Daylight

This Modern Love
Please Subscribe to read the full chapter

AUTHOR'S NOTES:

Ah. Mic test. Hello? Hello! It's me dbwlasl11 (Mukha lang random letters yan pero may meaning yan mga boss.) Pero kung trip niyo lang naman, kahit Percy nalang po i-tawag niyo sa akin or kahit otor, tor, kayo na po bahala huehuehue.

Hindi naman kasi dapat ganito katagal yung interval ng pag update ko, sa kasamaang palad na corrupt yung hard drive ko and as someone na hindi nag-bback up ng files, ayun nabura lahat kaya nag rewrite pa ako pero siyempre life being life, naging busy at ngayon lang ako nagkaroon ako ng free time dahil sa saglit na bakasyon.

Natuto naman na ko so may back up na po ako mga boss.

Just to quickly address things, I think lahat naman na alam yung news. Inisip ko din kung itutuloy ko 'to or not since there was talk of other authors putting their on-going stories on hold or totally nag stop na in respect to the people involved.  Let's respect nalang po yung decision of other authors. 

As for me...

I will admit na naging fan ako through JMJ but as I learned more about them, I ended up being a full fledged MY.  I love the girls (opo lahat po, hindi lang po JMJ) with all my heart. Kaya para sa akin, kung masaya sila, edi masaya rin ako. (pero nakaka-disappoint and nakakagalit honestly na na-violate yung privacy niya and siyempre sa kawalan ng action ng agency sa pag protect sa kanilang lahat) 

Anyways, ang point ko lang naman talaga is, let's all be responsible readers here. Separate fiction from reality! Ulitin ko lang. 

FICTION po ito. (Okay technically, the story has some parts from my personal life BUT the characters here are only placeholders! They are in no way connected to the real people!)

Ayun lang naman po. Sorry po ulit at ngayon lang nakapag-update. Pasensya Godbless. 

Ay meron pa pala! Dahil nga may college life part yung story pag pasensiyahan niyo na kung outdated na yung terms. Matagal na kong graduate mga boss. So yung college experience ko lang ang basis ko dito. (Guys di naman ako super tanda ha...... nasa 20s pa din ako) 

Okay. Yun lang naman na talaga. Thank you!

- dbwlasl11 (Percy)

 

‘Di ko rin alam kung anong nangyari sa akin pero kakaiba yung pakiramdam ko nung nakaharap ko na si Karina. Stunned would be an understatement but I can’t really find the words to describe it. Hindi ko alam kung ilang segundo ako tumanganga habang nakatingin sa kanya pero thankfully naka-recover naman ako.

“Minjeong Kim, nice to meet you.” I snap myself back to reality and give back a smile. After a rather firm handshake, we both let go and turned our attention to ate girl from the admin office. 

“Bale, I’ll update you nalang, Karina, about sa status ng repairs sa unit mo. There’s a chance kasi na hindi naman siya aabot ng full month.” Pagpapaliwanag ni ate girl na talaga naman hanggang ngayon hindi ko man lang naitanong ang pangalan. 

“Sige po. Thank you.” Karina shows her appreciation with a smile. 
“O siya, kayo na bahala sa magiging set up niyo ha? Kung may kailangan kayo, puntahan niyo lang ako dito. The university recognizes that this mishap is their fault so let me know and we’ll try to work something out.” That was the last thing ate girl said before she let Karina and I go about our way. 

Pagkalabas namin ng admin office, napatingin naman ako sa phone ko para i-check ang oras. 12 minutes nalang until my next class. Muli ko hinarap ang aking bagong roommate. Humupa naman na yung ano…yung kung ano man yung naramdaman ko kanina at nagawa ko na rin mag salita ng maayos.

“May class na kasi ako in 12 minutes. Ikaw ba?” tanong ko kay Karina. 

“Uhm, vacant ko now. 1pm pa next class ko.” Tumingin siya sa relo niya saglit at binalik ang mata sa akin. “Ngayon mo na ba balak mag-move— I mean…” napatigil ako. Parang ang awkward sabihin ng move in. Parang 'di ko kaya sabihin out loud. “…mag lipat ng gamit?” paghabol ko.

 

Okay, nice save Minjeong. 

 

“Hindi pa naman. Bukas sana…if that’s okay with you?” Ang soft ng pagkakasabi niya. Honestly, with a voice like that, I don’t think I could ever say No. 

 

Focus Minjeong. Tao lang din si Karina…Sobrang ganda nga lang. 

 

Hindi na ko nag isip pa at pumayag agad. “Of course. Uh…” I trailed. Since magiging roomate ko siya so wala naman masama kung tanungin ko. “Okay lang ba makuha number mo? Para na rin madali tayo makapag-usap if something comes up.” I asked as carefully as I could. I mean it makes sense diba? If we’re gonna be rooming with each other for a month then justified naman diba? Hindi naman weird? Teka bakit ba ako nag-ooverthi—

“Yes, of course!” she takes out her phone and I do the same. Lumapit ako sa kanya at doon ko naamoy yung perfume niya. ‘Di ako marunong mag describe ng pabango pero at the very least, alam ko floral scent siya with a hint of sweet vanilla. 

She looked down on her phone while typing my number in. Nung na-save niya na, tinawagan niya ko at nag vibrate naman phone ko.

“There! You can just save mine that way.” Tumingin na siya ulit sa akin. Dahil na rin sa pag lapit ko sa kanya kanina mas nakita ko yung mukha niya ng mabuti. Hindi ko napigilan mapatingin panandalian dun sa bandang lips niya. She has this little mole at the bottom corner of her lips. Bumalik nanaman yung alon sa puso ko. Minjeong Kim, what is happening to you?

 

Dear self, kalma. 

 

For the second time today, I had to compose myself, blinking twice to adjust my eyes. “Right. Uhm.. I’ll see you tomorrow then?” Karina nods enthusiastically. “Yes. Thank you ulit ha? You’re a life saver, Minjeong. Message nalang kita later so we can talk about me moving in.”

 

“Sure and uhm, you’re welcome!” I gave a small smile and walked away. As soon as I turned away from her, that small smile stretched out as far as it could.

 

The rest of my classes went exactly as my first one and soon enough I was done for the day. Tulad nang pinag-usapan namin kanina ng mga kaibigan ko, nagkita-kita kami lahat sa paborito naming karinderya. 

 

Aling Jo’s

 

Suki na kami dito since freshmen year. Marami ang serving, student friendly ang presyo at higit sa lahat napaka-sarap. Nag-bebenta sila ng silog meals at iba’t ibang ulam pero yung speciality talaga nila ay ang sizzling sisig. Nagkaroon kami ng inside joke na baka nga may gayuma o ano man itong sizzling sisig ni Aling Jo dahil nakaka-addict ang sarap nito. Madalas puno yung pwesto nila kaya nag-offer na din sila ng pa-take out. 

 

Swerte kami today at saktong may paalis na at nakaupo agad kami.

 

“Kamusta first day niyo?” Tanong ni Wonwoo habang sinasalinan niya ng tubig yung mga baso na siya rin ang kumuha kanina. Share ko lang pero ganyan talaga si Wonwoo or Won kung tawagin namin. Maasikaso siya sa mga kaibigan niya, mapa-babae man or lalaki. 

“Puro intro lang naman. Chill mode pa.” Sagot naman ni Ryujin. “Sa true lang” dagdag ni Ningning na nakatutok sa phone niya. Tumitingin nanaman siguro ‘to sa shopee. Favorite past time niya kasi yan, mag check ng mga abubot online.

 

“Interesting…to say the least.” I answered while nodding my head mindlessly. 
“Uy. Ano yan boss Min? Anyare?” curious na pagtanong ni Won. Agad naman napatingin yung dalawa sa akin para makinig. 

 

Bumalik nanaman yung isip ko sa aking magiging temporary roommate. Actually hindi nga bumalik eh kasi buong araw naman siya nasa isip ko. I guess excited lang ako since never pa ako nagka-roommate. Si Ming dati, noong bata pa kami, nag-share kami ng room pero ‘di naman yata counted yon since kapatid ko siya. 

 

I explained the situation to them pero ‘di ko na minention yung naramdaman ko kanina. Secret nalang muna yon.

 

Hindi naman din sila nagtaka sa sequence of events dahil alam naman nila lahat yung ugali namin ni Ming. Basta may opportunity tumulong, we don’t hesitate at all. Gano’n kasi yung nakita namin sa mga magulang namin. In short, at least in our case, the apple definitely does not fall far from the tree.

 

In the middle of our conversation, dumating na yung order namin. Hindi na rin kami nagpa-pigil pa at linantakan na ang best seller ni Aling Jo. 

 

“Ano meron sa Hyacinth Hall though? Ba’t siya nag-request na maki-room nalang?” tanong ni Ningning na muntik ko na hindi maintindihan dahil ngumu-nguya pa siya habang nagsasalita. Sa totoo lang curious din ako about don. Na-mention ni ate girl from the admin office na pwede naman siya i-relocate temporarily sa ibang dorm building pero she specifically requested kung pwede maki-room nalang siya sa kahit sino sa Hyacinth Hall. 

 

“Hindi ko rin alam eh. Hindi ko pa kasi siya totally nakakausap. Nag-palitan lang kami ng number kanina tapos umalis na kaagad ako.” Pagpapaliwanag ko. I guess that’s one thing I can ask her tomorrow or maybe later. She did say na magme-message siya. Tumango lang naman si Ningning at bumalik na sa pag kain. 

 

“Anong department ba—Teka ano ulit pangalan?” tanong ni Ryujin.


“Karina, Karina Yu.” Sagot ko kay Ryujin na mukhang may inaalala. 

 

“Karina Yu…? Parang familiar.” Binaba ni Ryujin ang kubyertos at linabas ang phone niya. “Kailan niya raw balak mag lipat ng gamit?” singit ni Won habang busy pa yung isa mag halungkat ng kung ano sa phone. 

 

“Bukas daw. Hindi ko pa alam what time though. I-confirm ko nalang sa kanya mamaya.” 


“Need mo ng tulong boss? Maluwag naman sched ko bukas.” Won offers. Sabi ko nga diba? Maasikaso talaga siya sa mga tropa niya. 

 

“Thanks. Sabihan kita. Totally wala ako alam eh. Kung madami ba gamit niya or what.” 


“Sige, message mo lang ako.” Tinuloy na namin ang pag kain except ‘tong si Ryujin na sige pa rin ang pag scroll sa…IG yata ‘yon? 

 

Lumipas ang ilang minuto at biglang hinampas ni Ryujin yung table namin. “Nahanap ko na! Ito ba siya?” linapit ni Ryujin ang phone niya sa mukha ko. IG profile ito, na may handle na yu.karinaaa. Tinignan ko ito mabuti at na-confirm ko kaagad na siya nga yon. Ang aesthetic ng feed niya. Mukhang mahilig din mag travel si Karina. Mostly overseas tourist spots yung nasa feed niya then there’s a couple of local ones. I recognized one location. I’m pretty sure sa Cabongaoan beach yon. 

 

“Oo. Siya yan. Mutuals kayo?” I curiously asked. Ang small world naman kung kakilala ni Karina ang isa sa mga best friends ko.

 

Tinakpan ni Ryujin ang kanyang bibig at nanlaki ang kaniyang mga mata. “Hindi pero…Shet… Shet… HOMAYGAAA—“ Tinulak ni Ningning ng bahagya ang balikat nung isa. “Huy beh. Bakit? Ano meron? Patingin nga?” Kinuha niya yung phone ni Ryujin at tinignan. “Uy wow. In fairness, ang ganda ni ante ha. Model vibes.” 

Hindi ito pinansin ni Ryujin at tinignan lamang ako. “Minjeong… my best friend, my one and only.” Huminga siya ng malalim at tinuloy “Dare I say, my everything? My god Minjeong. Hulog ka ng langit!!” Medyo napalakas na yung boses ni Ryujin bandang huli kaya naman napatingin na ito si Won sa paligid namin at nagbigay nalang ng apologetic smile sa iba pang mga kumakain dito sa karinderya.

“Ipakilala mo ko sa kanya boss. Kahit yun na birthday at Christmas gift mo sa ‘kin! Please! Please! Please!” Hindi ko napigilan ang pag kunot ng noo ko. Hindi naman sa ayaw ko gawin ha at hindi rin naman sa gusto ko ipagdamot si Karina. Sino ba naman ako? Eh hindi ko nga kilala yung tao. Nagtaka lang ako kasi ngayon lang nag request ng ganito si Ryujin. 

