CHAPTER 5 - Part-time Worker
FIX YOUSEULGI's POV
Ilang linggo na din ang nakaka-lipas ng matapos ko ang paintings sa Cafferene. At matatapos ko na din ang mga trabaho ko dito sa starmart at sa bar.
2:20AM
Nag-ssketch ako sa sketch pad ko ng may pumasok, "Good morning po.." bati ko sa pumasok kahit hindi ko naman nakita kung sino man yun.
Maya maya lang ay nasa may counter na siya at may bitbit na dalawang beer in can. Ibinaba ko ang sketchpad ko at saka ipinunch ang binili niya.
"120 po, mam.."
"Seulgi?" nagangat ako ng tingin,
"Miss Joohyun, kayo pala.. iinom na naman kayo dito?"
"Na naman?"
"A-ah opo.. dito ka din kasi uminom last time na nasundo kayo ni Seungwan.." sabi ko sakanya,
"O-ohhh.. ganun ba? May ginawa ba akong something that night? Hindi naman siguro kita ginulo ano?"
"Hindi naman po.."
"Ah- buti naman kung ganun.. sige una na ako, Seulgi.."
"Okay, ingat ka sa daan.."
After ng shift ko ay umuwi ako ng apartment para kumuha ng gamit at umuwi ng bahay sa Pangasinan. Hindi na rin ako nagsabi kay Mama, tulog pa kasi yun ng gantong oras.
Mag-9 ng makadating ako sa bahay, nag bus ulit ako at mahirap bumyahe ng nakamotor masyadong masakit sa katawan.
"Oh, anak? Bakit na padalaw ka na naman dine?" si Papa.
"Namiss ko lang kayo eh.." saka bumulong, "saka ibabalik ko na yung gift mo sakin, Pa.."
"Naku, sinabi ko naman na okay lang yun eh. Itabi mo na muna yan, ah."
"Rommel, sino iyang kausap mo diyan? Seulgi?"
"Ma..." sabay yakap. Miss ko na din to si Mama eh.
"Napauwi na naman ang anak ko? Miss niya na ang lambing ng Mama, ano?"
Napatingin naman ako sakanya, at tumango.
"Hay nako, pasali nga ako sa yakapan ninyo.."
Saka kami nag-group hug.
I miss this. I miss this feeling...
IRENE's POV
Tatlong araw na nung huling nakita ko si Seulgi sa Starmart sa baba. At hanggang ngayon eh naccurious pa din ako bakit ang dami niyang work, at lahat part-time jobs lang.
Ganun ba niya kailangan ng work or ng pera?
Naalala ko pa last time after niyang matapos yung mga paintings sa cafe. Nakita ko din siya sa isang bar. Yun yung laging napupuntahan na bar ni Krystal. Nasama lang ako ni Jennie doon dahil naghahanap siya ng kasama dahil nagkwento ito about sa kanila ni Kai yung businessman na crush niya.
Comments