Deal or No deal!

Nene Bunene
Please Subscribe to read the full chapter

Nakaupo na ulit ako sa likod ng truck pero ngayon may kasama na akong dalawang epal. Kanina pa sila nakakairita kahit na nakaupo lang sila 

 

Basta, nabibwisit ako. 

 

Iniiwasan nga nila akong tingnan. Buti naman. Awkward yung atmosphere pero wala akong pake. Hindi ko parin kasi matanggap na sinapak ako ng isang taong Nene ang pangalan.

 

Kahit isang beses sa tanang buhay ko, hindi ako nasampal o sapak. Ito yung pinaka una kaya yung damage sa pride ko, sobrang lala.

 

“Karina ang pangalan mo tiba?” Tiba? Isn’t it ‘Diba? Shunga amp. 

 

Inisnob ko lang siya at tumingin sa mga nadadaanan naming tanawin. 

 

“Sungit.”

 

“Huy shh.”

 

Mga epal talaga. Inirapan ko sila.

 

“Sorry ulit kanina Karina, sadyang nabigla lang si Nene sa nangyari mahalaga kasi yung bag na ‘to sa amin.”

 

Sml?

 

Siya pa yung sorry nang sorry dapat yung katabi niya yon.

 

“Ako nga pala si Luningning pero tawag nila sa akin ay Ningning. Ito yung pinsan ko si Nene pero Winter talaga yung pangalan niya.”

 

Wala ba silang muwang? Hindi sila nakakahalata? Obvious naman na ayaw ko silang kausapin.

 

Sige, bahala kayo ha.

 

“Okay. Wala namang nagtanong.” bastos kong sabi.

 

Nakakairita kasi. Bakit ba need na mapunta ako sa ganitong sitwasyon? 

 

“Maldita mo naman nakikipag ayos na nga kami sayo.” Aba sumasabat pa si Nene.

 

Tapang nitong maliit na ‘to. Well, mas matapang ako kaya kong makipag sagutan kahit kanino.

 

“Anong kami? Siya lang yung kanina pa nag sosorry at hindi ikaw.”

 

“Nagsorry ako kanina sayo sa may tindahan.”


Ows?  Pake ko?

“Share mo lang?”

 

"Aba eh ano bang gusto mong gawin na-"

 

Piniit siya ng madaldal niyang kasama. “Awat na Nene. Baka marinig tayo nila tsang, nakakahiya.” 

 

Matatalas na tingin naman ang binigay naming dalawa sa isa’t isa.

 

Lakas ng loob mo Nene.

 

Wag ako Nene.

 

Baka ikaw yung umiyak sa huli niyan.





//




"Welcome to Sitio Kwangyalupe!"

 

Sabay sabay nilang bati na magkakaiba ang tono. Si Nene lang pala yung naiiba dahil nakangiwi ito. Naamoy niya siguro sarili niya, mabaho.

 

Tumango-tango ako sakanila with matching smile at nag thank you. For sure, first time lang ulit nila makakita ng maganda at yung gandang hindi basta-basta makikita kung saan-saan. 

 

Mamaya na lang ako mag susungit kapag wala sila tita Sandy. 

 

Dala nung dalawa yung trolly at duffel bag ko. Ako naman ay kasabay maglakad ni tita Sandy.

 

"Bukas ka na namin ililibot dito, gabi na kasi kaya didiretso lang tayo sa bahay namin para kumain ng hapunan. Pagkatapos non ihahatid ka namin sa tutuluyan mo para makapag pahinga ka na."

 

Hay buti pa si tita Sandy mabait, hindi katulad ng isang pamangkin niya ubod ng sama ng ugali kasing sama ng amoy niya.  

 

"Sige po tita."

 

Medyo may kalayuan din yung mga bahayan nila kasi matagal tagal yung nilakad namin bago kami makarating. 

 

"Tuloy kayo dali nang makaupo na kayo."

 

Sumunod naman ako at umupo agad sa sofa na gawa sa kawayan.

 

"Ang bigat, bakit kasi tayo yung nagbubuhat nito? Mas matangkad nga satin yung may-ari oh." 

 

"Wag ka ng magreklamo Ne, may atraso tayo dun lalo na ikaw."

 

Eto na naman ang dalawang pampam. 

 

Akala mo wala ako rito kung makapag usap sobrang lakas.

 

"Oh inom kayo ng tubig at ipasok niyo na muna yan. Naghahain na sila sa likod. Sumunod na kayo don pagkatapos." nilapag ni tita yung pitchel na may lamang tubig at sa tabi nito ay may tatlong baso.

 

Sinalinan ko na yung baso ko at uminom. Medyo nanibago ako sa lasa ng tubig pero uhaw na ako kaya linagok ko na lang. Pangkaraniwang mineral water naman yung lasa but yung iniinom kasi namin ay yung evian.

 

"Mga damit mo yung nakalagay dito?"

 

Eto na naman po tayo. Kailan kaya mapapagod ‘tong Luningning sa pagsasalita?

 

Okay, fine kung gusto nilang kausapin ko sila. Edi go.

 

"Hindi, bahay ko yung nakalagay dyan."

 

"Ah kaya pala amoy lupa ka."

 

"Anong sabi mo?"

 

Masamang tingin ang ibinigay ko sa epal na nakisabat. Kanina pa ‘to sa truck, dapat talaga hinulog ko na siya dun pa lang.

 

"Tara na kakain na sa labas baka lumamig yung kanin hehe."

 

Inirapan ko lang si Nene at inismiran niya naman ako. Hindi na natuloy ang bangayan namin dahil hinila na siya ni Ningning.

 

Ang lakas ng loob sabihing amoy lupa ako eh siya kaya yung dahilan kung bakit?!

 

Ang mahal ng bili ko sa pabango ko tapos sasabihan lang ako ng ganon? 

 

FYI, this is Jo Malone! 

 

Naglakad na ako papunta sa may kainan nila. Maliit lang pero keri na. Hindi naman ako maarteng tao. Minsan lang.

 

Maraming ulam ang bumungad sa amin. Parang may fiesta sa dami rin ng tao. 

 

"Nandito na pala kayo umupo na kayo at kumain nang marami." pinaupo na ako ni tita at binigyan ng pinggan at kutsara't tinidor.

 

Tahimik na kumuha ako ng pagkain. Tamang ngiti at thank you lang ako sa mga nagpupuri sa akin. 

 

"Ineng ikaw yung kapatid ni Irene 'no? Naku kamukha mo yung ate mo!" Saan banda?! 

 

"Thank you po." Kahit hindi ko siya kamukha. "Basta talaga anak ng Avelino kegwagwapa." 

 

Correct ka diyan ate! "Naikwento nga sa amin ng ate mo na sa Syudad ka raw talaga lumaki at hindi pa nakakaranas ng buhay sa probinsya. Naku matutuwa ka rito sa una ka lang maninibago!"

 

Sinabi ni ate yon?! Nakapunta na kaya ako sa probinsya! Yung mga beaches like sa Palawan, Siargao, etc. with friends. Lagi kaming nagstay sa mga yon for a week or two. Yun talagang conyo na'yon, nagkakalat ng fake news. 

 

Ngumiti na lang ako at hindi na cinorrect, gutom na kasi ako. Baka pwedeng pakainin na nila ako 'no? 

 

"Nasabi ba sayo ng ate mo kung bibisita siya ulit rito?" ayan pang ilan na rin yan sa kanina pang bumabati, pumupuri, at nagtatanong sa akin na minemention ate ko. 

 

Ako ba secretary ni ate to know?! I'm even surprised nga na she got along with these people eh napaka conyo o full englishera non. Nahahawa nga ako minsan eh katulad niyan nag english nako. 

 

"Ah siguro po bibisita siya." Pakainin niyo na ako please. Yung baby dragon ko sa tiyan magwawala na. 

 

"Kayo naman, pakainin niyo muna si Karina! Sa susunod na yang mga tanong niyo." Tita Sandy, ikaw talaga ay hulog ng langit. 

 

"Ate bakit anlaki ng pisngi mo?"

