- 1 -

Mananatiling Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi! I'm Karina Yu."

Ilang ulit ko nang narinig ang mga salitang iyon sa isipan ko, at umiikot lang ito sa sistema ko nang paulit-ulit.

Sa pa'nong paraan ko ba ito ipapaliwanag? 

Kakaiba ang epekto ng mga ngiti niya, iyong tipo na matutulala ka dahil parang nakasaksi ka ng isang sikat na artista nang harap-harapan. Hindi mo na rin masisisi ang sino mang hahanga sa babaeng nagpakilala sa harap ng buong klase sa mga oras na iyon.

"Ang balita ko, sikat na talaga siya kahit noong nasa kabilang university pa lang siya nag-aaral," wika ni Ningning na kasalukuyang naka-upo sa tabi ko, "Hindi na ako magtataka kung mas sisikat pa siya dito sa school. Ang papansin pa naman ng mga lalaki dito, kala mo namang mga amoy johnson's baby powder e ang aasim nila."

Natawa na lang kami ni Chaewon sa pangbabatikos ni Ningning.

Nagdako ang aming tingin sa bagong estudyante na ngayon ay kasalukuyang nakapuwesto sa harapang linya. Pinagkakaguluhan siya ng iba pang estudyante na narito sa loob ng silid. Ilan pa sa kanila ay pansin mo na gustong kaibiganin siya kaagad, at ang ilan naman ay sadyang humanga lamang nang lubos sa kagandahan niya.

"If I were a guy, I would take my shot as well."

Tumingin kaming lahat kay Chaewon dahil sa biglaang komento nito. Natawa na lang siya sa kung paano namin siya titigan ni Ningning pagkabigkas niya ng pahayag niya kung kaya't mabilis din siyang dumepensa.

"I mean, having a classmate as pretty as her? We're lucky enough already 'no. It's like inofferan ka ni Lord ng pabor, nasasayo na lang kung itetake mo, or hindi."

Tama. Sagot ko sa isipan ko.

"Now that you've met your new classmate, may we begin our class election na? And please, go back to your proper seats." saway ng aming punong guro sa klase, lalong-lalo na doon sa mga nagtayuang estudyante sa harapan.

Agad-agad din namang nag-balikan sa kani-kanilang upuan ang mga lalaking nakapaligid doon sa bagong estudyante. Napapakamot pa sila sa batok na para bang nabitin sila sa pakikipag-usap.

"Deserve." bulong ni Ningning na siya rin naman naming tinawanan ni Chaewon.

Ilang minuto rin ang lumipas bago nila nasimulan ang eleksyon. Kaagad na nanalo si SungChan bilang presidente. Wala naman ang ni isa sa amin ang nagtangkang umapela sa pagkapanalo niya. Napatunayan na ni Sungchan ang kakayahan niya sa pamumuno ng buong klase, at mayroon na siyang magandang relasyon na nabuo sa bawat isa sa amin.

Kung ako lang ang tatanungin ay masasabi ko na maganda ang nagiging takbo ng eleksyon. Maayos lang akong nakikinig sa mga komento nila, hanggang sa parang biglang gustong bumaligtad ng sikmura ko noong makarinig ako ng hindi magandang biro.

"Si Winter po!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ko; na kulang na lang ay umalingawngaw ito sa loob ng silid aralan.

"Oo nga."

"Yieeee!" tukso pa nila Shotaro kay Sungchan dahilan para hampasin siya nito sa braso.

"Guys, please nominate formally so I could write their names." pa-alala ni Ma'am.

Gusto ko na lang kainin ng lupa dahil sa mga naririnig kong biro.

Dumukdok ako sa ibabaw ng mesa para maitago ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Ramdam ko rin ang pag sundot nina Ningning at Chaewon sa beywang ko.

"Go for it." bulong ni Chaewon sa 'kin ngunit sinagot ko lang siya ng limang beses na pag-iling.

"I nominate Ms. Kim Minjeong for the position of vice president, Ma'am." 

Agad akong napabangon sa pagkakadukdok ko, at tiningnan nang masama ang katabi ko sa kaliwang upuan. Seryoso siya? Kasi sa mga oras na ito ay parang gusto kong ihain siya sa mga gutom na tigre sa gubat.