 

“Pwede naman lods. Ano meron?” Ryujin clasped her hands together and smiled widely. “Ano meron? Si Karina lang naman ang sagot sa lahat ng problema ko!” She excitedly said. Nagka-tinginan kami tatlo at nagpag-tanto ko na lahat kami walang idea sa pinagsasabi ng kaibigan namin. 

“Hindi mo kilala, ‘di rin kayo mutuals sa IG. Ano yun? Nakita mo lang sa suggestions mo?” Napatigil na rin si Won sa pagkain at inabot ang phone ni Ryujin para tignan yung profile ni Karina. “Transferee yata siya eh. SJU yung lanyard niya dito oh?” he clicks on a specific photo and shows it to us. It was Karina sitting on a bench with 2 other girls. The photo was taken close enough to see the lanyards they were wearing around their necks. I checked the date stamp and it was uploaded last year. “Silver Wolf to Blue Knight, real quick.” Dagdag ni Ningning.  

 

St. James University or SJU kung tawagin ang isa sa mga kapitbahay namin na university dito sa Manila. I wonder why she transferred dito sa LCU or Lancaster Crown University. Silver Wolves yung mascot nila while Blue Knights naman yung sa amin. 

 

“Next time nalang ako mag-explain pero…ah basta! Sobrang important nito sa akin Minjeong!” Ryujin pleads again. 

 

“Ryu…kakasabi ko lang na pwede nga. Kung gusto mo ikaw nalang sumama sa akin bukas para tulungan siya mag lipat ng gamit? Para ‘di na rin ako kukuha ng permit if ever.” Sabi ko habang binaling saglit ang tingin kay Won. Hindi kasi basta basta nagpapasok ng students of the opposite gender ang mga dorm buildings dito sa campus. 

 

Tumayo si Ryujin sa kinauupuan niya at sinundan ko ito ng tingin. Nagulat nalang ako ng bigla siya pumwesto sa likod ko at yinakap ako ng mahigpit

“Thank you! Thank you! Thank you!” Inulit-ulit niya kasabay ng pag yugyog niya sa katawan ko.

Napa-ngiti nalang ako at tinapik ang mga kamay niya na nakapalupot sa akin. Hindi ko man alam kung ano plano neto ni Ryujin, sure naman ako na wala naman siya masamang intensyon. Oo curious ako pero since ayaw niya pa mag-kwento, ‘di ko naman siya pipilitin. 

After ng unplanned, free hug event ko with Ryujin, nagpatuloy na kami kumain. Hindi na din naman nagtanong yung dalawa pa about doon. She did say na she’ll tell us next time so we all silently decided to drop the topic. 

 

Pagkatapos namin kumain naghiwa-hiwalay na kami at umuwi sa kanya-kanyang dorm. Pag-tapak ko sa loob ng unit, napaisip agad ako kung paano ang magiging setup namin ni Karina. Pag pasok mo kasi, yung sala na may couch at coffee table sa harap nito ang bubungad sayo. 

 

Galing sa bahay yung couch ko dito na foldable bed talaga. Dito ako sa sala nagre-review or gumagawa ng mga pendings ko. Ibang usapan naman kapag midterms or finals week na. During those times, sa kwarto talaga ako para totally walang distractions. Siyempre, wala ng mura sa mundo ngayon kaya ayoko naman masayang yung binabayad na tuition fee ng magulang ko. Kahit pa na, nasa kumportable kami na pamumuhay, hindi naman basta pinulot yung pera na pinag-papaaral sa akin. The least I could do is put in the work, para sa future ko naman din ‘to.

 

Kapag tumingin ka naman sa kanan, makikita mo ang kitchen, dining room and yung pintuan papasok ng CR. I call it dining room pero extension lang ‘to ng sala na linagyan ko ng small round dining table sa gitna. Yung bedroom naman simple lang din. May isang single bed sa sulok at sa paanan naman nito yung drafting table ko na katabi naman ng isang folding wardrobe storage. 

I guess kung one month lang naman, pwede ko ilabas yung drafting table ko dito sa sala tapos dito nalang ako matutulog sa foldable bed slash couch ko. I-urong ko nalang itong coffee table sa gilid para magka-space. Kung papapiliin kasi ako, mas gusto ko dito sa sala, kasi andito din yung access sa terrace. Madalas ako magpa-hangin doon kapag hindi ako makatulog or to take a break from studying. 