 

Napatigil ako sa pagsandok ng adobo sa biglaang tanong nung bata. Ito naman eh, umisa pa. Tapos yung tanungan pampabalik ng irita ko. 

 

Bakit nga ba malaki yung pisngi ko? 

 

Sinuperman punch lang naman ako ng babaeng katabi niya.

 

“Toy wag mo guluhin yan, daming tanong kumain ka na nga." buti sinuway ni Ningning.

 

Nagsimula na akong kumain at sa bawat nguya ko ramdam ko yung kirot. Lalo tuloy akong nabwisit dahil naalala ko yung nangyari kanina.

 

Kairita talaga. Punyeta. Letchugas. 

 

Buti na lang at masarap yung mga pagkaing niluto nila rito at hindi ako nawalan ng gana sa madungis na pagkain ni Nene. Mas madungis pa siya sa Totoy na katabi niya. 

 

Kadiri.




//





"Kubo?"

 

"Oo bahay yan."

 

"Alam ko, bahay na kubo."

 

"Kahit munti ang halaman doon ay sari-sari."

 

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Nakakaubos ng pasensya 'tong si Luningning.

 

"Papasok ka ba o hinde? Nakakangalay bitbitin mga gamit mo pwedeng umurong ka muna saglit? Ang laki mo kasing harang."

 

Mas okay pala kausap si Ningning kumpara sa Neneng laging galit. Napaka tapang pa, hindi naman inilulugar sa tama.

 

Mas malala ata anger issues nito sa akin.

 

"Pwede naman mag excuse?" 

 

"Edi ekskyus po mum."

 

Pilosopa pa. Bukas talaga makakaalis na ako rito. 

 

Ay.

 

Shuta, speaking of pag alis.

 

"Tita Sandy."

 

Buti na lang sumama sa paghatid si tita Sandy sa amin. Kausap niya yung napadaan na ale kanina. Nakipagchismisan ata. 

 

"Ano yon Karina?"

 

"Nakalimutan ko po kasing tawagan kanina sila mom and dad. Pwede po maihabol tonight? Para maprepare nila yung masasakyan ko pauwi."

 

Tama, tama. 

 

Ayaw ko na mag amoy sibuyas sa pagsakay ulit sa truck na yon. 

 

Mas okay gamitin si Jett. Yung helicopter ni dad. Oo, may pangalan kasi why not daw.

 

Pwede naman siguro mag land sa may open field na natanaw ko kanina. 

 

"Ay 'nak bukas magpapaload kami kay Aling bebang para matawagan na sila Clarissa. "

 

Kapag minamalas nga naman. 

 

Napairap ako, sakto kakalabas lang nila Ningning at Nene. 

 

Tumingin lang ng nagtataka yung dalawa bago umiling si Nene at hilahin na palapit si Ningning kay tita Sandy.

 

So hindi ako makakauwi agad bukas ng umaga. 

 

Letchugas.

 

On the brighter side, maeenjoy ko ang city lights since for sure gagabihin kami. Instagrammable. Bagay for sure sa feed ko sa Instagram.



Pumasok na ako sa kubo, hindi naman maliit yung kubo, bahay talaga siya hindi lang yung parang kubo sa cottages ng mga beaches.

 

Naglibot ako sa loob nito. Onti lang mga gamit, medyo concerning yung tunog ng kahoy tuwing umaapak ako. Gawa sa kahoy at kawayan eh.

 

Considered bang kahoy yung kawayan? Siguro, bamboo naman yon.

 

"Karina, sigurado ka ba na okay ka na rito? Malapit lang yung bahay nila Nene, yung katabi lang nito na nadaanan natin kaya sumigaw ka lang o katukin mo sila."

 

Ngumiti ako bago magpasalamat. Next time siguro magvacation ako rito pero for a day lang or two.

 

"Okay na po ako. Thank you, Tita Sandy!"



//



Hindi ako okay.

 

Putanginang kuliglig yan 'di na natahimik.

 

Yung kutson pa na hinihigaan ko ang nipis. Naninibago yung likod ko baka magka injury pa ako nito. Yung unan malambot naman pero hindi ako satisfied.

