Cherry

This Modern Love
Please Subscribe to read the full chapter

AUTHOR'S NOTES:

Short update lang po muna hehe Also, yung mga title ng mga chapters are songs.

1st Chapter's song is Magnetic Fields' It's Only Time

2nd Chapter's song is Harry Style's Daylight

This chapter's song is Damons Year's Cherry (Ganda din ng ibang songs niya. Search niyo nalang hehe) 

ALSO! MAG COMEBACK NA PO ANG AESPA! FULL ALBUM MGA BOSS!!! LET'S GOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!

Ayun lang po. Thank you for reading :) - dbwlasl11 (Percy)

Wonwoo

Sobrang nakakahiya talaga. Nakakahiya, nakakahiya, nakakahiya!!!!!

 

Umalis agad ako ng café pagkatapos ng awkward na pagpapakilala sa akin ni Minjeong kay Karina, yung bago niyang roommate. Hay. Ano nga ba ang nangyari? Ganito kasi ‘yan. 

 

Si Anna kasi yung napansin nila Ningning na text ng text sa akin kahapon. Buong summer lang naman ako kinukulit nito ni Anna dahil nalaman niya na kaibigan ko si Mingyu at gusto niya na ipakilala ko siya dito. Kaya noong palabas ako ng campus at namataan ko si Anna sa kabilang side ng tawiran, tumakbo agad ako. Sinabi ko naman na sa kanya before na madalas busy si Mingyu sa training at minsan ko lang siya makausap pero ayaw magpa-pigil ni ate niyong si Anna.

 

Childhood friends ko si Mingyu at ang kambal niyang si Minjeong. Masasabi ko naman na close kaming tatlo pero over the years, 'di naman mapagkakaila na mas naging ka-close ko si Minjeong. Wala naman particular na nangyari, sadyang naging focus lang talaga ni Mingyu ang basketball. 

 

I don’t hold it against him at all, in fact I’m very proud of him. 

 

Naging kaklase ko si Anna sa isang subject last semester at same kami ng course which is Game Development. From our interactions, madali naman pakisamahan si Anna. Nagsimula lang itong agenda niya kay Mingyu towards the end of the semester. Ang sabi niya lang noong una, gusto niya mag thank you personally sa kanya pero since mahirap mahagilap si Mingyu sa campus naisipan niya magpa-tulong sa akin. Bakit gusto niya mag-thank you, 'di ko rin knows.

 

'Di ko maalala kung ako ba mismo ang nag mention na friend ko si Mingyu or may ibang nagsabi sa kanya, basta it is what it is. 

 

Hay. ANYWAYS

 

Wala naman talaga ako plano kung saan pupunta at tumakbo lang ako ng wala sa isip. I ended up going inside Blue Wave at doon ko nakita si Boss Min. 

 

The rest is history ika nga nila. 

 

Gusto ko sana bumalik sa Blue Wave para mag order ng pagkain pero 'di kaya ng kahihiyaan ko so pumunta nalang ako kay Aling Jo’s. Buti nalang wala pa masyadong tao, naka-order agad ako at nakahanap ng upuan. Bago ako manahimik at kumain, linabas ko yung phone ko at nag message sa GC namin. 

 

Me: @bhoxzs MJ sorry ulit huhu 😭


Ningning na walang ⭐: Hoy! Ano ginawa mo sa abunjing ko?!


Me: Nasa Blue Wave kasi siya tas di ko napansin kasama niya pala yung new roommate niya. Naistorbo ko saglit huhu


Ningning na walang ⭐: May ka-date ang abunjing ko?!?! HELLO?? @bhoxzs MJ


Ningning na walang ⭐: Ang usapan tulong lang sa pag lipat ng gamit, aber bakit nasa Blue Wave na????


Ningning na walang ⭐: HOY WAG PURO BASA REPLY REPLY DIN @bhoxzs MJ


Ningning na walang ⭐: I DESERVE AN EXPLANATION. I NEED AN ACCEPTABLE REASON DAHIL TRINABAHO KO YON. PINAGHIRAPAN KO YON. I INVESTED MY TIME AND MY EFFORT.