 

Sana nga lang okay kay Karina na sa kwarto siya mag stay pero kung ayaw naman niya, okay lang din. In a way bisita ko siya so, I’ll let her choose kung saan siya comfortable.

 

All this thinking made me once again realize that I’ll be rooming with someone for the very first time. 

 

Si Karina kanina ko lang nakita pero grabe yung…yung…epekto sa akin? Or well yung impression na iniwan niya on me. Marami naman na ako naging crush before pero, I definitely didn’t feel the way I did this morning with any of them. I guess medyo matagal na rin since yung last time na nagka-crush ako so baka dahil don kaya na-overwhelm ako. 

 

Na-interrupt naman ang aking pag-iisip ng maramdaman ko mag vibrate ang aking phone. Tawag ito galing kay Ming. 

 

“Ano ang atin, kapatid?” pag bati ko sa kanya


“Hello kapatid” bati ni Ming. May narinig akong ibang boses sa background “Si Min ba ‘yan ha? Oh? HI MIN!” 


“Hi daw sabi ni Jae.” Natatawang pagsabi ng kapatid ko. Si Jaehyun yung tinutukoy niya, ka-team at kaibigan ni Ming.


“Oh? Hi din kamo.” 


“Nasa dorm ka na? Nasa labas ako, dala ko yung cake.” Oo nga pala. May pa-cake si kambal today.


“Oks. Baba ako.” Binaba ko ang tawag at lumabas ng unit. 

 

Wala pa limang minuto ay nakababa na ako sa lobby. Agad ko naman namataan ang kapatid ko at si Jaehyun na nakaupo sa benches sa harap ng dorm. Lumabas na ko at dumeretso kung nasaan sila. 

 

“Hi Min!” Masiglang bati ni Jaehyun sa akin habang naka-akbay kay Ming. 

 

“Uy Jae. Kamusta?” 

 

“Ito pogi pa rin.” He gives me smug smile which only made me shake my head. Hay. Hatdog. “Ewan ko sayo” sabay irap ang nasabi ko pabalik. Natawa rin si Ming sa kalokohan ng kaibigan niya. Inabot naman ng kapatid ko sa akin ang isang maliit na box na may ribbon pa sa ibabaw. 

 

“Ito na yung cake. Chocolate ‘yan na may strawberries sa ibabaw. Sakto lang tamis.” Parehas kami mahilig ni Ming sa strawberries at parehas din namin ayaw sa mga masyadong matatamis na pagkain. Just twin things part 2. Madalas bigyan ng mga kung anu-ano ‘tong si Mingyu ng mga fans niya pero hangga’t sa maari hindi niya talaga kinukuha. Iniiwasan niya kasi magkaroon ng issue or misunderstanding. 

 

Chismis ko na rin na, may minsan na tumanggap ‘to si Ming ng pagkain galing sa fan daw tapos na-misinterpret yung pag tanggap niya. Ayun, akala ni ate girl na may something na namamagitan sa kanila. Nag sorry naman agad si Ming kaso wala eh nasaktan si ate girl. ‘Di ko rin gets kung paano siya na misinterpret pero I guess to each their own?

 

“Kanino ba galing ‘to?” tanong ko. Mahal ko ang buhay ako. Ayoko ma-gripuhan kung sakali man na galing nga talaga ‘to sa fan ni Ming. Baka sabihin inagaw ko pa yung bigay sa kanya gano’n. 

 

“Joke lang yung kanina. Kay Ate Irene galing yan.” Paliwanag ni Ming. “Pinuntahan niya kasi si Ate Seulgi today. Nakasalubong ko sila kanina sa Blue Wave.” Dagdag pa niya. 

 

Coffee shop yung Blue Wave na binanggit ni Ming. Malapit lang yon sa campus kaya isa yon sa mga tambayan spots ng mga taga LCU. 

 

Si Ate Irene ang jowa ni Ate Seulgi na pinsan naman namin. Professor kasi dito sa LCU si Ate Seulgi, nagtuturo siya sa Film Arts department. Sobrang close kami ni kambal sa pinsan namin na yon kaya naman sobrang spoiled din kami sa jowa niya. Huling balita ko kasi magtatayo ng bakery si Ate Irene sa Makati. Last year siya nag start magplano at target nila within the first half of this year officially mag bukas. 

 

I-message ko nalang si Ate Irene mamaya para mag thank you.