 

Itong kumot naman ayos lang din pero ang standard lang ng quality. Parang binili lang sa department store.

 

Nakakainis! Baka magka rashes pa ako, nasa Manila yung dermatologist kong si Mrs. Lapad.

 

Ayaw ko naman pumanget dito ‘no. Tsaka putangina imbis na tumino ako, maging high pa ako sa amoy ng katol.

 

Kanina kasi nilalamok ako so sinindihan ko yung tatlong katol para sure na lumayas na yung mga pesteng lamok.

 

Napapasabunot na lang ako sa buhok kong malambot dahil sa stress.

 

Balak ko pa naman gumising nang maaga kasi balak kong samahan magpaload si tita Sandy. Grabe, sobrang nakakarindi at yamot talaga.

 

At isa pa.

 

Last na. 

 

TANGINA 'DI PA AKO NAG TO-TOOTH BRUSH AT NIGHT ROUTINE SKINCARE.

 

Pag ako nagka pimple bukas, iiyak ako. 




//




"Magandang umaga Karina."

 

Walang maganda sa umaga kundi ako lang. Slight lang pala kasi hindi maayos yung tulog ko. Ito ata yung tinatawag na namamahay eme ng mga pinoy.

 

"Nasaan yung cr?"

 

Kanina pa ako na jijingle-jingle bells. Tiniis ko lang kasi hinihintay ko na may lumabas sa may kubo nila Ningning.

 

Tinuro lang nito yung nasa bandang kanan na side.

 

Agad akong pumunta sa tinuro niya. Hindi pwedeng magka UTI ako dahil ayaw ko sa karayom. I heard na need kasi kuhanan and tusukan ng kung anek anek kapag nagkaroon non.

 

Pagdating ko, nakita kong sementado ito not just kubo. Naka tiles din yung cr at malinis. May tubig at tabo. Yun nga lang ay walang bidet pero okay na yan. Ihing ihi na rin ako. Mag iinarte pa ba ako?

 

Pagkatapos kong umihi binuhusan ko na ito since walang flash. Buti na lang talaga at naging topic namin ito before ng mga kaibigan ko sa college. Yes, weird na naging topic pero ganito raw kasi yung ibang cr sa may Boracay which hindi ko naman naencounter. 

 

Binuksan ko yung gripo para sana punuin ulit yung balde pero walang tubig na lumalabas. 

 

Balak ko na kasi mag toothbrush at mag skincare. I take care of my skin kasi it's a must. Everyone should take care of their skin as well.

 

Lumabas ako at pumunta malapit sa bahay kubo nila Ningning. Sakto at kakalabas lang niya habang may hawak na balde.

 

"Walang tubig na lumalabas sa gripo."

 

"Ay hala masyadong maaga kasi tuwing 9 am pa binubuksan yung tubig dito. Mag iigib din ako ng tubig, sama ka na lang."

 

Igib? Diba yun yung may tinutulak na parang bakal tapos biglang magkakaroon ng tubig sa may gripo. Parang manual sink?

 

Ewan. Bwisit bakit kasi 9 am pa binubuksan. Nakakairita talaga.

 

Paano ako mag iigib niyan? Ambigat kaya ng tubig. Yung aquaflask ko nga hindi ko na dinadala minsan kasi nabibigatan ako back in college days.

 

Lalo na ngayon. Hindi complete yung tulog ko. Naistress ako sa situation at feeling ko tutubuan ako na ako ng pimple.

 

Dapat talaga makauwi ako ngayong araw dahil hindi ko na talaga kinakaya.

 

"Sige, malayo ba yon?”

 

"Malapit lang yon wag kang mag alala."

 

Parang suspicious yung word na malapit sa sinabi nitong si Luningning. Baka mamundok pa kami para lang mag igib, talagang mag mamartsa ako paalis dito kahit lakarin ko na lang from here papunta sa daungan ng mga bangka.

 

"Ne! Samahan mo nga kami mag igib."

 

Wag na isama yan please. Si Ningning lang ang kaya kong tagalan dahil okay naman pala siya compared sa Nene na literal na peste sa mundo.

