Chapter 3

I Love You So
Please Subscribe to read the full chapter

ARESE

Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway sa college department area. Blangko ang utak. Ni hindi ko nga maisip yung pinangsulat ko kanina sa essay ko. AAAAAA! Sumagi na naman sa isip ko 'yung kabobohan ko. 

Nilabas ko ang aking cellphone at tinignan kung totoo bang nangyari 'yon.

At nakita ko nga ang pangalan niya sa inbox ko. AAAAAA! Totoo nga, totoo!

Arese Gabrielle: dbfhjgkl

Sineen ito ni Nikki ngunit hindi niya ito nireplyan. Siguro iniisip niya na sobrang weird at creepy ko at the same time. Ikaw ba naman makatanggap ng messages na puro pictures mo at random letters.

"Arese."

Napahinto ako nang marinig ang isang napaka pamilyar na boses at ang may nagmamay-ari nito ay 'di ko namalayang nasa tapat ko lang. Speaking of teh angel. Iniisip ko lang kanina, ngayon nasa harap ko na. Uminit ang buong katawan ko at parang napako sa kinatatayuan ko. "Nikki."

Nakakunot ang kanyang noo at tila may gustong itanong sa akin ngunit hindi ito lumalabas sa kanyang bibig. 

Ilang segundo rin kaming nakatayo roon ni Nikki at walang umiimik sa aming dalawa. AAAAA! 'Yung mga ligaw na messages ko ba? HInilot ko ang aking sintido nang maalala na naman iyon at umiwas ng tingin sa kanya sa sobrang hiya.

"'Yung ano ba? Sorry. Aksidente ko lang na na-send 'yun sa'yo."

Rinig ko ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako ng diretso sa kanya.

"Stalker ka ba, Arese?" Pagbibiro niya at iniwagayway ang kanyang cellphone habang naka-open 'yung chat ko sa kanya.

"Ha? 'Di naman sa stalker." Ang totoo parang stalker na rin ang dating non. 

"Eh, ano? 'Wag ka mag-alala, 'di ko sinabi kila Alex." Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. Tila ipinapahiwatig niyang safe ako kasi walang nakakaalam.

"Crush na crush lang talaga kita. Nakatulog ako kagabi habang naiwang naka-on ang cellphone ko kaya kung ano—" Napatigil ako sa page-explain nang kumunot ang noo niya, "Huh?"

Naguluhan ako sa kanyang biglang tugon. Maayos naman ang pagkakasabi ko. Ni hindi ako nautal. "Bakit?"

"Baliw ka na ata." Naghalong kaba at panghihinayang ang aking naramdaman nang mag-iba ang kanyang tono at ekspresyon. Ito ang aura niya na tahimik at intimidating kapag 'di mo siya kilala.


"Gusto nga kita." Seryosong sambit ko. 

Pinagmasdan ko ang dahan-dahang pagbaba niya ng kanyang kamay. Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin at nag-aalinlangan pa kung aalis na ba siya. "Seryoso ako, Nikki."

Saglit niya akong tinignan bago siya umalis. Ang tanging nagawa ko lang ay ang sundan ang bawat hakbang niyang papalayo sa akin. Ang bilis ng paglakad niya. Tila nagmamadali siyang makalayo sa akin.

Sa sobrang inis ko ay gusto kong balatan ang mukha ko sa mga oras na 'yon. 

Kung iisipin, sobrang bilis ng pangyayari. Nakaamin ako sa kanya nang wala sa oras. Baka naman iba 'yung gusto niyang pag-usapan pero pinangunahan ko? Pero naka-open 'yung chat namin. Ibigsabihin 'yun talaga? AAAAAA! Hindi ko na alam. Kailangan ko na maka-usap si Ella.

Nag-message ako sa gc namin magkakaibigan habang naglalakad ako pabalik sa classroom namin upang hanapin si Ella at para makapag-lunch na kaming lahat.

Arese Gabrielle: syug san kau? 

Arese Gabrielle: kita nio b ella?

Ysla Dvorak: Nandito sa site.

Hindi ko pinansin ang reply ng pinsan ko at nagtingin-tingin na lang sa daan baka sakaling mahagilap ko si Ella. At nakita ko nga siyang palabas ng gym kasama si Miss Catteneo. Kanina pa siya nakabuntot kay Miss, ah. Pala-utos din talaga 'tong si Miss, eh. 'Di naman officer 'tong kaibigan ko.

Arese Gabrielle: kta q na sha. sabay tau lunch syug

Ysla Dvorak: Di ako pinansin ay.

Jessica Carino: Nasa madjava na kami

Jessica Carino: Nagccodm Ep at Shanelle

Jessica Carino: Sunod na kayo ni Ella

Jessica Carino: Miss you Ysla - Ep

Ysla Dvorak: Tandaan mo ep, ikaw lang pasalubong sakin.

Arese Gabrielle: ed waw

Nang mabasa ang chat nila ay agad kong sinundan si Ella. Marahan kong hinila ang kanyang braso kaya't napalingon siya. "Kain. Gutom na ako." Sabi ko at nag-sad face.

Lumipat ang tingin niya kay Miss at sa akin. "Sige. Paalam lang tayo kay Miss."

Tumango ako at binitawan na ang kanyang braso. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinayaang habulin ni Ella si Miss. Tumutulo na ang pawis mula sa aking noo. Init din talaga ng panahon kaya ibinaba ko nang kaunti ang suot kong jacket hangga't sa mahulog ito banda sa aking mga siko. 

"Tara, mayora." Ani Ella at nilagay ang kanyang mabigat na braso sa aking balikat. 

