Palagi

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Napansin ni Winter. Nung una, inisip niya na baka itinago muna ni Karina ang necklace na bigay niya sa desk nito sa kwarto pero kahit kinaumagahan.. sa paghahanda sa pagpasok sa klase, hindi suot ni Karina ang kwintas na binigay niya on her birthday last year. 

 

Hindi naman nagdedemand si Winter na isuot yun ni Karina palagi, nanibago lang siya dahil todo flex pa si Karina nun araw-araw.

 

Anyway, wala naman siyang magagawa kung biglang ayaw na ni Katarina na isuot yun. She appreciates that Karina wore it many times. 

 

Meanwhile, nakaisip naman si Karina ng way para bumawi sa girlfriend niyang clueless sa mga nangyari. 

 

Para ipakita ang pagbawi niya, nagmadaling lumabas si Karina mula sa room nila pagkadismiss sa klase para lang tumakbo paakyat sa third floor kung saan palabas na din maya-maya sina Winter at Giselle.

 

May joint class silang gaganapin sa AVR mamaya. Hindi para sa compre, kundi sa technopreneurship. Pagsasamahin daw sila, ang section nina Winter, yung kabilang section ng transpo, at ang section nina Ningning. 

 

Basically, ang handle ni Mijoo at ni Yooa-- na professor ni Karina sa kursong yun ang magsasama-sama sa eventful activity daw na inihanda ng mga professors. 

 

Kaya naman tahaimik na nakaupo si Karina sa may hagdan katabi ng room nina Winter ngayon. Ilang minuto nalang naman ang paghihintay niya. 

 

Plano niya lang ay 'sunduin' si Winter para sabay silang pumasok sa techno class nila. 

 

Nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto, gumilid muna si Karina para padaanin ang mga kaklase ni Winter na naglalabasan mula sa kwarto.

 

"Uy, Kat! Maaga dismissal niyo?" Si Giselle pa ng unang nakakita sa kaniya, ang bagal kasing maglakad ni Winter at ayaw makipagsabayan sa madaming tao. 

 

Karina smiled, tumango-tango lang habang hinahanap ang girlfriend niya. 

 

"Nakita mo na ba?" Pabulong na tanong pa ni Giselle na tumabi na sa kaniya para hintayin din si Winter. 

 

Napalunok si Karina sa tanong, hindi pa kasi. "Hindi pa, kaya shh ka lang muna, okay?" Nakatanggap pa nga ng pat sa ulo si Giselle. 

 

"Bakit ka nandito?" Yan agad ng tanong ni Winter. 

 

Alam niyang random madalas ang girlfriend niya pero sa kanilang dalawa, siya ang palaging sumusundo kay Karina kaya napatanong siya.

 

"Very welcoming naman ng girlfriend ko sakin." Sagot niya, inakbayan na si Winter habang tinatawanan ni Giselle ang pakulo niya. 

 

She glared at her friend bago hilahin si Winter pababa ng hagdan. 

 

"Rina, baka mahulog tayo!" Pagmamaktol ni Winter na napahawak nalang sa railings dahil hindi naman siya makawala sa yakap ni Karina. 

 

Napailing nalang si Giselle. 

 

---

 

Sections nina Winter, Giselle at Ningning and Yeji and handle ni Mijoo kaya parehong nasa right side ang inupuan nila. Sina Karina naman, sa left side ng auditorium. 

 

Maganda ang planong joint class at pabor para sa mga professor dahil hindi na nila kailangang magpaulit-ulit ng discussion at mga sasabihin na announcements sa mga klase nila. 

 

"Hello? Mic test. Mic test." 

 

Nagtinginan ang lahat sa unahan kung saan nakaupo sina Yooa at Mijoo na para bang may magaganap na showbiz exposé talk. 

 

"Sana nakapagsimula na kayo sa report and prototype ng final project niyo dahil next week na ang pasahan nun." 

 

Agad na umingay ang mga estudyanteng nag-usap-usap tungkol sa status ng project nila. Sina Winter at Giselle, nagkatinginan nalang. Bukod sa wala pa silang nasisimulan, hindi pa kumpleto ang grupo nilang dapat ay tatluhan. 

 

Sina Ningning, Yeji at Heejin naman, palagay na ang loob dahil patapos na ang sa kanila. 

 

Sa kabilang dako ng auditorium, tinapik-tapik ni Yunjin si Karina. 

 

"Kat, kelan overnight natin sa inyo?"

 

Napatigil tuloy si Karina sa pagsusulat-- ng mga lugar na huli niyang pinuntahan mula kahapon. "Sa amin talaga?"

 

"Inyo na yung malawak na boarding house eh." Sabat ni Ryujin na kumakain pa ng lollipop. Napahum nalang si Karina at tumingin sa kabilang parte ng auditorium, sa girlfriend niyang tahimik sa tabi ni Giselle.