 

“Nakita mo na yung roommate mo?” tanong ni Ming. “Roommate? Luh diba parehas kayo ng dorm unit ni Ming? Yung pang isang tao lang.” Singit ni Jaehyun. Si kambal naman na ang nag-explain sa kanya ng story of how I ended up getting a temporary roommate.

 

“Hindi ba parang hassle yon?” Jaehyun asks. 
“Corner unit yung akin kaya medyo maluwag sala. Kahit maglagay ng futon ‘don, hindi naman masikip.” I explained and Jaehyun nodded in response. 

 

“Anyways, nakita ko na yung future roommate ko kanina pero bukas nalang daw siya maglilipat ng gamit…” Seeing Jaehyun got me thinking. Sa pagkaka-alam ko kasi social butterfly ‘to eh. Maraming tropa galing sa iba’t ibang universities. “…baka kakilala mo Jae, Karina Yu name niya.” Pagbabaka-sakali ‘kong itinanong.

 

Napaisip saglit si Jaehyun pero kalaunan sinabi nito na wala siyang kilalang Karina. Na-disappoint ako ng slight pero nugagawen? Akala ko pa naman makakasagap na ko ng information about sa roommate ko.

 

Since yung cake lang naman talaga ang pakay ni Ming, nag-paalam na sila parehas ni Jaehyun sa akin. May team dinner daw kasi sila tonight para i-welcome ang new assistant coach ng basketball team.

 

“See you kapatid!” Ming extends his fist with a grin and I do the same, bumping mine with his.  
“Bye Min!” Jaehyun waves goodbye
“Ingat kayo!” I wave back

 

Bumalik ako sa unit at inilagay yung pa-cake ni Ate Irene sa ref. Masyado ako nagpaka-busog don sa sisig kanina at nawalan na ko ng space for dessert. Dumeretso ako sa kwarto and plopped myself on my bed. Today was a pretty interesting first day. I feel like indication ‘to ng magiging experience ko for the whole year. I don’t mind it though. Last year, masaya naman pero siyempre may stressful moments din since it was my first year as a college student. Sure, I met a lot of new people, learned a lot pero it was a pretty ordinary year. Here’s to hoping this year makes a difference. 

 

I pulled out my phone and sent a thank you message to Ate Irene. Sa pag-send ko nito, naalala ko na dapat makausap ko si Karina about sa pag move in niya dito sa unit bukas. Ang tagal ko nag isip ng opening line. Ewan ko ba kung bakit pati ‘to ino-overthink ko pa eh itatanong ko lang naman kung what time siya maglilipat ng gamit. After several rewrites and swipes through different emojis bigla nalang ako nakatanggap ng notification. 

Speaking of the dev— ay hindi, angel siya. 

 

Karina Yu: Hi Minjeong! 👋

 

‘Di ko naman napigilan at napangiti ako agad upon reading her message. 

 

Me: Hi Roomie! 👋 


Karina Yu: Roomie! 😊 Again, thank you sooo much!! 🤗


Me: hehe no problem. Sooo about tomorrow..? 


Karina Yu: Right! What time ka free? I’ll adjust nalang, it’s the least I can do huhu

 

Cute naman niya.

 

Me: Uhm 1:00 pa start ng classes ko tom so maybe morning tayo magkita? Is that okay?

Karina Yu: More than okay! I don’t have much to bring in naman. Just a small suitcase then a couple of books. Is 10AM too early?

Me: 10AM it is then 😁


Karina Yu: Got it! Thank you talaga Minjeong huhu I know I keep repeating myself but I’m just super grateful 🥺


Me: No worries plus I haven’t had a roommate before so it’d be nice to experience it, even if it’s just for a month. 


Karina Yu: Noted! I promise to give you the best roommate experience ever 😉

 

Hala siya! Lord yung anak niyo oh?! Anong best roommate experience pinagsasabi neto ha?<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rintor
#1
This is so well written 😖, can’t wait sa further updates🫶🏻🫡
kwinminjeong
#2
Chapter 3: sobrang bait ni minjeong shet i love it, pero ang eksena hui yeji si ryujin yan 'no,, kyime natuwa kz si ryujin nung nalaman na si karina yung rumeyt ni boss mj eh 🤠
kang_ddeul
#3
Chapter 2: ang cute nila huhu 💗