"Nag-usap na kami ni Nikki." Walang pag-aalinlangang sambit ko. Napahinto pa kami ni Ella sa paglalakad nang marinig niya iyon. 

"Agad? Bilis naman ata non, mayora." Nagtatakang tanong niya. Pumwesto siya sa likod ko nang palabas na kami sa gate dahil maraming estudyante ang papasok at marami ring lalabas kaya nagsasalubong kami.

"Kaya nga, eh. Pati ako hindi prepared. Naka-confess ako sa kanya nang biglaan." 

"Mukhang 'di ka masaya. Hala, first time mo ma-reject, what the hell?" tawa niya. Masaya pa talaga siyang rejected ako.

"Hindi ko alam, gago. Wala siyang sinabi maliban sa 'Baliw ka na ata'. E, hindi ko alam ang ibigsabihin non." 

Napapaisip tuloy ako. Nireject ba talaga ako ni Nikki? I mean, I wasn't expectig anything from her naman. 'Di ko nga inisip na she should reciprocate my feelings for her. Sobrang unexpected lang nung nangyari. I thought, maglalast pa nang ilang days yung pagtatago ko kay Nikki dahil sa kagagahan ko. Pero hindi. Nasolusyonan agad.

"Hay, mayora. Mahaba naman buhok mo. Marami naman may gusto sa'yo dyan. Si Gemini tapos 'yung mga chix mo sa Cornell." 

Gago rin talaga 'tong si Estella. 'Di naman ako ganon, ah. Pake ko ba sa kanila, eh si Nikki nga gusto ko.

Nang paakyat kami ng hagdaan ay nakita ko si Ate Phoebe sa entrance ng Milktea shop kaya tinawag ko siya. "Ate Phoebe!" May hihiramin pala siyang coat sa akin. Dala ko naman kaso nasa room kaya sabi ko ihahatid ko na lang sa room nila. Pero pinilit niya na siya na lang ang kukuha non.

Nang makarating sa madjava, nadatnan namin sila Jessica, Ep at Shanelle na tutok na tutok sa kanilang cellphone. Batak na batak mag codm ng dalawa na 'to pero ayaw ako patulan sa real life codm. 

"Order na kayo. Tapos na kami kanina." Sabi ni Shanelle nang hindi tumitingin sa amin dahil busy sa pagbaril ng kalaban. 

Pumunta kami sa counter at pumili ng oorderin. Hindi ako makapili kaya tinanong ko si Ella, "Anong sa'yo?"

"Uhm, chicken shots lang siguro." Sagot niya at tumango ako. 

Tumayo ako sa harap mismo ng counter upang mag-order. "Good noon po."

"Yes, ma'am? What can I get you?" 

"Uh, can I get two chicken shots, two green apple lemonade, and 1 family-size Hawaiian pizza?"

"Will that be all, ma'am?" tanong niya kaya tumango ako. Kinakalabit naman ako ni Ella kanina pa pero 'di ko pinapansin.

Inabot ko ang bayad ko na isang libo saka siya nilingunan. "Bakit?"

"Bayad ko." Pilit na inaabot ang pera niya na 'di ko tinatanggap. 

"Sa akin na, Ella." Sabi ko at kinuha na ang change ko mula sa babae. 

"Ngi. Ikaw rin last week, ha." 

"Ganito talaga kapag walang pinag-gagastusan na jowa, eh." tawa ko at bumalik na sa table namin. Na-serve na pala ang pagkain nila ngunit 'di pa nila ito ginagalaw. Busy pa rin ang mga tao sa pagcellphone.

"Oy, lumalamig na ang pagkain." Saway sakanila ni Ella. 

"Sabay lang." 

'Di naman na nagprotesta si Ella sa tatlo dahil mukhang 'di talaga makikinig kahit anong sabihin niya. 

Ilang minuto rin ang lumipas nang nagsimula na kaming kumain dahil naserve na rin ang pagkain namin. Tuwang-tuwa pa nang makita ni Ep-ep 'yung pizza. Pero nalungkot din agad nang makita ang toppings na pinya.

Maya-maya pa'y may mga dumating na lawyers mula sa Assumption Lewis firm na based dito sa bansa. 

Ang alam ko, kabilang sa lawyers sa firm na 'yon ang mother ni Lorie. Pero 'di ko siya makita na kasama sa kanila.

Habang kumakain ay tahimik kaming nagchichismisan. Naglalaro pala si Ep at Shanelle dahil kasama sila sa maglalaro sa e-sports ng event sa codm. Si Jess naman ay nasa Science Expo. Si Ella naman ay sa coffee art making which is bukas pa.

"Si Lorraine, oh. Mama niya ba kasama niya?" turo ni Shanelle gamit ang kanyang nguso kaya sabay kaming lahat napalingon. Buti na lang at nasa labas pa sila kaya 'di nila 'yon nakita. 

Ibinaling ko rin agad ang atensyon ko sa pagkain ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Wala naman sa amin ang may close kay Lorie kaya alam kong walang tatawag sa kanya. Sa sobrang maldita niya, sila Nikki na lang ang tanging kasama niya. Which is not a bad thing. I mean, if it's good for her to limit her circle, edi okay.

"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Uchinagaeri #1
Chapter 5: Para akong nag treasure hunt kakahanap ng Kariselle fics 😭😭 thank you, ipagpatuloy niyo po sana ang kabadingan 🫰🏻
aerijelly #2
Chapter 4: my clumsy dumb gidget
aerijelly #3
Chapter 2: Mamamatay ako kakahanap ng kariselle fics e 🤧 thank you authornim!
yomu-chan
#4
Seated for this Kariselle fics are so rare ಥ⁠‿⁠ಥ
yoonhun07 #5
Sana po dito wala ng ma dedz 😭