 

"Balitaan ko kayo, kausapin ko muna sina Win kasi baka may overnight din sila eh. Most likely, after compre na siguro?"

 

"Oh sigee. Aral muna tayo for finals."

 

"Kaya na yun, sige. G ako." Sabi pa ni Yunjin bago sila matahimik ulit. Nagsalita na din ulit ang professor nila sa harapan. 

 

"And for your activity today... from each group of three, punta dito sa unahan ang isang representative para kumuha ng twenty pieces of bond paper."

 

Nakalagay nga sa may upuan ni Yooa ang boxes of used bond papers na ginamit sa mga lumang print ng manuscripts ng mga estudyante na ipinasa nila for consultation and checking. Naisip lang ng mga professors na sayang naman kung hindi pa gagamitin bago ibenta.

 

Using bond papers, gagawa sila ng building. Ang challenge? The paper building should be stable for at least 10 seconds, kasama din sa criteria ang height at itsura nito. 

 

Pampachill daw para mawala ang stress sa mga projects at exams, sabi ni Mijoo. 

 

Dahil dalawa lang sina Winter at Giselle sa 'grupo' nila, si Giselle na automatically ang representative nila. Hinintay munang makaraan si Ningning na representative ng grupo nina Yeji bago siya tumayo. 

 

Wala lang, gusto lang niyang kasabay si Ningning sa pagkuha ng papel. 

 

"Gigi, asikasuhin niyo na ni Win yung project niyo ha." Paalala agad ni Ningning sa kaniya habang nagbibilang ng bond paper sa harapan. 

 

Bilang sila na din ang magkakasama sa bahay, aware sila sa backlogs ng isa't isa. 

 

"Oo, kaya namin ni Win yun." Idinaan niya nalang sa tawa kahit kanina pa talaga silang namomroblema ni Winter. 

 

Sa paglalakad pabalik, nakasalubong din nila si Karina na hindi sila napansin dahil busy sa pag-iisip kung saan hahanapin ang nawawalang regalo sa kaniya. 

 

Napailing nalang ang dalawa bago bumalik sa mga upuan nila. 

 

"Pwede kayang sa ibang section nalang yung isa nating kagroup?" Tanong ni Winter pagkaupo ni Giselle sa tabi niya. 

 

Gumala na din ang mga mata ni Giselle sa auditorium. May ilan pa talagang walanh kagrupo sa klase nila pero ayaw nilang maging kagrupo yun. Notorious na ghoster kasi sa group projects at yung isa pa, nakapair na ni Winter sa isang subject noon. Hindi tumulong kahit isang beses man lang. 

 

Sa paghahanap ng pwedeng maging kagrupo, nagkatagpo ang mga mata nina Giselle at Yunjin na nasa tabi ni Karina. 

 

Dahil naalala ang usap nila ni Ningning, umiwas ng tingin si Giselle.

 

Pero binalik niya din ang tingin ulit.. napaisip kasi siya, bakit niya iiwasan si Yunjin? Mabait na kaibigan naman sa kanya. That won't be fair.

 

Tama. Hindi siya iiwas kay Yunjin para kay Ningning. 

 

Hindi talaga.

 

But when Yunjin waved at her, nagkunwari siyang busy kausap ni Winter. 

 

"Ano yun, Gigi?"

 

"Shh, kunwari may pinag-uusapan tayo."

 

"Meron naman talaga?"

 

"Sige magsalita ka lang Win."

 

"Ha..?" Litong-lito na si Winter. 

 

"More words kasi!"

 

"Ewan ko sayo, Gigi."

 

---

 

Agaw pansin sa buong klase ang pagtambay ng mga professors sa tabi ng mga estudyante. Si Yooa, pagala-gala at tinitingnan ang pagkakaiba ng mga methods na ginagawa nila. Samantalang si Mijoo, sa isang grupo lang nakatambay. Specifically, ang two-person group nina Winter at Giselle.

 

Dun na narealize ni Karina na baka favorite nga ng professor si Winter. Ayos lang naman, gusto lang niyang panoodin kung paano ba makipaginteract ng girlfriend niya. 

 

Bakod na din. 

 

Sa panonood, napadaan ang tingin ni Karina sa may bandang likod nina Winter-- at nagkatinginan sila ng kagrupo ni Ningning. Parehas pala sila ni Yeji na nanonood kina Winter kanina. Pareho ding binawi ang tingin nang magkatinginan. 

 

Karina shifted her attention sa dalawa niyang groupmates na nagtutupi ng mga bond paper. Si Ryujin, hindi pa din tapos ang pagkain sa lollipop niya. 

 

"Ryujin, kamusta kayo ni Ye-- ng girlfriend mo?" Pasimple niyang tanong, yung tipong parang curious lang. 

 

"Um.. Okay naman yata?"

 

"Yata?" Nakisali na si Yunjin. Parang unsure kasi si Ryujin. 

