Pasilip: Hindi Nagmamadali

Muntik Na
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina pa ako nakauwi pero heto ako at nakahiga sa kama— tulala sa kisame.

 

Bumabalik sa akin ang mga nangyari ngayong araw, lalo na ang nangyari ngayong gabi. Parang hindi totoo. Para akong nahipan ng kung anong hangin at nagulo ang utak ko.

 

Budol ata ‘yung ganong feeling. ‘Yung pakiramdam na hindi mo sigurado kung totoo bang nangyari o hindi kaya dahan dahan mong binabalikan ang bawat hakbang o ganap.

 

Karina, sabihin mo nga— mambubudol ka ba? Charot lang.

 

Pagkauwi ko, nagtanong si mama kung bakit ginabi na ako. Sinabi ko na lang na medyo na-late ang tapos ng auditions kaya kumain muna ako sa labas at hinintay na humupa ang traffic.

 

Totoo naman, ‘di ba? ‘Yun naman ang nangyari. Hindi naman siya nag-usisa pa kaya sinabihan na niya akong magpalit ng damit at magpahinga.

 

Sinunod ko siya at ginawa na ang routine ko bago matulog. Nagshower ako saglit para maging maaliwalas ang pakiramdam ko at naghilamos. Hindi pwedeng kaligtaan ang skincare! Makinis ang kutis niyan~

 

Tinignan ko ang schedule ko para bukas at kung anong mga dapat kong gawin para sa mga klase ko. Kahit medyo pagod, hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Tamang balanse lang kahit mahirap para good shot lagi kay mama.

 

Dahil na-anticipate ko na maaaring ma-late kami ng tapos sa org today, karamihan ng dapat gawin kong requirements this week ay nagawa o nasimulan ko na ng mga nakaraang araw. Nakapag-advance reading na rin ako noong weekend kaya saglit na lang akong nagscan ng notes ko para may idea ako sa klase bukas.

 

Wala namang bagong assignment na pinost sa group page ng klase kaya ginugol ko na lang ang oras ko sa pag scroll sa social media para marelax ang isip ko bago matulog.

 

As usual, wala namang bago sa timeline ko. Puro memes at random posts lang kung kanino ang nakikita ko. Siyempre, hindi mawawala ang mga selfie ni Ning diyan dahil suki akong taga-like ng posts niya bilang supportive at napagbantaang friend.

 

Nagpost pala siya ng photos from the auditions. Curious ako kaya chineck ko ang post niya.

 

Excited for the semis! Good job AES and CSC team!!

 

PS. Tag yourselves na lang

 

Taray ni ate, napa-english na naman. Pa-conyo effect pa! Makantsawan nga bukas.

 

Inisa isa ko ang mga behind the scene pictures at karamihan naman ay candid photos during auditions at mga selfie niya kasama ang ibang volunteers kanina during down time.

 

Meron siyang pinost na selfies namin bago kami maghiwalay ng stations at mga picture na kasama ko sina Yunjin at Chaewon habang abala sa registration at distribution. Buti na lang walang pangit na kuha kaya ganap na ganap na naman kami sa mga role namin.

 

Napunta ako sa susunod na photo at nakita ko si Karina. Marami ang nahagip sa litrato pero mas malapit ang kuha sa kanya. Mistula naging background elements na lang ang iba.

 

Side view shot at seryoso sa task at hand. Iba talaga ang dating ng maamo niyang mukha. Hindi ko kasi talaga maexplain minsan. Ganon siguro talaga pag masyadong maganda.

 

Inayos ko ang hawak ko sa phone ko at zinoom in ang photo sa screen ko para mas makita ang mukha niya. Kuha lang ‘to ng phone camera pero mukhang siya lang ang maganda. Angat sa lahat.

 

Grabe ka na, Karina.

 

Hay. Naaalala ko na naman ang dinner namin kanina. Bukod sa casual na usapan, wala naman nang ibang naganap. Mas nakakapag usap na kami kahit may dead air paminsan minsan. Mas nagkakaroon na ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang conversation kahit nadidistract ako tuwing tumiti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
May nagbabasa pa ba nito? Malapit na matapos and need na mag move on 🥲 Thank you sa mga nagbabasa pa rin at sa mga matyaga magcomment kahit natagalan sa updates 🥹

Comments

You must be logged in to comment
yujisaurus
#1
Chapter 4: CUTE NI WINTER HAHAJAJAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
yujisaurus
#2
Chapter 3: Grabe the conviction sa pagsabi ng ‘Hindi pa’. 😆 May balak siguro ‘tong si K.
yujisaurus
#3
Chapter 1: I got nervous rin!!! Feeling ko kasama ako ni Winter sa pagsulyap kay Karina t__t Naiimagine ko yung whole scene kasi nagsearch rin ako ng pictures ni K under the sunlight, kinilig tuloy ako 😩😭
yulgotitall #4
Chapter 8: GRABE NAMAN UNG CHAPTER 8. gagi ka winter, mas kinikilig pa ako 😭😭😭
anathemaa
#5
Chapter 8: OMG! I love this chapter. With all my might, binagalan ko ang pagbabasa para damang-dama ko ang bawat pangyayari. Pino-prolong ko rin siguro ang kilig ko. Talagang nagmo-moment din ako bago ko basahin ang kasunod na eksena. HAHAHAHHAHAHA. Kainis! Feel ko tuloy teenager ulit ako na nakaka-experience ng kilig from "happy crush." Mali rin ata na ngayong oras ko 'to binasa kasi nanghihina na ako sa pagtatago ng kilig. Gusto kong tumili bigla pero ayoko naman makabulahaw ng mga taong natutulog na. HAHAHAHHASkdhafjak. I can't wait sa remaining chapters, for sure may development na sa medyo love life ni Winter(sana).
anathemaa
#6
Chapter 1: I'm only starting this fic pero ang ganda sobra. I love the narrations. I love how detailed every actions are, pati na rin ang pagka-describe kay Karina. I'm not really good at picturing things out pero the way every part was recounted, pakiramdam ko nandoon ako sa mismong scene.
prfssrTaC
#7
Chapter 8: AAAAAAAAAAACK!!! Kinikilig akooo huhuhu can’t wait for the next happenings :D
justsomeanimelover
#8
Chapter 4: HAHAAHHAHAHAHAHAHAHA TAENA RELATE SA GAY PANIC NI WINTER HUHU SHORT CIRCUIT DIN MALALA
justsomeanimelover
#9
Chapter 3: Aayyyyeeeeeee ibubulong ko sayo Miss Karina kung ano secret nyan ni Winter hahahah
justsomeanimelover
#10
Chapter 2: Huhu ang bading bading naman ng W na yan jajsjsjs pero shet hahah same talaga pag may crusb xD