C-05

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

“Kilig ka naman?”Tanong ni Liz na nakangiti sa akin. Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari. Medyo napatagal nga kasi hindi ko maiwasang kiligin.

 

Pinigilan kong ngumiti ng todo, “Syempre…”

 

“Wala bang jowa si ate Heejin?” tanong ni Ning Ning sa tabi ko. Sa pagkakaalam ko, wala.

 

Liz shrugged, “Ewan ko, actually. Parang ang ambiguous kasi nilang magtotropa pag dating sa love life nila.”

 

“Alam niyo mas nakakapagtaka kung walang mga jowa yung mga yun,” convinced na sabi ni bud. May point siya, they’re basically perfect.

 

Dagdag pa niya, “Tsaka, parang straight rin silang lahat. Yung vibes.”

 

Yung kilig ko, umurong. Hindi ko naman inisip yung mga possibility na mga yan kasi wala naman talaga akong balak. Until now, I still feel that way, but it does sadden me to hear that baka hindi kami talo, na walang chance, at all.

 

“Not exactly,” natatawang banggit ni Liz. Napatingin kaming pareho sa kaniya. Ano ibig niyang sabihin? Bading sila? May tendency sila?

 

She looked over sa mga pinaguusapan namin. I turned my attention sa kanila. Busy sila magayos ng mga equipment para sa practice. Naghahanap sila ng saksakan para sa speakers and mic.

 

She leaned closer sa amin, and talked in a whisper, “Sabi ko nga diba, ang ambiguous nila. May nabanggit sila recently. Si Gaeul may ka-usap na girl, then si Karina may natitipuhang younger batch, girl din.”

 

“Ah, okay,” I said nonchalantly. Yung crush ko kaya?

 

Eskandalosang nag-react si Ning Ning, “Bading si Karina?” Napalakas pa yung boses niya kaya may mga ilang ka-batch namin ang napalingon sa narinig nila.

 

Tinapik ko ito sa bunganga, “Bud, yang bibig mo.” Dapat lowkey lang kaming nagchichismisan dito eh.

 

Nagtakip siya ng bibig at nanghingi ng paumanhin. Pinagpatuloy na namin ang paguusap, habang wala pa silang utos sa amin. Talagang naka-huddle kami dito sa corner ng court, parang may team meeting na super importante.

 

Vague lang mga kinukwento ni Liz sa amin pero she says that the only people na may love life ngayon sa grupo nila ay si Yunjin at Gaeul. She didn’t specify kung fling lang ba or ano, pero sabi niya hindi daw seryoso.

 

Masama na kung masama pero, ang totoo niyan, may prejudice ako sa kanila. Si Yunjin at Karina, halatang mga habulin, si Gaeul mukhang goody two-shoes, tapos si Chaeryeong, parang yung tipong every week iba yung kalandian. As for Heejin, wala akong masasabi. She is whoever she wants to be.

 

Ha?

 

Hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko sa kanila kasi wala akong ibang mapagbasehan. Syempre, sa akin na lang itong mga iniisip ko. I’m sure others think like me, in a way or another we all judge.

 

“May history ba si Heejin?” I asked.

 

“Nabanggit niya na she has an ex, tapos may nakausap ata siya a few months ago.”

 

Tango-tango lang ako. I expected that she would have more experience than me. Ano naman yung isang naging almost-lover ko, teenager pa ako nun. Wala na ako naging fling or situationship after that. Tsaka, I’m not built for no-label relationships, as a lover girl.

 

“Mga sissy ko, punta tayong Adenauer later. Pakilala ko kayo dun sa friend kong mags-shift,” pagiba ni Ning Ning ng topic.

 

Agree kami agad, wala naman kaming gagawin after practices. Nagkaayaan na rin kaming kumain sa labas, pang-ilan na to this week. Yung allowance ko, paubos na. Baka magalit si papa kung hihingi ako ng extra.

 

Hirap akong humindi sa kanilang dalawa, “Gusto ko ng donut. Daan tayo Krispy Kreme.”

 

After practices, we headed straight to the other building. Ito na ata pinakamaagang dismissal namin sa practice. May mga lakad kasi karamihan sa amin, may mga part pa ng iba’t ibang orgs at clubs. They are in the process of prepping for their booths for University Week, which is this week.

 

Pati yung competition, this week na. Three days na lang ang natitira bago d-day.

 

Parang ang bilis ng oras. Nung kelan lang nagrereklamo kami sa mga practices, tapos ngayong patapos na, mukhang mami-miss pa namin ang mga kasama namin dito. Or ako lang ang may mami-miss?

 

Grabe yung attachment issues ko, biglang lumalabas.

 

Mami-miss ko yung pandesal na ang dry tapos wala pang panulak. Mami-miss ko yung pagiging bossy at bida-bida ng ilan sa team namin. Mami-miss ko yung mga sermon ng choreographer na kung makaasta parang World Championships sasalihan namin.

 

Of all, si Heejin pinakamami-miss ko.

 

Now that I’ve acknowledged her, mas magtutuon ako ng pansin sa mga tao sa hallway. Malay ko, baka makasalubong ko siya minsan. Same building lang naman kami, so hindi ito malabong mangyari.

 

Hoping and praying.

 

“May manggahan sa booth ng Psyche-Soc, punta tayo,” ba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2165 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr