Superman Punch

Nene Bunene
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi ko maintindihan sa batang yan-"

 

"Dad, 23 na ako."

 

"Bata ka parin! Tignan mo ‘to Clarissa sumasabat pa. See? Hindi ko na talaga alam ang gagawin diyan." 

 

Kasalukuyan akong pinapagalitan ng parents ko. Kung bakit? Aba malay ko.

 

Hindi naman kasi big deal. Hindi lang naman kasi ako nagparehistro para sa board exam. 

 

Kasi…

 

Wala lang.

 

‘Di ko kasi feel. 

 

Tsaka nakakatamad ‘no and takot ako sa exams kasi bawal mag ctrl-F o makipag sensyasan sa katabi. I don’t like the feeling of being pressured kaya!

 

"Karina, anak nasasayang ang skincare at weekly siesta ko sayo. Bakit naman hindi ka nagpalista doon sa board exam?" Si mom naman yung nagbigay ng entry niya.

 

Anong weekly? Daily kaya siya nag sisiesta laging may appointment kung saan saan kasama mga amiga niya. Feeling bagets lang. Same sila ni dad pero mas madalas tong si mom.

 

"Mom ayaw ko pa kasi magexam." paulit-ulit na ako rito. Kanina ko pa sinasabi yung dahilan, i-paraphrase ko na kaya? 

 

"Yan tignan mo, desisyon talaga yang batang yan alam naman niyang kailangan na siya sa kumpanya at nakahanda na yung pwesto niya don pero anong ginawa? Wala. Nagdesisyon pa rin nang sarili. Binibigay naman na sakaniya yung resources na kailangan niya sa buhay, pinag-aral pa nga siya sa gusto niyang university kahit na siya lang ang hindi tumuloy sa Ateneo sa buong pamilyang ‘to. Ilang beses na natin napagbigyan yang batang yan ‘ni minsan hindi natuto. Binilhan na ng mga request na hindi na maubos ubos. Wala paring pinagbago. Kailan ka ba magtitino ha Karina?" mahabang rap ng dad ko. Pwede na niyang palitan si Gloc 9. 

 

"Hon, huminga ka yung puso mo hindi na tayo pabata." tila nasa drama lang na lumapit yung nanay ko para pakalmahin ang nagsusuper sayan na ama ko. 

 

"Isa lang ang naiisip kong paraan Clarissa." pasuspense na sabi nung isa, may pa hawak pa sa kamay habang magkatitigan sila. Corny ng mag asawang ‘to.

 

"Mom, dad? Pwede na ba ako umalis? Mukhang nakakaabala ako." masyado na silang keso sa paningin ko.

 

Aalis na dapat ako pero baka mag super sayan na naman ‘tong dalawa kaya mas minabuti kong magtanong.

 

Hindi naman ako pinansin ng dalawa at umiling lang si dad. Edi ouch.

 

"Leanordo! Seryoso ka ba?" parang cringey na ha, ang OA na, hindi na pleasing sa istorya ng life ko.

 

Ano bang meron? 

 

Grabe maka leanardow tong si clarissawr.

 

"Wala na tayong choice." buntong hininga niya.

 

Hindi ko gets ang kadramahang nagaganap sa dalawa kasi may patakip pa ng bibig si mom pagkatapos sabihin yon ni dad. Ano naman kasi ang gagawin ko bukod sa panoorin ang bawat kadramahan nila? Tila ako estatwa rito. 

 

Nagkibit balikat na lang ako at tumalikod para umalis. Ayaw nila akong sagutin eh nag paalam na nga ako, bahala sila diyan.

 

Well, dahil sa pagsermon nila sa akin na nalampasan ko naman. I think deserve ko kumain ng halo-halo. 

 

"Karina Clarifelle Avelino!"

 

Halo-halong sermon part 2.

 

Siguro this time i-bobrought up na naman yung pagcutting classes ko noong junior highschool kasi nagsale sa trinoma o baka yung nasira kong kotse last week o baka both? 

 

Napairap ako sa hangin bago bagot na bagot na humarap ulit sa kanila.

 

"Ano ho iyon?" Nakakabagot naman makinig sa mala sirang plaka nilang bibig.

 

"Ipapadala ka namin sa probinsya doon sa bestfriend ng pinsan ng nanay mo." 

 

Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya. 

 

Anong ipapadala? Ano ako balikbayan box? Tsaka probinsya? Nunaman gagawin ko ron? Ano teh? Nasa cliché x cringe telenobela lang? 

 

City girl na pinadala sa probinsya as a punishment to learn her lessons tapos may makikilala siya na promdi girl (Oo, girl bading ako eh.) na gagabay at tutulong sa kaniya hanggang sa magkagustuhan na sila then boom! They live happily ever after.

 

Sounds like…

 

A really bull story. 

 

Napaka corny, ew! No way, mas gusto kong mag-isa sa buhay. Ayoko sa lahat ay yung drama. Pero teka lang ang layo ng narating ko bwiset. 



Baka naman kasi prank lang ‘to ng mag asawa. Nung isang araw nakita ko silang nanonood ng vlogs sa TV sa may sala pa.



"Eh ayaw ko dad bye nagugutom na ako." simpleng pagtanggi ko at tumalikod ulit. Grabe yung tunog ng tiyan ko, kumain naman ako kanina?

 

Nakakabilis siguro ng metabolism yung sermon nitong mag asawa. 

 

"Clarifelle! Makinig ka sa dad mo!"

 

Shemay not that name. Seryoso ba talaga?

 

Parang ewan naman silang mag asawa.

 

"Mom, ayaw ko nga dun." pagpupumilit ko with pajak efek pa.

 

"You left us with no choice kaya sumunod ka. Mababait ang mga tao don baka sakaling mahawaan ka. Magimpake ka na ng mga gamit mo, bukas na ang flight mo."

 

Sabi na, seryoso sila kasi tinawag ako sa second name. 

 

Rare lang nila gamitin ang Clarifelle card pero ayaw ko pa rin kahit anong mangyari. Duh? Bahala talaga kayo diyan.

 

"No way!" pagmamaktol ko bago madramang tumakbo papalabas ng mansion. 

 

Hindi nila ako mapapapayag. 

 

Maglalayas ako.

 

Period.

 

For sure tutulungan naman ako ni Giselle. 

 

Siguro sa Singapore muna ako mamamalagi or Japan. Gusto kong kumain ng dumplings nila doon eh.




//



Nakabusangot ako habang sitting pretty parin sa loob ng sasakyan ng ate ko.

 

Paano ba naman pagdating ko sa condo ni Giselle nandon na agad si ate. Nakapamewang pa. 

 

Nag peace sign na lang sa akin si Giselle habang may hawak na prada bag.

 

I got betrayed by my own bestfriend. Pinagpalit ako sa bag. Great! Tama ba ‘yon?!

 

"Karina." tawag pansin ni ate. Hindi ako nagsalita, baka sermon lang din ang kasunod niyan.

 

"I'll try to talk this out with mom and dad. However, I need you to tell me the reason behind that rebellious act of yours again. You know this one is something really serious and a big deal for both of them, especially for dad." eto naman si english.. 

 

Umirap lang ako at tumingin sa bintana. 

 

"Karina."

 

Ayaw ko nga.

 

"Are you going to sabi it or not?"

 

"Ang conyo naman." pang jajudge ko rito.

 

"Just tell it already, we're almost near." nakita ko ang pag iling niya sa salamin.

 

Sasagutin ko na lang baka biglang ibaba ako nito sa daanan. Maldita pa naman ‘to pag badtrip. Tirik na tirik ang araw, ayoko maglakad at mahirap magka sunburn.

 

"Ayaw ko lang feeling ko kasi hindi ako handa eh.”  kibit balikat ko bago humikab.

 

Nakita ko siyang tumango. “Okay, I see.”

 

Lumiwanag yung maganda kong mukha. 

 

Finally, I can relax my body. Sumandal ako sa upuan nang kampante.

 

"So, kakausapin mo sila ?" 

 

"Nope."

 

Napabangon ako sa sagot niya.

 

Anong hindi?!

 

"Bakit?!" reklamo ko habang magkasalubong ang kilay.

 

"You want to run away from adulting and the company right? That's the perfect destination. Since it's literally far from the Avelino industry." Aba pinipilosopa ba ako nito?

 

Bumusangot ako pero maganda parin. "Ate naman eh pwede bang out of town na lang? Singapore? Taiwan? Barcelona?" 

 

Umirap lang siya sa akin. "Then it will not be a punishment but another vacation for you."

 

Hindi ako pwedeng mag give up. Magaling mangumbinse si ate kasi may degree siya sa psychology 

 

For sure kapag kinumbinse niya parents namin, oo agad. Ganon siya kapowerful.

 

Wait.. Baka ako naman yung maconvince niya?

 

Okay, okay. Sana pala hindi niya ako makumbinse ngayon or later.

 

Sabagay, hindi yon gagana kasi ako ay aware. 

 

"Ate please?" pagpapacute ko dito habang nakapout ang lips pa plus puppy eyes. 

 

"We're here." Dedma lang sa kanya.

Hindi ko namalayan na nasa bandang gate na pala kami ng mansion. Napasimangot na lang ako, ang dami naman kasing happenings na hindi pabor sa akin.

 

Ganito ba talaga kapag walang may favorite sayo?

 

"You know what? Maybe it will help you, take it as an opportunity to reintroduce yourself to the new people you will meet there." eto na naman si english speech at may patapik pa sa braso ko.

 

May sense.

 

Pero

 

Naur sinigang mix.

 

Hindi ako magpapakumbinse. Oo, alam ko ways nito, psychology student siya dati eh #aware.

 

Pero yung nga, inspiring at may point ha..

 

Ay no. Karina, Naur!

 

"Ate hindi ko kailangan ng counseling- ARAY" napaigtad ako sa pagkurot nito sa tagiliran ko.

 

Bukod pa ron, tinulak pa ako ni gaga. "Go face them, they're waiting." 

 

Nakapasok na agad kami sa mansion at pagkapasok namin naka abang na ang mag asawa.

 

"Karina Clarifelle Avelino." 

 

Napaismid ako. Kailangan talaga full name? 

 

No choice ako kung hindi gamitin ang huling major gamble card ko.

 

“Dad, I don't want to go there. I'll just attend seminars and tutor Mark instead."

 

Tumingin ako kay mom at dad habang pinagmumukhang kaawa-awa ang itsura ko para convincing.

 

Minsan ko lang ‘to gawin. Mga tuwing binabalak na i-freeze accounts ko, kunin ang susi ng car ko, may bagsak akong exams, may nasira akong vase sa sala, at kapag pinapatawag sila ng university dahil sa kalokohan ko.

 

Oo minsan lang yan.

 

"Anak hindi mo kami madadaan sa ganiyan this time. Kailangan na talaga eh." edi wow dad.

 

"Karina, 6 months lang naman yon don't worr-"

 

"Mom what?! 6 months? That's equal to 179 days!" mabilisang pagreact ko sa narinig.

 

 Nagfacepalm si dad. "You mean 182 days?"

 

"Parehas lang yun!" Parehas matagal! 

 

Oo na, hindi na ako magaling sa math. Magaling lang ako doon kapag nagkukwenta ako ng bilihin sa mga clothing stores lalo na tuwing may discounts.

 

"Final na yon Karina kaya magimpake ka na ng mga gamit mo." utos ni mom gamit ang kaniyang authoritative na boses.

 

Okay, mom. 

 

Whatever. 

 

Napapa English tuloy ako sa mga nangyayari.