"Minjeong, okay next?" tanong ni Ms. Park habang sinusulat ang pangalan ko sa board bilang isa sa mga unang kandidato.

"Alam mo ikaw? Nakaka-inis ka." pigil inis kong banggit kay Ningning, ngunit tinawanan niya lang ako.

"Ano ka ba? Trip-trip lang naman."

Inirapan ko na lang siya.

Duda rin naman ako na mananalo ako dahil hindi naman ako aktibo sa mga kaganapan sa loob ng klase. Kung may mananalo mang iba, ang sasabihin ko lang ay mas nararapat sila sa puwestong ito kaysa sa 'kin. 'Yung ideya na lamang na hindi naman gano'n kabango ang pangalan ko dito sa loob ng klase ang pinanghahawakan ko sa mga oras na ito—ngunit kung tatanungin ninyo ako kung ano pa ang masasabi kong rason bakit hindi ako ang mananalo sa eleksyon, wala na akong iba pang maisasagot.

Lagot talaga si Ningning sa'kin.

"Can we ask for our nominees to stand here in front?" banggit ni Ms. Park.

Napilitan na akong tumayo sa kinauupuan ko kasabay ang tatlo pang nominado. Nagpalakpakan naman sina Chaewon para sa 'kin—para mas inisin ako.

"Go momshie!" sigaw ni Ningning.

"Pakita mo kung sino ka!" sigaw ni Chaewon dahilan para magtawanan ang mga tao sa klase.

"We'll start na," gumilid si Ms. Park sa tabi ng board upang ituro ang pangalan ko, "May I see kung ilan ang gustong bumoto para kay Minjeong? Kindly raise your hands, please?"

Mukhang ang araw na ito ay hindi talaga ginawa para sa'kin. Bukod sa hindi aliwalas tingnan ang mga pagmumukha ng kaibigan ko, hindi ko na rin alam kung bakit parang mas lalong gumaspang ang mukha ng iba ko pang mga kaklase? Ayoko sanang mag bitaw ng hindi magagandang salita sa kanila ngunit pa'no ko mapipigilan kung isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nanalo sa eleksiyon?

"Oh wow, I didn't know MinJeong was this popular." komento ni Ms. Park nang mapansin niya na halos lahat ng nasa loob ng klase ay nagtaas ng kamay.

Anak ng tipaklong naman.

Plano ko sanang batikusin muli ang mga kaklase ko dahil sa hindi nila magandang pagpili ng kandidato, ngunit agad din namang nahagip ng paningin ko ang babaeng nasa harapang linya.

Sandali lang,

Tama ba ang nakikita ko? Pumikit akong muli nang ilang beses para masiguradong hindi ako nililinlang ng paningin ko. Ngunit mukhang tama naman ako ng nakikita dahil sa pagtama ng mga mata naming dalawa. Hindi niya inalis ang tingin niya sa 'kin nang ilang segundo dahilan para ako na ang kumawala sa pagkakatitigan naming dalawa. Nakaramdam ako ng kahihiyan sa aking katawan, at ramdam ko rin kung gaano kabilis nag init ang pisngi ko dahil lamang sa sandaling nagtama ang aming mga mata.

Sinubukan kong muli na tumingin sa kaniya para ikumpirma kung nagtuon na siya ng pansin sa ibang bagay, ngunit para akong uod na binuh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
902 streak #1
Chapter 5: 😊😊😊😊❤️
Etoile__
362 streak #2
🥳🥳🥳🥳🥳
tenixwnrn #3
congratulations promoted.
barontagalog #4
promoted 👏
EzraSeige
#5
Congrats po otornim promoted 👏👏👏😀💙❄
greatonceu
#6
Chapter 5: Chapter 5: waaahhh sobrang ganda huhuhu nanakit ang mga pisnge ko kaka smile sa bawat nangyayari, feel na feel ko ang slowburn. I love the way you write po, author ʃƪ^3^ can't wait sa mga susunod na chapters \・◡・/
longgadog #7
Chapter 5: ouuuu so far so good
longgadog #8
Chapter 2: huy anong lovely ka jarn sissykorn
Vbjmyij #9
Chapter 4: Love the pacing, looking forward to this !
13luvsfriday
#10
Chapter 4: Ang ganda ng kwento