- 2 -

Mananatiling Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

"Why did you let him off so easily?"

Tumingin lang ako kay Karina habang ang kanang kamay ko ay naka-akbay sa balikat niya. Sinusuportahan niya rin ang beywang ko sa pamamagitan ng pag yakap rito gamit ang kaliwang braso niya.

Tahimik lamang kaming naglakad simula noong umalis kami sa univ., hanggang sa maisipan niyang banggitin ang katanungan niya.

"Bakit hindi?"

Tumingin siya sa 'kin na para bang pinagdududahan na niya ang buong pagkatao ko dahil lamang sa naging sagot ko.

"For real?" magkasalubong ang kilay niyang duda, "Even if you're a God-sent, it's unbelievable na hindi ka nainis or nagalit man lang when he bumped into you ta's hindi ka man lang niya tinulungang tumayo."

Napangisi na lang ako dahil pansin mo pa rin sa ekapresyon ng mukha niya kung gaano siya kagalit sa nangyari kanina.

"Humingi naman siya ng pasensiya sa 'kin. Mukha namang hindi rin niya napansin na natapilok ako nu'ng nagkabanggaan kami. Inasahan na lang niya siguro na kaya kong tumayo mag-isa, at wala namang mali roon." 

"Wow," bahagya pang naiwan na nakabukas ang bibig niya pagkatapos niyang humanga sa sinabi ko, "I...I have no words."

Nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin, samantalang ako naman ay walang kaide-ideya kung anong ibig niyang iparating na mensahe. Ayos lang naman talaga sa 'kin ang nangyari kanina, naiintindihan ko naman kung bakit tumatakbo iyong lalaki sa gitna ng daan kahit na matao. Kung ako man siguro ang nasa posisyon niya ay talagang tatakbo rin ako para maka-abot sa unang klase. Iyon nga lang, malaking oras ang nawala sa 'min dahil sa nangyari—na dapat sana ay itinutulog ko na lang sa apartment.

"Did you eat lunch na?" biglaang tanong niya sa 'kin.

Wala akong masabi sa kung gaano kabilis magbago ang mood niya. Parang kanina lang ay galit na galit siya sa nangyari, ngunit ngayon ay tinatanong na niya kung kumain na ako.

"Hindi pa, plano ko sanang bumili na lang ng cup noodles diyan sa 7/11."

"C-cup noodles...for lunch?"

"Oo?"

"No, I mean, why? Mabubusog ka ba ro'n?"

"Oo naman. Mayroon talagang mga pagkakataong gusto ko e cup noodles lang ang kakainin, tapos hahaluan ko na lang ng kanin. Busog na ako ro'n."

"I still don't understand. It's not even good for your health."

"Tama naman, pero nakakatipid din kasi ako sa gano'n lang at saka medyo mahilig din ako sa noodles." nakangiting banggit ko pa kaya't wala na siyang nagawa kung hindi ang ngumisi bilang sagot.

"Is your apartment near here lang sa 7/11?" tanong niya matapos naming marating ang convenience store na tinutukoy ko kanina lang.

"Ayun oh."

Tinuro ko ang tatlong palapag na building hindi kalayuan sa kinatatayuan namin, sinundan lang niya ng tingin ang kamay ko at mukhang nakita naman niya ang tinutukoy ko.

"I see, let's go inside muna."

Inalalayan niya akong muli papasok sa loob ng 7/11 at pinaupo ako sa bakanteng upuan. Mabuti na lang at walang mga nakatambay ngayon dito kahit pa oras na ng tanghalian.

"Wait for me here."

"Sandali—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makalabas na siya, at tuluyang nawala sa paningin ko.

Sa'n pupunta 'yon? Tanong ko sa isip ko. Babalik na kaya siya sa univ.? Mahaba-habang oras na rin ang nakuha ko mula sa kaniya. Malaking abala na siguro ako.

Aalis na kaya talaga siya? Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat ng maayos. Pero malinaw din naman na sinabi niya kanina na hintayin ko siya rito, hindi ba? Kung gano'n ay ano kaya ang inayos niya? Sa'n kaya siya pumunta?

Limang minuto,

Ganoon lamang katagal ang hinintay ko bago ko muling masaksihan ang magandang babae na kasama ko kani-kanina lang. Pawis na pawis siyang tumatakbo papasok sa loob at tumayo sa harap ko kung sa'n ako nakaupo ngayon.

"Sorry, did I make you wait long?" hingal na tanong niya.

Akmang tatayo na ako para siya naman ang makaupo sa p'westo ko dahil kita naman ang pagod niya sa pagtakbo. Pinigilan niya ako sa balak kong gawin at inilapag sa mesa ang hawak niyang puting plastic. Hindi ko ito napansin kanina noong pumasok siya.

