonchae_
#1
Chapter 5: wowowow when ang next update author?
EzraSeige
#2
Chapter 5: Welcome back otornim 😍😍😍💙❄🙌
Hiccups_ #3
Bakit parang kinakabahan ako sa story hukihkuihk
Aerin_Erin
#4
Chapter 3: Ud na ho June na ehem beke nemen
Kannakobayashi09 #5
Kailan ud?
Kannakobayashi09 #6
Go go gooo
EzraSeige
#7
Let's start 😀💙❄