LMLY 26
Let Me Love You
Malapit na ulit mag start ang games kaya ang mga coaches ay naghahapit na naman ng training at kung dati hinahayaan ni coach na hindi maka attend ng training namin si Karina, ngayon hindi na kaya pagod na pagod talaga si Rina
Napansin ko din na namamayat siya, grabe naman kasi yun buong araw training niya
Late na din natatapos ang training niya kaya sabi niya magdadala nalang siya ng sasakyan para hindi hassle sakin pero hindi ako pumayag kasi pagod nga siya baka makatulog siya sa daan
9pm pa tapos ng training ni Rina medyo matagal pa ko maghihintay kaya pumunta muna ako badminton center
“Hi” napatingin naman ako dito
“Hello” tipid kong tugon
“I’m Chaehyun and I-I’m just wondering if pwede tayo mag singles?”
Ganito talaga dito kahit mag isa ka pumunta sure parin na makakalaro ka kasi may mag aaya sayo lagi
“Sure” ngiti ko sakaniya “Winter nga pala”
“I know” parang nahihiya siya “I know you nanonood ako ng games mo”
Edi lumalaban din pala siya bakit di ko pa sila nakikita?
Parang nakita naman niya pagtataka ko
“Sa provincials pa tayo magkikita” sabi naman niya
Ahh kaya pala makakalaban palang pala namin sila, okay lang kaya na makipag laro ako ngayon sakaniya? Baka magalit si coach
Nakita niya siguro pag aalangan ko “sorry, am i making you uncomfortable?”
“Ah hindi naman” nahihiya ako sumagot“sige laro tayo mag-shoes lang ako”
“Really? I’ll wait for you sa court” agad siyang pumunta sa friends niya
Nakita ko pa silang nagtutulakan at si chaehyun na ngiting ngiti pero nung nakita nilang nakatingin ako sakanila agad silang tumigil… cute
Nagsimula na kami mag singles
Ang galing niya
Magkagalaw sila ni Rina sa court
Footworks
Yung pag bagsak ng kamay pagkatapos pumalo, sobrang Rina
Marami na ko nakitang magagaling maglaro pero ngayon lang ako nakakita ng kagalaw na kagalaw ni Rina, parang si Rina tuloy 'tong kalaban ko
Hirap na hirap ako sagutin ang palo niya tapos ang galing niya din magpahabol
2nd set na kami at siya ang nanalo sa unang set
Ako ang lamang ngayong set dahil nakakapag adjust na ako
Nagpahinga muna kami bago mag start sa 3rd set pagod na pagod kasi kaming dalawa
Umalis muna si Chaehyun para mag refill ng tubig
“Bakit nga pala nag doubles ka?” Tanong nung kaibigan niya
“Di ko ata kaya mag singles eh”
“Chaehyun is the ace of our team at nahihirapan siya na matalo ka, wala ka pang training niyan sa singles pero nahihirapan na siya sa game niyo, what more kung singles player ka diba?”
“Oo nga Winter you should try na mag singles next year”
“Last playing year ko na sa mga meets ngayon eh” di na ko makakasali next year dahil sa age limit kaya pag nag grade 12 ako wala na ako malalaruan, maliban kay Rina kasi maraming tournament na sinasalihan ang vball team
“sayang naman” nginitian ko lang naman siya
Nakabalik na si Chaehyun at di parin tapos magtanong sa akin ang mga ka team niya
“Nakaabot na po kayo sa nationals?”
Umiling naman ako “hindi ako maka abot dun eh hanggang regionals lang ako lagi”
pero that’s my dream kahit dati pa gusto ko maka abot sa palarong pambansa
Sana makapag nationals na talaga ako ngayon, last chance ko na 'to
Nagpaalam yung mga ka team ni Chaehyun sakaniya na mauuna na daw sa hotel nila, nagsstay lang kasi talaga sila dito dahil ng provincials na game
At dahil ang host ng provincials ngayong year ay ang city namin kaya dito din gaganapin ang mga games
Tinuloy na namin ang 3rd set
Kaya ayaw ko mag singles hindi na kasi ako makapag isip during rally
Natapos ang game namin 15-10, panalo siya
Napahiga na ko sa court sa sobrang pagod, parang nagsisi ako na pumunta ako dito ngayon
Sabi ko gusto ko lang ng chill na laro eh, yung pagod ko ngayon parang pang 1 week na
Napahiga ako sa court sa sobrang pagod
“Dyan ka na ba matutulog?” Tanong naman ni Chaehyun habang inooffer ang kamay para itayo ako nginitian ko naman siya
“Nice game, next time doubles naman tayo?”