"You can't even stand properly, pero ibibigay mo pa sa 'kin 'yang upuan mo," iiling-iling niyang sagot sa  'kin, "Dati ka bang kanang kamay ni Lord?"

Natawa na lang kami pareho sa sinabi niya. Kita pa rin ang pagpatak ng pawis niya sa mukha kahit na nakapasok na siya sa loob, at kahit na malamig naman dito. Kaagad ko namang dinukot sa bulsa ko ang aking panyo para i-abot sa kaniya.

"No, no need! Nakakahiya naman, puting puti 'yang panyo mo pero madudumihan ko lang."

"Pa'nong madudumihan e parang mas malinis pa nga 'yung pawis mo kaysa sa buong pagkatao ko." pag-bibiro ko sa kaniya na siya rin naman naming tinawanan.

"Pero seryoso, no need. Bibili na lang ako ng tissue."

"Kuhanin mo na, kahit hindi mo na ibalik sa 'kin. Ano ba naman 'yang panyong 'yan kung ikukumpara mo sa tulong na naibigay mo sa 'kin ngayong araw."

"It's no big deal, pero sige, kukuhanin ko na, ha? I'll give it back to you once na napalabhan ko na." tumango na lang ako bilang tugon para mapunasan na niya ang pawis niya.

"Ah, here nga pala. I bought bandages and cold spray for your sprained ankle." banggit niya habang nilalabas ang mga pinamili niya mula roon sa puting supot. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Huy, bakit nag-abala ka pa? Magkano 'to?" 

"Why?"

"Anong bakit? Syempre babayaran ko." 

Pinasadahan lamang niya ako nang nakakalokong ngiti, at ako naman na walang kaalam-alam sa nangyayari ay nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Do you know how to apply a compression wrap?" pag-iiba niya ng usapan kaya't napakunot na lang ako ng noo. "Oh my God look! Your ankle's swelling already!"

"Teka, teka! 'Wag mong ibahin ang usapan." mahigpit na pagbabawal ko sa kaniya dahilan para ngumuso siya sa kaniyang pagkatalo.

"No need to pay me naman e, I thought nagtitipid ka?"

"Pero ibang usapan naman hetong mga pinamili mo dahil ako naman ang may kailangan."

"Consider it na libre ko," panimula niya ngunit nang mapansin niya na hindi pa rin ako kumbinsido ay nagpatuloy lang siya sa pangungulit, "If ayaw mo pa rin, then you can buy me cup noodles na lang din for lunch. How does that sound? Good 'di ba?"

"Eh pero akala ko ba hindi mabuti sa kalusugan ang cup noodles para sa 'y—"

"Pretty, please?" panunuyo niya kasabay nang pag lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Napasinghap ako sa ginawa niya. Halos ilang segundo rin akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. 'Yung tipo na parang bigla kong nalimutan kung pa'no huminga? Ramdam ko rin ang mabilis na pag-tibok ng puso ko, kasabay na rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa pagkabigla. Gano'n lahat ng naramdaman ko nang sabay-sabay dahil sa inakto niya.

Hindi ko na rin nakayanan labanan ang sarili ko na sumangayon sa gusto niyang mangyari noong pinagdikit niya ang dalawang palad niya sa harap ko na tila ba nagmamaka-awa para mapagbigyan.

Umiwas na lang ako ng tingin sa mga mata niya dahil parang hinihila ako nito upang lunurin.

Sa paanong paraan pa ako makakatanggi kung ganito kaganda ang hihingi ng pabor sa'yo?

Parang imposible.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
902 streak #1
Chapter 5: 😊😊😊😊❤️
Etoile__
362 streak #2
🥳🥳🥳🥳🥳
tenixwnrn #3
congratulations promoted.
barontagalog #4
promoted 👏
EzraSeige
#5
Congrats po otornim promoted 👏👏👏😀💙❄
greatonceu
#6
Chapter 5: Chapter 5: waaahhh sobrang ganda huhuhu nanakit ang mga pisnge ko kaka smile sa bawat nangyayari, feel na feel ko ang slowburn. I love the way you write po, author ʃƪ^3^ can't wait sa mga susunod na chapters \・◡・/
longgadog #7
Chapter 5: ouuuu so far so good
longgadog #8
Chapter 2: huy anong lovely ka jarn sissykorn
Vbjmyij #9
Chapter 4: Love the pacing, looking forward to this !
13luvsfriday
#10
Chapter 4: Ang ganda ng kwento