Chapter 1

I Love You So
Please Subscribe to read the full chapter

 

ARESE

"Tangina. Inis na inis nga si ate ko dun sa tiktok ni Gemini. Nakakasawa na raw mukha niya na iniistory niya." Tawa ni Stephanie. Ang sama talaga ng ugali nito pero nakakatawa rin naman kasi, idagdag mo pa ang kabululan niya sa R. 

Mabuti na lang at hindi masyado ako nagffacebook kaya hindi ko nakikita ang mga myday ni Gemini na ayon kay Steph, mala-powerpoint daw sa sobrang dami. Ewan ko ba. 'Di lang talaga ako mahilig mag-social media. Kapag nakakauwi na ako ng bahay, tinatapos ko agad ang homeworks ko tsaka natutulog.

Sa may 'di kalayuan, nasilayan ko si Nikki, ang crush kong dancer. Napakagaling niyang sumayaw pero hindi lang 'yun ang dahilan ba't ko siya na-crushan. Marami, maraming rason kung bakit. 

Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Ang ganda ganda niya talaga. Hay, buo na agad ang araw ko kahit na tanghali pa lang. Sana hindi siya naiinitan ngayon, wala pa naman siya dalang payong.

Buti na lang at 'di ko pa sinasabi kahit kanino kung sino ba talaga ang crush ko, kahit na kay Steph. Baka asarin pa ako nito eh.

Ang kasama niya namang si Lorie ay napairap naman sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya basta nagsimula na lang 'yan noong grade 8 kami. 

Kaya rin ako nag-transfer sa Cornell Academy, dahil sa kanya. Ayaw ko kasing may nakakaaway ako, hindi dahil para sa kapakanan ng pangalan namin kundi para sa peace of mind ko.

Isang araw lumipat na lang siya ng upuan at kapag naman tanungin ko kung anong problema, iiwas. Hindi ko siya maintindihan kaya hinayaan ko na lang kahit na labag sa loob ko.

"Inisnob ka ni Lorraine, mayora. Ano problema nun sa'yo?" tanong ni Stephanie nang mapansin niya ang ginawa ni Lorie.

"Sinaksak ko ng ballpen sa likod nung grade 8 kasi ayaw niya akong pakopyahin sa T.L.E. kaya ayan, may galit pa sa akin. Kaya kung ako sa'yo, pakopyahin mo ako lagi para goods tayo, Steph, ha." Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya sabay sapak sa braso ko.

"Putanginang 'to, 'di nagseseryoso. Kami na nga lang nangongopya sa'yo, mayora." 

"Siyempre, ayokong masaksak ng ballpen sa likod, ih." Pabirong sagot ko na siyang ikinatawa niya nang malakas kaya pinagtinginan kami ng mga tao sa labas.

'Yung iba naman ay masaya nila kaming binati ni Steph. Marami talagang nagkakagusto sa kanya. Bukod sa humor niya, maganda at approachable din si Steph. Nag-aya pa manlibre 'yung nakasalubong namin ni Steph ng streetfoods nung palabas na kami ng compshop. Nag-oo naman agad itong kasama ko. Kahit na kinakain na ako ng kahihiyan, nakikain na rin ako. Sayang naman ang libre kung tatanggihan ko lang.

"Mayora, kuha ka pa para kila Ella." Halos mabulunan naman ako nang sabihin sa'kin 'yon ni Steph.

"Tanga ka ba o ano? Nilibre na nga lang 'to eh tas kukuha ka nang marami?" 'Di makapaniwalang saad ko. 'Di ko lang alam kung narinig ba nung babae na nag-offer manlibre. 

"Uy, sister. Okay lang kuha pa kami? Baka maglaway sila Ella, eh." Napapikit na lang ako sa inis at kahihiyan nang sabihin 'yon ni Steph kay sister. Gusto kong suntukin ang lalamunan niya sa mga segundong ito nang matigil siya sa paglunok ng kwek-kwek. 

"S-sure.. sure-" Kitang-kita at rinig na rinig ko 'yung pag-alinlangan sa boses at mukha niya. Maging siya ay 'di makapaniwala sa narinig niya.

"Thank you, sister!" Tuwang-tuwang sambit ng kasama ko.

"'Di na. Ako na magbabayad sa kukunin ni Steph." Saad ko dahil baka 'di ako makatulog kaiisip sa nangyaring ito. Baka habambuhay akong gambalain ni sister.

Ilang minuto pa kaming nagtalo dahil gusto niya siyana ang magbayad dahil kasama namandaw 'yon sa libre niya sa amin. Pero sa huli, ako parin ang nanaig. 

'Di na talaga ko sasama kay Steph kapag lalabas tuwing

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Uchinagaeri #1
Chapter 5: Para akong nag treasure hunt kakahanap ng Kariselle fics 😭😭 thank you, ipagpatuloy niyo po sana ang kabadingan 🫰🏻
aerijelly #2
Chapter 4: my clumsy dumb gidget
aerijelly #3
Chapter 2: Mamamatay ako kakahanap ng kariselle fics e 🤧 thank you authornim!
yomu-chan
#4
Seated for this Kariselle fics are so rare ಥ⁠‿⁠ಥ
yoonhun07 #5
Sana po dito wala ng ma dedz 😭