LMLY 35
Let Me Love You
Kada araw pabawas na nang pabawas kami sa team, regionals na kaya naman expected naman talaga na mas magagaling na mga makakalaban namin
Game na nina Haechan ngayon at do or die game pa
Ibang iba talaga ang game ng mga lalaki sobrang magkantsawan, kaya madalas nagkakainitan talaga eh
Ilang beses na nga napagsabihan ni coach si Haechan kasi halatang asar na siya, eh mahirap lang pag asar na nanggigigil na pumalo kaya madalas nag eerror
Nanonood lang naman ako pero pati ako kinakabahan, sobrang intense kasi ng laban ngayong third set
Napatingin ako kay Rina
“Babe sana manalo sila” malungkot naman yung ngiti ni Rina
Alam ko ang ngiti na yun…
Alam na ni Rina ang kalalabasan ng game
…
At natalo nga sila
Kami nalang ni Rina ang nakarating ng semis kaya kami ang inaasahan ni coach
Game na namin, pag nanalo kami dito makakapasok kami sa finals
"love, namumutla ka na. Breathe, wag ka kabahan I'm here lang" pagpapakalma sakin ni Rina habang naglalakad kami papunta sa court
Sobra akong kinakabahan dahil yung makakalaban namin ay yung tumalo samin ni ate Yeri at pinulbos talaga nila kami, ni hindi nga ata kami naka two digits sakanila eh
"Win, mag shout ka later pag naka point" nakakatulong kasi ang pag shout nakakawala kasi yun ng kaba
Nagstart na ang game
Ibang iba ang game ni Rina
She’s giving her all na kahit sina coach nagulat, ngayon lang namin nakita ang laro niya
Pero nag e-error na naman ako lalo na pag re-receive ng palo
"Win, My smashes are better than hers, kayang kaya mo yun ireceive nag practice tayo diba?" Tumango naman ako at nag ready na kasi magseserve na ang kalaban
Rina's right mas magaling siya sa kalaban namin, nadadala lang siguro ako ng kaba
Nahihiya na ko kay Rina pero she said na okay lang daw yun play my game lang daw
Palitan lang kami ng puntos, laging natatapos ang rally dahil sa error ko
Sila ang nanalo sa first set at nakabawi naman kami sa second set
Time out ngayon bago magstart ang third set
“Love, palo ka lang ha cover ako, at pag nag clear ako side to side agad medyo mabagal rotation natin kaya nahuhuli tayo, pag alanganin na taas mo muna para makapwesto tayo” mahinahon na paliwanag sakin ni Rina habang pinupunasan niya yung mukha ko
Tumango naman ako, hindi ako makasalita sa sobrang hingal
“And yung taller one sakanila she’s tired na kaya siya pahabulin natin okay?”
“Sige” maikli 'kong tugon
Si coach nakatayo lang sa harap namin
Sa sobrang tiwala niya kay Rina hinahayaan na niya na si Rina nalang ang mag desisyon
Ang sasabihin nalang niya “kaya niyo yan”
“Kaya niyo yan” sabi ni coach bago kami bumalik sa court
O diba yun lang talaga sasabihin niya
Ginawa ko lahat ng sinabi ni Rina at tama naman siya kaya lamang kami ngayong third set
Match point na kami
Hinabol ko yung shot palikod nang marinig ko ang sigaw ni Rina
Napatigil naman ako agad at gulat na napatingin sakaniya
Tinawag lang naman niya akong baby… sa harap ng maraming tao
Nakakahiya pero nakakakilig
Biglang sumenyas yung line judge ng out
Kaya naman pala ako pinigilan ni Rina na kunin pa yung shot
Tumakbo palapit sakin si Rina at niyakap ako "we won!"
Ngayon lang nag sink in sakin na nanalo kami
Nakapasok kami ng finals!!
“Salamat, Rina... Salamat”
"no need to thank me naman. Let's go get that gold medal, love"
Isang game na lang
...
Naglalunch kami ngayon ni Rina, after nito championship game na namin
"babe kinakabahan na ako para sa game mamaya"
"don't be... I'm with you naman"
"yung kalaban natin hindi natin sila nakalaban sa elimination round diba?"
"yes I think sinadya nila na mapunta sa losers bracket para magulat tayo sa game nila pag tayo na ang nakalaban"
"pero sila ang nagpalarong pambansa last year diba?"
"yeah, i think so" mas lalo naman akong kinabahan at nahalata niya naman ito
"but hey don't be nervous you have me naman diba?"
she's right, bakit ako mag aalala kung siya naman ang partner ko?
Pareho kaming kaunti lang ang nakain para hindi mabigat ang katawan namin mamaya sa court
"let's go na?"
...
Halata sa mukha ni coach Nichkhun ang galit, andito kasi ngayon ang coach ni Rina kasama yung head ng sports sa school namin, utos na daw ng school ng ipull out si Rina sa game namin at pumunta sa game ng volleyball
Ang unfair, bakit sa tingin nila may importante at hindi na sport? Pantay pantay lang naman dapat...kaya lang mas pinapahalagahan ang mga ball games. Napaka pangit ng systema
“Sa tingin ba nila hindi importante ang laro namin?! Basta basta nalang sila mag didesisyon ng ganun?” Sabi ni coach nichkhun
“Tapusin ko po muna ang laro namin ni Winter”
“Gusto ng coach na ikaw na agad palaruin first set palang” sagot ng coach ni Rina, hindi na kasi siya ang may hawak ngayon sa regionals kasi hindi naman nanalo ang team nila
“If ganun po I can’t play, championship game na yung next naming laban ng partner ko” walang pagdadalawang isip na sagot ni Rina
“Kapag hindi ka naglaro dun karina they will not let you play sa mga susunod na season” napatingin naman ako dito, ang unfair nun... pero alam kong kaya nilang gawin
Hindi pwede, next year kasi binabalak ni Rina na mag focus na talaga sa vball at kung hindi siya makakalaro alam kong sobrang malulungkot siya, hindi ko ata kakayanin yun
“Ano ba tingin niyo sa badminton?! Biro lang ha?! Mga gago pala kayo eh” sumabog na talaga ang galit ni coach pasugod na din siya sa coach ng volleyball pero napigilan agad siya ni Haec
Comments