Hindi Nagmamadali

Muntik Na
Please Subscribe to read the full chapter

“Next auditionee, standby!”

 

Sambit ni Ningning mula sa kabilang linya ng walkie talkie.

 

Mabilis naman na pumunta ang assigned staff sa holding room ng auditionees para tawagin ang mga susunod in line.

 

Ngayon ang huling auditions para sa joint event ng CSC at AES kaya marami rin ang students na humabol sa registration kahapon. Kinailangan na namin mag cut-off ng bilang dahil hindi kami matatapos kung tatanggapin namin lahat.

 

Nandito na kami ni Giselle since lunch kasama ang ibang officers ng both orgs. Sumunod na lang ang ibang staff volunteers bago magsimula ang auditions dahil sa kanya kanyang schedule.

 

Hindi naman kami marami ngayong araw dahil auditions pa lang pero nandito rin halos lahat ng kasama namin mula first audition. Buti na lang at umaga ang schedule ko today kaya nakapag volunteer akong tumulong. As much as possible, ayaw ng council na magskip kami ng klase para lang sa events kaya naghahanap talaga sila ng volunteers na libre ang schedule tuwing may event.

 

Karamihan ng staff ng council ay abala sa function room at holding room. AES ang naghanap ng judges at kami ang abala sa pag reserve at setup ng venue.

 

Magkahiwalay kami ni Giselle ng task at si Ningning ang kasama niya sa loob ng function room para asikasuhin ang judges at ang auditionees, habang si Ate Wendy naman ang officer in charge. Si Giselle ang in charge sa live updates and stream ng auditions sa social media accounts habang ako naman ang in charge sa logistics.

 

Kaya habang naghihintay ako matapos ang event o ng kung anong update mula sa main activity hall, nandito ako sa holding area kasama si Ate Joy at ang mga natitira pang auditionees.

 

“Hanggang anong oras kaya tayo? Sana hindi tayo lumagpas sa reserved time natin. Mapapagalitan tayo ng admin.” Bulong ni Ate Joy habang nakatingin sa laptop niya at nagmumulti-task between doing org work at school requirements. Minomonitor niya ang livestream habang nakasuot ang isang earphone sa tenga niya.

 

Tinignan ko ang relo ko at malapit na pala mag 7pm. Hanggang 8pm naman ang event reservation namin kaya tingin ko hindi kami lalagpas.

 

“Tatlo na lang naman ang natitira. Malapit na tayo matapos ate.” Mahinang sagot ko sa kanya na binalikan naman niya ng hopeful na ngiti.

 

Parang lumipas ang natitirang oras at nang marinig namin mula sa radio na pinapatawag na ang huling set ng auditionees, nagsimula na akong mag instruct ng pack up sa holding room kasama ang dalawang lalaking staff volunteers.

 

“Once okay na kayo rito, sunod na lang kayo sa lobby para standby tayo once tapos na sila sa function room.” Saglit akong nagpaalam kay Ate Joy matapos kausapin ang mga kasama ko.

 

Nagpunta ako sa lobby kung saan may ilang members ng AES ang nag aasikaso ng table na pinaglalagyan ng mga pagkain para sa judges at sa volunteers. Si Winter pala ang busy sa pag aayos ng token for the judges at kasama niya sina Yunjin at Chaewon, na kaninang naka-assign sa registration.

 

“Masarap ba ‘yan?” Tanong ni Yunjin sa dalawa na tahimik na nagtatrabaho. Tinitignan nito ang mga nakalatag na meal at snacks.

 

Kinuha niya ang isang ensaymada mula sa box at binuksan.

 

“Oh, sa’yo na ‘yan ah. One per staff volunteer lang.” Masungit na sabi ni Chaewon sa kasama.

 

Nagkibit balikat lang si Yunjin at nagmake-face kay Chaewon. “Winter, tikman mo. Masarap!”

 

Inalok niya kay Winter ang kinagatan niyang ensaymada.

 

“Ano ba ‘yan?” Nabaling ang atensyon nito sa nilapit na pagkain sa kanya. “Hindi pa nga tayo tapos dito, kumakain ka na.”

 

“Sorry, hindi na kasi tayo nakapag lunch kanina di ba?” Tumawa lang si Yunjin at pinilit pa ring pinatikim kay Winter. Hindi naman na ito tumanggi at kumagat na rin.

 

Mukhang nagustuhan niya ito base sa pagtaas ng mga kilay niya at pagtango. May iba rin pala siyang expressions ‘no?

 

Napatingin siya sa gawi ko at parang natigilan. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala sila pinapanood. Awkward akong nag tight lipped smile with matching taas ng kilay habang siya ay mabilis na kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig. Ngumiti rin siya pabalik kahit halatang nahihiya at awkward.

 

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa may chairs sa labas ng function room. Lumabas na ang second to the last auditionee kaya anytime soon, magpapack up na rin kami dito sa area.

 

Tahimik lang ako sa pwesto ko at tinitingnan kung ano ang mga liligpitin pa. Mukhang grupo na nina Winter ang bahala sa food distribution sa guests at staff after ng event kaya magfofocus na lang kami sa mga ginamit namin mula sa function room.

 

Ever since that time na magkasama kaming naghihintay ng masasakyan pauwi, hindi pa ulit kami nakapagsabay. Magkaiba nga talaga siguro ang schedule namin at marami na rin ang ginagawa.