 

Unless siya ang magbubuhat ng tubig, pabor sakin yun. 

 

"Ayaw ko nga- Aray! sige wait lang kasi nagmamadali naman Ning oh."

 

Ang arte, akala mo kung sinong maganda. 




//




Nakakunot ang maganda kong noo habang pinapanood mag igib yung dalawa.

 

Concerning man na baka magka pimple na talaga ako dahil sa laging masama ang timpla ng mood ko. Hindi ko rin magpigilan.

 

"Oh ikaw naman, subukan mo madali lang yan." aya sakin ni Ningning.

 

esang umirap lang ako sakanila bago lumapit sa may poso.

 

Okay, madali lang siguro  since itataas and baba ko lang. Besides nakaya nilang dalawa considering na mas maliit pa sila sa akin.

 

Basic lang ‘to.




//



Hindi ‘to basic.

 

Tangina ang sakit sa kamay?  Bakit nung dalawang yon parang naglalaro lang sila tapos pagdating sa akin parang nakabara at hindi maigalaw nang maayos.

 

Punyeta naman. 

 

"Tabe nga, ako na." 

 

Napairap ako sa nagsalita. Pero no choice naman since kailangan ko talaga yung tubig. Sana lang walang major bad bacteria ang nasa water na’to or else magkakasakit ako.

 

Well sensitive kasi yung skin ko kasi maganda ako. Alam kong walang konek pero yun lang talaga naisip kong reason.

 

Anyway, I backed off na at hinayaang siya yung magpuno ng tubig.

 

Tig-iisang balde kami ng dala. 

 

Medyo nasa mataas kasi kaming parte. Ang sinasabi ni Ningning na malapit ay malayo. Buti na lang at naka slippers ako na nakita ko lang din sa bahay kubong pinagtitirhan ko.

 

Mabato yung dinaanan namin kanina. Muntik pa ako madulas at kita ko talaga sa dalawa kong mata kung paano ngumisi ang punyetang si Nene. Kaya halos unlimited na ang pagirap ko sa kaniya. Iniisip ko nga what if itulak ko siya don sa may bangin na nadaanan namin kanina habang hindi nakatingin si Ningning? 

 

Mag-wowork kaya yon?

 

"Karina tara na! For sure nakabili na ng pandesal sila totoy para sa atin." pag aaya saakin ni Ningning habang buhat-buhat na yung balde niyang kulay pink.

 

Bumaba na ako papalapit sa kaniya para sumabay ng paglalakad. Ayaw ko namang kasabay yung Nene dahil baka demonyohin ang aking kamay at matulak ko siya sa bangin nang tuluyan.

 

Naglakad na ako pero di naman sumabay si Ningning kaya tinignan ko siya habang nagtataka. Nag aaya siya tapos nakatameme pa rin.

 

Hinihintay niya? Pasko?

 

"Akala ko ba tara na?" tanong ko.

 

"Si Nene eh ayaw kumilos oh." turo niya kay Nene na nakapamewang pang nakaharap sa amin.

 

Luh attitude ka girl?

 

"Hayaan mo baka gusto niyang maging lamang lupa na nang tuluyan dito." Mukha naman siyang lamang lupa so keri lang magstay na siya rito forever.

 

Sarkastiko naman itong gumanti. "Yung balde niyo po kamahalan baka gusto niyong bitbitin dahil wala ka pong utusan dito?" 

 

Ay.

Shuta yung balde ko nga pala. 

 

Medyo napahiya ako dun ah. Pero there's no way I'll let this Nene see na napahiya ako. Dapat strong pa rin ang aura ko. Kumbaga, may angas.

 

Pumunta na ulit ako kung nasaan ang balde kong kulay blue na ngayon ay puno na ng tubig.

 

Kinapitan ko na yung hawakan na bakal nung balde at sinubukang iangat.

 

Shuta ang bigat?!

 

Medyo tumapon yung tubig dahil gumewang gewang ito pagka angat ko kahit na may takip.

