Chapter 3

After March
Please Subscribe to read the full chapter

“Hoy, Seul!” rinig kong tawag sa akin ni Joy.

 

“Huh?” wala sa wisyo kong sagot sa kanya. Sumimangot siya saglit before tumawa. “Natulala ka diyan? Ano ba iniisip mo? Or sino ba dapat?” nag smirk siya sa akin.

 

Tangang ‘to. Mukhang marami na siyang alam sa mga bagay-bagay tungkol sa pagkakagusto ko kay Irene. Ipaligpit ko na lang kaya siya? Charot.

 

“Manahimik ka nga. Nasa library tayo.” Pag saway ko sa kanya. Andito kasi kami sa library tumatambay ngayon kasi may quiz kami bukas. Nag rereview kami dalawa ni Joy ngayon. Hindi naman ako pabayang studyante.

 

Ah nasa second year college na kami. Yung course na kinuha ko ay Physical Therapy. Ganon din sila Irene at Joy. Medical Technology sana ang kukunin ni Joy kaso hindi siya pinayagan ng kanyang parents dahil sa pangit na pag-iisip. Nilu-look down nila ang ginagawa ng isang MedTech. Buti nga pinayagan siya mag Physical Therapy na ang tawag ng mga ignoranteng tao sa amin ay masahista. Pangit nila ka-bonding.

 

“Seulgi, may paparating.” Ngumuso si Joy sa likuran ko at agad naman akong lumingon sa likod ko. “Kanina pa yan nakatingin sayo, pati mga kaibigan niya.” Namumukhaan ko naman yung tinutukoy na babae ni Joy. Psychology ata course nila. Naging classmate ko yung babae sa Rizal subject last sem.

 

Hindi ako nakapasok sa slot nila Irene at Joy non. Kaya ako nahiwalay sa kanila kasi late ako nakapag-enroll dahil mas inuna pa ng mga magulang ko yung pag punta sa Hong Kong. Natapat pa sa enrollment date. Mas importante talagang maka-block ko si Irene kesa pumunta sa ibang bansa. Mas gusto kong kasama ang mundo ko.

 

Naks! Corny na.

 

Pero syempre wala akong magawa non kasi palagi naman yung mga magulang ko ang masusunod. Tsaka before pa nag end yung class last sem ay na ibook na nila yung ticket.

 

 

“H-hi, Seulgi.” Bati nung babae sakin. May mahaba siyang buhok na medyo wavy. May pagka-singkit yung mga mata niya. Parang cat's eye. Ah basta yun. Di ko alam paano iexplain. Tsaka may maganda siyang ngiti. Yung cheeks niya ay parang siopao. Ang cute ng cheeks niya sa totoo lang.

 

Ngayon ko lang napansin na she’s beautiful and para bang kumikinang siya pag ngumingiti.

 

Pero wala paring makakatalo sa napakagandang ngiti ni Irene na para bang mas pinapaliwanag pa niya lalo ang buong mundo. Parang ipapatalsik na niya ang araw kasi mas maliwanag pa ang kanyang mga ngiti kesa sa sinag nito.

 

“Hello.” Pag ganti ko sa bati niya na nakangiti.

“P-pwede bang hingin ang… n-number mo?” nauutal pa niyang tanong.

 

Luh? Itetexmate ba ako neto?

 

Nagkatinginan kami ni Joy at para bang nag-uusap kami gamit ang aming mga mata.

 

 

Joy: ibigay mo na dali.

Ako: oo na shuta ka.

 

 

Lumingon ako ulit sa kanya at ngumiti. She looked at me expectantly at unti-unting nawala ang kanyang ngiti ng sinabi kong…

 

[email protected]

 

At agad umalis sa kinauupuan ko para pumunta sa isang isle don sa library na hindi ko alam anong section nandoon. Halatang nagulat yung babae at si Joy sa sinabi ko.

 

Panic ka girl!?

 

Hays bobo Seulgi Kang.

 

Sumilip ako kung saan kami naka-pwesto ni Joy at nakita ko yung babae na umupo na ulit sa table kung nasaan yung friends niya. Nakita ko na may sinabi siya sa kanila at tumawa yung friends niya at na sita sila nung working student.

 

Nakita ko rin si Wendy na tumabi kay Joy at si Irene na umupo sa katabing chair ko at parang may hinahanap.

 

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

 

Ah yung puso ko…

 

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

 

Yung tiyan ko… andiyan na naman yung butterflies sa tiyan ko.

 

Ganito talaga ang epekto ni Irene sa akin sa tuwing masisilayan ko ang kanyang mukha. Pero pagkatapos, may kirot agad akong mararamdaman sa dibdib ko.

 

Bakit?

 

Kasi alam ko hanggang dito nalang talaga ako. Hanggang tingin nalang sa best friend ko.

 

Hanggang ngayon, hindi alam ni Irene na I am gay as . Lalo na sa kanya. Hindi pa ako nakahanap ng tiempo na umamin sa kanya kung anong preference ko. Natatakot ako na baka mag-iba yung pakikitungo niya sa akin kapag nalaman niya.

 

Natatakot ako.

 

“Hey.” Nagulat ako ng makita ko si Irene na nasa tabi ko na.

 

“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Piso for your thoughts?” ngumiti siya sa akin. Hindi ko man lang namalayan nakalapit na pala siya sa akin.

 

Mama yung puso ko!

 

“Anong piso for your thoughts? Ampota gawa-gawa ka.” At tumawa na kaming dalawa pero yung mahina lang kasi baka ma-sita pa kami nung napaka-eme na working student na naka duty ngayon sa library.

 

Hindi ko na napigilang tumitig sa kanya habang kinokontrol niya ang kanyang tawa. Napangiti ako ng napakalaki. Then biglang may kirot akong naramdaman.

 

Dahil pala sa kanya, yung email address ko ang nabigay ko sa babae kanina. Nataranta kasi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
swoulrene
Hala hoy happy 102 subscribers sa story na 'to! a big win for a smol author like me 🥹 thank you sa mga patuloy na nagbabasa sa story na 'to hehe 🫶🏻 so, i hope you enjoy this chapter. don't forget to leave comments! i love every comments left here ☺️

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
47 streak #1
Chapter 9: Hala Irene pls lang i-mine mo na si Seulgi 😔😔
_rtempest
1040 streak #2
Chapter 9: Uyyy may update pala🥹 salamat po!
eunxiaoxlove #3
Chapter 9: Nicee
_rtempest
1040 streak #4
Chapter 8: Hahaha lagot umamin ka na seulgi 😂
carlaforniagirl #5
Chapter 8: Hooooooooy 😭 excited for the next update
ireadsrfics #6
Chapter 8: “Ako na lang magdedecide para sayo” pag yan yung sinabi ni seulgi nako talaga hahahaha
eunxiaoxlove #7
Chapter 8: Lol hahaha
RVSone0105
903 streak #8
Chapter 7: "Overthinker na nga. Delulu pa" I feel called out 😭😭 Haist bakit kasi hindi ka pa umamin Seulgi na you "swing that way" 🙄🤭
_rtempest
1040 streak #9
Chapter 7: mukhang may gusto din naman si irene haha🫢
BeMOO1 #10
Chapter 6: Sa retirement home pa kaya magkakakaminan Si Seulgi and Irene?