 

Pero after that encounter, nagpasalamat sa akin si Winter nang magkita kami ulit for the event preparations. Binigyan niya ako ng fruit cup mula sa Starbucks na ikinagulat ko kasi hindi biro ang presyo ng pagkain doon.

 

Nakakatawa nga kasi kung alam niya lang daw sana na magkikita kami that day, ponkan daw dapat ang ibibigay niya sa akin kasi mukhang gustong gusto ko raw ‘yun. Ang cute lang.

 

Kahit madalas kaming magkasama sa event preparations, hindi kami nakakapag usap dahil busy at may kanya kanya ring grupo minsan. Madalas lang kaming nage-exchange ng (awkward) smiles kapag nakakasalubong namin ang isa’t isa.

 

Nagsimula nang mag labasan ang mga tao mula sa function room at inasikaso ng karamihan ang mga invited judges. Nang maihatid na ang mga ito sa elevators, saglit na naghuddle ang grupo para sa last instructions.

 

“Good job today, guys! Smooth naman ang event so hopefully consistent until the live events.” Masayang bati ni Ate Wendy sa lahat.

 

“Pack up na tayo for tonight. Wag kalimutan na i-double check lahat at kuha kayo ng food from the table bago kayo umuwi. Thank you!” Nagpasalamat si Ate Joy sa lahat at nagpasalamat din ang staff volunteers collectively.

 

Pumasok naman ako sa loob kasama ang logistics team para mabilis na makapag pack up.

 

“Galing mo today ah.” Bati ko kay Giselle na mukhang pagod na sa mga naganap.

 

“Talaga? Nakakaloka nga kasi nawalan ng signal at some point!” Nagpatuloy lang na magkwento si Giselle habang lahat kami ay nagliligpit.

 

Dahil auditions pa rin lang naman, kaunti lang ang hiniram naming gamit kaya mabilis lang din namin silang nalikom at naorganize.

 

Habang nilalagay ko ang cables sa box, lumapit sa akin si Giselle, “Rina, mauna na kami. Ibabalik pa namin ‘tong cameras sa media club then diretso na ‘ko. Nandyan na raw ‘yung sundo ko.”

 

“Okay, ingat ka.” Sabi ko, quickly hugging her.

 

Hinawakan ko ang cart habang pinagtulungan ng mga kasama ko na buhatin ang mga box na ihahatid sa office sa baba. Maya maya pa ay inikot ko ang buong area para sa last checking at kinuha na namin ang mga gamit namin. Sama sama kaming sumakay sa elevator dala ang cart.

 

“Karina, kami na bahala mag balik ng mga ‘to. ID naman ni Dan ang nakasurrender sa office. Kahit mauna ka na.” Sabi ni JJ.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
May nagbabasa pa ba nito? Malapit na matapos and need na mag move on 🥲 Thank you sa mga nagbabasa pa rin at sa mga matyaga magcomment kahit natagalan sa updates 🥹

Comments

You must be logged in to comment
yujisaurus
#1
Chapter 4: CUTE NI WINTER HAHAJAJAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
yujisaurus
#2
Chapter 3: Grabe the conviction sa pagsabi ng ‘Hindi pa’. 😆 May balak siguro ‘tong si K.
yujisaurus
#3
Chapter 1: I got nervous rin!!! Feeling ko kasama ako ni Winter sa pagsulyap kay Karina t__t Naiimagine ko yung whole scene kasi nagsearch rin ako ng pictures ni K under the sunlight, kinilig tuloy ako 😩😭
yulgotitall #4
Chapter 8: GRABE NAMAN UNG CHAPTER 8. gagi ka winter, mas kinikilig pa ako 😭😭😭
anathemaa
#5
Chapter 8: OMG! I love this chapter. With all my might, binagalan ko ang pagbabasa para damang-dama ko ang bawat pangyayari. Pino-prolong ko rin siguro ang kilig ko. Talagang nagmo-moment din ako bago ko basahin ang kasunod na eksena. HAHAHAHHAHAHA. Kainis! Feel ko tuloy teenager ulit ako na nakaka-experience ng kilig from "happy crush." Mali rin ata na ngayong oras ko 'to binasa kasi nanghihina na ako sa pagtatago ng kilig. Gusto kong tumili bigla pero ayoko naman makabulahaw ng mga taong natutulog na. HAHAHAHHASkdhafjak. I can't wait sa remaining chapters, for sure may development na sa medyo love life ni Winter(sana).
anathemaa
#6
Chapter 1: I'm only starting this fic pero ang ganda sobra. I love the narrations. I love how detailed every actions are, pati na rin ang pagka-describe kay Karina. I'm not really good at picturing things out pero the way every part was recounted, pakiramdam ko nandoon ako sa mismong scene.
prfssrTaC
#7
Chapter 8: AAAAAAAAAAACK!!! Kinikilig akooo huhuhu can’t wait for the next happenings :D
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: HAHAAHHAHAHAHAHAHAHA TAENA RELATE SA GAY PANIC NI WINTER HUHU SHORT CIRCUIT DIN MALALA
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Aayyyyeeeeeee ibubulong ko sayo Miss Karina kung ano secret nyan ni Winter hahahah
justsomeanimelover
#10
Chapter 2: Huhu ang bading bading naman ng W na yan jajsjsjs pero shet hahah same talaga pag may crusb xD