Oras

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON’s

 

“Winter! Ang tagal ha.” Kumatok ulit si Karina sa kwarto ni Winter. 

 

Bihis na bihis siya. Nakablue na dress, braided pa ang pigtails niya. Kaharap niya ang mama ni Winter na naghihintay din sa may pintuan. 

 

“Sorry! Si Mama kasi, pinagpalit ako ng damit." Sigaw ni Winter mula sa kwarto niya. 

 

Nagtawanan nalang ang nanay at girlfriend ni Winter. Totoo naman, kanina pa talaga siya nakabihis pero pinagpalit siya ng nanay niya, para daw bagay sila ni Karina. Puro reklamo pa nga si Winter dahil hindi niya naman alam kung ano bang suot ni Karina at pinwersa siya ng mama niyang magpalit pa ng damit. 

 

Matapos ayusin ulit ang pagkakaclip sa buhok niya, naglakad na si Winter palabas ng kwarto niya. 

 

Agad na napalitan ang simangot niya nang makita ang girlfriend niyang bagay sa dulo ng altar. Kulang nalang, red carpet at pari na magkakasal sa kanila. 

 

Ang ganda ni Karina. Gusto niyang sabihin.. pero naunang magsalit si Katarina na nakangisi sa outfit ni Winter. 

 

“Aww. Ang cute.” Karina and Winter's mom giggled habang pinagmamasdan si Winter na nakapeach na dress, above the knee din ng haba. 

 

“Ng ano?” Takang tanong ni Winter, bumabalik na ang pagkunot ng kilay dahil alam niyang aasarin siya ni Karina. 

 

Minsan lang kasi magdress si Winter. 

 

“Mo.” May pagpisil pa sa cheek ni Winter. 

 

“Hindi naman. Nilalamig nga ako.” Sagot ni Winter kaya tumawa lang ulit ang mga nanonood sa kaniya. 

 

Nagbless na si Winter sa mama niya bago hilahin si Karina pababa ng hagdan at palabas ng bahay. Namumula na kasi siya. Iniisip din, dapat pala binaon niya na yung damit niya kanina para hindi siya nakadress all day. 

 

Laughing, nagpaalam na din naman si Katarina sa mga magulang ni Winter. 

 

"Alis na po kami!" 

 

Paglabas nila ng bahay, naghihintay na nga ang sasakyan nina Karina, nasa shotgun seat na din ang kuya ni Winter. 

 

They'll be having their graduation pictures taken today. 9 A.M. ang usapan nilang apat sa studio, kanina pang nandun sina Giselle at Ningning kahit sina Winter at Karina talaga ang mas malapit. 

 

During the ride, kachat lang ni Karina ang mga kaibigan nila. Pag-uusap ng tatay ni Karina at kuya niya ang naririnig ni Winter, kasama na din ang tugtugan sa speaker ng kotse na pang90's pa. 

 

“Rina.” Tawag niya sa girlfriend niyang parehong occupied ang mga kamay. Isa sa cellphone, isa sa kamay ni Winter. 

 

“Hm?”

 

Winter just wanted to say one thing mula kanina pa. 

 

“Ano yun?” Tanong ulit ni Karina dahil hindi naman nagsasalita si Winter. 

 

“Sabihin mo na Win.” She chuckled, tumingin na din kay Winter na inoobserbahan ang pag-uusap ng kuya at tito niya sa unahan. 

 

“I-ibubulong ko sana..” Mahina niyang sabi. Kaya hindi siya makapagsalita kanina, nahihiya kasi siya. 

 

“Okay.” Nakangiting sagot ni Karina while leaning her ear closer to Winter. 

 

Winter tightened her hold on Karina's hand bago bumulong. 

 

 

“Ang ganda mo.”

 

From the rear mirror, Karina’s father saw how hard her daughter is blushing.

 

---

 

“Woooow, nakadress si Winter!” Yan agad ang narinig ni Winter pagpasok niya ng studio kaya naman bakas agad ang init sa mukha nito nang umupo sa gilid. 

 

Tawang-tawa naman si Karina na pinuntahan sina Giselle at Ningning, nakaupo sa may gitna ng studio habang naghihintay ng turns nila. 

 

Parang nag-usap ang mga magkakaibigan sa mga damit nila kahit hindi talaga. Nagmukhang pastel theme ang photoshoot nila today dahil naka light blue na polo shirt at white skirt si Ningning, cream naman ang kulay ng square pants ni Giselle, matching her light green shirt.

 

“Shh! Baka maghubad yan, sige.” Pagsaway ni Karina sa dalawa nilang kaibigan para tigilan si Winter. 

 

“Bakit mo kasi inasar nang inasar? Edi hindi namin siya pwedeng asarin?” Natatawang sabi din ni Ningning, nakatingin kay Winter na nakaupo mag-isa sa gilid, naririnig sila. 

 

“Oo, full na ang frustration meter niya.” Karina said, pumunta na sa pinagkakaupuan ni Winter para hilahin ang girlfriend niya na nahihiya sa mga kaibigan nila. 

 

Kanina pa ngang pinupuri ni Karina si Winter tungkol sa dress, lalo na pagkatapos siyang pakiligin sa kotse. Yun na ang paraan niya para bawian si Winter. 