 

Matatawa ka nalang talaga kay Ning eh. Kung ano ano nanaman ang pinagsasabi. 'Di ko rin alam saan at kailan nag simula itong abunjing agenda ni Ningning kay Minjeong. Hinahayaan lang siya ni Minjeong na tratuhin siyang parang baby na walang kaalam alam sa mundo. I would say sa aming tatlo nila Ryujin, si Ningning yung pinaka-protective kay Minjeong. 


Malaman niya lang na may umaaway or 'di kaya may nagsasabi ng hindi maganda tungkol kay Minjeong, rest assured nasa gedli na si Ningning, naghahanda makipag-patayan. To be clear, our little friendship group is always ready to stand up for each other pero medyo iba si Ningning pag dating kay Minjeong. I can’t explain it basta ramdam ko na may something. I never brought it up with any of them at naging observer nalang over the years.


Tinago ko na yung phone ko dahil naramdaman ko na yung gutom ko. Susubo palang sana ako nang may dumating na message at siyempre galing pa nga sa tinataguan ko kanina.

 

Anna: ba’t natakbo ka kanina??? 


Me: ?


Anna: tangkad tangkad mo eh kitang kita ka kanina sa Blue Wave, ‘di nalang ako lumapit


Me: ?


Anna: sige isa pang question mark 


Me: ?


Anna: parang ewan ‘to, mag hi lang naman talaga ako kanina bigla ka nalang tumakbo


Me: eh malay ko ba akala ko kasi kulitin mo nanaman ako about kay ming


Anna: chaka mo ‘di ko na need help mo beh


Me: ay wow ok edi happy 4 u siguro


Anna: hehe kaklase ko kasi siya sa isang subject hehehehe


Me: luh last check ko ka-course kita, nu ginagawa mo sa marketing?


Anna: late ako nag register diba? sa marketing yung theo ko! sakto sa block ni mingyu yung nakuha ko 


Me: wow tadhana yarn?


Anna: sana nga hehe

 

Tinago ko na ulit yung phone ko at kumain na. Buti naman ‘di na ko guguluhin ni Anna. Not gonna lie, akala ko noong una kaya biglang nagbago yung pag-approach niya kasi may gusto siya sa akin pero buti nalang kay Mingyu pala. Ok alam ko ang off pakinggan pero hindi naman kasi yun yung first time na linapitan ako ng gano'n. Friendly naman ako kaso pag nalaman ko na na nagkakagusto na sa akin, mas mabilis pa ako sa alas quatro maging awkward. 


Wala kasi sa isip ko yung mga gano'n? Kahit crush nga, 'di ko pa na-experience. Buong buhay ko ang focus ko lang video games, family and friends (kaya nga Game Dev kinuha ko). Yung tatlong lang na yan, masaya na ko so talagang wala sa isip ko ang pumasok sa relationship or anything related sa gano'n. 


Siguro sa iba weird yon kasi nga 17 na ako and normally at this age, nag-eexplore ang mga tao, going on dates and all that but I guess for now wala talaga siya sa priority ko. 


Anyways, after ko kumain nag decide na ako bumalik ng dorm kasi mamayang 3PM pa ulit yung class ko. Ang pangit ng sched ko tuwing Tuesdays. 2 lang yung class ko pero ang haba ng break in between. 


Nakadating naman ako kaagad sa dorm building ko. May nakasabay akong dalawang students sa loob ng elevator and I couldn’t help but hear their conversation. 


“So ano balak mo bro?” 


“Ewan. I don’t even want to think about it.” 


“Anong don’t want to? Eh nandiyan na. Sabog ka ba?” 


“Bahala na si Batman.” 


“'Yan ka nanaman.”

 

Naunang bumaba yung dalawang kasabay ko. I watched the elevator doors close and waited for it to reach my floor. As I was walking towards my unit, I couldn’t help but feel like I’ve seen one of the 2 students kanina but I couldn’t quite remember where. Sure ako ‘di ko siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rintor
#1
This is so well written 😖, can’t wait sa further updates🫶🏻🫡
kwinminjeong
#2
Chapter 3: sobrang bait ni minjeong shet i love it, pero ang eksena hui yeji si ryujin yan 'no,, kyime natuwa kz si ryujin nung nalaman na si karina yung rumeyt ni boss mj eh 🤠
kang_ddeul
#3
Chapter 2: ang cute nila huhu 💗