“Sure” sagot ko naman
Nagshower na kami para maka alis na
Nagpaalam na si Chaehyun na mauna na umalis dahil aabutan na siya ng curfew ng coach niya
Lumabas na din ako nung maayos ko na ang gamit ko
Naabutan ko naman siyang naghihintay ng masasakyan
“Chaehyun hatid na kita” offer ko sakaniya malapit naman kasi yung hotel nila sa pinagt-trainingan nila Rina
“Winter hindi na ko tatanggi aabutan na kasi talaga ako ng curfew”
Sumakay na kami sa sasakyan ko
“Sorry sa abala ah?”
“Ayos lang yun”
Habang nasa daan small talks lang kami, medyo awkward pero ayos lang naman
Pagkarating namin sa hotel nila nagpasalamat siya at umalis na ko
Hindi naman nagtagal nakarating na ko sa venue ng training nina Karina, pumasok na din ako sa loob para matulungan ko siya magdala ng gamit
“Hi love” bati niya sakin habang papalapit para yakapin ako
“Kamusta training?”
“Tiring, babe my body hurts so bad"
"massage kita later?"
"yes please" hinalikan niya muna ako sa cheek bago humiwalay sa yakap namin
Halos buhatin ko na siya nung naglalakad kami papunta sa kotse, parang anytime kasi babagsak siya
"how was you day babe?"
Nagkwento naman ako ng nangyare ngayong araw, ito pinagbago ko pamula nung naging kami ni Rina naging pala-kwento na ko
Kinwento ko na din kay Rina yung kay Chaehyun, hindi naman siya sumasagot
“Babe?” Pagharap ko sakaniya tulog na pala
Kinuha ko nalang yung maliit na blanket sa likod at inilagay sakaniya
Kawawa naman ang baby ko
…
Mag iisang linggo na
Ganun lang rin nang ganun ginagawa ko
Training sa umaga
Punta sa school pagkatapos
Badminton center bago ko sunduin si Rina
Pagkarating ko sa badminton center sinalubong ako agad ni Chaehyun
Palagi ko na din nakakasama team ni Chaehyun dito
“Win!! May tournament daw dito sa weekend” excited niyang salubong sakin
“Oh talaga?”
“Yes!!! I know magugustuhan mo yung grand prize”
“Ano?”
“Raketa and shoebag” wow yun na yun?
“Yun lang naman pala eh”
“Na may signature ni Lee Yong Dae”
Nanlaki yung mata kong napaharap sakaniya
“Totoo ba?!” Tumango naman siya habang nakangiti
“Nagkaubusan ng slots kanina kaya ako nalang nag entry for you and sa kadoubles mo”
“Thank you!! Sabihin ko na kay Rina agad mamaya”
Buti nalang talaga nakapag pasa siya ng entry gustong gusto ko talaga makuha yung prize
Excited na kaming dalawa kasi idol talaga namin si Lee Yong Dae
Kaya ayon good mood ako habang naglalaro
Pagkatapos namin maglaro nagready na ko umalis para sunduin ang girlfriend ko
...
Habang nasa sasakyan kami ni Rina binanggit ko na agad yung tungkol sa tournament baka makatulog na naman eh
“Babe may pa tournament ang badminton center gusto mo ba sali tayo?”
“When?”