 

Padabog akong pumunta sa elevator. Yes, may elevator kami sa mansion kasi hirap na umakyat ang grandparents ko sa hagdan. Hindi naman malakas sa kuryente since naka solar panels kami.

 

Nang marating ko yung kwarto ko, madrama akong naglupasay sa kama. Hindi pwede ‘to.

 

Yes, hindi ako papayag. 

 

I need to plan operation takas.

 

Agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko at chinarge.

 

Calling Giselle 

 

"Karina sorry talaga hindi kasi ako makahindi sa ate mo nung pinakita niya yung bag limited edition kasi na nirelease nung 2000 grabe ang ganda at vintage bag pa I'm sure maiinggit na naman sa akin si baklang Haecha-"

 

"GISELLE!" Sigaw ko sa kaniya. Dami pang sinasabi eh.

 

Rinig ko ang awkward niyang tawa sa kabilang linya. "Ah hehe ano yun? Sorry na nga eh."

 

"Oo na alam ko na yan, pinagpalit mo ako sa isang bag na kaedad ko lang. Anyway, I need your help at bawal ka humindi or else inuunfollow kita sa twitter at instagram."




//



Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan. Katabi ko ang dalawang kapatid ko. Si Mark na kanina pa nagsasagot ng kung ano anong logic games sa iPad niya. 

 

Hindi niya trip yung roblox at minecraft, gusto niya yung mga logic at puzzles. Kung hindi siya naglalaro ng kung anong physical sport games, mga ganyang laro naman trip nya. 

 

Si ate naman ay naglalaptop, may tinatype at hindi ko maintindihan kasi paiba-iba siya ng tab. Hindi ko narin inalam pa kasi nakakahilo yung pagpapalit palit ng nakaflash sa screen.

 

Busy sila samantalang ako quiet lang. Kanina nanonood ako ng videos s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
And.. finally an update na almost 5k words! Pinush ko talaga iupload kaagad pagkatapos kong isulat (haha sana walang typos) Hoping chapter 6 won't take long. Thank you for subscribing sa story na ito and to your comments as well they inspire my brain to produce ideas and words <3 xoxo

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Ne wag ka na magtampo beh miss na kita😔
asdfghjklmaeee
165 streak #2
Miss ko na si nene at ang kanyang number 1 hater hehe
Eybrelros #3
Chapter 7: Nene yuhoooo wer ka na ??
Kmjcentric #4
Gagi naeexcite na me sa next update MDNJDNDH
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 7: Naeexcite tuloy ako kung ano yung turning point sa relationship nila😭😭 kawawa naman si nene HSHAHAHA BEH KEEP UP APING API SI ANTEH
stillintoyu
207 streak #6
Chapter 7: ang funny lang ni karina 😭 aping-api naman si nene sa dami ba naman ng nicknames na naisip niya sa kaniya HASHAHHAA gagu. kapag ito talaga mas nauna magkagusto kay nene, ewan ko na lang talaga XD
jaangwaang
906 streak #7
Chapter 3: Hahahaha grabi naman yan nene
Baenaevis #8
Chapter 7: Ano kaya magiging thoughts niya pag nagkakagusto na siya kay nene nuh? Hahaha sa tingin ko hindi naman ganun kadugyot or mabaho si nene. Sadyang hate niya lang tlaga. Nasapak ba naman 😅 Pero I think si nene mauuna mgkacrush! Kaexcite naman this story! We need more of this sa AFF. Refreshing yung mga love stories na ganito, tapos we see more of province life din! Good job author! Ang galing 🙌
Baenaevis #9
Chapter 7: Chapter 7: Yung character dito ni K 🤣 Yung conceited siya with a little humbleness (kasi sumasakay naman siya mga trippings ng mga taga probinsiya) Can't wait sa mga magiging character development niya. I understand kung bakit pinapatapon ung mga pasaway sa probinsiya 😆, kasi there ,they learn to appreciate little and simple things.
keijeo
#10
Chapter 7: Si Nene ay living Neneng B sa daming pwedeng maging meaning ng B HAHAHAHAHHA