 

"Hahaha wala lang, okay naman kami? Starting palang, ganun. Getting to know each other.."

 

Napaisip si Katarina dahil wala silang ganun ni Winter. Napaaga kasi ang getting to know each other phase nila. Hindi niya tuloy alam kung tama bang ngayon palang mag-get to know sina Ryujin at Yeji. 

 

Bakit niya ba pinoproblema yun? Yung kwintas dapat ang problemahin niya.

 

"Ikaw, ate Kat? Okay ka lang?" Biglang tanong sa kaniya ni Ryujin, obvious na yata ang pagiging problemado niya. 

 

"Hindi eh.." She sighed, ginurihan ang mga sinulat niya sa papel. Lumipat na ng pwesto para makatulong sa mga kagrupo niya.

 

"Uy, ano yun? Anong problema mo, Karina?" Tanong ulit ni Yunjin, hindi mapigilan ni Karina na mapatawa sa tono ng kaklase niya.

 

"Chismosa ka Yunjin, para kang si Ning."

 

Napahampas naman nang mahina si Yunjin sa braso niya. "Layo naman, Karina! Sweet girl yun masyado eh, sabi ni Gigi."

 

"Bakit hindi ka okay? Gusto mo ba magrant? Andito kami ni Ryu." 

 

Napailing si Karina agad, baka akalain pa ng classmates niya, may problema siya sa thesis. Yun kasi ang common na problema ng mga tao these days. 

 

"Hindi-- ano lang, na-misplace ko yung gift sa akin ni Win." Pagkukwento niya habang nagtutupi na din ng papel. 

 

Napafrown naman si Yunjin na nakikinig talaga. "Ay hala.." 

 

"Wait, ate Kat. Kwintas ba yan?" Biglang tanong ni Ryujin kaya napatigil sila sa ginagawa. 

 

"Oo, yung lagi kong suot.."

 

Yunjin clasped her hands excitedly at tumuro kay Ryujin. 

 

"Hala, may nakitang kwintas si Ryu kahapon sa may hallway."

 

"Totoo ba? Nasaan?" 

 

Ryujin rubbed her nape, tumingin sa kabilang section. 

 

"Binigay ko kay Yeji.. sabi niya dadalhin niya daw sa lost and found eh."

 

Napasapo nalang si Karina sa noo niya. 

 

"Don't worry! Tatanungin ko after class, then ibigay ko sayo agad."

 

"Okay.. thank you. Sana yun na nga yun, papagalitan talaga ako ni Win."

 

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Karina, sana lang talaga, yun nga yung kwintas niya. 

 

---

 

Alas singko nang nadismiss ang huling klase nina Winter. Hinapon na din sila, kanina pang umuwi sina Karina at Ningning nang makatapos sila sa technopreneurship. 

 

"Kelan mo gustong magstart ng prototype?" Winter looked at Giselle sa tanong sa kaniya, iniisip din niya yun. 

 

Dahil sobrang busy sa thesis at compre, napagiwanan na nila ang ibang subject. They're trying.. but it can't be helped. May ilang araw pa naman sila bago ang deadline ng project kaya kalma pa. 

 

Dalawa lang sila sa grupo, yun ang problema. 

 

"Hm.. After nalang siguro ng compre natin, yun nalang ang focus natin pagkatapos ng defense at finals." Sagot ni Winter. 

 

Naglalakad sila ngayon paliko sa kahabaan ng Mars street. Maraming tao, as usual.. kaya naman nakatitig nalang ulit si Winter sa dinadaanan nila. 

 

"Okay." Sagot din ni Giselle. 

 

Unlike Winter, abala siya sa pagtingin sa mga nadadaanan nila. Iba't ibang boses pa nga ang naririnig nila. 

 

Nang makarating sa may PM's, nakarinig si Giselle ng pamilyar na boses-- boses ni Karina. 

 

Nandun nga si Katarina, nagtata-talon kasama si Ryujin. Kung hindi sana nakapangbahay na damit si Karina, it'd be safe to say na pauwi palang silang magkaklase. 

 

Giselle checked if Winter heard it too. Oo, narinig din ni Winter ang excited na boses ng girlfriend niyang nakayakap na kay Ryujin ngayon. 

 

"Puntahan ba natin, Win?" Mahinang tanong ni Giselle, careful pa dahil pinapakiramdaman ang mood ni Winter sa nakita nila. 

 

Umiling si Winter. 

 

"Pagod na ako." At dumiretso sa paglalakad pauwi sa boarding house nila. 

 

---

 

Nagmamadaling tuma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
yhielswift013
0 points #1
Happy birthday po 🎉
ryujinie__
707 streak 0 points #2
🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻
franzii
#3
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
#4
Chapter 48: .... ok.
franzii
#5
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
#6
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
#7
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#8
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#9
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#10
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!