“Sa weekend daw 7pm start ng tournament” chineck niya yung calendar niya sa phone
“Sige baby sali tayo” ngiting ngiti naman ako sakaniya
“Why are you so excited love? This is not your first tournament outside the school”
“Babyyy yung prize may signature ni Lee Yong Dae”
“Oh my god!! Yung idol mo!!” nakangiti naman akong tumango
“We’ll win that tournament babe I’ll play my game for you”
Nagulat ako sa sinabi ni baby kasi wala pa naman samin ang nakakakita ng tunay niyang laro
At nakakakilig lang na ipapakita niya yun for me
Pero bakit nga ba hindi niya pinapakita yung game niya?
Tanungin ko ba?
Oo sige
Tanga kinausap ang sarili
“Baby bakit nga pala you’re not giving your all tuwing may game ka?”
“It’s not needed naman kasi” i rolled my eyes at her
“Yabang” natawa naman siya
“But it’s true babe, I can beat them naman nang hindi pinapagod ang sarili ko”
“Mas yumabang ka sa part na yan babe”
“Whatever” natawa naman ako
“Tapos yung mga games mo sa palarong pambansa nagpapatalo ka talaga diba?”
Hindi siya sumagot pero nakangiti lang siya
“Tell me the truth babe”
“How did you know?”
See, tama ako nagpapatalo talaga siya tuwing nationals di ko alam kung maasar ako o ano kasi pangarap ko talaga makarating dun, tapos tinatapon niya lang laro niya pagdating dun
“Because I’ve been observing your game for the past six years na, so bakit nga?”
“I don’t want to get scouted babe, badminton is just my hobby ayaw ko siya seryosohin”
Kung kasing galing siguro ako ni Rina nasa ibang bansa na ko
“Pero pag sa volleyball ka nascout?” Di siya nakasagot
…
Sobrang excited na talaga ako para sa tournament mamaya
Nag ayos ako kanina ng training para nasa kundisyon ako sa tournament, nagpaalam na din ako kay coach tungkol dun at pumayag naman siya basta daw mag ingat
Hindi ko pa nakikita si Rina buong araw kasi may tuneup game sila ngayon
Nag alala pa ko kanina dahil baka hindi siya makarating pero nag promise naman siya na hindi siya mawawala mamaya
Nasa library kami ngayon, dito na kami dumiretso pagkatapos ng training para makapag habol sa klase
Nagbabasa lang kami nang mag ring ang phone ko, agad naman akong sinaway nung librarian
Si Chaehyun pala
Lumabas muna ako para sagutin ang tawag
Pagkabalik ko katakot takot na tingin ang binigay sakin ni Giselle
“Why?” Medyo kinakabahan kong tanong
“Who’s Chaehyun? I’ve never heard of her name”
“Ah oo friend ko yun nakilala ko sa badminton center, singles siya maalin sainyo ni Ryujin makakalaban niya”
“Why did she call you?" Katakot naman 'tong si Gi "And alam ba ni Rina?"
“May sinabi lang siya tungkol sa tournament mamaya, anong dapat malaman ni Rina?”
“Na you have a new friend”
“Ano ba yan Winter hindi ka na naubusan ng babae kakatapos lang nung kay Shuhua tapos may babae ka na naman ngayon”
“Pinagsasasabi mo dyan Ryujin?”
“So? Alam ba ni Rina?”
“Ah tinry ko sabihin sakaniya pero tulog pala siya nun tapos nakalimutan ko na sabihin sakaniya”
“Ano itsura Winter? Maganda ba?” Tanong ni Ryu
“Yaaan dyan ka magaling Ryujin” napatagalog na si Giselle
“Tinatanong ko lang naman kung maganda?”
“Oo maganda naman siya” inirapan naman ako ni Giselle bakit ba ano ba ginawa ko
“Do you have a photo of her?” Tanong ni Gi
“Wala bakit ko naman siya kukuhanan ng picture?”
“Gusto namin siya makita Wintot ano pangalan niya ba search natin”
“I think she followed me on twitter”
“Patingin!” Sabay na sabi nila sakin, nagulat naman ako
Iniabot ko sakanila yung phone ko na nakabukas sa twitter
Nasa harap ko sila kaya hinayaan ko nalang na magtingin sa phone ko
Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sakin ang sama na naman ng tingin nila
“Oh bakit na naman?”
“What is this Winter?” Tanong sakin ni Giselle
Comments