 

Hindi naman kasi ako sanay sa pagbubuhat ng mabibigat, okay? Hindi ako nag woworkout kasi duh I have better things to do. Nag yoyoga lang ako minsan like once a month ganon. Nagtry ako ng pilates kasama yung ate ko before kaso muntik na ako masakal sa telang pinaglalambitingan ko so ekis na yon.

 

"Ne, ikaw na muna magbuhat nung kay Karina. Pagod pa yan dahil kakarating lang niya sa Sitio Kwangyalupe." 

 

Etong Ningning na ‘to talaga yung may potential sa kanilang dalawa. Mabait eh kaso nga lang madaldal. Kanina habang naglalakad kami puro kwento, hindi ko na nga maintindihan sa dami ng characters sa mga kwento niya.

 

"Ano ako utusan?"

 

"Dali na 'Ne nagugutom nadin kami oh."

 

Umismid lang ‘tong si pandak bago kunin yung balde ko at naglakad na, nauuna pa sa amin.

 

May silbe nga ang pagsama nito sa amin dahil siya ang naging taga buhat ngayon. Hindi naman siguro ‘to considered as utang na loob ‘no? Kasi duh? Bakit naman ako magkaka utang na loob sa taong may atraso sa akin?

 

Naglalakad na kami pabalik sa kubo. Noong nasa malubak lubak at puro batong parte na kami nagpintig ang tenga ko dahil sa narinig ko.

 

"Anlaking tao di kayang magbuhat."

 

Galing talaga bumulong ng panget, ringi na rinig ng iba. Yes, narinig ko yon kahit na nagkukwento ang malakas na boses ni Ningning tungkol sa nahuli niyang tutubi last week sa may damuhan.

 

Pasalamat siya at hawak niya yung tubig na kailangan ko or else nabuhos ko na sakaniya yung tubig na yon.

 

Umagang umaga ang init na ng ulo ko. Idagdag pa yung pagka pagod na rin dahil di ako sanay na magaslaw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
And.. finally an update na almost 5k words! Pinush ko talaga iupload kaagad pagkatapos kong isulat (haha sana walang typos) Hoping chapter 6 won't take long. Thank you for subscribing sa story na ito and to your comments as well they inspire my brain to produce ideas and words <3 xoxo

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Ne wag ka na magtampo beh miss na kita😔
asdfghjklmaeee
165 streak #2
Miss ko na si nene at ang kanyang number 1 hater hehe
Eybrelros #3
Chapter 7: Nene yuhoooo wer ka na ??
Kmjcentric #4
Gagi naeexcite na me sa next update MDNJDNDH
ohyo_ohyo319
#5
Chapter 7: Naeexcite tuloy ako kung ano yung turning point sa relationship nila😭😭 kawawa naman si nene HSHAHAHA BEH KEEP UP APING API SI ANTEH
stillintoyu
207 streak #6
Chapter 7: ang funny lang ni karina 😭 aping-api naman si nene sa dami ba naman ng nicknames na naisip niya sa kaniya HASHAHHAA gagu. kapag ito talaga mas nauna magkagusto kay nene, ewan ko na lang talaga XD
jaangwaang
906 streak #7
Chapter 3: Hahahaha grabi naman yan nene
Baenaevis #8
Chapter 7: Ano kaya magiging thoughts niya pag nagkakagusto na siya kay nene nuh? Hahaha sa tingin ko hindi naman ganun kadugyot or mabaho si nene. Sadyang hate niya lang tlaga. Nasapak ba naman 😅 Pero I think si nene mauuna mgkacrush! Kaexcite naman this story! We need more of this sa AFF. Refreshing yung mga love stories na ganito, tapos we see more of province life din! Good job author! Ang galing 🙌
Baenaevis #9
Chapter 7: Chapter 7: Yung character dito ni K 🤣 Yung conceited siya with a little humbleness (kasi sumasakay naman siya mga trippings ng mga taga probinsiya) Can't wait sa mga magiging character development niya. I understand kung bakit pinapatapon ung mga pasaway sa probinsiya 😆, kasi there ,they learn to appreciate little and simple things.
keijeo
#10
Chapter 7: Si Nene ay living Neneng B sa daming pwedeng maging meaning ng B HAHAHAHAHHA