 

After they finished the final revisions ng thesis nila, umuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Ngayon lang ulit sila nagkita-kita. Winter and Karina have been very busy with their dates, pinagbigyan na ni Winter si Karina kaya naman bihira din nilang makausap sina Giselle at Ningning in the past week. 

 

“Ning, tara na. Creative shot ko na.” Pagtawag ni Giselle kay Ningning na kausap ni Karina sa may left wall. Kakatapos lang ni Winter sa shots niya, mauuna si ang creative shots nina Giselle at Ningning sa kanila. 

 

“Wait—“ Nagmamadaling iniwan ni Ningning si Karina, saktong dumating naman si Winter at nilapitan ang girlfriend niya. 

 

From where they're standing, kita nila ang nangyayari sa loob through the transparent glass wall. Karina crossed her arms, nakalean sa dingding while Winter's removing the accessories na kinailangan niyang isuot kanina.

 

“Cute nila.” Karina mumbled, napatingin tuloy si Winter sa kaniya. 

 

“Mas cute tayo.” Sabi ni Winter, pasimpleng lumapit para tabihan ang girlfriend niya. 

 

“Tama ka dyan, Win.”

 

Katarina pulled her closer, niyakap si Winter na nakatalikod sa kaniya habang nanonood sila kina Giselle at Ningning na finifigure out pa kung paano ang pose nila. 

 

Winter leaned back, hinalikan siya ni Karina sa temple niya. 

 

“Si Ningning.. Minsan, nahihirapan siyang matulog. Lalo na kapag may tumatahol na aso.. so kapag humanap kayo ng new dorm sa Manila, sana walang aso.”

 

Napagusapan na nila na huwag masyadong magbigay ng goodbye speeches si Winter, pero hindi niya naman mapigilan. Parang pamilya na din silang magkakaibigan kaya paniguradong mamimiss niya ang pag-aalaga ng mga kaibigan niya sa kaniya.. at ang alagaan sila.

 

Karina smiled, glancing at Winter's face na nakatingin pa din kina Ningning. “That’s really thoughtful of you, Win.”

 

"Malikot kasi siya, ramdam ko sa kama ko kaya hindi din ako makatulog." Parang nagrereklamo si Winter kaya naman napatawa nalang si Karina.

 

“Gigi gets upset when she forgets her comb.. kaya palagi akong nagdadala para pahiramin siya.” Winter held onto Karina's forearms na nakahawak sa waist niya. 

 

“Okay, baby. I’m taking note of that.” She felt Karina kissing her again, on the cheek. 

 

Winter faced her, with her default serious face, with her hands on Karina's shoulders. “When you miss me.. just call me. Sasagot ako kahit nasaan pa ako.”

 

Napangiti lang lalo si Karina, ang cute talaga ni Winter. 

 

“Okay. Ganun din naman sa akin.”

 

---

 

Three weeks nalang before their graduation day-- and Winter's departure. Ano pa bang mga naiwan na gawain sa kanila aside from getting their graduation pictures? Magpasa ng hardbound copy ng manuscripts nila. 

 

“Win, what if dalhin ko na dito yung mga damit ko?” 

 

Winter gave her girlfriend a look. Nakahiga lang si Karina sa kama niya habang nagp-practice siya sa shooting range ng valorant. 

 

“Ha? Bakit naman?” Tanong niya, bigla lang kasing nabring up yun. Kanina lang, pinaguusapan nila yung aso sa kabilang kanto. Tapos ngayon, damit naman ni Karina?

 

Ngumisi si Karina. “Since.. dito na din naman ako natutulog.”

 

Winter cackled.

 

“Hindi nga alam nina tita na nandito ka sa gabi eh.” Sagot niya at ibinalik na ang tingin sa laptop niya. Sunod-sunod na 'Watch this!' ang narinig ni Karina. Pinaglalaruan nalang yata ni Winter ang ultimate ability ni Jett.

 

“Syempre, ‘wag mong sasabihin!”

 

Hindi na sumagot si Winter. Dumapa sa Karina sa kama, chin resting on her palm habang nakalean ang elbows niya sa mattress, tinititigan ang likod ng girlfriend niya.

 

“Aalis nalang ako kung ayaw mong nandito ako.” Sabi niya ulit dahil hindi siya pinansin.

 

Again, walang response. Umirap si Karina at nagsalita ulit. 

 

“Okay lang naman, pwede din akong bumalik sa boarding house—“

 

Bago pa niya maituloy ang sasabihin, tumayo na si Winter mula sa gaming chair niya at naglakad palapit kay Katarina na ngayon ay nakagrin na naman. 

 

“Ang drama mo na naman.” Reklamo ni Winter, lumuhod sa tabi ng kama, sa harap ni Karina. 

 

Karina immediately cupped Winter's cheeks, giving her a soft kiss on her lips.. pinalitan ang slight na simangot ni Winter

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
yhielswift013
0 points #1
Happy birthday po 🎉
ryujinie__
707 streak 0 points #2
🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻
franzii
#3
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
#4
Chapter 48: .... ok.
franzii
#5
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
#6
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
#7
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#8
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#9
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#10
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!